You are on page 1of 5

HOLY SPIRIT ACADEMY OF LAOAG

Bonifacio St, brgy. 15, San Guillermo, laoag city, 2900

KONSEPTONG PAPEL

“Impluwensiya ng social media sa pag-uunlad ng bokabularyo ng mga mag-aaral sa Holy spirit


academy of laoag”

Inihanda nila:

Allyssa bernadette E. Bernardez

Jhill andrew Ramones

Nathalie kealani Guillermo

Venice erlora A. Aguinaldo

Zarina maurice A. Cristobal

11- Obedience

Ipinasa kay:

Bb. Dhalhee P. Castillo

(Guro)

S.Y 2022-2023
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I Rasyonal

Kabanata II Layunin

Kabanata III Metodolohiya

Kabanata IV Inaasahang Bunga

Kabatana V Contact Information

Kabanata VI Bibliographi
KABANATA I RASYONAL

Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay


ng mga mag-aaral. Pinagtitibay lang nito at ine-ensayo ang ating pakikipag-ugnay sa isat-isa.
Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng
impormasyon. Ang bokabularyo ay nakikita rin bilang mga salitang ginagamit ng isang tao, iyon ay,
sila ang mga may alam at ginagamit nila sa pang-araw-araw na sitwasyon. Ang pagkakaroon
ng malawak na kaalaman sa mga salita ay itinuturing na isang napakahalagang kasangkapan para sa
paggamit ng kaukulang diyalekto, kung saan posible na magkaroon ng isang tamang pagpapahayag.

Ang paggamit ng social media ay isang mabuting bagay, subalit gaya ng kasabihan,“Ang
lahat ng sobra ay masama.” Ang social media ay may kaakibat na responsable at maingat na paggamit
upang hindi mapinsala at huwag makapinsala. Maraming benipisyo na binibigay ang social media, isa
na rito ay ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa Wika. Hindi lamang ginagamit ang social media
sa pag post ng mga larawan at videos. Pwede rin itong gamiting plataporma para sa edukasyon at
adbokasiya. Dahil sa social media, may plataporma na ang mga tao para ipamahagi ang kanilang
kaalaman tungkol sa wika. At dahil sa pagkatuto natin ng mga ibang wika gaya ng tagalog at ingles,
sa pamamagitan ng impluwensiya ng social media, mapapaunlad nito ang ating bokabularyo at mas
lumalawak at ating kaalaman tungkol sa paksang ating binabasa at tinatalakay. upang mas
maintindihan ng mabuti ang tekstong binabasa, mahalaga din ito na malinang upang mas maayos na
maipahayag ang nalalaman, saloobin at nararamdaman. Nakakatulong din ito upang mapaunlad ng
isang indibidwal ang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon. At maari nilang ilahad o gamitin sa
pakikipag-komunikasyon ang bagay na nasa bokabularyo nila upang mas maging epektibo ang
kanilang pakikipagtalastasan.

Bilang kongklusyon, mamasabi natin na ang social media ay isang interactive na kung
saan ang isang individwal ay maaring magbahagi ng kanyang nalalaman. Maraming mag-aaral
ang natutulongan ng social media hindi lamang nito pinapatibay ang ating pakikipag
komunuikasyon sa isat-isa ay may mga matututunang kaalaman din na mapupulot na maaring
makapagpapa-unlad sa kinabukasan ng tao at mga magaaral. Kaya’t mahalagang tandaan na ang
anuman ang bagay na ating ihaligi sa social media o sa internet ay naisasapubliko. Nararapat
lamang na maging maingat sa bagay at maging maalam at hindi dapat agad pinaniniwalaan ang
mga, nababasa, napapanood at mga nasasagap na impormasyon. Sapagkat, hindi lahat na makikita
sa internet ay maari nating paniwalaan o isabuhay.
KABANATA II LAYUNIN

Layunin ng pananalisik na ito ay makatulong sa mga magaaral sa Holy spirit


academy of laoag upang ipabatid at tukoyin ang epekto at impluwensiya ng pag-gamit social
media ukol sa pagunlad ng bokabularyo. Layunin din nito ang magbigay dagdag
impormasyon na kung saan inilalahad nito ang wastong paraan at paano gamitin ng mas
mainam ang techonohiya at ang social media sa pagpapalawak ng bokabularyo.

1. Makatutulong ito upang mas lalong maintindihan ang kabuluhan ng social media sa
kanilang pagkatuto at sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman ukol sa kanilang
bokabularyo at wika.

2. Ang pananaliksik din na ito ay nakakapagbigay kaalaman kung paano nagdudulot ng


positibo at negatibong impluwensiya ang social media platform sa pag-aaral ng wika
at paguunlad ng bokabularyo.

3. Makatutulong ang pananalisik na ito sapagkat makapagbibgay importansiya sa


paggamit ng social media at kung paano mas maging epekibo ang paggamit nito at
kung ano ang kahalagahan ng wika at benebisyo

You might also like