You are on page 1of 12

Benino “Ninoy” Aquino High School

Integrated Senior High School


Aguho St. Comembo Makati City

PersepsyonSa Konsepto ng Loveteam sa Mundo ng Vlogging ng Mag-aaral sa


Grade 11 Benigno “Ninoy” Aquino High School Senior High School

T.P. 2019-2020

MgaMananaliksik:
Ahr-JhoDeguzman
Daniel Racca
JeffordTrajano
JercyDeasis
LeevincentAbesamis
Rosemarie Anne Quintong
Rustin Vanna G. Remillo
Shekinah Parreno
Kabanata 1

Suliranin at Ang Sanligan nito

Panimula

Ang video blog o video log ay isang uring blog na ginagamit ang video bilang

medium. Isang New York artist nanangngangalang Nelson Sullivan ang nakilala o

naging tanyag sa pagkuhang bidyo sa kapaligiran ng New york City at South Carolina,

sa istilo ng pagvlo-vlog noong 1980’s. Hindi lamangsi Nelson Suvillan ang nakilala sa

larangan na ito, dahil makalipas lamang ang dalawam pungtaon ay sumikat ang isang

lalaki nasi Adam kontras na sinundan din naman ni Adrian Miles makalipas lamang ang

ilang buwan. Makalipas ang dalawang taon isang hamak na filmmaker and musician na

si Luuk Bouwman ang nag vlog ng kaniyang pagbisita sa iba’t ibang bansa noong taong

2002. Nagsimulang maging tanyag ang pagvlo-vlog noong taong 2005, dahil noong

taon din naiyon ay sumikat ang youtube.

Ang Youtube ay isang sikat na website na ginagamitan ng midya. Ang YouTube

ay nagbabahagi nang iba’t ibang klaseng mga bidyo at nagbibigay –daan para sa

maraming mga manggagamit o user nito. Ginagamit ang YouTube upang makita, mag-

upload, at ibahagi ang mga bidyo.Ang mga bidyo na ito ay maaaring husgahan ng like o

dislike; ang daming husga at manonood ay parehong nakikita o nakalathala sa

mismong website. Maaring mag-bigay ng komento ang mga manonood ng mga bidyo.

Sinimulan ng dating mga empleyadong PayPal na sina Steve Chen, Chad Hurkey at

Jawaed karim ang pagtatagng YouTube. Noong 2006, binili ng google at naging sangay

ng kanilang kompanya.
Ang vlog ay itinuturing telebisyon sa web o internet. Maraming pwedeng gawing

konsepto sa vlog nakalilibangan ng mga tagapanood, at sa panahon ngayon ay

maraming sikat na artista ang gumagawa nito, na siyang nagpapahayag ng kanilang

sariling saloobin o kaya naman ay ipinapakita nila ang mga gawain nila sa araw-araw.

Ang mga tao na gumagawa ng ganitong uring bidyo ay tinatawag na”vlogger” o kung sa

mas pormal ay tinatawag na mga “influencers”. Bagamat sa ibang bansa ito umusbong

ay mayroon din naman na mga Pilipino na naging sikat sa larangan ito. Ang nakilalang

nagsimula ng industriya ng pagvlo-vlog sa Pilipinas ay sina Wil Dasovich at Judy Travis,

ngunit sa mag kaibang paraan nakilala ang dalawang influncers dahil si WilDasovich ay

nakilalasa travel vlog at si Judy Travis naman ay sa mga Make-up vlog.

(https://joby.com/be-en/ambassadors/wil-dasovich/) Marami din na mga Pilipino ang

sumikat sa larangan ito at ilan sa mga ito ay sina Lloyd Café Cadena (LC Cadena),

Michelle Dy, Andree Bonifacio (AC), Pamela Swing at si Lincoln Velasquez o mas

kilalabilangCongTv.

Sa kabilang banda sumikat din ang pagkakaroon ng YouTube Tsanel na mag

karelasyon o tinatawag na loveteam sa youtube ang halimbawa nito ay sina Jamich na

binubuo ni Jam Sebastian at ang kanyang kasintahan nasi Mich Linggayu na sumikat

noong taong 2015 at tumigil ang kanilang kasikatan nung nagkaroon ng sakit ang lalaki

na Lung cancer at tuluyang namatay sa petsa March 4 2015. Ngunit lumabas pa ang

madaming love team katulad ng Jamill, Jaiga, at SjandRwen ang nagiging paraan ng

mga loveteam sa kanilang bidyo upang ito ay tangkilikin at panoodin ay ang kanilang

pag prank sa isa’t isa at minsan naman ay ginagawa nila ang travel vlog ngunit ang
nasabing loveteam ay gumagamit ng hindi kaaya-ayang salita tulad ng pagmumura na

mabilis na kukuha at ginagayang kanilang mga manonood.


Suliranin ng Pag-aaral

Kasabay ng pagbilis ng daming mga nagiging youtuber dumadami din ang mga

vlogger na couple o kasalukuyan nating tinatawag na loveteam, kaya laking pansin din

ang pagdaming iba’t ibang content ng video sa youtube. Katulad ng mga prank at

challenge na syang pumukaw sa mga manonood, na parang may mga salitang di na

kaaya aya sa mga pandinig na minsan ay nakakatuwa pero minsan ay din na pala dahil

yung sa lahat marami ang manonood mapabata man o mapatanda. Ang pag-aaral ng

pananaliksik na ito ay naglalayong tumatalakay sa persepsyon at konsepto ng loveteam

sa mundong youtube vlogging at nag lalayong magbigay impormasyon, kaliwanagan

hinggil sa mag aaral ng Grade 11 sa BNAHS SHS S.Y 2019-2020. Ang pananaliksik na

ito ay nagnanais na sumagot sa mga sumusunod na katanungan:

1.Ano-ano ang persepsyon ng mga Grade 11 Benigno “Ninoy” Aquino Integrated Senior

High School sa pagkakaroon ng loveteam sa mundongvlog?

2.Ano ang nakukuha ng loveteam sa kanilang pag vlogging?

3.Gaano kalaki ang pinagbago ng industriya ng vlogging sa impluwensya ng loveteam

sa mundo ng vlogging?
Konseptual na Balangkas

Ang daloy ng pag-aaral tungkol sa persepyon sa konsepto ng loveteam sa

mundo ng vlogging ng mag-aaral sa ika-11 na baitang sa Benigno “Ninoy” Aquino

Senior High School T.P 2019-2020

Estudyante

Persepyon sa konsepto
ng loveteam sa mundo ng
vlogging

Nakukuha ng loveteam sa Pinagbago ng industriya


kanilang pag vlogging ng vlogging sa
impluwensya ng
loveteam
II. Mga Kaugnay na Literatura at Pananaliksik

Ano ang YouTube

Ayon sa Wikipedia, ang YouTube ay isang website na nagbabahagi ng mga

bidyo at nagbibigay-daan para sa mga tagagagamit o user nito na mag-upload, makita,

at ibahagi ang mga bidyo clip. Ang mga bidyo na ito ay maaaring husgahan; ang dami

ng husga at ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Maaari ring mag-iwan ng

komento ang mga manonood sa karamihan ng video. Ito ay itinatag noong ika-14 ng

Pebrero ng 2005.

Ayon sa about page ng YouTube, ang misyon nila ay bigyan ang lahat ng boses

at ipakita ito lahat sa mundo. Dagdag, “Naniniwala kami na ang lahat ay may

karapatang gamitin ang kanilang boses, at magiging mas maganda ang mundo kung

tayo ay makikinig, magbabahagi, at gagawa ng komunidad sa pamamagitan ng ating

mga kwento.”

Lokal

Impluwensya ng YouTube sa Wika at Kultura ng mga Mag-aaral ng Senior High


School ng Universidad de Manila

(R. Palafox, L T. Lexter, et. Al, 2018) Hindi naapektuhan nang malaki ng YouTube ang

kabataan sa kanilang kultura at wika. Sa mga maliliit lamang na paraan, tulad ng pagiging mas

maalam sa ibang wika at kagustuhang bigyan sila ng pagkakataong magbahagi sila ng kanilang

parte ng buhay sa pamamagitan ng vlog.


VLOG(G)ING SINO KA MAN: On Vlogs and Created Filipino Identities

(D A. Fuerte, 2017) In conclusion, pakikipagkapwa was successfully presented as a

dominant ideology that simply defines how a Filipino should be. The ‗Filipino as Kapwa‘ is an

identity that was presented as a stereotype justified by a system wherein individuals perceive,

understand, and explain an existing situation or arrangement with the result of the situation

being maintainted (Jost & Banaji, 1994). The vloggers play a vital role in the creation of this

perception, and the proliferation of the stereotypes, although unknowingly or unintentionally,

because of the signs and symbols they present in their content.

The Good and the Bad: AlDub in Film

(R. Bolisay, 2016) Being a fan of Marvin Agustin and Jolina Magdangal in the 90s—

arguably the most iconic love team of that era—meant clipping articles and pictures of them

from magazines and songbooks, watching their every movie and TV appearance, buying almost

every item they endorsed, and finding people with whom one could articulate the joys and jitters

that seeing them together brings, without the feeling of being judged. Conversations with these

people were often punctuated by extreme displays of emotion over the most trifling of

recollected incidents. There was also the unwritten rule of fighting those who dared speak

against them, those who spread malicious gossips to taint their reputation, and sometimes even

those who preferred other love teams. But that being the 90s, all the aggression happened

mostly in person and in tabloids.


Internasyonal

Exploring the Gender Divide on YouTube: An Analysis of the Creation and

Reception of Vlogs

(H. Molyneaux, S. O’Donnell, et. Al, ) Our content and audience analysis both suggest

that there is a gendered imbalance in both the creation and reception of vlogs; however, this

does not mean that female vloggers are not as technically apt as male vloggers, or that female

viewers of vlogs feel less like a part of an online community. Our findings indicate that women

vloggers, while posting less frequently than men, are more likely to communicate with the

vlogging community. The content analysis of YouTube vlogs and responses to vlogs indicates

that the female vloggers in our content analysis are not posting videos at the same rate as men;

however, female vloggers are displaying similar levels of technical skill when they do post

videos. And although fewer female vloggers posted videos in our sample, they were more likely

to interact with other vloggers. In our random sample women vloggers were more likely to ask

questions and respond to the questions and posts of other vloggers in their own videos. Our

findings also demonstrate that the women in our study were less likely to report uploading their

own videos, comment on videos, and even watching YouTube videos. However, the women in

our audience study still feel as much of a part of the YouTube community as their male peers.

Fandom, the Filipino diaspora, and media convergence in the Philippine

context

(S C. Ganzon, 2019) Many studies on fandoms mostly have been focused on

local communities. The existence of a fandom such as AlDub Nation begs for a

translocal analysis of transnational fandoms, particularly as the case of AlDub indicates

the importance of diaspora communities within fandoms. Future studies can look more
into the various texts and rhetorics that tie these communities together and the various

ways in which they use technology to organize and express belonging.


III. Mga Pamamaraan ng Pag-aaral at Pagkuha ng Datos

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong uri ng pananaliksik na karaniwang

ginagamit sa mga pananaliksik na ukol sa mga pagbabago at pag-aaral ng wika at

kultura.

Lugar ng Pag-aaral

Isasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa Benigno “Ninoy” Aquino High

School

Pinili ng mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral sa mga mag-aaral ng

Senior High School (SHS) dahil sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral ng kagawaran na

ito.
Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pumili ng dalawampu’tlimang (25) kalahok sa pag-

aaral sa iba’t ibang strand ng Senior High School. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay

sampung (10) mag-aaral ng STEM, lima (10) mula sa ICT at lima (5) mula sa

Electronics.

Purposivesampling ang isasagawang pamamaraan ng pagpili sa mga magiging

kalahok ng pag-aaral nang sa gayon ay masiguro ng mga mananaliksik ang

pakikibahagi ng mga kalahok. Ito rin ay para matiyak na ang mga kalahok ay may

kaalaman sa YouTube at kilala ang mga Loveteam sa Mundo ng vlogging.

Mga Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng isang talatanungan para sa lahat ng mga

kalahok na may pare-parehas na tanong patungkol sa Persepyon nila sa konsepto ng

loveteam sa mundo ng vlogging.

Triment ng Datos

You might also like