You are on page 1of 49

KABANATA VII : Mga Tanyag Na Panitikang Pinoy

MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng
leksiyong ito, ang
mga mag-aaral ay
inaasahang:

Natutukoy ang kaibahan at pagkakatulad ng mga panitikang pinoy


sa pamamagitan ng paggawa ng Venn Diagram.
Nakagagawa ng malikhaing bidyu na nagpapakita ng paggamit sa

iba’t ibang panitikang pinoy tulad ng Pick-Up Lines at Hugot


Lines.

Napahahalagahan ang paggamit ng mga trending apps sa


kasalukuyan sa pamamagitan ng paggawa ng poster o infographics.
PAGBABAGO SA WIKA
Kinakailangan ng masusing diyakronikong pagsusuri
upang maisalarawan ang mga pagbabago sa wika. Sa
pamamagitan ng pagsusuri sa korpus sa mga isyu ng
Liwayway Magazine na inilimbag noong mga taong
1923,1951,1969,1995, at 2013, ipinapakita ng pag-aaral na
ito ang ilang mga indikasyon ng pagbabago sa Filipino
katulad ng sa Ortograpiya at pagbaybay, at aspektong
leksikal at estruktural ng wika. Simula 1923 hanggang
kasalukuyan, masasabing maraming nadagdag at nawalang
mga salita, hindi lamang sa pangngalan at pandiwa kundi
pati na rin sa mga pangatnig at ilang kataga.
Gamit ang mga software na AntConc at Voyant Tools,
naisasalarawan ang mga padron ng pagbabagong pinagdaraanan ng
mga salita at porma sa Filipino. Ang mga pagbabagong ipinapakita
sa pag-aaral na ito ay masasabing dulot ng natural na prosesong
pinagdaraanan ng anumang wika (kagaya ng pagbabago ng tunog), o
dala ng interaksyon ng Filipino sa ibang wika, partikular na sa
wikang Ingles. Bagama’t ilang dekada lamang ang pinagtuunan ng
pansin sa pananaliksik, hindi maitatatwang mabilis ang
pagbabagong pinagdaraanan ng wika lalo na sa kasalukuyan. Ang
noo’y itinuturing na “balbal” na istilo ay maaaring maging istandard
sa paglipas ng panahon. Masasabing sa kabila ng pagtatakda ng mga
panukala at alituntunin patungkol sa istandardisasyon ng Filipino ,
hindi mapipigilan ang pagbabago sapagkat bahagi ito ng buhay ng
anumang wika.
Paano nagbabago ang wika?

Ang wika ay sadyang malikhain. Ito ay ang pangunahing


instrument ng komunikasyon na ginagamit ng tao. Pero, sa
paglipas ng panahon, ang wika ay nagbabago dahil sa iba’t ibang
dahilan. Ilan lamang sa mga dahilan na ito ay ang pagbabago sa
teknolohiya. Dahil dito, maraming makabagong salita ang
nakikita kung saan nahuhumaling ang mga tao. Bukod dito, ang
wika ay nagbabago dahil ang mga pangangailangan ng kanyang
tagapagsalita ang nagbabago din. Ang mga bagong produkto na
dulot ng bagong teknolohiya at bagong mga karanasan ay
nangangailangan ng mas klarong salita para ito ay mabigyang
kahulugan sa mas mahusay na paraan.
Halimbawa: Ang salitang “texting” ay tinawag dati na “messaging”
dahil nabibigyan nito ng paraan ang mga tao na magpadala sa isa’t isa
ng text. Nang sumikat na ang messaging, mas ginamit na ng mga tao
ang pinaikling pangalan nito na “text”. Kaya naman, sinasabi na
lamang ng mga tao na “text kita mamaya” at hindi na “message kita
mamaya”.
Kadalasan, ang wika ay nagbabago dahil sa mga kabataan at mga
“young adult”. Habang nagkakaroon ng komunikasyon ang mga
kabataan, ang wika ay napapalawak at ginagamit sa iba’t ibang paraan
sa nakasanayan ng mga matatanda. Isang halimbawa nito ay ang
salitang “tigas” sa paglipas ng panahon, ang tigas ay binaliktad ng
mga kabataan at naging “astig”. Dahil dito, nagkaroon ng bagong
salita na may bagong kahulugan.
PICK UP
LINES
May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung
saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at
iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang
nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa
dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapanglalarawan sa
pick-up lines, masasabing ito’y nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute,
cheesy, at masasabi ring corny. Madalas itong marinig sa usapan ng mga
kabataang magkakaibigan o nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga facebook
wall, sa twitter, at sa iba pang social media network. Ang wikang ginagamit sa
mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at nga barayti nito subalit nagagamit
din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
Mga Halimbawa ng Pick-up Lines
Pindutin ang link na nasa ibaba para sa karagdagang halimbawa ng Pick-up Lines

https://www.youtube.com/w
atch?v=JBcidGqs-Qk
HUGOT LINES
Ang hugot lines na tinatawag ding love lines o love quotes ay isa
pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag
sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o
minsa’y nakaiinis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan
sa pelikila o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga
manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot
lines” ang mga tao depende sa damdamin o karanasang
pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito’y nakasulat
sa Filipino subalit madalas, Taglish, o pinaghalong Tagalog at Ingles
ang gamit na salita sa mga ito.
Halimbawa ng Hugot Lines

“Wala naman pala yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na niya mahal,
hindi kana niya mahal.”
- Angelica Panganiban bilang Mace, That Thing Called Tadhana
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala
mo lang ang lahat… and you chose to break my heart.”
- John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007)
Halimbawa ng Hugot Lines
Halimbawa ng Hugot Lines
Halimbawa ng Hugot Lines
Halimbawa ng Hugot Lines
https://www.youtube.com/watch?v=TmOf-jg_KsE

https://www.youtube.com/watch?

v=jGTEeGavmck

Mga Trending Apps


sa Social Media
Anong App ito?
Para saan ang Tiktok?
Gumagamit ka ba ng mga apps
na ito? Bakit?
Mga Trending Apps sa Social Media

FACEBOOK
Ang Facebook ay isang social networking website at serbisyo kung
saan ang mga gumagamit ay maaaring mag-post ng mga komento,
magbahagi ng mga larawan at mga link sa mga balita o iba pang
kagiliw-giliw na nilalaman sa Web, maglaro, live na chat, at stream live
na video.

Nagsimula ang Facebook noong Pebrero ng 2004 bilang isang social


network na nakabase sa paaralan sa Harvard University. Ito ay nilikha
ni Mark Zuckerberg kasama ni Edward Saverin, parehong estudyante sa
kolehiyo.
From Facebook to Meta
Pormal nang inanunsiyo ng Facebook Inc. ang pagbabago nila ng
pangalan para maging isang metaverse company. Sa Metaverse, hindi na
lang daw basta social networking ang puwedeng gawin. Posible na rin diyan
ang virtual reality kung saan puwede kayong mag-interact na parang nasa
physical world.

Ginawa ng Facebook ang rebranding sa gitna ng mga kinahaharap


nilang akusasyon sa pagpapakalat ng disinformation at hate.
* GMA NEWS*

Ang Facebook ang isa sa mundo dahil sa kinikita niya mula rito.
nagungunang social networking site Sa pamamagitan ng facebook, nakapaglalahad ang
base sa bilang ng gumagamit nito. Sa gumagamit ng kanilang mga opinyon, karanasan,
aral, mungkahi at mga imahe o larawan. Naging
katunayan, ang may-ari at gumawa ng paraaan din ito upang ang matagal nating di
Facebook na si Mark Zuckerberg ay nakakadaupang palad ay nagawa nating kausapin
isa sa mga pinakamayaman sa buong kahit na nasa malayong lugar. Maraming mga
pangyayari na may mga taong nawawala na nakita Sa medaling salita, ang facebook ay mahalaga sa
muli. Naging paraan din ang facebook upang ating lipunan at ito ay nakapagpabago ng malaki sa
pagkakitaan ng marami sapagkat dito ay naipapakita takbo ng ating buhay.
nila ang kanilang produkto.

Ang TikTok ay nagmula sa China, na pag-aari ng isang kumpanya ng Tsino


na tinawag na Bytedance (itinuturing na isa sa mga pinakamatagumpay na mga
startup sa mundo. Una itong naging tanyag sa pangalang Musical.ly bago sila
gumawa ng muling pagtatalaga. Iyon ang dahilan kung bakit ang ilang mga tao
ay nalilito pa rin sa dalawa.
Sa madaling sabi, ang TikTok ay tungkol sa paglikha ng maikling mga
videos na tunog ng musika (kahit ano mula sa mga kanta mula sa mga tanyag na
artista hanggang sa maliit na mga clip mula sa mga pelikula at palabas sa TV).
Ito ay isang masaya at malikhaing app na nagpapahintulot sa iyo na gawin
ang iyong sariling mga sketch na nakatakda sa tunog ng mga kagat, musika, at
iba't ibang mga epekto.
Bukod sa kamangha-manghang kwento ng background, ang TikTok ay
mayroon ding ilang mga kagiliw-giliw na demograpiko. Ayon sa mga
istatistika, ang karamihan ng mga gumagamit ay babae. Ngunit ang 66%
lamang ng lahat ng mga gumagamit ay mas bata sa 30.

Sa panahon ngayon, marami-marami na ang gumagamit ng app na ito


hindi lang mga kabataan, pati na rin ang mga matatanda bilang pampalipas
oras at iba pa.
Kung ang iilang mga Pinoy ay Facebook o di kaya’y sa Tiktok, may iilan
nahanap ang kanilang forever sa naman na nahanap ito sa Omegle. Ang
Omegle ay isang app na ginagamit Mga Kailangan sa Paggamit ng
ngayon na pang face time sa mga hindi Omegle:
kilalang tao (babae man o lalaki).
Puwede kang makipag-usap gamit ang
iyong cellphone, tablet, laptop o desktop 1. Gadget
computer sa mga estrangherong hindi 2. Internet Connection
mo pa nakikilala na mula sa iba’t ibang 3. Motibasyon
bahagi ng ating bansa. * Naghahanap ng Forever
* Naghahanap ng Kausap
* Naghahanap ng Kaibigan
TANDAAN !
Kung hindi mabisa ang
wikang pipiliin sa pakikipag-usap,
posibleng magkaroon ng malaking
hindi pagkakaunawaan. Kaya,
piliin at gamitin nang wasto ang
wika.
Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang Multiplayer Online
Battle Arena (MOBA) na laro. Ito ay ginawa at nilimbag ng
Shanghai Moonton Technology sa Shanghai, Tsina.
Naka-arkibo 2017-10-27 sa Wayback Machine. Inilimbag ang laro
para sa mga gumagamit ng platapormang iOS nung ika-9 ng
Nobyembre, 2016 , at sa "Google Play" para sa mga gumagamit
ng platapormang Android noong ika-14 ng Hulyo, 2016.
Ang Mobile Legends ay dinesenyo para sa mga mobile phones.
Mayroong dalawang magkasalungat na pangkat na naglalaban
para maabot at wasakin ang base ng kalaban habang
pinoprotektahan nila ang kanilang base upang kontrolin ang
kanilang daanan, mayroong tatlong landas (lanes) at kilala bilang
"top", "middle," at "bottom", na kumokonekta sa magkabilang
base.
Bawat pangkat, mayroong limang manlalaro na kumokontrol sa
isang abatar, kilala bilang "hero", sa kanilang mga sariling
kagamitan. Mga mahihinang karakter na kompyuter ang
kumokontrol ay tinatawag na "minions", naka-spawn sa base ng
magkabilang grupo at pumupunta sa tatlong lane sa base ng
magkasalungat na grupo, mga kalaban at tore.
Naging patok ang laro sa Timog-silangang Asya (SEA), kung
saang ito ang pinaka-nadadownload na malayang aplikasyon na
larong bidyo sa mga gumagamit ng iPhone noong 2017.

Kinompirma na ang Mobile Legends ay ang unang titulong


isports na nakasama bilang isang kaganapang pangmedalya sa
Palaro ng Timog Silangang Asya 2019.
Ating sukatin ang iyong kakayahan at
kaalaman sa araling ito.

Maghanda para sa mga Gawain.


�������������������� 1
Panuto: Gumawa ng isang poster/infographics na nagpapakita sa
kahalagahan/tamang paggamit ng mga trending apps sa kasalukuyan. Pansinin ang
krayterya sa ibaba.

PAMANTAYAN
Puntos
20
Orihinalidad
(Dapat na ito’y sariling gawa at hindi hango sa
internet o di kaya’y kinopya mula sa ibang tao.)
20
Nilalaman (Malinaw na naipapakita sa poster
ang layunin ng gawain)

Pagkamalikhain 10 Kabuuan 50
�������������������� 2

Panuto: Gamit ang Venn


Diagram, ibigay ang
pagkakatulad at
pagkakaiba ng Hugot Lines
at Pick-Up Lines.
20 puntos.

KRAYTERYA
Krayterya Puntos
5
Wastong gamit ng salita at mga kataga sa
pangungusap.

5
Orihinalidad
- Dapat na ito’y sariling gawa at hindi hango
sa internet o di kaya’y kinopya mula sa
ibang tao.

5
Malaman at organisado ang mga ideyang
nailahad.

Kabuuan 15

PAGTATAYA

Panuto: Gumawa ng isang bidyo na nagpapakita ng paggamit ng Pick-Up Lines at Hugot Lines
sa iyong pamilya, kaibigan o barkada. Hindi na kailangang lumabas o gumala para makagawa ng
bidyo. Isaaalang-alang ang mga sumusunod na alituntunin:

1. Ang bidyo ay may habang 2-3 minuto.


2. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga salitang brutal, sekswal, at mararahas. 3. Ang hindi
pagsunod sa mga nabanggit na alituntunin sa itaas ay may kabawasan na dalawang puntos.
4. Ipasa ito sa aking Gmail Account.
5. Isaalang-alang ang pamantayan na nasa kasunod na slide.

Teknikal

Krayterya
PAMANTAYAN
Puntos 10

(Hindi magalaw ang pagbidyu at malinaw


na naririnig ang boses ng mga nagsasalita)
20
Nilalaman (malinaw na naipapakita sa bidyu
ang layunin ng gawain)

Pagkamalikhain 20 Kabuuan 50

Mga Sanggunian
https://worldscholarshipforum.com/tl/kung-paano-
nakikinabang-ang-mga-social- media-sa-mga mag-aaral/

https://www.researchgate.net/publication/323727182_Gallego_-
_Isang_pagsusuri_sa_ukol_sa_pagbabago_ng_Wikang_Filipino_1923-2013

https://www.youtube.com/watch?v=JBcidGqs-Qk

https://www.youtube.com/watch?v=TmOf-jg_KsE

https://omeglesecretfilesph.wordpress.com/2016/12/11/omegle-101-paano-magomegle/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mobile_Legends:_Bang_Bang
https://www.youtube.com/watch?v=jGTEeGavmck

https://websetnet.net/tl/gabay-ng-mga-nagsisimula-upang-tiktok-kung-ano-ito-kung-paano
magsisimula-dito/

Maraming Salamat At Nawa’y May


Natutuhan Ka Sa Leksiyong ito!

Bb. Tiffany Yucor

You might also like