You are on page 1of 6

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Paksa: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


Inihanda Ni: Bb.Cristine Paquibot Baitang: Ikalabing-isa
Semestre: Una Linggo: Ikasiyam

Kasanayang Pampagkatuto:
- Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit
ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. -F11PS-IIb-89

AKTIBITI 1

Panumulang Gawain:
Panuto:

1.Ipaliwanag kung ano ang mga larawan na nasa ibaba.


2. Pumili ng isang Icons na paboritong gamitin.
3. Ipaliwanag kung bakit nagustuhan?

Ang Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas ay mahalagang pag-aralan para alam natin


kung ano ang nasa bansa natin at para magkaintindihan ang isa't isa. Para alam natin
ang mga pinanggalinan at kultura ng bansa natin. Para rin alam natinang iba't ibang
diyalekto na nasa bansang Pilipinas.

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa mahabang kasaysayan nito ay nakita


natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago n gating wika. Malaki ang epekto ng
makabagong teknolohiya sa ating wika.

1
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
 Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayan na naabot nito.
 Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood
saan mang sulok ng bansa.

Ang Magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa ating


bansa.

 Malakas anag impluwensya ng mga programang gumagamit ng wikang Filipino


sa mga manonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitles o mag-dub ng mga palabas
sa wikang rehiyonal.
 Ang madalas exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing
99% ng mga Pilipino ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang
namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi
kabilang sa katagalugan.

Malakas ang impluwensya ng wikang ginagamit sa Telebisyon sa mga iba’t ibang


probinsya;

 Paskil/Babala sa Paligid
 Pagtatanong ng Direksyon

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO

 Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo, AM man o FM.


 Sa mga pangrehiyonal na radyo ang kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit
kapag may kinakapanayam ay gumagamit sila ng tagalog.
 Mayroong Rush, na gumagamit ng Ingles sa pagbobrodcast ngunit ang
nakararami ay gumagamit ng Filipino.
 Sa mga panrehiyon na radio ang kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit kapag
may kinapanayam ay gumagamit sila ng Tagalog.

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA


 Mas maraming banyagang pelikula ang naipapalabas sa ating bansa, ngunit ang
lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at barayti nito ay
tinatangkilik din.
 Sa 20 nangungunang pelikula noong 2014, lima sa mga ito ang lokal na
tinatampukan din ng lokal na mga artista. Ito ay patuloy na dumadami hanggang
sa kasalukuyan.
 Hindi na matatawarang Filipino ang wika ng telebisyon, radio at pelikula.

2
IBA PANG SITWASYONG PANGWIKA
FLIPTOP

 Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.


 Ito ay tinatawag din na “Modernong Balagtasan”
 Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin
ng katunggali.
 Di gumagamit ng pormal na wika.
 Bersong nira-rap ay magkatugma ngunit walang malinaw na paksang
pagtatalunan.
 Kung anong paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng
katunggali.
 Walang Iskrip.
 Pangkaraniwang gumagamit ng mga salitang nanlalait para makapuntos sa
kalaban.
 Laganap ng Fliptop sa kabataan, may malalaking samahan na silang
nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na BATTLE LEAGUE.
 Kinatatampukan ng dalawang (2) kalahok.
 Mayroong tatlong (3) rounds at ang mananalo ay dinedesisyunan ng hurado.
 Mayroong Fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa
wikang Filipino.
 Napapalaganap sa pamamagitan ng YouTube at marami ring paaralan ang
nagsagawa ng Fliptop sa tuwing ginigunita ang Buwan ng Wika.

PICK-UP LINES

 Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na


madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
 Sinasabing nagmula sa mga boladas na mga binatang nanliligaw na nagnanais
magpapansin at mapa-ibig ang dalagang nililigawan.
 Kung may salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing
ito’y nakakatuwa, nakakapagpangiti, nakakakiliti, cute, cheesy at masasabi
ring corny.
 Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at ang mga
barayti nito, subalit nagagamit din ang Ingles at Taglish.
 Kailangang ang mga taong nagbibigay ng pick-up lines ay mabilis at malikhain
para sa ilang sandal ay maiuugnayo mai-konekta ang kanyang tanong sa isang
napakaikling sagot.
 “BOOM” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksyon.
 Nauso ito dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa
programang Bubble Gang sa isang segment.

3
 Naging matunog din ito lalo na sa mga talumpati ni Senadora Miriam Defensor
Santiago.

Halimbawa: LALAKI: Oatmeal ka ba?


BABAE: Bakit?
LALAKI: Kasi you are good to my heart.

Boy: Centrum ka ba?


Girl: Bakit?
Boy: Kasi you are my A to Z.

HUGOT LINES

 Tinatawag ding “love lines o love qoutes.”


 Karaniwang nagmula ito sa linya ng mga tauhan sa pelikula o tebelisyon na
nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit madalas nakakagawa rin
ng sariling hugot lines ang mga tao depende sa damdamin o karanasang
pinagdadaanan o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.
 Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa,
cute, chessy o minsa’y nakakainis.

Halimbawa:

“She loved me at my worst, You had me at my best, but binalewala mo lang ang
lahat……and you choose to break my heart” –Popoy, One More Chance

“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?”-
Claudine Baretto bilang Jenny, Milan (2004)

AKTIBITI 2
Panuto: Pangkatang Gawain
1.Hatiin ang klase sa anim na pangkat.
Pakatapos ay bigyan ng paksang gagawin sa aktibiti.

Pangkat 1 at 2: Pakikinig ng balita sa Radyo at /Telebisyon


Pangkat 3 at 4: Panonood ng Blog sa Internet.
Pangkat 5 at 6: Panonood ng Pelikula o Dulang Filipino.

2. Pagkatapos gawin ang sumusunod:

a. Itala ang ilang mahalagang terminong ginamit sa inyong pinakinggan/ binasa/


pinanood.
b.Tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika sa inyong pinakinggan/ binasa / pinanood.

4
AKTIBITI 3
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng bawat sitwasyong pang-wika na nasa kahon
sa ibaba.
FLIPTOP PICK-UP LINES HUGOT LINES

Sanggunian:
 https://www.google.com/search?q=sitwasyong+pangwika
 Kahulugan at Katangian ng Wika, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. - Maestro Valle Rey
 https://www.slideshare.net/NicoleAngeliquePangilinan/mga-sitwasyong-pangwika-sa-pilipinas-grade-11

5
Edited by: Juvelyn A. Berdon

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pangalan:_____________________________ Kwarter:_______
Seksyon:______________ Linggo:________

I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang tamang sagot.

1. Tinatawag itong “Modernong Balagtasan”.


a. fliptop c. pick-up lines
b.hugot lines d.bugtong
2. Ito ay isang Battle League na sitwasyon mga wika.
a. pick-up lines c. hugot lines
b. bugtong d. fliptop
3. Ito ay tinatawag na “love lines o love qoutes.”
a. pick-up lines c. bugtong
b. fliptop d. hugot lines
4. _________ ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksyon sa isang pick-up
lines.
a.BOOM c. GOODS!
b. BANG d. Dam!
5. Anong sitwasyon ng wika na ito ay makabagong bugtong?
A. pick-up lines c. hugot lines
b. fliptop d. pelikula

II. Panuto:Magbigay tig isang halimbawa ng Sitwasyong Pangwika.

You might also like