You are on page 1of 41

SITWASYONG

PANGWIKA SA IBA
PANG ANYO NG
KULTURANG
INIHANDA NG GROUP 1
POPULAR
ENERGIZER
PANUTO: HULAAN
KUNG ANO ANG
IPINAPAHAYAG NA
SALITA NG MGA
LARAWAN.
1)

________
1)

FLIP-TOP
2)

_____ _____
2)

HUGOT LINES
3)

____ __ _____
3)

PICK-UP LINES
SITWASYONG
PANGWIKA SA IBA
PANG ANYO NG
KULTURANG
POPULAR
Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging
malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay
umuusbong ang iba't ibang paraan ng
malikhaing paggamit dito dala na rin ng
impluwensiya ng mga pagbabagong
pinalalaganap ng media.
Sa kasalukuyan ay may iba't ibang
nauusong paraan ng malikhaing
pagpapahayag na gumagamit ng wikang
Filipino at mga barayti nito sa mga
sitwasyong tulad ng sumusunod:
FLIP-TOP
FLIP-TOP
Ito'y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-
rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga
bersong nira-rap ay magkakatugma bagama't sa
fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw
na paksang pagtatalunan.
FLIP-TOP
Laganap ang fliptop sa kabataan.
Katunayan, may malalaking samahan
na silang nagsasagawa ng mga
kompetisyong tinatawag na Battle
League.
FLIP-TOP
May mga fliptop na isinasagawa sa
wikang Ingles subalit ang karamihan
ay sa wikang Filipino lalo sa
tinatawag nilang Filipino Conference
Battle
FLIP-TOP
Sa ngayon ay maraming paaralan
na rin ang nagsasagawa ng fliptop
lalo sa paggunita ng Buwan ng
Wika.
PICK-UP
LINES
PICK-UP LINES
May mga nagsasabing ang pick-up lines ay
makabagong bugtong kung saan may
tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang
aspekto ng buhay.
PICK-UP LINES
Sinasabing nagmula ito sa holadas ng
mga binatang nanliligaw na nagnanais
magpapansin, magpakilig, magpangiti,
at magpa-ibig sa dalagang nililigawan.
PICK-UP LINES
Madalas itong marinig sa usapan ng
mga kabataang magkakaibigan o
nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga
Facebook wall, sa Twitter, at sa iba
pang social media network.
PICK-UP LINES
Ang wikang ginagamit sa mga pick-up
lines ay karaniwang Filipino at mga
barayti nito subalit nagagamit din ang
Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang
higit na nagpapalitan ng mga ito.
PICK-UP LINES
"BOOM!" ang sinasabi kapag
sakto o maliwanag na
maliwanag ang koneksiyon ng
dalawa.
PICK-UP LINES
Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-
up line ay mabilis mag-isip at malikhain
para sa ilang sandali lang ay maiugnay o
mai-konekta ang kanyang tanong sa isang
nakapagpapakilig na sagot.
PICK-UP LINES
Nauso ang pick-up lines dahil sa
impluwensiya ni "Boy Pick-up" o Ogie
Alcasid sa programa nilang Bubble
Gang na may ganitong segment.
PICK-UP LINES
Naging matunog din ito lalo na nang
gamitin ni Senadora Miriam Defensor
Santiago sa kanyang mga talumpati; at
isinulat pa niyasa aklat na Stupid is
Forever.
PICK-UP LINES
Ang Ilan sa mga halimbawa ng pick-up line ay:

BOY: Google ka ba?

GIRL: Bakit?

BOY: Kasi nasa iyo na lahat ng hinahanap ko.


PICK-UP LINES
BOY: Sana ako ang Sabado at ikaw ang araw ng
Linggo.

GIRL: Ha? Bakit?

BOY: Para ikaw ang kinabukasan ko.


HUGOT LINES
HUGOT LINES
Ang hugot lines na tinatawag ding love
lines o love quotes ay isa malikhain. Hugot
lines ang tawag sa mga linyang pag-ibig na
nakakikilig. nakatutuwa, cute, cheesy, o
minsa'y nakaiinis.
HUGOT LINES
Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa
pelikula o telebisyong nagmarka sa puso't isipan ng
mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng
sarili nilang "hugot lines" ang mga tao depende sa
damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa
kasalukuyan.
HUGOT LINES
Minsan ang mga ito'y nakasulat sa
Filipino subalit madalas, Taglish, o
pinaghalong Tagalog at Ingles ang
gamit na salita sa mga ito. Ang ilang
halimbawa ng hugot lines ay:
HUGOT LINES
*Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala
akong kuwenta kung wala ang tamis mo."

-Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever


SITWASYONG
PANGWIKA SA
TEXT
SITWASYONG PANGWIKA
Ang pagpapadala at pagtanggap ng
SMS (short messaging system) na
lalong kilala bilang text message o text
ay isang mahalagang bahagi ng
komunikasyon sa ating bansa.

SA TEXT
SITWASYONG PANGWIKA
Katunayan, humigit-kumulang apat na
bilyong text ang ipinadadala at
natatanggap sa ating bansa araw-araw
kaya naman tinagurian tayong "Texting
Capital of the World."

SA TEXT
SITWASYONG PANGWIKA
Sa pagpindot din sa keypad ay mas
nabibigyan ng pagkakataon ang taong i-edit
ang sarili niya at piliin ang mas angkop na
pahayag o salita kaysa sa kung aktuwal niya
itong sinasabi sa harapan man o sa telepono.

SA TEXT
SITWASYONG PANGWIKA
Walang sinusunod na rule o tuntunin sa
pagpapaikli ng salita, gayundin kung sa
Ingles o sa Filipino ba ang gamit basta't
maipadala ang mensahe sa pinakamaikli,
pinakamadali, at kahit paano'y
naiintindihang paraan.

SA TEXT
SITWASYONG PANGWIKA
Usong-uso rin sa text ang
paggamit ng mga daglat bilang
shortcut o pagpapaikli sa mga
parirala lalo na sa Ingles.

SA TEXT
IDC 1 Don't Care

GBU God Bless You

XOXO Hugs and Kisses

OMG Oh My Gosh o Oh My God

HBD Happy Birthday

LOL Laughing Out Loud

You might also like