You are on page 1of 4

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

⮚ Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain.

⮚ Sa Kasalukuyan ay may iba't ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag.

⮚ Fliptop, Pick-up Lines, Hugot Lines

FLIPTOP
✔ Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.

✔ Nahahawig ito sa balagtasan.

BALAGTASAN FLIPTOP
PORMAL DI-PORMAL
MAGKAKATUGMA WALANG MALINAW NA PAKSA

BALAGTASAN- Francisco Baltazar


-Francisco Balagtas
-Francisco Balagtas y de la Cruz

FLIPTOP-Father of Fliptop Alaric Riam Macaraig Yuson

⮚ May malaking samahan na nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na BATTLE


LEAGUE.

⮚ May Fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay wikang Filipino lalo
na sa tinatawg nilang FILIPINO CONFERENCE BATTLE.

⮚ Ang karaniwang paraan ng paglaganap ng Fliptop ay sa pamamagitan ng YouTube.

⮚ Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais


magpapansin, magpakilig, magpangiti at magpa-ibig sa dalagang nililigawan.

✔ Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwng Filipino subalit nagagamit din ang
Ingles o Taglish.

✔ Nauso ito dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble
Gang na may ganitong segment.

Hugot lines
✔ Kaiba sa Pick-up lines, tinawag ding love lines o love quotes.
✔ Ito ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsa'y
nakakainis.

✔ Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon.

✔ Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas Taglish ang gamit na salita sa mga ito.

Blog
✔ Galing sa dalawang salita, web at log.

✔ Para sa mga blogger, mas madali at mas mabilis din ang pagbabahagi ng iba't ibang
impormasyon o bagay na gusto nilang ikalat.

✔ Blogosphere ang tawag sa komunidad o mundo ng mga blogger.

✔ Pakatandaan na ang blog ay hindi limitado sa artikulo o teksto lamang.

Mga Uri ng Blog

• Fashion Blog- ito ang isa sa mga pinakasikat na uri ng blog.


• Personal Blog
• News blog
• Humor Blog
• Photo Blog
• Food Blog
• Vlog- Kilala rin bilang video blog
• Educational Blog

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT


✔ Texting Capital of The World

✔ Madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino.

✔ Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy itong nagbabago at yumayabong at sumasabay sa


pagbabago ng panahon.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT SA INTERNET


✔ Code Switching
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Kakayahang Pangkomunikatibo at Lingguwistiko

❑Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop
na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon.

❑ Masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang pangkomunikatibo o


communicative competence at hindi na lang basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal
kaya naman, siya ay maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.

❑Ang kakayahang pangkomunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang magamit ang wika nang


wasto at naaayon sa layunin ng pakikipagtalastasan.

❑ Ang pagtatamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang


pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng
wikang ginamit sa teksto (Higgs at Clifford 1992).

❑Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa


kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral.

❑ Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng


lipunan at kultura----Ito'y ang wika kung paanong ginamit at hindi lang basta ang wika at
mga tuntunin nito (Shuy 2009).

❑Binigyang-diin ni Dr. Hymes sa kanyang mga katrabaho ang pag-uugnay ng kultura sa

❑wika.

KOMPONENT NG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal


❑ Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit
sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga
tuntuning pang-ortograpiya.

Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan)


✔ Estruktura ng pangungusap
✔ Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita

✔ Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)

✔ Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)

✔ Pagpapalawak ng pangungusap

Morpolohiya (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba't ibang bahgi ng pananalita)


✔ Iba't ibang bahagi ng pananalita

✔ Prosesong derivational at inflectional

✔ Pagbubuo ng salita
Leksikon (mga salita o bokabularyo)
✔ Pagkilala sa mga
*content words (pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
*function words (Panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukol, pang-angkop)

✔ Konotasyon at denotasyon

✔ kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)

Ponolohiya o Palatunugan

✔ Segmental
*katinig, patinig, tunog

✔ Suprasegmental

You might also like