You are on page 1of 20

▪︎Pantukoy

▪︎Pang-Ukol
▪︎Mga Epektibong Dulog at
Estratehiya sa Pagtuturo ng
bahaging Pangkayarian
▪︎Sintaks

BONJO BEE M. BALIONG


WMSU JOEVANNIE VERTODAZO
SHELLA MAE LOZADA
BEED-III
Pantukoy

• Ang Pantukoy ay ang katagang ginamit sa


pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay
tinatawag na Article sa wikang Ingles.

2
Dalawang uri ng PantukoPantukoy
1. Pantukoy na Pambalana

• -tumutukoy sa mga pangngalang pambalana


• - ang- isahan
• Ang mga at mga - maramihan

Halimbawa:
• 1.Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan.
• 2. Nagtutulong-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng
collage.
• 3. Ang pinuno ang tinulungan ng kanyang mga kasamahan.

3
• 2. Pantukoy na Pantangi ay tumutukoy sa
pangngalang pantangi o tiyak na ngalan.
( si,sina,ni nina kay,kina)

• Si ,ni. At kay. (isahan)


• Sina, nina at kina ay maramihan

4
Wastong Gamit ng Pantukoy

☆ Kapag isahan ang pangngalan, ang pantukoy ay dapat


pang-isahan din.
Halimbawa:
• Si FC ay seksi

☆ Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat


pangmaramihan din.
Halimbawa:
• Ang mga niluto na ulam ni Jose ay para kina Boboy at
Juan.

5
☆ Ang pangngalang pambalana na isahan ay
nangangailangan ng pantukoy na isahan at
pambalana.
Halimbawa:
• Ang pinakamahina sa paligsahan ay si Jose.

☆ Kung ang pangngalang pambalana ay


pangmarami, ang pantukoy ay pangmaramihan din.
Halimbawa:
• Ang mga miyembro ng tagahila ay mahihina lalo
na sina Buboy at Jose.

6
☆ Maaaring gumamit ng dalawang
pantukoy kung ang ikalawa'y umuuri sa
unang pangngalan.

Halimbawa:
• Sina Jose, Juan, at Buboy ang tumulong
sa paglilinis.

7
Pang-Ukol
• Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-
uugnay sa pangngalan, pandiwa,
panghalip, o pang-abay sa iba pang mga
salita sa loob ng pangungusap. Ito ay
maaari ring magturo ng lugar o layon.

8
Mga Halimbawa ng Pang-ukol

Ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito na


kadalasan ay ginagamit sa pangungusap ay ang ng, sa, ni o nina,
para sa, at ayon sa. Narito ang gamit ng bawat isa at mga
halimbawa:

• Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at


isang bahagi.

Halimbawa:
Anak ng bayan ang turing sa Bise Alkalde simula pa noong bata
pa lamang siya.

9
• Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang
bagay sa isang pang bagay.
Halimbawa:
Kamay sa baywang na humarap ang ina ng
batang nagsumbong ng pamamalo mula sa guro.

• Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng


pagmamay-ari ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng
sasakyan.
10
• Para sa – Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.
Halimbawa:
Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain
ni Juanito.

• Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng


pinanggalingan o basehan ng isang bagay.
Halimbawa:
Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng
kanilang bahay at hindi na nakabalik noong tanghali.

11
Ang mga Katangian ng Isang
Mabisang Estratehiya sa
Pagtuturo
Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng
estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na
ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.

2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.

3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng


mga mag-aaral.

12
4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang
karanasan ng mga mag-aaral.

5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at


mga mag-aaral.

6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-


sunod ng mga hakbang.

7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.


13
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong
nagsasagawa nito.

9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng


pagtuturo.

10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o


simulain ng pagkatuto.

14
Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo
ng Wika
1. EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo
ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000.

2. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng


pagtuturo para sa lahat ng asignatura.

3. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at


patuloy na ituturo bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na
taon ng haiskul.

4. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy


na magiging wika ng pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa
Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

15
5. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong
teknikal-bokasyunal.

6. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom


ng mga institusyon ng higit na mataas na
larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng
wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.

7. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa


Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa
pamamagitan ng Filipino.
16
Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo
ng Wika
Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran
ng pagtuturo ng wika.

▪︎NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika


ang pinagtutuanan ng pansin.

▪︎NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng


wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o ang
kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang
kasanayang KOMUNIKATIB?
17
Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang
komunikatib ay magkasamang language
competence (kaalaman sa wika) at language
performance (kakayahan sa paggamit ng wika).

Ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa


kaalaman sa gramatika o sa tuntuning
gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa
angkop at matagumpay na pag-unawa at
pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.

18
Sintaks
■Pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap

■ pagsasama- sama ng mga salita para makabuo ng mga


parirala o mga pangungusap

■ may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga


kategorya na batayan sa pagbuo ng pangungusap Sintaks
Malikhain at sistematiko ang sintaks ng isang gramar.
Nakapagsasama- sama ang mga ispiker ng isang wika ng
mga salita para makabuo ng mga pangungusap.

19
Thankyou For Listening

20

You might also like