You are on page 1of 58

Aralin 7

Ang Kurikulum sa Filipino:


Batayan ng Pagtuturo sa
Sekondarya
Dalawa ang pangunahing
dahilan kung bakit itinuturo
ang Filipino sa ating mga
paaralang pambansa.
Ang mga dahilang ito ay
nakatadhana sa umiiral na
patakarang pangwika na
ipinatutupad kaugnay ng
gagamiting wikang panturo
sa mga paaralan.
 Una, ituturo ito bilang isang sabjek o
aralin na bahagi ng kurikulum sa
elementarya at sekundarya.

 Ikalawa, gagamitin ang Filipino bilang


wikang panturo sa mga tiyak na sabjek o
aralin na iniatas sa Patakarang Bilinggwal
noong 1974 at 1986.
 Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin
subalit magkatuwang ng kaganapan sa
pagkatuto.

 Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang


isang wikang may sariling kakanyahan upang
magamit ito sa pagkatuto ng iba pang sabjek na
itinuturo sa Filipino at magiging tulay din ito sa
pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika ng
mga mag-aaral.
Ang Pagtuturo ng Wika Batay
sa DepEd Kurikulum sa Filipino

 Sa ipinatupad na kurikulum ng
DepEd para sa pagtuturo ng
Filipino may mga pananaw at
simulain sa pagkatuto ng wika na
binibigyang pansin. Una ay ang
pagkakaroon ng interaksyon sa
pagitan ng mga mag-aaral, ng
guro at ng teksto.
 Mas mabisa ang pagkatuto kung nabibigyan
ng pagkakataon ang mga mag-aaral na
mag-isip, magpalitang-kuro at tumanggap ng
ideya mula sa iba. Ikalawa, ang
pagkakaroon ng integrasyon sa mga
kasanayan at gawain sa pagtuturo ng wika.
Ang apat na makrong kasanayan sa wika ay
nakikita o naituturo sa isang kabuuan at
hindi na hiwa-hiwalay na tulad ng ginagawa
dati (Whole Language Approach and
Integrative Approach).
 Ikatlo, mahalaga ang
konteksto sa pag-aaral ng
wika. Dito ginagamit ang
nilalaman ng ibang aralin o
disiplina sa pagtuturo ng wika
(Content-based Instruction /
Literature-based Instruction).
Narito ang mga
pagdulog at
istratehiya sa
pagtuturo ng wika na
angkop sa mga
simulain ng
kurikulum sa Filipino.
Komunikatibong Pagtuturo ng Wika
(Communicative Language Teaching)

 Inilarawan nina Richards at Rodgers (1986) ang CLT


bilang isang lapit (approach) sa halip na isang
pamaraan sa dahilang ito ay nagrerepresenta sa isang
pilosopiya ng pagtuturo na batay sa komunikatibong
gamit ng wika. Nagsimula ang lapit na ito sa mga
naisulat nang literatura na nauukol sa konseptong
nosyonal-functional at paglinang ng kasanayang
komunikatibo sa halip na sa gramar o istruktura ng
wika nakatuon ang pagtuturo.
 Sa lapit na ito binibigyang pansin ang
sumusunod na pananaw o simulain:

 Pagbibigay diin sa gamit ng wika sa


komunikasyon sa halip na sa pag-aaral
ng kayarian ng wika.
 Pagkakaroon ng katatasan sa
pagsasalita sa halip na sa pagiging tama
o wasto sa kayarian o gramar ng wika.
 Pagbibigay pansin sa mga gawaing
aktwal na ginagamit ang wika sa halip
na pagsasanay o drill sa mga bahagi ng
wika.

 Pagkakaroon ng kamalayan sa iba’t


ibang gamit o tungkulin ng wika ayon sa
pagkakataon sa halip na pagbibigay
pansin lamang sa wika.
 Sa komunikatibong lapit sa pagtuturo ng
wika, nililinang ang mga kasanayang
kognitibo tulad ng kaalaman sa gramar ng
wika, pagpili ng angkop na bokabularyo at
kasanayang sosyolinggwistika o angkop
na paggamit ng wika sa iba’t ibang
sitwasyon. Gayundin nililinang ang
makagawi o behavioral na aspekto ng mga
mag-aaral sa paggamit ng wika sa aktwal
na sitwasyon (Littewood 1984).
 May mga mungkahing
hakbang na magagamit ng
guro sa pagtuturo ng wika na
sinusunod ang mga simulain
ng pagdulog na komunikatibo.
Narito ang mga hakbang at
ang paliwanag sa bawat isa.
 Pagtiyak sa Layunin.
Isa sa mga simulain ng pagdulog na komunikatibo ay
ang pagkakaroon ng kamalayan ng mga mag-aaral
sa ginagawa nila sa klase at sa kahalagahan nito sa
kanilang pang-araw-araw na buhay. Magiging
makahulugan ang aralin kung malinaw sa bawat
mag-aaral ang layunin nito. Sa hakbang na ito
ipinaaalam sa mga mag-aaral kung ano ang
nilalayon ng aralin. Halimbawa: Ang tatalakayin
nating aralin ay tungkol sa paghingi at pagbibigay
ng payo. Maaari ring ipakita ang mga larawan na
nauukol sa mga sitwasyon na nagpapakita ng mga
gawaing pangwika o kaya naman ay dayalogo na
maglalaman ng aktwal na nangyayari sa pag-uusap.
 Paglalahad.

Dito ipinakikita o ilalahad ang mga


kayarian ng wika na gagamitin sa
isang sitwasyon o konteksto na ang
tuon ay sa gamit o tungkulin ng wika.
Pag-uusapan dito ang layunin ng nag-
uusap, mga paraan na ginagamit
upang magkaunawaan tulad ng kilos
o mga pahiwatig na salita.
Pagsasanay.
Pagkatapos na matutuhan ng mga mag-
aaral ang mga kayarian na angkop
gamitin sa sitwasyon, bibigyang laya
ang mga mag-aaral na gamitin ang
mga ito sa iba’t ibang sitwasyon. Dito,
iba’t ibang gawain ang ibibigay ng guro
tulad ng pag-uusap tungkol sa
napapanahong paksa, paglutas ng
suliranin, mga role-play na isasakilos o
mga larong pangwika.
Paglilipat.
Paggamit ng mga natutuhang kayarian
at kasanayan sa makatotohanang
sitwasyon. Ang mga mag-aaral ay iisip
o pipili ng mga sitwasyon sa tunay na
buhay na ipinakikita ang aktwal na
paggamit ng wika. Halimbawa:
Pagdedebate tungkol sa isang paksa,
paghingi ng payo, at pagpapaturo sa
pagsasagawa ng isang bagay.
Aralin8
Mga Gawaing Maaring
Ihanda ng Guro ayon
sa mga Simulain ng
Pagdulog na Komunikatibo
Aralin8
Mga Gawaing Maaring
Ihanda ng Guro ayon
sa mga Simulain ng
Pagdulog na
Komunikatibo
 Paghahanda ng mga sitwasyon o cue
cards, na gagamitin sa role-play ng mga
mag-aaral.
 Halimbawa:
 Paksa: Pagsali sa club o samahan
 Gamit ng Wika: Paghikayat, pagtanggi
 Kayariang gagamitin: Pandiwa, pang-abay
 Sitwasyon: Dalawang mag-aaral ang nag-ussap

Isang mag-aaral ang nanghihikayat sa kaklase o


kaibigan na sumali sa club. Sasabihin niya ang
ang kahalagahan ng pagsali sa club, kung kailan
at saan sila magmimiting, at mga ginagawa. Ang
kaklase naman ay tatanggi at ipaliliwanag kung
bakit ayaw niyang sumali.
 Sa pagbibigay ng mga sitwasyon na isasagawa ng
mga mag-aaral, maaring dalawang paraan ang gawin.
1. Una, sitwasyon na may cue na ilalagay na cue
cards ng mga mag-aaral ang sasabihin nila.
Halimbawa:
Paksa: Panonood ng sine
Gamit ng wika: Pagtatanong, pagpili,
paghikayat
Kayarian ng wika: Mga pananong na
Sino, Ano, Alin, Bakit
Sitwasyon: Magkamag-aral na nasa lugar ng
mga sinehan. Nais nilang manood ng sine. Bawat
isa ay may gustong panoorin.
 Mag-aaral A
Itanong kung aling sine ang gustong
panoorin.
Magmumungkahi ng gustong
panoorin.
Hihikayatin ang kausap na gustong
panoorin.
Itatanong kung anong pagkain ang
dadalhin sa loob ng sinehan.
Sasang-ayon sa kausap.
 Mag-aaral B
Sasabihing hindi pa alam
kung ano.
Hindi sasayong-ayon sa sinabi
ng kausap at sasabihin ang
dahilan.
Sasang-ayon din sa kausap.
Pipili ng pagkain at itatanong
sa kausap kung gusto rin ito.
2. Ikalawa, maaring sitwasyon na may
impormasyon sa mga mag-aaral ngunit malaya
sila sa pagbuo ng usapan ayon sa hinihingi sa
sitwasyon.
Halimbawa:
Paksa: Pagpapaalam para
sumama sa field trip
Gamit ng wika: Pamamaalam,
panghihikayat, pagpapaalala
Kayariang gagamitin: Mga pangungusap na
nakikiusap, nagpapaliwanag, mga
magagaling na ekspresyon tulad ng maari po
ba, sige na po, at mag-ingat ka.
 Kard ng Mag-aaral A
Galing ka sa eskwela. Sinalubong
ka ng nanay mo. Nagmano ka. Sinabi
mo na may field trip kayo sa darating
na Sabado. Nagpapaalam ka sa kanya.
Hihikayatin mo siya na payagan kang
sumama at magbigay ka ng dahilan.
Magpapasalamat ka sa pagpayag ng
ina at hihingi ka rin ng pera pambayad
sa bus at pambili ng baon.
 Kard ng Mag-aaral B
Tatanungin mo ang dahilan kung
bakit may field trip, saan, sino, ang
mga kasama, gaano katagal ito
gagawin. Papayagan ang anak
matapos marinig ang paliwanag.
Magpapaalam sa anak. Bibigyan
ng pera ang anak para sa field trip.
B. Paghahanda ng mga gawaing aktwal na
ginagawa sa loob at labas ng paaralan
(simulation)
Ito ay masasabing simplikasyon ng
mga tunay na sitwasyon sa buhay. Ang
mga halimbawa ng ganitong gawain ay
ang sumusunod:
1. Pagsasagawa ng eleksyon ng
pamunuan ng klase.
2. Pagpupulong ng club o samahan
3. Pagpupulong ng klase tungkol sa
field trip
4. Pakikipanayam sa bisita sa klase.
5. Pagtatalo ng mga paksa ng nauuol sa
kasalukuyang mga isyu sa bansa.
6. Pagsasagawa ng pag-aaral sa paaralan
tungkol sa pagkaing binibili ng mga mag-
aaral at tungkol sa mga gawi sa pag-aaral
(study habits).
C. Paghahanda ng mga sitwasyon
na isasadula ng mga mag-aaral
nang daglian o unscripted play
Maari namang mula sa mga
kuwento na binasa sa aklat sa
pagbasa o panitikan ay
makabuo ng script ang mga
mag-aaral na isasadula sa
klase.
D. Pagtitipon ng mga biswal tulad ng mga
poster, anunsyo, mapa, tsart, grap,
karikatura, movie page, at TV programs na
pagkukunan ng impormasyon at pag-
uusapan sa klase.
Ang halimbawa ng ganitong biswal ay ang
karikatura tungkol sa pagputol ng mga
kahoy sa kagubatan. Maaring pag-usapan
sa klase ang mga epekto nito, ang mga
paraan na dapat gawin upang maiwasan
ang pagkakalbo ng kagubatan, atbp.
E. Paghahanda ng mga larong pangwika
Iba’t ibang larong pangwika ang
maihanda ng guro na magsasanay sa mga
mag-aaral upang mahasa sa pagpapahayag.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Dugtungan Mo
Ito ay isang dugtungang pagkukuwento.
Sisimulan ng guro o isang mag-aaral
ang kuwento at ito ay durugtungan ng iba
pang mag-aaral sa bawat pangkat.
2. Ihatid Mo
Sa larong ito, papangkatin ng guro ang
mag-aaral. Bibigyan ng guro ng mensahe
ang lider ng bawat pangkat at sasabihin
naman ng lider ang mensahe nang
pabulong sa isa sa kanyang kapangkat
hanggang makarating ito sa kahuli-
hulihang kasapi. Ang huling mag-aaral ay
siyang mag-uulat ng mensahe sa klase.
Ang pangkat na makapag-ulat ng buo at
malinaw na mensahe ay may puntos.
3. Magbugtungan Tayo
Ilalarawan ng mga mag-aaral
ang mga bagay, tao, hayo o
lugar at pahuhulaan ito sa mga
kaklase.
4. Ituloy Mo
Bubunot o kukuha sa kahon ang
mga mag-aaral ng kapirasong papel
na may nakasulat na pahayag na
hindi tapos. Itutuloy nila ang mga
pahayag ayon sa kanilang palagay o
pananaw.

Halimbawa:
Nababahala ako sa mga…
Marami na ngayong nangyayari…
F. Paghahanda ng mga gawaing transcoding
Ito ay isang paraan ng pagsasalin mula sa isang anyo
ng pagpapahayag tungo sa iba pang anyo. Ang mga
halimbawa ng ganitong gawain ay ang mga sumusunod:
1. Isang patalastas o anunsyo na isasalin sa anyong
tuluyan.
2. Isang pagpapahayag na gagawing anyong
telegrama
3. Isang tala o impormasyong nabasa na gagawing
balita
4. Kuwento na gagawing dula-dulaan
5. Mapa ng isang lugar na ilalahad sa isang talata
Sa pagsasaayos ng kurikulum inilapat ang
Understanding by Design (UBD) na
modelo nina Jay Mctighe at Grant Wiggins.
Narito ang mga elemento ng kurikulum ng
Edukasyong Sekondari ng 2010.
Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga
Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at
maisagawa ng mag-aaral sa loob ng isang
markahan, yunit o kurso; makikita sa
bahaging ito ng Gabay sa Kurikulum ang
mga pamantayang pangnilalaman,
pamantayan sa pagganap, mga
kakailanganing pag-unawa at mahalagang
tanong.
A.1. Ang Pamantayang Pangnilalaman ay
ang mahahalagang paksa o konsepto na
dapat maunawaan ng mag-aaral sa bawat
asignatura. Sinasagot ng bahaging ito ang
tanong na, “Ano ang nais nating
matutuhan at maisagawa ng mag-aaral
pagkatapos ng isang markahan o yunit?”
A.2. Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang
tiyak na produkto o pagganap at ang antas o
lebel na inaasahang maisagawa ng mag- aaral
pagkatapos ng isang markahan o yunit.
Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na:
“Paano isasagawa ng mag-aaral ang
inaasahang produkto o pagganap? Anong
antas o lebel ng pagganap ang dapat magawa
ng mag-aaral upang makapasa siya sa
pamantayan?”
B. Ang Mga Kakailanganing Pag-unawa ay
ang mahahalagang konsepto na dapat
matutuhan ng mag-aaral sa bawat
asignatura. Mga konseptong hindi
makakalimutan at magagamit ng
mag-aaral sa kanyang pamumuhay.
C. Ang Mahahalagang Tanong ay mga
tanong na nasa mataas na lebel at
inaasahang masasagot ng mag-aaral
pagkatapos ng isang markahan o yunit.
Kinakailangang ang mga ito ay
nasasagot ng Mga Kakailanganing Pag-
unawa.
Antas 2: Pagtataya
Ito ang mga inaasahang produkto o
pagganap; inaasahang antas ng pag-unawa
at pagganap ng mag-aaral; at mga kraytirya
o panukat na gagamitin sa pagtatay ng
inaasahang produkto o pagganap.
A. Ang Produkto o Pagganap ay ang
inaasahang maisasagawa pagkatapos ng
isang paksa o markahan. Ito ang
magpapatunay na natutuhan niya ang
mahahalagang konseptong nakapaloob
sa isang markahan/asignatura.
B. Ang Antas ng Pag-unawa ang susukat sa
iba’t ibang aspekto ng pag-unawa ng mag-aaral
sa mahalagang konseptong dapat niyang
matutuhan. Masasabing may pag-unawa na ang
mag-aaral kung siya’y may kakayahan nang
magpaliwanag, magbigay ng sariling
kahulugan, makabuo ng sariling pananaw,
makadama at makaunawa sa damdamin ng iba,
makapaglapat, at makilala ang kanyang sarili.
C. Ang Antas ng Pagganap ay ang
inaasahang produkto o pagganap na
maisasagawa ng mag-aaral. Makikita rin sa
bahaging ito ang kraytirya sa pagtataya ng
nasabing produkto o pagganap.
Antas 3: Mga Plano ng Pagkatuto
Mga gawaing instruksyunal at mga
kagamitan na gagamitin ng guro at mag-
aaral sa loob ng klasrum na makatutulong
upang matamo ang mga pamantayan.
Inaasahan ang pagiging malikhain ng guro
sa pagpapatupad ng antas na ito dahil
nakasalalay ang ikapagtatagumpay ng
pagtuturo-pagkatuto.
A. Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay
binubuo ng mga gawaing isasagawa ng guro at
mag-aaral sa loob ng klasrum upang matamo
ang mga pamantayan, matutuhan ang mga
kakailanganing pag-unawa at masagot ang
mahahalagang tanong.
B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga
guro at mag-aaral upang
maisakatuparan ang mga gawaing
instruksyunal.
Mga Gabay na Tanong sa
Pagsasaayos ng Kurikulum
ng Edukasyong Sekondari
ng 2010
Pamantayang Pangnilalaman
Masasalamin ba sa Pamantayang
Pangnilalaman ang resulta o inaasahang
bunga? Ang mahalagang ideya, isyu, prinsipyo
o konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral
sa bawat asignatura na magagamit niya
maging sa labas ng paaralan?
Masusukat at matatamo ba ng mag-aaral ang
mga binuong pamantayan?
Pamantayang Pagganap
Masasalamin ba sa Pamantayan sa Pagganap
ang mga kraytirya kung paano tatayain ang
produkto o pagganap ng mag-aaral?

Masasagot ba nito ang tanong na: Ano ang


inaasahang magagawa ng mag-aaral?
Pamantayang Pag-unawa
Ito ba ang malalaki at mahahalagang konsepto
na nais maipaunawa sa mag-aaral?
Masasailalim ba dito ang mga manginahing
suliranin, isyu na dapat malaman ng mag-aaral?
Mahahalagang Tanong
Nakatuon ba ang mga tanong sa mahahalagang
isyu o suliranin?
Ang mga tanong ba ay masasagot ng
Kakailanganing Pag-unawa?
Ang mga tanong ba ay may kabuluhan sa buhay
ng mag-aaral? Sa lipunan?
Ang mga tanong ba ay kaagad na masasagot ng
mag-aaral?
Akma ba ang tanong sa kawilihan, edad at
kakayahan ng mag-aaral?
Narito ang mga Katangian ng Kurikulum ng
Edukasyong Sekondari ng 2010
nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag-
unawa
mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan) – tinitiyak
kung ano ang dapat matutuhan at ang antas ng pagganap ng
mag-aaral
mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na istratehiya upang
malinang ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral
inihahanda ang mag-aaral tungo sa paghahanapbuhay kung di
man makapagpapatuloy sa kolehiyo
tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay magagamit sa
buhay.
Batayang Konseptwal ng Filipino
(Deskripsyon)

Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong


Sekondari ng 2010 (Secondary Education
Curriculum) ang Kapakipakinabang ng Lietrasi
para sa lahat (Functional Literacy For All) na
ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat
2015 (Education For All 2015).
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na
malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2)
kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literasi ng
mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang
kasanayan – pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at
pagsulat sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan
tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW),
Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng iba’t ibang
tekstong literari (rehiyunal, pambansa, saling-tekstong
Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at
Retorika sa tulong ng iba’t ibang Teksto (PGRT).
Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga
pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration) sa
pag-aaral at pagsusuri ng iba’t ibang tekstong literari.

Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at


magamit ang iba’t-ibang teorya sa pagkatuto at paggamit
ng wika, at pagsusuring literasi, inaasahang matatamo ng
mga guro ng Filipino ang mga layuning nabanggit batay
sa inilarawan sa batayang konseptwal.

You might also like