You are on page 1of 3

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

External Studies Unit

LECTURE NOTES

SUBJECT AS12 FIL1


DESCRIPTIVE TITLE ▪︎Pantukoy
▪︎Pang-Ukol
▪︎Mga Epektibong Dulog at Estratehiya
sa Pagtuturo ng bahaging Pangkayarian
▪︎Sintaks
GROUP Group 2

NOTES DISTRIBUTORS Bonjo Bee M. Baliong


Shella Mae J. Lozada
Joevannie S. Vertodazo
LEARNING CONTENT
PANTUKOY
Ang Pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag na
Article sa wikang Ingles.

Mga dalawang uri ng Pantukoy


1. Pantukoy na Pambalana
-tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
- ang- isahan Ang mga at mga -- maramihan Halimbawa: 1.Ang pinuno ay palaging
naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. 2. Nagtutulong-tulong ang mga mag-aaral sa
paggawa ng collage. 3. Ang pinuno ang tinulungan ng kanyang mga kasamahan.

2. Pantukoy na Pantangi ay tumutukoy sa pangngalang pantangi o tiyak na ngalan.


( si,sina,ni nina kay,kina) Si ,ni. At kay. (isahan) Sina, nina T kina ay maramihan

Pantukoy na Panlunan
Wastong Gamit ng Pantukoy

Kapag isahan ang pangngalan, ang pantukoy ay dapat pang-isahan din.


Halimbawa:
Si FC ay seksi

Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat pangmaramihan din.


Halimbawa:
Ang mga niluto na ulam ni Jose ay para kina Boboy at Juan.

Ang pangngalang pambalana na isahan ay nangangailangan ng pantukoy na isahan at


pambalana.
Halimbawa:
Ang pinakamahina sa paligsahan ay si Jose.

Kung ang pangngalang pambalana ay pangmarami, ang pantukoy ay pangmaramihan din.


Halimbawa:
Ang mga miyembro ng tagahila ay mahihina lalo na sina Buboy at Jose.

Maaaring gumamit ng dalawang pantukoy kung ang ikalawa'y umuuri sa unang


pangngalan.
Halimbawa:
Sina Jose, Juan, at Buboy ang tumulong sa paglilinis.
Pang-Ukol
Ano ang Pang-ukol?

Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-


abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring magturo ng lugar o
layon.

Mga Halimbawa ng Pang-Ukol

Ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito na kadalasan ay ginagamit sa


pangungusap ay ang ng, sa, ni o nina, para sa, at ayon sa. Narito ang gamit ng bawat isa at
mga halimbawa:

Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at isang bahagi..


Anak ng bayan ang turing sa Bise Alkalde simula pa noong bata pa lamang siya.

Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay.


Kamay sa baywang na humarap ang ina ng batang nagsumbong ng pamamalo mula sa
guro.

Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang bagay.


Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng sasakyan.

Para sa – Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.


Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juanito.

Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay.


Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng kanilang bahay at hindi na nakabalik
noong tanghali.

Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa


Pagtuturo
Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng
Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.

2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.

3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.

4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.

5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.

6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.

8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.

9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.

10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.


II. Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika
1. EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit
ng taong 2000.

2. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat
ng asignatura.

3. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo
bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

4. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng


pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng
haiskul.

5. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.

6. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na


larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong
pangkolehiyo.

7. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa
pamamagitan ng Filipino.

III. Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika


Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng
wika.

NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa


pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang
KOMUNIKATIB?

Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence


(kaalaman sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).

TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning


gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at
pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.

Sintaks
■Pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap

■ pagsasama- sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o mga pangungusap

■ may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na batayan sa pagbuo ng


pangungusap Sintaks

Malikhain at sistematiko ang sintaks ng isang gramar. Nakapagsasama- sama ang mga
ispiker ng isang wika ng mga salita para makabuo ng mga pangungusap.

INSTRUCTOR Mr. Franklin F. Galido

You might also like