You are on page 1of 5

SYNCHRONOUS [IN CLASS] PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA

PANANALIKSIK
LEKSYON 1

I. INTRODUKSYON SA LEKSYON

 Pamagat ng Leksyon

Leksyon 1: Paraan ng Pagpapayaman ng Talasalitaan

 Oberbyu ng Leksyon

Maraming paraan ang pagpapayaman ng talasalitaan at sa bahaging ito ay


mapalalawak ng mga mag-aaral ang kanilang kaisipan at kaalaman hinggil sa mga
salita.

 Kinalabasan ng Modyul

Matapos ang pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Napalalawak ang kasipan hinggil sa pagpapayaman ng talasalitaan.


2. Naipaliliwanag nang wasto ang mga paksa hinggil sa mga paraan ng
pagpapayaman ng talasalitaan.

 Itinakdang oras

1.5 hours Synchronous session

II. PRE-ASSESSMENT
A. Pagsulat ng isang sanaysay na may mga salitang nagsasaad ng kilos at mga
salitang naglalarawan.

III. LESSON PROPER


Paraan ng Pagpapayaman ng Talasalitaan

1. Pagtatambal. Ang tambalan ay binubuo ng dalawang payak na salita para bumuo ng


panibagong salita at kahulugan. Kung minsan nananatili ang kahulugan ng pinagtambal
na salita, kung minsan naman, ang nabuong salita ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
2. Pagpaparis-paris ng magkakasama. Kapag binanggit ang isa, hindi maaaring hindi
mabanggit ang palagi nitong kasama o kapareha.
3. Pagpapangkat-pangkat. Mula sa punong salita ay iginugrupo o ipinapangkat ang mga
salita.
4. Magkasingkahulugan. Ito ay pares o higit pang bilang ng salita na magkapareho ang
ideya, pahiwatig o kahulugan.

5. Magkasalungat. Ito ay pares o higit pang bilang ng salita na may kabaligtarang ideya,
pahiwatig o kahulugan.

6. Paglalapi. Ang salitang Filipino ay mayaman sa mga panlapi. Sa pamamagitan ng


paglalapi sa isang salitang -ugat, maraming salita ang nabubuo. May limang (5) uri ng
panlapi sa Filipino: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at laguhan. Ang unlapi ay ang panlapi
na inilalagay sa unahan ng salitang-ugat; ang gitlapi ay sa gitna ng salitang-ugat
inilalagay; ang hulapi ay ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat; ang kabilaan ay isang
unlapi at isang hulapi na sabay na ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang-ugat; at
ang laguhan ay binubuo ng isang unlapi, isang gitlapi, at isang hulapi na ikinakabit sa
isang salitang-ugat.
Ayon naman sa mga uri ng panlapi, pito ang paraan ng paglalapi sa salitang- ugat
at ito ang mga sumusunod:
a. Inunlapian- kapag ang unlapi ang ikinakabit sa salitang-ugat.
b. Ginitlapian- kapag gitlapi ang inilagay sa salitang-ugat.
c. Hinunlapian- kapag isang hulapi ang inilagay sa salitang –ugat
d. Kabilaan- kapag isang unlapi at isang hulapi ang sabay na inilagay sa isang salitang-
ugat.
e. Ginitlapian at hinulapian- kapag isang gitlapi at isang hulapi ang ikinakabit sa isang
salitang- ugat.
f. Laguhan- kapag isang unlapi, isang gitlapi, at isang hulapi ang inilagay sa isang
salitang-ugat.
g. Inunlapian at ginitlapian – kapag isang unlapi at isang gitlapi ang magkasabay na
ikinabit sa isang salitang-ugat.

7. Denotasyon at Konotasyon. Ang denotasyon ay kahulugang nagmula sa


diksyunaryo o dili naman kaya ay salitang ginagamit sa simpleng paraan. Sa kabilang dako,
ang konotasyon naman ay nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan sa isang salita. Ito ay
maaaring pansariling kahulugan ng isang tao kung kaya’t nagkakaroon ng pangalawang
kahulugan ang salita.

8. Homograpo. Mga salitang pareho ng ispeling at bigkas ngunit magkaiba ng kahulugan.


9. Heterograpo. Mga salitang pareho ng ispeling ngunit magkaiba ng bigkas at kahulugan.

10. Konteks klu. Isa sa mga katangian ng salita ay ang pagkakaroon ng maraming
kahulugan. Bagaman at may likas na kahulugan ang isang salita, kapag ginamit na ito sa
pangungusap, maaari ng maiba ang kahulugan nito. Maaari kasing maging idyoma ang
mga ito.

11. Ugnayan ng mga Salita

Higit na marami ang karanasan ng mga tao kaysa sa alam nilang talasalitaan kaya
napipilitan silang gamitin ang isang salita na may iba’t ibang kahulugan. Sa kabila nito,
nagkakaunawaan pa rin ang mga tao sapagkat ang kahulugan ng isang salita ay nagiging
wasto kapag naging bahagi na ito ng pangungusap.

12. Panghihiram ng mga salita.

Walang salitang –buhay na gaya ng Filipino ang puro dahil sa pagkakaiba-iba sa


kultura ng bawat bansa. May mga salitang banyaga na hindi matatagpuan sa salitang
Filipino kapag isinalin kaya ang tanging magagawa ay manghiram o lumikha ng
panibagong salita. Walang masama sa panghihiram ng salita at hindi rin ito nakahihiya.

Ayon sa pag-aaral, may 5,000 salitang Kastila na hiniram sa Filipino, mga 3,000
salitang Malay, mga 1,000 sa Ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram sa Instsik,
Arabe, sanskrito, Latin, Niponggo, Aleman, Pranses, at iba pa

Si Dr. Alfonso Santiago ay nagtakda ng mga tuntunin sa panghihiram sa Ingles sa


aklat niyang “Sining ng Pagsasaliksik”.

1. Paraan I. Pagkuha ng katumbas sa Kastila ng hihiraming salitang Ingles at


pagbaybay dito ayon sa palabaybayang Filipino.
2. Paraan II. Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas sa Kastila),
hiramin ang salitang Ingles at baybayin sa palabaybayang Filipino.
3. Paraan III. Kapag hindi maaari ang paraan I at II, hiramin ang salitang Ingles at
walang pagbabagong gagawin sa pagbaybay. Ginagamit ito sa panghihiram
ng mga salitang teknikal at pang-agham at ng mga pangngalang pantangi.

Kung may katumbas na magagamit sa ating sariling wika, huwag ng manghiram


sapagkat ang labis na panghihiram ng mga salita ang magiging sanhi ng pagkamatay ng
wika o salita.
IV. MGA AKTIBIDAD
Aktibidad 1. Pagbibigay ng mga salitang gamit ang homograpo at heterograpo na
paraan ng pagpapayaman ng talasalitan. Nakapaloob lamang ito sa loob ng limang
(5) minuto.

V. LAGOM NG LEKSYON
May iba’t ibang paraan ng pagpapayaman ng talasalitaan. Kabilang dito ang
pagtatambal, pagpaparis ng magkakasama, pagpapangkat- pangkat,
magkasingkahulugan, magkasalungat, paglalapi na may uring unlapi, gitlapi, hulapi,
kabilaan at laguhan.

Kabilang din sa mga paraang ito ang denotasyon, konotasyon, konteks klu,
homograpo at heterograpo, ugnayan ng mga salita, at panghihiram ng mga salita.

VI. PAGTATASA
Pagtatasa A. Sagutan ang maikling pagsusulit na nasa BBL.

Pagtatasa B. Sagutin at ipaliwanag. Isaalang-alang ang rubriks sa pag-iiskor.

5 puntos- kung angkop ang kapaliwanagan at wasto ang gamit ng mga salita sa
loob ng panungusap.
3 puntos- kung angkop ang kapaliwanagan ngunit may dalawang maling salita sa
binuong pangungusap.
1 puntos- para sa pagsisikap na magpaliwanag ngunit hindi angkop ang
kapaliwanagan.
0 puntos- kung walang kapaliwanagan.

1. Ano ang mga paraan ng pagpapayaman ng talasalitaan?

2. Sa iyong palagay, bakit kailangan pang payamanin ang ating talasalitaan?

VII. INTRODUKSYON SA ASYNCHRONOUS


A. Dugtungang kwentuhan hinggil sa kwentong “Ang Sugat na Hindi nakikita ni Karoly
Kisfaludi”.
B. Pagbibigay ng aral mula sa nasabing kwento.

Mga Batis:

1. Reynaldo l. Aguilar, et.al., Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik et.al., Grandbooks


Publishing Inc., Pateros, Metro Manila

2. Rolando A. Bernales, et.al. Kritikal na Pagbasa at Lohikal na pagsulat Tungo sa


Pananaliksik (Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 2. Mutya Publishing House Inc.
Balubaran, Valenzuela City
3. Juanita M. Cusi, et.al., Pagbasa at Pagsulat Tungo sa PananaliksikGrandbooks Publishing
Inc., Pateros, Metro Manila

4. Imelda De Castro, Ph.D. et.al., Kritikal na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. UST Publishing House, Manila, Philippines

5. Gilbert C. Galit, Filipino 2 Masining na Pagbasa at Malikhaing Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. Unlimited Books, Library Services and Publishing Inc., Intramuros, Manila

6. Perla Gamace, Ph.D., Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Filipino 2) Grandbooks


Publishing Inc., Pateros, Metro Manila

7. Alcomitser P. Tumangan, Sr. et.al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik(Filipino II)


Grandbooks Publishing Inc. Pateros, Metro Manila

You might also like