You are on page 1of 1

FILIPINO LET FAVORITES

📚 Antas ng Wika
✔ Balbal - Ginagamit sa lansangan.
Hal. Erpat, pabebe, syota

✔ Kolokyal - Salitang pang araw- araw na pinaikli mula sa pormal na salita.


Hal. Pakuha (pakikuha), Naron (naroon)

✔Pambansa - Salitang ginagamit sa mga aklat at sirkulasyong pambansa.

📚 Baryasyon ng Wika
✔Dayalekto - Pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.
Hal.
PAKIURONG po ang plato. (Sa Bulacan ang ibig sabihin ay "Pakihugasan po ang plato.")
PAKIURONG po ang plato. (Sa Maynila ang ibig sabihin ay "Pakiusog po ang plato.")

✔Idyolek- Nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang pangkat ng mga tao.


Hal.
Tagalog - Bakit?
Batangas - Bakit ga?
Bataan - Bakita ah?

✔Sosyolek - Batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang kinabibilangan.


Hal.
Wika ng mag-aaral
Wika ng matatanda

✔Register - Partikular na disiplina.


Hal.
Wika ng mga abogado
Wika ng mga doktor

✔ Pidgin - Nagkakaroon nito kapag ang isang nagsasalita ay may dalawang magkaibang wika.
Hal. Suki, ikaw bili tinda ko, mura.

✔Creole - Isang wika na unang naging pidgin at naging ganap ng kanilang unang wika.
Hal. Chavacano

You might also like