You are on page 1of 4

MGA BARAYTI NG WIKA

Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay heterogeneous o
nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain,
pinag- aaralan at iba pa .

1. Diyalekto / Dayalek
Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na
rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Halimbawa:
Tagalog - Bakit?
Batangas – Bakit ga?
Ilocos – Bakit ngay? / Apay?
Kapampangan – Buti?

2. Idyolek
Nakagawiang pamamaraan o estilo sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao.
Ang wikang tipikal/ pangkaraniwang ginagamit ng isang tao; ang personal na “wika” ng isang tao.
Halimbawa:
“Magandang Gabi Bayan!”
“Excuse me po!”
“Ngayon, bukas, at magpakailanman.”
“Ang buhay ay weather weather lang.”

3. Sosyolek
Nakabatay ang pagkakaiba nito sa katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang
ginagalawan.
Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Halimbawa:
Jejemon
Bekimon / Gay lingo
Conyo

4. Etnolek
Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa
pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek.
Ang mga salitang napapaloob sa etnolek ay ang mga salitang ginagamit ng mga mamamayan sa isang lugar o
pangkat na likas lamang sa kanila.
Halimbawa:
Vakuul salitang Ivatan na tumutukoy sa kanilang panakip sa ulo

Palangga Iniirog sa salitang Cebuano

Solutan tumutukoy sa pinuno ng isang komunidad o kaharian sa salitang Meranaw; Sultan

Munsala tawag sa isang uri ng tradisyonal na sayaw ng mga Ifugao

Banas tumutukoy sa mainit na pakiramdam o pagkabalisa sa wika ng mga Tagalog

Batuk isang uri o paraan ng paglalagay ng tradisyonal na marka sa katawan mula sa Kalinga

Adlaw salitang Visaya na tumutukoy sa araw, panibagong umaga

Bagnet isang uri ng pinrosesong karne na kilala sa pagiging malinamnam kapag niluto

1
5. Ekolek
Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na
namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
Nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie
bunso – baby – beh
banyo – palikuran – kubeta – CR
Parusa – palo – sinturunin – pingutin – hatawin
kain- am-am – papa – lantak
Lababo – batalan – hugasan – urungan

6. Jargon
Ang jargon ay baryasyon o barayti ng wika na tinatawag din bilang natatanging bokabularyo ng isang
partikular na pangkat na gawain o propesyon.
Dahil sa jargon, mas napapadali ang paggawa o pagtatrabaho ng mga propesyonal sa kanilang
kinabibilangang propesyon, trabaho, o larangan.
Halimbawa:
School / Paaralan Science / Agham / Sports
Classmate Siyensiya Offense
Chalkboard Bacteria Defense
Exam / Quiz Cells Coach
With Honors Fungus Injury
Assignment Seismology Love
Intramurals Tropical storm Track
Graduation Magnitude Goal
Section Geology Slam dunk

7. Pidgin
Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng
mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay
walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika
lamang.
Halimbawa:
Kayo bili alak akin.
Ikaw wag upo d’yan. Para di ako lugi.
Suki, ikaw bili akin ako bigay diskawnt.
Ikaw aral buti para ikaw kuha taas grado.
8. Creole
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang
lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Ito ay pinaghalong iba’t ibang wika.
Halimbawa:
Chavacano – Ito ay isa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas, lalo na ang mga taga-Zamboanga at ilang
bahagi ng Cavite, Davao, Maynila, at Basilan. Ito ay halong Kastila at wikang Bisaya. Ang salitang Chavacano
ay nangangahulugan mismo ng “mababang panlasa” o “bulgar” sa wikang Spanish.

MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO


 UNANG WIKA
Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
 PANGALAWANG WIKA
Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon ng eksposyur sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaring
magmula sa telebisyon o sa iba pang taong nakapaligid sa kanya.
2
 IKATLONG WIKA
Ibang bagong wika na naririnig o nakikilala na kalaunay natutuhan at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga
taong nasa paligid.

MONOLINGGUWALISMO
Ito ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang England,
Pransya, South Korea at Hapon. Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May
iisang wika ding umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay.

BILINGGUWALISMO
Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang
kanyang katutubong wika. Bloomfield (1935)
Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika”.
Macnamara (1967)

MULTILINGGUWALISMO
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal.
Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal.
Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang
katutubo o wikang kinagisnan.

TUNGKULIN NG WIKA

1. Instrumental
– Ito ay ginagamit upang makuha ng tagapagsalita ang kanyang mga kinakailangan katulad lamang ng materyal o
serbisyo.
Halimbawa:
– Pag-order ng pagkain sa isang restawran
– Pag utos sa kasambahay na kunin ang mga sinampay sa labas

2. Interaksyonal
– Napakahalaga na matuto tayong makiisa o makipagkapwa sa tao dahil araw araw ay may iba’t-ibang tao tayo na
makikila o makakahalubilo.
Halimbawa:
– Pagbati ng magandang umaga sa mga guro sa paaralan
– Pagkwentuhan sa mga bago mong kakilala sa unang araw ng klase

3. Personal
-Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang kinabibilangan.
Halimbawa:
-Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong
– Pagiging bukas sa mga problema sa sarili

4. Regulatori
-Ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala ng ibang tao. Ginagamit rin ito sa
pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla.
Halimbawa:
-Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki
-Pag-sasalita sa isang dibate

3
5. Heuristic
-Ito ay kadalasang ginagamit sa mga paaralan. Ito ang instrumento upang madagdagan ang kaalaman ng isang tao.
Halimbawa:
-Pagtanong sa isang guro ukol sa isang paksa na naguguluhan ka
– Pagdalo sa isang seminar

6. Representasyonal
-Wika ang nagsisilbi o ginagamit bilang tsanel ng impormasyon, kaalaman at kamalayan.
Halimbawa:
-Pagbabalita
-Pag-uulat
-Pananaliksik-papel

7. Imahinatibo
– Ang tungkulin ng wika dito ay ang pag likha ng mga kwento, tula, at iba pang mga mga malikhaing ideya.
Halimbawa:
-Pagsulat ng nobela
– Paglikha ng kanta

You might also like