You are on page 1of 5

Asignatura FILIPINO BLG.

NG LINGGO UNANG LINGGO-


:PANITIKANG SESYON 1
PANDAIGDIGAN
Markahan IKAAPAT NA
MARKAHAN

I.
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng
PANGNILALAM panitikang popular sa kulturang Pilipino
AN
II. Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
PAMANTAYAN kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media
SA PAGGANAP awareness campaign)
III. F8WG-IIIa-c-30 Nagagamit ang iba’t ibang sitwasyon ang mga
KASANAYAN salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
SA (balbal,kolokyal,banyaga).
PAGKATUTO
IV. PAKSANG
ARALIN PAKSA :Antas ng Wika

SANGGUNIAN :Ang Batikan , Panitikan ng pilipino

Internet:http://supplemental7niwarville.blogspot.com/2017/05/antas
-ng-wika.html?m=1

INSTRUKSYON NA KAGAMITAN : larawan, Laptop, TV , Power


Point Presentation, Activity sheets,

V. A.PANIMULANG GAWAIN
PAMAMARAAN
1. Panalangin
2.Pagpapanatili ng kaayusan ng silid – aralan
3.Pagbati ng guro at Mag-aaral
4.Pagtatala ng liban sa klase
5.Balik Aral

C .PAGGANYAK
"Wiklamation"
Panuto: sa isang maliit na garapon na ipapaikot ay may mga
Numero na nakalagay kung saan bubunot ang mag aaral habang
nagpapatugtog ng isang kanta, kung sino man matapatan ay siyang
pupunta sa harap at ipapaliwanag ang mga salita batay sa
opinyon niya dito . Sisimulan ang sagot sa "Naniniwala Ako"

Charot
Guro
Ala e
Pangganyak na tanong:

1.Batay sa ginawa ng inyong kamag aaral ano ang mga napansin


niyo sa mga salitang nakapaskil sa pisara ?

2.Paano nyo masasabi na ang mga ito ay ginagamit natin sa pang


araw araw?
3. Mainam ba na komunikasyon ang mga salitang iyan ? Bakit at
ipaliwanag

4. Sa palagay ninyo, ano kaya ang ating pag-aaralan ngayong


araw?

D.PAGLINANG NG ARALIN

1.Pangkatang Gawain

Pangkalahatang Panuto : bawat pangkat ay may nakaatas na


gawain kung saan iprepresinta nila ito sa harap may 10 minuto
lamang sila upang matapos ito.

Pangkat 1:
magpakita ng isang kaganapan sa palengke kung saan gumamit
kayo ng mga salitang balbal. (Pagsasadula)

Pangkat 2:
Pumili ng isang reporter sa Tv. At gayahin ang pananalita nito gamit
ang ilang salitang pormal (Pagbabalita)
Pangkat 3:
Umisip ng isang maiksing palaro kung saan ipinapakita doon ang
mga pormal at di pormal na salita (Game Show)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Batayan Napaka- Mahusay Di- Nanganga


husay gaanong -ilangan
mahusay ng
pagpapa-
buti

Nilalaman at Lubos na Naipahatid Di- gaanong Di-


organisasyon naipapahati ang naiparating naiparating
ng mga d ang nilalaman o ang ang
Kaisipan o nilalaman o kaisipan na nilalaman o nilalaman o
Mensahe kaisipan na nais kaisipan na kaisipan na
nais naiparating nais nais
(4) iparating sa sa iparating sa iparating sa
manunuod manunuod manunuod manunuod
(3) (2) (1)
(4)

Istilo Lubos na Kinakitaan Di-gaanong Di-


/Pagkamalikha kinakitaan ng kinakitaan kinakitaan
in ng kasiningan ng ng
kasiningan ang kasiningan kasiningan
(2) ang ginamit pamamaraa ang ang
ng pangkat ng ginamit pamamaraa pamamaraa
sa ng pangkat ng ginamit ng ginamit
presentasy sa ng pangkat ng pangkat
on (3) presentasyo sa sa
n (2) presentasyo presentasyo
n (1) n

(0)

Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di-


Pangkat o nagpamala ng nagpamalas nagpamalas
Kooperasyon s ng pagkakaisa ng ng
(3) pagkakaisa ang bawat pagkakaisa pagkakaisa
ang bawat miyembro ang bawat ang bawat
miyembro sa kanilang miyembro miyembro
sa kanilang Gawain (2) sa kanilang sa kanilang
Gawain(3) Gawain (1) Gawain (0)

2. INPUT NG GURO

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na


ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang
ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong
dinadaluhan.

a. Pormal – Ito ay antas ng wika na pamantayan at


kinikilala/ginagamit ng nakararami.

• Pambansa – Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at


pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.

Halimbawa:
– asawa, anak, tahanan
• Pampanitikan o panretorika – Ito ay ginagamit ng mga malikhaing
manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay, at
masining.

Halimbawa:
– kahati sa buhay
– bunga ng pag-ibig
– pusod ng pagmamahalan

b. Di Pormal – Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-


araw-araw, at madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.

• Lalawiganin – Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o


lalawigan. Makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

Halimbawa:
– Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
– Nakain ka na? (Kumain ka na?)
– Buang! (Baliw!)

• Kolokyal – Pang-araw-araw na salita. Maaaring may kagaspangan


nang kaunti. Maaari din itong maging kagalang-galang ayon sa
kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit
pang titik sa salita.

Halimbawa:
– Nasan, pa’ no, sa’kin, kelan
– Meron ka bang dala?

• Balbal – Sa Ingles, ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes ,


mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
– chicks (dalagang bata pa)
– orange (bente pesos)
– pinoy (Pilipino)

3.PAGLALAHAT NG ARALIN

Tanong ko Sagot mo?

b. Mahalaga ba pag aralan ang antas ng wika sa paraang pasalita


at pasulat na komunikasyon ?

Pagsusulit: I Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


katanungan, Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel.

___________1.Ito ay antas ng wika na istandard at


kinikilala/ginagamit ng nakararami.
VI.EBALWASYO __________2.Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang
N araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
___________ 3.Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat
at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
___________4.Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.Ang
mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
_____________5. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o
lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
____________6. Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may
kagaspangan nang kaunti,maari rin itor refinado ayon sa kung sino
ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,dalawa o higit pang titik sa
salita.
_____________7.Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling
codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa anta
_____________8-10 magbigay ng tatlong halimbawa ng salitang
Pormal.

VII.TAKDANG
ARALIN
Magsaliksik kung ano ano nga ba ang mga kontemporaryong
pampanitikan

Sanggunian : Internet , panitikan ng Pilipino,Batikan

You might also like