You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 12

Kuwarter 1- MELC 2

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO


Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PN- la – 86)

Layunin:
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng barayti ng wika.

Pamantayang Pangnilalaman:
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko

Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o pangkatan) ng mga


sulatin

II. NILALAMAN
A. Paksa: Barayti ng Wika
B. Kagamitan: Projector, laptop, white cloth, photocopy/ies
C. Sanggunian: Ma. Corazon S. Dela Peña. Modyul 4-6 Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan
D. Pagpapahalaga: Pagkakaroon nang maayos na relasyon sa kapwa,
paggalang, parespeto at pagiging tapat
E. Integrasyon: Oral Communications

III. PAMARAAN:
A. Gawain/Aktibiti
1. Balik-aral
Itanong sa mga mag-aaral:
1. Ang lingguistikong komunidad ay maaring maklasipika bilang?
2. Ano ang iba pang katawagan sa mga miyembro ng lingguistikang
komunidad na homogeneous?

2. Pagganyak
Itanong sa ga mag-aaral
1. Ilang wika ang iyong alam? Ano- ano ang mga ito?

3. Tampok na Gawain
a. Ano ang say mo? Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa
dalawahan. Ang bawat pares ay sasagutin ang mga katanungan sa
ibaba.

Paano mo kakausapin o babatiin ang ang mga sumusunod na mga tao:


1. Ang iyong guro
2. Ang iyong kaibigang beki (bakla)
3. Ang iyong tiyahing mula sa Cebu

B. Pagsusuri/Analisis
Itanong:
1. Naging madali basa inyo ang paggawa ng gawain?
2. Ano-ano ang iyong napapansin sa bawat sitwasyon?
3. Mayroon bang pagkakaiba ng wika ang makikita sa bawat sitwasyon?

C. Abstraksiyon
Ilalahad ang katuturan ng barayti ng wika.

BARAYTI NG WIKA
Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtataglay ng iba’t ibang
Barayti. Batay nga sa kasabihang Ingles, “Variety is the spice of life”. Ibig
sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi
nangangahulugang negatibo. Maaari itong tingnan bilang isang positibo,
isang penomenong pangwika o magandang pangyayri sa wika.
Dahil sa ang mga tao ang siyang bumubuo sa Lipunan at tao rin ang
siyang lumilinang ng kani-kanilang mga kultura, hindi ngayon maiiwasang
magkaroon ng pagkaiba-iba sa paniniwala, gawi, kaalaman pati rin sa wika.
Kung kaya, ayon kay Zosky, mayroong tinatawag na barayti ng wika o sub
languanges na maaring iklasipika higit sa isang paraan.
Narito ang mga konseptong iyong dapat na matutuhan tungkol sa
Barayti ng Wika. Ang mga kahulugan nito ay nagmula sa aklat nina Nuncio
na Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

1. Dayalek – Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng pangkat ng mga tao


mula sa isang na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan. Maaring
gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar
subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang
kahulugan, iba ang gamit ng salita para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo
ng mga pangungusap na siyang nagpakaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang
lugar. Ang halimbawa ng dayalek ang pagsasalita ng Tagalog ng mga taga-
Batangas na naglalagay ng “e” sad ulo gaya ng “ala e”

2. Idyolek – Ito ang sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong


pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Napatunayan nito na hindi
homogeneous ang wika sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita
ng isang tao sa iba pang tao. Ilan sa ga personalidad na gumagamit ng
idyolek ay sina Marc Logan, Noli De Castro, Mike Enriquez at Kris Aquino.

3. Sosyolek- Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas


panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika .
Kapansin- pansin ang mga tao na nagpapangkat- pangkat batay sa ilang
katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, opurtunidad,
kasarian, edad, at iba pa.

4. Etnolek – Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito


ang mga salitang nagiging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan ng isang
pangkat etniko. Halimbawa ay ang salitang vakkul na ibig sabihin ay
pantakip sa ulo at ang salitang palangga na nangangahulugang mahal o
minamahal.

5. Ekolek – Ang tawag sa mga salitang binabanggit at ginagamit sa


pakikipagtalastasan sa bahay. Ang halimbawa nito ay kapag iuutusan ka ng
iyong ama o ina sa mga gawaing bahay.

D. Paglalapat/Aplikasyon
Differentiated Instruction. Hahatiin ang klase sa apat pangkat. Bawat
pangkat ay mabibigyan ng kani-kanilang gawain
Pangkat 1. Bumuo ng isang tula tungkol sa Guimaras gamit ang wikang
Hiligaynon.
Pangkat 2. Magsadula ng isang eksenang kadalasang makikita sa inyong
paaralan.
Pangkat 3. Magtanghal ng isang talk show na ginagaya sina Boy Abunda at
Kris Aquino.
Pangkat 4. Magsadula ng isang eksenang kadalasang nangyayari sa inyong
bahay.
Rubrics sa Pagamarka

Krayterya/ Iskala/ Puntos


Deskripsyon Napakahusay (3) Mahusay (2) Di- gaanong
Mahusay (1)
Kawastuhan ng Naibibigay ng May kaunting Maraing
Nilalalman wasto ang kakulangan ang kakulangan ang
inaasahan na nilalamang nilalamang
gawain ipinakita ipinakita
Presentasyon Naipamalas ng Naipamalas ng Naipamalas ng di
napakahusay ang mahusay ang – gaanong
gawain. gawain. mahusay ang
gawain.
Iskala Puntos
6 ……………………………… 95
5 ……………………………… 92
4 ……………………………… 89
3 ……………………………… 86
2 ……………………………… 83

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Tukuyin kung anong barayti ng wika ang mga sumusunod na
halimbawa.

1. “Hello Philippines and Hello World” ay isang paraan ng pagbati ni Toni Gonzaga
sa show na PBB.
2. “Maligo ka na doon sa ating palikuran” utos ni Inay.
3. “Ala eh dine na tayo magpahinga at ako’y pagod na”

4. Marining kong nauusap sina Mario na kilala rin bilang si Marian na nagsasabing
charot, chika, bekilou at iba pa.

5. Nagka-usap ang aking Ina at ang kanyang kaibigan ang kanilang paksa ay
tungkol sa kanilang lesson plan at sa darating nilang pagsusulit na ibibigay sa
kanilang mga estudyante.

6. “Order in the court” ay karaniwang maririnig kapag mayroong pandinig sa isang


kaso.

7. “ Ang buhay ay weather weather lang “ sabi ni Kim Atienza.

8. Oh my gosh! It’s so maiinit dito.

9. Ang palangga o mahal.

10. “Linisan mo ang ating pamingganan” winika ni ate.

V. KASUNDUAN
Magpasaliksik sa mga mag-aaral tungkol sa Register ng Wika. Isulat sa inyong
kwaderno.

Antas ng Pagkatuto: __________ Blg. ng mag-aaral na nakapasa


__________ Blg. ng mag-aaral na dumalo sa klase
__________ Bahagdan ng mga nakapasa

Desisyong Instruksyunal: ___ Simulan ang bagong aralin (100% ang nakapasa)
___ Simulan ang bagong aralin (75%-99% ang nakapasa
na may remedyasyon)
___ Iturong muli (74% pababa)

Developed by:
Writers: Sherlyn B. Taguligan T-II Jordan NHS
Quality Assurers: Evelyn G. Espago, EPS SDO Guimaras
Layout Artist: Noe G. Serra, MT-I, Buenavista NHS
Language Editor: Noe G. Serra, Buenavista NHS
Ofelia S. Combes, TVC-Sta. Teresa NHS

You might also like