You are on page 1of 113

Gawin Natin

1. Praktikal ba ang paggamit ng code-mixing? Bakit?


2. Paano nakatutulong sa pambansang pagkakaisa ang kasanayan sa
code- switching?
3. Nakabubuti ba sa mga estudyante na taglayin ang kasanayan s a code-switching?
Bakit?

57
HALO-KODA (Code-Mixing)

Ang halo-koda o code-mixing ay isang penomena sa pagpapahayag na


pasalita. Nagaganap ito sa pamamagitan ng pagsingit ng salita o mga salitang mula sa
ibang wika na labas sa sistema ng pangunahing wikang ginamit sa pagpapahayag.

Ang halo-koda ay nangyayari sa pagkakataong ang nagsasalita ay walang


mahagilap na angkop na salitang dapat gamitin sa kanyang pagsasalita. Kagaya ng
code-switching, ito rin ay madalas nagaganap kapag nagsasalita. Masasabing
ang halo-koda ay nagaganap kapag ang isang nagsasalita ay kapos na sa
bokabularyo sa pangunahing wikang gamit sa pagpapahayag. Sa madaling sabi, isa
sa mga layunin ng code-mixing ay upang maintindihan ng kausap, a t upang
punan ang kakapusan ng pangangailangan ng pagsasalita. Maari namang
nagaganap ang halo-koda dahil sa kaugnayan ng wikang gamit sa usaping kultural
o panahon na lantad ang wikang ito sa isang lipunan.

Ang terminong code-mixing ay nagbibigay diin sa “hybridization” na


nagaganap sa pagpapahayag ng isang bilingwal o multilingwal na indibidwal.

Sa ating bansa, madalas nagaganap ang penomenon na ito sa


pagpapahayag, sa kalye, palengke, tahanan at maging sa loob ng mga silid-aralan.

58
Gawin Natin

a. Kailan masasabi na mabuti ang epekto ng halo-koda sa pakikipagtalastasan?

b. Paano nakikinabang sa isa't isa ang palit-koda at halo-koda?

59
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 6

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

TAMAO MALI: Panuto: Isulat ang salitang TAMAkapag wasto ang pahayag at
MALI kung iba. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang:

___________1. Ang palit-koda at halo-koda ay nagaganap sa pagnanais na


maunawaan ng tagapakinig.
2. Ang halo-koda ay nagaganap na hindi sinasadya.
3. Ang pagpapalit-koda ay nagaganap sa isang bilingwal.
4. Ang palit-koda ay sadyang paggamit ng ibang wika sa pagsasalita.
5. Maaari din na magaganap ang halo-koda kapag magkaangkan ang
mga wikain.
6. Sa pagpapalit-koda ng mga Ilonggo, ang wikang sangkot ay
maaaring Hiligaynon, Karay- a, Filipino at Ingles.
7. Ang halo-koda ay maaaring magaganap anumang oras kapag
nakikipagkomunikasyon ang isang multilingwal.
8. Ang halo-koda ay maaaring magaganap dahil na rin sa kakapusan sa
bokabularyo.
9. Ang palit-koda ay sinasadya upang ilayo ang tunay na kahulugan ng
pahayag sa ibang tao.
10. Kahit hindi magkakamag-anak ang wikain nagaganap pa rin ang
palit-koda.

SANAYSAY:Panuto: Isulat nang malinis, malinaw, payak at tiyak ang iyong


kasagutan: (5 puntos)

Bakit nagaganap ang halo-koda samga bilingwal?

60
50
Aralin 9
ILANG KONSIDERASYON TUNGO SA MABISANG
KOMUNIKASYON

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nasusuri ang kaisipan ng akronim na SPEAKING;


b. nakasusulat ng isang komik iskrip; at
c. natutukoy ang mga kaparaanan sa pagbibigay ng angkop na pahayag
batay sa akronim na SPEAKING.

Talakayin Natin
Hanggang sa kasalukuyan ang modelong SPEAKING ni Dell Hymes sa
mabuting pakikipagkomunikasyon ay napapakinabangan ng maraming indibidwal
na nagnanais mapabuti ang kasanayang pangkomunikasyon. Lalong-lalo na sa
buhay ng mga estudyante na nais taglayin ang kasanayan sa pagiging mabuting
tagapagsalita.

Mahalagang aspeto sa pakikipagtalastasan na alam ang mga mahalagang


konsiderasyon sa pag-uusap. Kapag alam mo ang konsiderasyon, magiging madali
para sa iyo ang pakikipag-usap at maayos mong matatawid ang mga nais mo
ihahayag para sa iba.

Narito ang inimungkahing akronim ni Dell Hymes na SPEAKING:

S - (Setting) Ito'y tumutukoy sa kaangkupan ng iyong pagpapahayag ayon


sa pinangyayarihan o pook kung saan nag-uusap.
P - (Participants) May kinalaman kung sino ang kausap.
E - (Ends) May kaugnayan ito sa pagtugon sa layunin ng pag-uusap.
May malaking kinalaman ang wakas sa pagtugon sa layunin ng
pagpapahayag.
A - (Act Sequences) Ito ang pagtantya sa daloy ng pag-uusap.
K - (Keys) Tumutukoy sa kaangkupan ng pagpapahayag o kaya'y kung sa
kasuotan, ang kaangkupan nito sa sitwasyon.
I - (Instrumentalities) Ano ang midyum na gamit sa pag-uusap.
N - (Norms) Maiugnay sa paksang pinag-uusapan.
G - (Genre) May kaugnayan sa paraang gamit sa pag-uusap.

51
Sa pagpapahayag hindi lamang mahalaga kung ano ang ating nais iparating
sa kapwa, importante din na maunawaan ka ng iyong kausap.

Sina Bernales et al. (2000), ay nagbigay ng mahalagang punto para sa isang


aktibong kalahok sa usapan:

1. Kailangang maunawaan nila ang proseso ng komunikasyon.


2. Kailangan may positibong pananaw sa sarili.
3. Kailangang marunong sa pag-decode at encode ng mensahe.
4. May sapat na kaalaman sa pag-unawa sa mga di-berbal (wika ng katawan) na
komunikasyon.
5. Marunong sa batayang instrumento ng komunikasyon.

52
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 7

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

1. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng akronim na SPEAKING:

S–
P–
E–
A–
K-
I–
N–
G-

2. Panuto: Ibigay ang limang (5) punto na mahalagang isaalang-alang sa aktibong


pakikilahok: (5pnts)

1.
2.
3.
4.
5.

53
54
Aralin 10
ETNOLINGWISTIKS

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakikilala ang batayan ng etnolingwistikong katawagan;


b. natutukoy ang dalawang maghalagang batayan ng etnolingwistikong
kultural;
c. nakapagpalitang opinyon sa pagkakaugnay-ugnay ng mga wikain sa
Pilipinas;
d. nakapagsaliksik sa iba pang etnikong grupo sa Pilipinas; at
e. nakapagpapaliwanag sa pagkakabuo ng mga pangkat etniko sa Pilipinas.

Talakayin Natin
Etnolingwistiko ay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang
bansa ayon sa kultura.

May dalawang batayan sa paghahati ng etnolingwistik ng kultura:

1. etnisidad – tumutukoy sa pagkamag-anak.


2. wika – nakikilala ang tao sa pamamagitan nito.

Ang etnisidad ay tumutukoy sa pagkakamalapit ng dalawang panig at sila'y


tinatawag na magkamag-anak.

Paano nagkakaiba ang etnisidad at identidad. Ang etnisidad ay tumutukoy sa


katangiang kultural na binubuo ng wika, lahi, paniniwala, kaugalian, tradisyon,
saloobin, ideolohiya at iba pang mga salik. Habang ang identidad ay ang
pagkakalilanlan batay sa kabihasnan at kulturang kinagishan bilang isang lahi.

Sa kabilang dako, ang wika naman ay may malaking papel na ginagampanan


sa pagkakakilanlan sa isang etnikong grupo. Ang wika ay kaparaanan kung saan
makikilala mo ang isang tao o ang isang pangkat etniko. Ito ang naghahayag kung
ano at sino ang isang pangkat o indibidwal. Sa pamamagitan ng kanyang wikang
gamit, makikilala mo ang grupong kinabibilangan nito.

Sa Pilipinas may 7 pangunahing pangkat etniko:

1. Ilonggo- Hiligaynon
2. Bikolano - Bikolano
55
3. Tagalog - Tagalog
4. Kapangpangan - Pangasinense Amánung Sísuan (breastfeed nurture
language)
5. Ilokano - Ilokano (Provincial Ordinance passed September 2012)
6. Moro - Arabiko
7. Cebu - Bisaya/Cebuano (bahagi ng Rehiyon 7)

Subdibisyon ng mga pangkat etniko sa Pilipinas

1. Tagbanua – nakatira sa baybaying dagat ng gitnang Palawan.

2. Mangyan – nakatira sa liblib na pook ng Mindoro. Mahiyain silang tribu.


Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at
katamtaman ang tangkad.

3. Yakan – matatagpuan sa Basilan at ang lalaki at babae ay gumagamit ng


malong. Ipinapalupot ng babae sa baywang at isinusuot naman sa ulo ng
lalaki ang malong. Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan.
Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa
ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng
angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung
kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din
sa kanila ang diborsiyo kung pumapayag dito ang lalaki.

4. Bagobo – matatagpuan sa gulpo ng Davao

5. Bukidnon ng Sentral Panay – matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng


Panay.

Gawin Natin
1. Magbigay ng dalawang pangkat etniko at talakayin ang kanilang pagkakaiba sa
kultura (8 puntos).

2. Pumili ng dalawang pangkat etniko at talakayin ang pagkakatulad ng kanilang


wika (7 puntos).

3. Paano nabubuo ang pangkat etniko? (5 puntos)

56
Aralin 11
PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO
AT FILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nailalahad ang kaibahan ng Tagalog, Filipino at Pilipino;


b. natutukoy ang kasaysayan ng wikang Tagalog; at
c. natutukoy ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Talakayin Natin
Hindi natin maipagkakailang hindi lahat sa atin ang nakaalam kung ano ang
ating pambansang wika. Kung tatanungin nga siguro ang lahat ng mga mag-aaral sa
elementarya, may mga magsasabi pang Tagalog o di kaya nama'y tatahimik na
lamang dahil sa pagkalito. Tagalog nga rin ang tawag ng mga foreigners sa ating
pambansang wika. Ilang taon na rin ang nakakaraan ng ito'y baguhin mula Pilipino
(na batay sa Tagalog) sa pagiging Filipino, ngunit masasabi pa rin nating hindi pa rin
tayo nakakawala sa anino ng Tagalog. Tagalog, Pilipino, Filipino, ano nga ba ang
kanilang pagkakaiba?

Wikang Tagalog

Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) na siyang unang librong


nailimbag sa bansa sa taong 1593 ay nakasulat sa Tagalog. Tagalog rin ang sinasalita
ng maraming Pilipino sa pagdating nina Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 sa
Maynila. Mahihinuhang ang Tagalog ay isang wikang natural at may sariling mga
katutubong tagapagsalita.

Ang salitang Tagalog na hinango sa salitang taga-ilog, ay ang wika sa Metro


Manila, Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque
at ilang parte ng Puerto Princesa at Nueva Ecija. Ito'y isang wikang sinasalita sa mga
etnolinggwistikong grupo sa bansa.

Wikang Tagalog bilang batayan sa Wikang Pambansa

Nang idineklara ni Presidente Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa na


batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 sa pamamagitan ng Executive Order
No. 134, maraming umalma at tumutol na mga mamamayan ng bansa.

57
Ang Surian ng Wikang Pambansa ang naatasang pumili ng isang katutubong
wika na gagamiting basehan para sa pagbabalangkas at pagpapatibay ng wikang
pambansa. Ang Surian ng wikang pambansa ang siya ring inatasan na magbigay ng
preperensya sa pinakamaunlad sa kayarian, nilalaman at panitikan na tinatanggap at
ginagamit ng pinakamaraming bilang ng mga Pilipino.

Gumawa ng rekomendasyon sa Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian ng


Wikang Pambansa na ang Tagalog ang gawing saligan ng wikang pambansa. Ang
Tagalog, di umano ang tumutugon sa lahat halos ng kinakailangan ng Batas
Komonwelt Blg 184.

Ngunit idinemanda ang Surian dahil sa kuwestiyon ng legalidad ng pagkapili


ng Tagalog bilang basehan ng wikang pambansa gayon din ang pagpapalaganap ng
Plipino bilang wikang pambansa. Pinagwagian ng Surian ang kaso sa hukumang
unang dinulugan, sa Hukuman sa Paghahabol sa Korte Suprema noong Hulyo 15,
1970 ay nagpasya ang korte:

“Ang Tagalog bilang batayan ng ating wikang pambansa (na pinatunayan sa


ulat ng Kawanihan ng Senso na siyang pinakamalaganap na sinasalita sa ating
katutubong wika), ang hayag na pagpapahayag at pagkilala rito ng bayan at
pamahalaan, sa kapahintulutan ng Batas ng Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng
Kongreso na nagpapahayag na ang wikang pambansang Pilipino ay isa sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas na may bisa noong Hulyo 4, 1946, ay nakapaglagay na
isyu ng katalinuhan at kaangkupan sa pagpili ng Pilipino, batay sa Tagalog bilang
wikang pambansa natin, na lampas na sa awtoridad ng mga hukuman upang
rebisahan at isasantabi.

Dahil sa pangyayaring nabanggit, sa kasalukuyan, ang pinakaangkop na


kahulugan ng wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pamahalaan na
ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan. Dahil dito,
patuloy pa rin, ang paglaganap ng wika sa mga lugar ng mga etniko na gumagamit ng
katutubong wika. Isaalang-alang pa rin ang puspusang paggamit at pagpapalaganap
ng wika bilang pundasyon at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang larangan-
pampolitika, panlipunan, pang-media, pampanitikan, pang-edukasyon at iba pa”.

Wikang Pilipino bilang Wikang Pambansa

Taong 1943 nang tinukoy na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino,


na ibabatay sa Tagalog, alinsunod sa ipinasa ni Kalihim Jose Romero (Department
Order No. 7) ng Kagawaran Edukasyon. Simula 1959, ito na rin ang ginamit sa
pagtuturo sa paaralan, ngunit nahinto nang pagtibayin ang wikang Filipino bilang
Wikang Pambansa alinsunod saArticle 14 Sec. 6 ng 1987 Konstitusyon.

58
Nang ipinatupad ang pagiging pambansang wika ng wikang Pilipino, umani
ito ng malakas na pagtutol. Ang pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa ay lumikha ng malakas na oposisyon sa mga di-Tagalog at pro-Ingles.
Madalas naipapahiwatig ang oposisyong ito sa mga sulat sa editor ng mga
peryodikal, at sa mga paulit-ulit na habla at salita laban sa Pilipino. Sa paggamit ng
Pilipino na batay sa Tagalog, ang mga di-Tagalog ay nakadarama ng damdaming
kakulangan o ng damdaming napapailalim sa mga Tagalog. Nadarama nila ang
panibugho na sila'y dayuhan sa isa't isa.

Pangunahin sa pagtutol dito ang mga Cebuano. Anila, ang Pilipino (1959) na
siyang nahirang na Wikang Pambansa ay Tagalog din. Hindi sila masisisi sa bagay
na ito sapagkat ng likhain nga naman ang Balarila ng Wikang Pambansa ilang taon na
ang nakalilipas ay naging Tagalog-na-Tagalog. Ito'y isang pagkakamali na lalong
nagpalala sa suliranin hinggil sa pagkakaiba at pagkakakilanlan ng Pilipinong batay
sa Tagalog at ng Tagalog mismo.

Ang mga hindi Tagalog ay hindi nabigyan ng pagkakataon na maging parte


ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino.

Ngunit sa likod ng mga tabing masisilayan kung bakit ibinatay ang


pambansang wika sa Tagalog. Sa katunayan, Tagalog ang piniling saligan ng Wikang
Pambansa sa kadahilanang ito'y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. 59% sa
Kapampangan, 48.2% sa Cebuano, 44.6% sa Hiligaynon at iba pa. Sa madaling
salita'y hindi magiging mahirap unawain at pag-aralan ang Tagalog para sa mga di-
Tagalog dahil, nahahawig ito sa kanilang wikain.

May dahilan kung bakit nagkakahawig-hawig ang mga wika sa Pilipinas.


Lahat ng mga katutubong wika sa Pilipinas ay batay sa iisang angkan ng wika. Ang
isang angkan ng wika ay isang klasipikasyon ng iba't ibang wika na pinapaniwalaang
nagmula sa iisang wika. Ang orihinal na wikang pinagmulan ng iba't ibang wika ay
karaniwang tinatawag nating Proto-Austronesian. Nagmula sa Proto-Austronesian
ang Malay, ang mga wikang Cham ng Vietnam, ang mga wikang katutubo ng
Taiwan, ang mga wika sa Pilipinas at iba pa. Ang isa sa mga anak na wika ng Proto-
Austronesian ay pinagmulan ng halos ng wika sa Pilipinas. Ang wikang proto na
pinagmulan ng wika sa Pilipinas ay tinatawag nating Proto-Philippine. Ito ay isang
wikang haypotetikal lamang o isang wikang pinapalagay ng mga dalubwika na
lumitaw ng mga dakung una, na sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng mga
pagbabago, hanggang nagkaroon na ng tatak ng pagkawika ang bawat isa.

Pinatunayan din ng maraming pag-aaral na ang Tagalog ang pinakamaunlad


na wika sa bansa at siyang ginagamit ng higit na nakararami sa pakikipagtalastasan,
sa panitikan, sa kalakalan, at sa iba pang disiplina't larangan.

Matagal din ang pamamayagpag ng Wikang Filipino. Ang pagtawag ng


“konkon ” noong 1971 ang nagbigay ng pinakahihintay na pagkakataon sa
59
mga di-

60
Tagalog at sa mga pro-Ingles na baguhin o patayin ang wikang pambansang batay sa
isang wika.

Sa mga una pa lamang na sesyon ng konkon, malinaw nang lumabas ang


malakas na pagkontra o pagtanggi ng mga karamihan sa mga delegado sa konkon ( na
mga di-tagalog) sa patuloy na paggamit sa Pilipino bilang wikang pambansa ng
Pilipinas.

Dahil sa naisantabi ang mga wikang malawak din ang gamit gaya ng
Cebuano, Hiligaynon, at Ilokano, nag-udyok ito ng pagpapalit sa Wikang pambansa
mula Pilipino tungo sa Filipino sa 1973 at 1987 Konstitusyon.

Nabago man ito dahil sa ginawang batas, hindi naman ito agarang nabura sa
isipan ng mga tao. “Tagalog Imperialism” kung ito'y tawagin ni Prof. Leopoldo
Yabes, isang Ilokanong manunulat at naging dekano ng College of Arts and Sciences
sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nakondisyon na ang tao sa Tagalog kung
kaya't kahit na binago ito, Tagalog pa rin ang itinawag dito hindi lang ng mga
Pilipino bagkos, ng mga dayunan din.

Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa

Ang wikang Filipino ang ating kasalukuyang wikang pambansa at wikang


opisyal na ginagamit bilang transaksyunal na wika sa mga panggobyernong
pasilidad at opisina.

Pambansang lingua franca kung ito rin ay maituring. Ngunit ano nga ba ang
kahulugan ng lingua franca? Ayon sa Wikipedia, ang salitang lingua franca ay mula
sa salitang Aleman na nangangahulugang working language na ang ibig sabihin ay
isang wikang nag-uugnay sa mga taong may kanya-kanyang dayalek. Ang pagiging
lingua franca ng isang wika ay ang pagiging pangalawang wika nito kung saan ito ay
nagiging midyum upang ang mga may iba't ibang dayalek ay magkaintindihan.
Halimbawa, ang dayalek ng Davao ay Davaoeno samantalang Chavacano naman
ang sa Zamboanga. Hindi sila magkakaunawaan kung gagamitin nila ang kanilang
sariling dayalek, ngunit kung gagamitin nila ang wikang Filipino na siyang lingua
franca ng ating bansa, ang komunikasyon ay nagiging posible.

Ang wikang Filipino ay “multi-base language in nature”, ang ganitong ideya


ay naglalayong luminang ng Wikang Pambansa para sa Pilipinas na hindi lamang
batay sa Tagalog, kundi batay sa maraming wikain sa bansa kasama ang mga
salitang banyaga na naging at nagiging bahagi na ng ating kabihasnan.
Marami ang nagpapalagay na ang ganitong kaayusan ay nagpapakita ng pagiging
dinamiko ng isang wika. Idinadahilan nila na hindi lamang iisa ang dapat maging
estilo ng Wikang Pambansa na batay sa iba't ibang wikain, tayo'y higit na
magkakaunawaan bilang mga mamamayang Pilipino – Tagalog, Cebuano,
Ilocano, Ibanag, Kapampangan, Muslim, lahat.
60
Ang Tagalog at Filipino ay hindi pareho, ngunit hindi rin magkaiba. Paanong
nangyari ito? Sapagkat ang Filipino ay pinaunlad (o pinauunlad) na Tagalog salig sa
mga umiiral na wika sa Pilipinas. Hindi pareho sapagkat higit na mayaman ang
bokabularyo ng Filipino kaysa Tagalog dahil sa impluwensya ng iba't ibang wikain at
wikang banyagang maluwag na nakakapasok sa bokabularyo nito, bagamat hindi ito
sapat upang hindi magkaunawaan ang nagsasalita ng Tagalog (katulad ng salitang
lalawiganin) ang hindi maituturing na salitang Filipino sapagkat hindi angkop ang
salitang ito sa istandardisasyon at/o intelektwalisasyon ng Filipino, ang higit na
mahalaga'y maraming mga salitang banyaga tulad ng Ingles, Italyano, Frances, Latin
at iba pa at mga salitang mula sa iba pang wikain sa Pilipinas ang mga maituturing na
bahagi na ng bokabularyong Filipino (sapagkat nauunawa't ginagamit ngunit) di ng
Tagalog.

Miskonsepsyon sa Filipino

Sa pag-akala ng iba, hinango ang salitang Filipino mula sa salitang Ingles na


nangangahulugang mamamayan ng bansa. Akala rin ng iba, na sa Ingles din galing
ang F dito. Ilan lamang ito sa mga miskonsepsyon na nanatili pa rin sa iilan hanggang
ngayon.

Pinalitan ang P ng F upang maging simbolo ng hindi lang Tagalog ang


batayan ng wikang ito sapagkat, walang ganitong tunog sa Tagalog. Ito'y
sumisimbolo sa akomodasyon ng wikang pambansa sa iba pang dayalek.

Nadagdagan rin ng walong letra ang alpabeto. Ang mga ito ay C, F, J, Ñ, Q, V,


X, at Z. Dahil dito, ang dating Dabaw ay nagiging Davao na. Naisusulat na rin ang
selebrasyon ng mga Ifugao na tinatawag na Cañao.

Sa pamamagitan ng Filipino bilang wikang panturo, tayo'y higit na


magkakaunawaan bilang mga mamamayang Pilipino-Tagalog, Ilokano, Bisaya,
lahat.

Bigyang diin ang pagkakaunawaan sa pamamagitan ng sariling wika – ang


Filipino! “Gisingin natin ang lahat ng mga Juan de la Cruz na nahihimbing pa”.

Gawin Natin
A. Basahing mabuti bago sagutin ang bawat tanong. Isulat sa espasyong nakalaan
ang pangungusap para sa iyong sagot.

1. Paano natin magagamit nang angkop at tama ang wika?

61
2. Paano nagkakaiba ang wikang Tagalog, Pilipino at Filipino?

3. Bakit nagkakaroon nang malakas na oposisyon ang pagpili sa Tagalog


bilang batayan ng wikang pambansa sa mga Tagalog at di-Tagalog.

62
Aralin 12
REHISTRO NG WIKA

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nabibigayan kahulugan ang register ng wika;


b. nakapagbibigay ng halimbawa ng register ng wika;
c. naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang
ginagamitan ng mga ito;
d. natatalakay ang tatlong dimensyon ng register ng wika;
e. naipapaliwanag ang kahulugan iba't ibang gawain sa pagsasalita; at
f. nakapagbubuo ng halimbawa ng bawat gawi ng pagsasalita

Talakayin Natin
Ginagamit ang rehister sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa mga
gumagamit nito. Barayti itong kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na
ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.Maaaring gumamit ng iba't
ibang linggwistik aytem ang isang tao sa pagpapahayag ng humigit-kumulang na
parehong kahulugan sa iba't ibang okasyon. Bawat pagasalita o pagsulat ng isang tao
ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa ibang tao sa lipunang kanyang
kinasasangkutan.Samakatwid ang dayalekto ng isang tao ay nagpapakilala kung
sino siya. Dayalekto din ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika. Ang
pagkakaiba -iba ay maaaring nasa aksent, leksikograpiyasiya o kaya'y nasa
pagbigkas lamang(Antonio, 1993).

Samantalang ang rehistro ay nagpapakita kung ano ang kanyang ginagawa .


Naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang pinaggagamitan ng mga
ito. Nakabubuo ng tala ng mga register sa iba't ibang larangan o disiplina. Bawat
propesyon ay may register o espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register ng
wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, game designer at negosyante.
Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan ayon sa
larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng
termino pati na ang mga espeyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o
teknikal na nagtataglay ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina.

Halimbawa ng register ang salitang “kapital” na may kahulugang


“puhunan” sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang “punong
lungsod' o “kabisera” sa larangan ng heograpiya. Hindi lamang ginagamit ang
register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang larangan din.

63
Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabagong kahulugang taglay kapag
ginagamit sa iba't ibang disiplina o larangan.

Dahil iba iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang
kahulugan taglay ng register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito,
itinuturing ang register bilang isang salik sa varayti ng wika. Maaaring gumagamit
ng iba't ibang linggwistik aytem ang isang tao sa pagpapahayag ng humigit-
kumulang sa parehong kahulugan sa iba't ibang okasyon. Bawat pagsasalita o
pagsusulat ng isang tao ay isang pag-uugnay sa lipunang kanyang kinasasangkutan.

Halimbawa:
Propesyon: 1. Doktor: Pasyente, preskripsyon
2. Guro: mag-aaral, lesson plan
3. Pulis: kaso, suspek
4.Abogado: kliyente, akusado
5. Piloto: eroplano, pasahero

Tatlong Dimensyon ng Rehister ng Wika

1. Field – nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng


komunikasyon. Ito ang paksa ng kabanata. Anong paksa ang pinag-usapan.

2. Mode – tungkol ito sa paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon,


pasalita o pasulat. Paraan o paano nag-uusap ang dalawang tao. Sa usapang
pasulat mas pormal ang mga salita, sumusunod sa mekaniks ng pagsulat,
gumagamit ng bantas sa pagsulat. Kung pasalita maaaring nangangatwiran,
may pagkamagalang, nagliligawan, nag-aaway, balita, showbiz.

3. Tenor – ayon ito sa relasyon ng mga kalahok. Nangangahulugan kung para


kanino ito. Kung sino ang kausap o tagapakinig. Nangangahulugang para
kanino ito. Minsan, sa halip na tawaging tenor, ginagamit ang “style”,
pero iniiwasan ang pagtawag nang ganito dahil sa pangkalahatan,
ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro.

Register bilang Barayti ng Wika

- Ang register ng wika ay barayti itong kaugnay ng higit na malawak na


panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag. Ang register ng wika ay tumutukoy sa mga
espesyalisadong mga salita na ginagamit ng isang partikular na domeyn o
gawain.
- Isang espisipikong bokabularyo at/ o balarila ng isang akitibidad o
propesyon. Ito ay set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng
mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong
64
hindi kasali sa

65
grupo o pangkat o ang hindi pamilyar sa propesyon, uri ng trabaho o
organisasyong kinabibilangan. Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga
barayti ng wika ayon sa gumagamit (Halliday, Mclntosh & Stevens, 1994).

Naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang pinaggagamitan


ng mga ito. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan batay
sa iba't ibang larangan.

IBA'T IBANG GAWAIN SAPAGSASALITA

Bawat pagsasalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uunay ng kanyang


sarili sa ibang tao sa lipunang kanyang kinasasangkutan (Halliday, Mclntosh &
Stevents, 1994).

Pakikipag-usap

Ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita ay


tinatawag na pakikipag-usap. Ito ay isang masining na paraan ng
pakikipagtalastasan.

Mga Dapat Ugaliin sa Pakikipag-usap

1. Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap


2. Iwasan ang panghihiya sa kausap
3. Iwasan ang hindi pakikinig sa kausap
4. Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap

Pamantayan ng isang Usapan

Ang isang usapan o conversation ay isang prosesong pangkomunikasyon ng


kinasasangkutan ng dalawa o higit pang kalahok na gumagamit ng berbal o senyas na
wika sa pagpapalitan ng kaalaman, pagpapahayag ng saloobin o damdamin na kung
saan ay nakaapekto sa kilos o gawi, sikolohikal, kaalaman at damdamin ng mga
partikular na kalahok.

Gawi ng Pagsasalita

Produksiyon ng mga tunog ng pananalita na idinaan sa mas magandang


paraan para magbunga ng mas makahulugan na pananalita.

Uri ng Gawi ng Pagsasalita

1. Ang Kumakatawan - kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa


pag-iba ng mga antas patungo sa tamang proposisyon na dapat nilang sinabi;
66
panunumpa, paniniwala at pag-uulat.

Halimbawa: Ipinangako ko na aking pagbubutihin ang aking pag-aaral sa


darating na pasukan.

2. Direktibo – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa paghimok sa


mga tagapakinig na gumawa ng kahit na ano; mag-utos, makiusap,
makipagtalo.

Halimbawa: Gawin mo ang lahat ng aking ipinagagawa at huwag ka nang


magtanong ng ano pa man.

3. Commissive – kung saan ang mga nagsasalita ay gumagawa ng alinmang


pag-iba sa mga antas patungo sa aksiyon; mangako, sumumpa o mga gawain.

Halimbawa: Gagawin ko ang bagay na iyong gusto, ano man ang iyong
ipagawa.

4. Deklarasyon – kung saan sa pamamagitan ng nagsasalita na baguhin ang


estado ng mga gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi ng
pagpasasalita.

Halimbawa: Ipinababatid ko sa inyong lahat na ang sinumam ang lumabag


sa aking batas ay magkakamit ng parusa.

5. Ekspresibo – kung saan ang tagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang pag-


uugali; pagbati o paghingi ng paumanhin.

Halimbawa: Siya ay humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa at akin


naming pinagbigyan.

Pagkukuwento

Ito ay isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring


totoo o kaya ay kathang-isip lamang.

Ilang Pamantayan sa Pagkukuwento

1. Tiyaking alam na alam ang kuwentong isasalaysay


2. Sikaping maging masigla sa pagsasalita
3. Bigkasing malinaw ang mga salita
4. Huwag magmadali sa pagkukwento
5. Tumingin sa nakikinig

67
Pakikipanayam

Ito ay kinakasangkutan ng dalawang tao o pangkat na may nagtatanong at


may sumasagot. Ito ay naglalayong makaalam ng mga bagay-bagay tungkol sa taong
kinakapanayam.

Mga Dapat Bigyang-Pansin

1. Oras – kinakailangang may abiso muna sa taong nais kapanayamin upang ang
bawat panig ay may pagkakataong makapaghanda .
2. Mga Tanong – bumuo ng makabuluhang tanong na humihingi ng tiyak na
kasagutan.

Debate

Ito ay pakikipagtalo tungkol sa isang isyung kontrobersyal at napapanahon.


Maaaring ito ay pormal o hindi pormal. May dalawang panig ang pagdedebate: ang
sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon.

Pagtatalumpati

Ang pagtatalumpati ay isang sosyal o panlipunang gawain dahil kadalasang


isinasagawa sa publiko. Maaari itong biglaan o may paghahanda.

Gawin Natin
1. Gamit ang limang Uri ng Gawi ng Pagsasalita gumawa ng tigdalawang
pangungusap ng mga sumusunod na gabay para sa :

a. pagpapabuti ng pag-aaral
b. pagrerespeto sa kapwa
c. paggalang sa magulang

2. Sumulat ng isang orihinal na talumpating may tatlong talata at sauluhin saka


bigkasin sa harap ng klase. Pumili kayo ng sariling paksa na kawili-wili ayon sa
layuning ninais.

3. Bumuo ng apat na pangkat. Magtala ng mga salitang mula sa ibang katutubong


wika na napabilang na ngayon sa wikang Filipino. Pagkatapos isulat sa pisara ang
natalang mga salita at susuriin.

4. Bumuo ng pangkat na may pitong kasapi sa klase. Magkakakaroon ng iskit


tungkol sa uri ng gawi ng pagsasalita.

68
69
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 8

Pangalan: Kurso/Taon:
Iskor: Oras
ng Klase: Petsa
A. TAMAO MALI: Panuto: Isulat ang salitang TAMAkung wasto ang
pahayag at salitang MALI kung iba sa patlang bago ang bilang.

1. Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika


ayon sa gumagamit.
2. Mayaman ang bokabularyo ng wikangTagalog kaysa wikang
Filipino.
3. Ang bawat pagsasalita at pagsusulat ng isang tao ay pag-
uugnay sa lipunang kanyang ginagalawan.
4. Ang Field ay dimension ng register ng wika na nakaukol sa
layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon.
5. Ang Mode ay nangangahulugang relasyon ng mga kalahok, kung
sino ang kausap o tagapakinig.
6. Ang pagdedebate ay isang sosyal o panlipunang gawain dahil
kadalasang isinasagawa sa publiko.
7. Pwedeng tumawa ang nag-uusap habang nakikipag-usap.
8. Sa pagkukuwento, sipaking maging mabilis ang pagsasalaysay nito.
9. Sa pakikipanayam, bumuo ng makabuluhang tanong na
humihingi ng tiyak na kasagutan.
10. Ang rehistro bilang barayti ng wika ay isang ispisipikong
bokabularyo o balarila ng isang akitibidad o propesyon.

B. PAGKILALA: Panuto: Tukuyin ang tamang sagot ng mga


sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang na
nakalaan.

1. Ito ang ating kasalukuyang wikang pambansa at wikang


opisyal na ginagamit bilang transaksyunal na wika sa mga
panggobyernong pasilidad at opisina.
2. Ito ang orihinal na wikang pinagmulan ng iba't ibang wika sa
Pilipinas.
3. Sinasalita ng maraming Pilipino sa pagdating nina Miguel
Lopez de Legaspi noong 1565 sa Maynila.

70
4. Ito ang salitang Aleman na nangangahulugang working language
na ang ibig sabihin ay isang wikang nag-uugnay sa mga
taong may kanya- kanyang dayalek.
5. Ang wikang Filipino ang ating kasalukuyang wikang
pambansa at wikang opisyal na ginagamit bilang transaksyunal
na wika sa mga pang- gobyernong pasilidad at opisina.
6. Pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita
______7. Ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa paghimok sa mga
tagapakinig na gumawa ng kahit na ano, mag-utos, makiusap,
makipagtalo.
8. Pwedeng baguhin sa pamamagitan ng nagsasalita ang estado ng mga
gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi ng
pagsasalita.
9. Ang tagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang pag-uugali, pagbati o
paghingi ng paumanhin.
_______10. Ito ay kinasasangkutan ng dalawang tao o pangkat na may
nagtatanong at may sumasagot.

70
Aralin 13
TAMANG GAMIT NG MGA SALITA

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nagagamit ang angkop na mga salita sa pasulat at pasalita;


b. natutukoy ang angkop na mga salitang dapat gagamitin sa ising
pahayag;
c. naipapaliwanag ang wastong gamit ng mga salita;
d. nakasusulat ng talata o komposisyon gamit ang angkop na mga salita;
e. nakagagawa ng sariling pangungusap sa pamamagitan ng tamang
paggamit ng mga salita; at
f. nasusuri nang maigi ang mga pangungusap ayon sa tamang gamit ng
mga salita.

Talakayin Natin
May mga nagsasabi na kahit mali-mali ang gamit ng salita at balarila o
gramar ng isang tao, sa paraang pasulat man o pasalita, basta maintindihan lamang
ang gusto niyang sabihin, okey na. Pero, kung mali ang pagkakagamit ng isang tao ng
wika o salita, hindi niya maipahahayag nang mabuti ang kaniyang ibig sasabihin, at
naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais niyang ipahayag. Responsibilidad o
tungkulin ng bawat isa na pagyamanin ang kaniyang kaalaman sa wastong paggamit
ng mga salita upang siya'y magiging bihasa at maiiwasan ang di pagkakaintidihan sa
kapwa, at ang mensaheng kaniyang ipinahahayag ay magsisiwalat nang malaki sa
kaniyang saloobin sa mga tao na kinakausap.

Tatalakayin sa araling ito ang mga tuntunin sa tamang gamit ng mga salita
upang sa gayon ay iyong matutunan at magagamit ang mga ito sa iyong araw-araw na
pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon. Bilang produkto ng kurikulum na K
to 12, isang hamon ang araling ito sa wikang Filipino upang higit na maunawaan ang
pakikipagsalamuha sa kapwa.

TAMANG GAMIT NG MGA SALITA


1. nang at ng

1. Ginagamit ang nang kapag napapagitnaan ng dalawang pandiwa (verb).


Sa pag-uulit ng pandiwa
1.1. Sigaw nang sigaw ang anak niya.
1.2. Kain nang kain ang dalawang aso ni MangAnton.
71
2. Ginagamit ang nang kung ang sumusunod na salita ay pang-abay (adverb).
2.1. Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
2.2. Dumating nang maaga ang kanilang pinuno.

3. Nang ang gagamitin sa unahan ng pangungusap at kung ito'y katumbas ng


when sa Ingles.
3.1. Nang umalis ka, dumating siya.
3.2. Nang malaman ni Dexter na wala na siyang pera, tinawagan niya
ang kaniyang ina.
3.3. Nanonood kami ng TV nang tumawag ang kapatid ko mula saAustralia.
3.4. Tapos na ang Philippine Got Talent nang buksan niya ang telebisyon.

4. Ginagamit ang nang bilang katumbas ng “so that o in order to” sa Ingles.
4.1. Mag-aral ka nang mabuti nang ika'y makapasa sa sabdyek na ito.
4.2. Magsumikap ka nang ang buhay mo'y guminhawa.

5. Ginagamit ang nang bilang pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na


ng.
5.1. Tinanggap (na+ng) nang kapatid ko ang regalo ng kaniyang ninong.
5.6. Sumayaw (na+ ng) nang tanggo at cha-cha ang dalawa kong kaklase.

6. Ginagamit ang ng bilang katumbas ng of sa Ingles.


6.1. Si Ellen ang Pangulo ng aming organisasyon.
6.2. Ang mga sa ABM Section 8 ng Senior High School ay
nagdaos ng Entrepreneur Week.

7. Ginagamit ang ng bilang pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig


balintiyak.
7.1. Ginawa ng mga estudyante ni Bb. Gomez ang kanilang proyekto
sa Filipino.
7.2. Hinuli ng mga tauhan ni Heneral Bato ang mga druglords.

8. Ginagamit ang ng bilang pang-ukol ng layon ng pandiwa.


8.1. Naglalaro sila ng taekwondo tuwing Miyerkules.
8.2. Bumili siya ng gatas para sa kaniyang dalawang anak.

2. daw/din , raw/rin,

A. Ginagamit ang daw at din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa


katinig maliban sa malapatinig na w at y; raw at rin naman kapag ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.
1.May pagsusubok daw tayo sa Filipino 12 sa Lunes.
2.Masarap din ang pagkaing niluto ng iyong ina.
3.Dalawa raw silang sasama sa akin papuntang Maynila.
72
4. Sasali rin siya sa timpalak ng pagtula sa darating na University Day.

73
B. Gamitin ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa w o y.
1. Kahoy raw ang ginamit nila na mga materyales sa paggawa ng tulay.
2. Ikaw rin ang dapat tumulong sa iyong mga kapatid pagdating nila sa
kolehiyo.

3. kung di at kundi

A. Ang kung di ay galing sa “kung hindi” o “if not” sa Ingles at ang kundi
naman ay katumbas ng “except” sa Ingles.

3.1.Lalaro na sana ang mga anak niya kung ‘ di dumating ang matalik
na kaibigan niya.
3.2.Walang sinuman ang pumasok sa Rose Memorial Auditorium kundi
iyong may mga I.D. lamang.

4 . ikit at ikot

A. Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa
loob. Ang ikot naman ay para maipakita ang kilos mula sa loob patungo sa labas.

4.1.Nakalimang ikit muna sila bago natunton ang daan papunta sa bahay
ng kanilang klasmeyt.
4.2.Umikut-ikot muna sila dito sa loob bago nila nakita ang daanan palabas.

5.hatiin at hatian

A. Ang hatiin ay katumbas ng “to divide” (partehin) sa Ingles at ang hatian


naman ay katumbas ng “to share” (ibahagi).

5.1. Hatiin mo sa walo ang dala mong cake.


5.2. Hinatian niya ng dala niyang mga pagkain ang pulubi.

6.punasin at punasan

Tulad ng pahirin at pahiran, ang punasin (wipe off) ay nangangahulugang


alisin o tanggalin.Ang punasan (to apply) ay nangangahulugan ng lagyan.

6.1. Punasin mo ang pawis sa iyong noo.


6.2. Ang paa mong namamaga ay punasan mo ng gamot.

2. nabasag at binasag

Ang nabasag ay nangngahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto. Ang

74
binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.

7.1. Sa sobrang galit, binasag ni Kardo ang basong mamahalin.


7.2. Nabasag ng katulong ang salamin sa dressing room sa sobra
niyang pagmamadali.

8. kumuha at manguha

A. “To get” sa Ingles ang kumuha, at “to gather o to collect” naman ang
manguha.

8.1. Kumuha ng pagkain si Lilibeth para sa kaniyang kapatid na nag-aaral sa


Kindergarten.
8.2. Nanguha ng mga bulaklak ang apo niAling Rose para sa Flores de Mayo.

9.bumili at magbili

B. Ang bumili ay nangangahulugan ng “to buy” sa Ingles, at “to sell” naman


ang magbili (magbenta).

9.1. Bumili ng mga sariwang isda siAling Korena sa La Paz public market.
9.2. Ang trabaho ng kapatid niya ay magbili ng second hand na mga sasakyan.

10.dahil sa at dahilan

A. Ginagamit ang dahil sa bilang pangatnig na pananhi, (causal conjunction) at


ginagamit naman bilang pangngalan (noun) ang dahilan.

10.1. Hindi si Allan nakapaglaro ng basketbol dahil sa mababa niyang


mga grado.
10.2. Ang dahilan ng pag-iyak ni Lara ay dahil sa aalis na si Richard
bukas patungong Germany.

9. kita at kata

A. Ginagamit ang kita bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Ito ay
panghalip na panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan.
Samantala, ang kata naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may
kailanang dalawahan. Tumutukoy sa kinakausap ang kita (ikaw) at ang kata (ikaw
at ako) naman ay tumutukoy sa magkasamang nangungusap at kinakausap.

11.1. Nakita kita sa SM Cinema noong Martes kasama ng ina at mga


kapatid mo.
11.2. Kata nang kumain sa Vikings kasi kilala ko ang may-ari.
75
12. kila at kina

A. Dapat tandaan na walang salitang kila. Sa halip ay gagamitin ang kina bilang
maramihan (plural) ng kay.

12.1. Mamasyal tayo kina Ben atAllan.


12.2. Para kina Toni,Roy,at Sarah ang mga regalong ito.

13. sundin at sundan

A. Nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral ang sundin at katumbas ito


sa Ingles ng“to obey”.“To follow” sa Ingles ang sundan at nangangahulugang
gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.
13.1.Para sa maganda mong kinabukasan, palagi mong sundin ang mga
payo ng iyong mga magulang.
13.2. Dapat ang bawat Pilipino ay sundan ang kabayanihan nina Rizal,
Bonifacio, at Aguinaldo.

14. habang, samantala/samantalang

A. Tumutukoy sa isang kalagayang walang tiyak na hangganan ang habang, at t u


mutukoy naman sa isang kalagayang pansamantala ang
samantala/samantalang.

14.1.Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.


14.2.Nagnenegosyo muna siya samantalang wala pa ang resulta n g
board exam.

15. ibayad at ipagbayad

A. Pagbibigay ng bagay bilang kabayaran ang ibayad, at nangangahulugan


naman ng pagbabayad para sa ibang tao ang ipagbayad.

15.1.Julie, limang sakong palay na lamang ang ibayad mo kay Mang Anton sa
halip ng pera.
15.2.Dahil hindi pa dumating ang allowance mo galing ng Mindanao,
ipagbayad muna kita sa sine.

16. taga- at tiga

A. Walang unlaping tiga-. Sa halip, taga- ang dapat gamitin. Gumagamit


lamang ng gitling kapag sinusundan ng pangngalang pantangi (proper noun).

16.1.Ang kasama niya ay taga- Palawan.


76
16.2. Taga- Lambunao ang kanilang mga bisita noong Sabado.

B. Tama rin ang sumusunod na halimbawa, at hindi na dapat lagyan ng gitling.

1. Marangal din ang trabaho niya kahit siya'y tagahugas lamang ng mga
sasakyan.
2. Tagaluto ng pagkain ang trabaho niya tuwing may Palarong Pambansa.
Tandaan: Naiiba ang panlaping tig- na ginagamit kasama ng mga
pambilang na: tig-isa, tigdalawa, tig-apat, tigsampu, tig-anim atbp.

17. agawin at agawan

Agawin ang isang bagay sa tao o hayop at agawan ng isang bagay ang tao o
hayop.

17.1Ang laruan ni Jomar ay ibig agawin ni Lance.


17.2.Bernie, huwag mong agawan ng bola siAlex.

18. abutan at abutin

Abutan (bigyan) ng isang bagay, at abutin (kunin) ang isang bagay.

18.1.Maawa ka naman, abutan mo ng pera ang pulubi.


18.2.Inutusan ko siyang abutin ang hinog na manga sa puno.

19. bilhin at bilhan

Bilhin ang isang bagay, at bilhan ng isang bagay ang tao.

19.1.Sige na, bilhin na natin ang relong iyan. Mura kasi eh.
19.2.Bilhan mo ng pagkain ang katulong namamalantsa sa bahay.

20. napakasal at nagpakasal

Napakasal ang gagamitin kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-


iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Nagpakasal naman ang
gagamitin kapag ang tinutukoy ay ang taong nangasiwa upang makasal ang
isang lalaki at babae.

20.1.Napakasal si Alejandro kay Lorena. May trabaho naman kasi


silang dalawa.
20.2.SinaAling Paula at Mang Ramon ang nagpakasal kay Junar at Beth.

77
21. tunton, tuntong at tungtong

Ang tunton ay pagbakas o paghahanap sa bakas ng anumang bagay.


Pagyapak sa anumang bagay ang tuntong, at panakip naman sa palayok,
kawali at iba pang kaugnay na bagay ang tungtong.

21.1.Hindi matunton ng kapatid ko ang aso naming si Elaine.


21.2.Tumuntong sa silya si Stephen upang maabot niya ang pugad ng ibon.
21.3.Matagal nang hindi nakita ng aming kasambahay na si Aling Soleng
ang tungtong ng aming palayok.

22. putulin at putulan

Ginagamit ang putulin sa pagputol ng isang bagay. Samantalang ang


putulan ay ang pagputol ng isang bagay sa tao, hayop at bagay.

22.1.Inutusan ni ama ang kapatid kong huwag putulin ang mga Mahogany.
22.2.Putulan na natin ng mga tuyong dahon ang gumamela sa bakuran.

23. tawagin at tawagan

Ginagamit ang tawagin para palapitin ang isang tao o hayop. Ang tawagan
naman ay ginagamit para kausapin o bigyan-pansin ang isang tao.

23.1.Jeb, tawagin mo na si Raine kasi aalis na tayo mamaya.


24.1.Bukas nang umaga, tawagan mo si Janjan para malaman natin
kung sasama siya sa atin o hindi.

24. dito/rito at doon/roon

Ginagamit ang dito at doon kapag ang sinusundan na salita ay nagtatapos sa


katinig (consonant)

24.1.Pupunta rin dito ang mga kandidato ng PDP-Laban.


24.2.May mga tumutubong bulaklak doon sa tabi ng ilog na iyon.

Ginagamit ang rito at roon kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa


patinig (vowel) at malapatinig na w at y.

24.3.Maraming kahoy roon sa gubat na iyon.


24.4.Halika rito sa tabi ko upang marinig mo ang mga sinasabi ko.

78
Ginagamit ang dito at doon sa unahan ng pangungusap.

24.5. Dito sa kwartong ito kami nagpalabas ng dula-dulaan.


24.6. Doon sa Iloilo Covention Center sa Megaworld gaganapin ang
konsyerto ni Sarah Geronimo.

25. bitiw at bitawan

Ang salitang bitiw (pandiwa) ay ang pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak


ng isang bagay o pangyayari.
25.1.Sabihin mo sa anak mong huwag bumitiw sa ‘yo para hindi siya
mawala.

Ang bitawan aytumutukoy sa lugar pagdarausan ng salpukan ng manok na


walang tari.

25.2. Gumawa ng inspeksyon ang mga pulis sa bitawan ng manok sa


Brgy. Cuartero noong nakaraang linggo.

26. imik at kibo

Ginagamit ang imik sa pagsasalita o pangungusap.


26.1. Hindi nakaimik si Elena sa tanong ng kaniyang guro.
Ginagamit sa pagkilos ang kibo.
26.2. Hindi siya kumikibong nakatayo sa isang sulok ng simbahan.
Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.
26.3.Huwag mong kibuin ang bagong sibol na mga tanim ni itay.

27. kapag at kung

Ipinakilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.


27.1.Nagtuturo si Windy ng ballet kapag bakasyon at walang klase.
Ipinakilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan.
27.2.Hindi tiyak ni Martin kung sa Disyembre o Mayo siya magbabakasyon.

28. ibayad at ipagbayad

Pagbibigay ng bagay bilang kabayaran ang ibayad.


28.1.Paglilinis ng bahay ang ibabayad ni Berting sa hiniram niyang pera
kay Rody.
Ang ipagbayad ay pagbabayad para sa ibang tao.
28.2. Ipagbayad ko muna ang may sakit kong kapitbahay para sa check up
niya kay Dr. Reyes.

79
29. suklayin at suklayan

Suklayin ang buhok ng sarili o ng iba.


29.1. Gerald, upang guwapo kang tingnan, suklayin mo nga ang buhok mo.
Suklayan ng buhok ang ibang tao.
29.2. Aling Soting, suklayan mo nga ng buhok ang lola pagkatapos niyang maligo
ha.

30. hanapin at hanapan

Katumbas ng “to look for” sa Ingles ang hanapin. Ginagamit ito upang
piliting makita, halungkatin, o saliksikin ang isang bagay, tao o lugar.
30.1.Hanapin mo nga ang relo ko sa ibabaw ng mesa.
Ginagamit ang hanapan upang tingnan at siyasatin ang bagay na mahirap
makita. Katumbas ito sa Ingles ng “to look and insist on something that is hard
to find.”
30.2.Bakit pati si Elena ay hanapan mo ng nawala mong pera?

Gawin Natin

I. Magsaliksik tungkol sa wastong gamit ng sumusunod. Sumulat ng halimbawang


pangungusap sa bawat isa.

1. pahirin- pahiran 11. iwan-iwanan


2. subukin-subukan 12. may-mayroon
3. walisin-walisan 13. bumili-magbili
4. operahin-operahan 14. linisin-linisan
5. pinto-pintuan
7. kung-kong
8. magsakay-sumakay
9. sundan-sundin
10. namatay-napatay

II. Magpangkat ng tiglima, planuhin ang 5-7 minutos na dula-dulaang ipalabas gamit ang
mga salitang nakatala sa bilang 1-30 at ang mga sa takda na makikita sa itaas.
A. Rubrik/krayterya sa dula-dulaan:
1.Kaalaman (mastery) -10 puntos
2. Wastong paggamit ng mga salita - 10 puntos
3.Paksa at mensahe ng dula-dulaan - 5 puntos
4. Kooperasyon at pagkakaisa ng grupo - 5 puntos

KABUUAN - 30 puntos
71
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 9

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

Panuto: Pillin ang angkop na salitang dapat gamitin sa mga pahayag: Bilugan ang
inyong sagot.

1. Huwag (magbitiw, magbitaw) ng masamang salita sa kapwa.


2. (Subukan, Subukin) natin ang kakayahan ni Loel sa pagluluto.
3. Maraming mga mumurahing damit (roon, doon) sa kanilang lugar.
4. Ang cyst ni Miko sa noo ay (ooperahin, ooperahan) sa susunod na Huwebes.
5. Sinunod niya ang payo ng panday na ang (hagdan, hagdanan) ay ilagay niya sa tapat
ng pintuan.
6. Mang Igme, (walisan,walisin) mo nga ng mga kalat ang bakuran.
7. (May, Mayroon) masipag na anak siAling Milay.
8. Kinain (rin, din) ng daga ang tinapay sa ibabaw ng mesa.
9. Dapat isarado ang (pintuan, pinto) tuwing gabi upang hindi makapasok ang
magnanakaw.
10. Chris, (putulan, putulin) natin ang mga sangang nakasampay sa ating bintana.
11. Hindi alam ng mga estudyante ni Gng. Medez (kapag, kung) darating siya
bukas ohindi.
12. Nahirapan silang sagutin ang ginawa (kung, kong) bugtong.
13. Japhet, (pahirin, pahiran) mo ang dugo sa leeg mo.
14. Lumaki (nang, ng) bahagya ang mata niyang may sugat.
15. (Hatiin, Hatian) mo sa limang bahagi ang dala mong pizza.
16. (Ibayad, Ipagbayad) ko na lamang si Liezl ng kaniyang tuition.
17. Sa (bitiw, bitawan) nagkita ang magkumpare noong nakaraang piyesta.
18. Interesadong-interesado si Lemuel (bumili, magbili) ng ice candy tuwing
tag-init
19. Wala (dito, rito) sa mga gamit ko ang hinahanap mong cellphone.
20. Totoo ba ang sinabi mong (hinagis, inihagis) ni Dalton ang bola nang malakas
kayBernie?
21. Huwag mo siyang (hanapin, hanapan) ng nawala mong aklat.
22. Sa susunod na linggo mo na lamang (tawagan, tawagin) si Dinah kung
sasali siya sa sabayang pagbigkas natin o hindi.
23. Naka sampung (ikot, ikit) sila bago nila narating ang bahay namin.
24. Halika at (putulin, putulan) natin ng mga tuyong sanga ang Acacia.
25. Si Meyor Isko ang (napakasal, nagpakasal) kay Larry at Tessa.

81
82
83
Aralin 14
GRAMATIKANG FILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naipapaliwanag ang papel ng gramatika sa isang mabisang


pagpapahayag;
b. nakapagsusulat ng pangungusap o komposisyon gamit ang iba't ibang
bahagi ng pananaita;
c. nakabubuo ng mga pangungusap na may kaisahan;
d. natutukoy ang mga uri ng salitang ginagamit sa pagpapahayag;
e. nabibigkas nang tama ang mga salita ayon sa angkop na diin;
f. natutukoy ang iba't ibang bahagi ng pananalita;
g. nagagamit sa sariling pangungusap ang iba't ibang cohesive devices;
at
h. nagagamit sa sariling pangungusap ang iba't ibang aspekto ng
pandiwa.

Talakayin Natin
Gramatika o balarila ang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang
pagkakaugnay-ugnay at ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang
pangungusap ay isininasaalang-alang nito.Kalakip din sa gramatika ang kawastuhan
ng pangungusap na gagamitin, pasulat man o pasalita na kailangang umayon sa
tamang gramatikal istruktyur; ang kaayusan o sintaks, kahulugan o organisasyon o
pagkakabuo at maging ang panahunan ng mga salita (Bendalan, 2013).

1. Pagpili ngAngkop na Salita

Nakasalalay sa salitang gagamitin ang malinaw na pagpapahayag. Dapat


tandaan ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na salita sa isang pahayag dahil
may mga salitang kahit tama ang kahulugan ay hindi naman ang mga ito angkop na
gamitin.

Tingnan at suriin ang sumusunod na halimbawa:

A. (Mali) Alam mo, bagay na bagay kay Cindy ang kanyang makipot
na bunganga.
B. (Tama) Alam mo, bagay na bagay kay Cindy ang kanyang makipot
na bibig.
84
C. (Mali) Maarte sa mga laruan ang bunsong anak niAling Mercedes.
D. (Tama) Mapili sa mga laruan ang bunsong anak niAling Mercedes.

Sa ating wika, may mga salitang pare-pareho ang kahulugan subalit may
kani- kaniyang gamit sa pahayag (Bernales et al., 2012):

Halimbawa:
bundok, tumpok, pumpon, tambak
kawangis, kahawig, kamukha
sabayan, samahan, saliwan, lahukan
daanan, pasadahan
aalis, yayao, lilisan

May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng eupemismo


o paglulumanay sa isang pahayag kahit na may mga tuwirang salita naman para
rito (Bernales et al., 2012):

Halimbawa:
pinagsamantalahan sa halip ng ginahasa
namayapa sa halip ng namatay
palikuran sa halip ng kubeta

2. Mga Uri ng Salitang Ginagamit sa Pagpapahayag (Montera et al., 2012)

A. Likas- mga salitang katutubo


Halimbawa: isda, gulay, aklat, bituin, bato, mata, kahoy, pagkain, pera,
langit
B. Likha- mga inimbentong salita bunga ng pangangailangan ng mga
mamamayan sa kanilang pakikipagtalastasan
Halimbawa: telebabad, tapsilog, kapuso, kapamilya, lobat, pabebe,
1. Pabebe- isang pang-uri na ang ibig sabhin ay umarteng parang
baby o magpa-baby o magpa-cute.

C. Hiram/Hango- mga salitang buhat sa ibang wika


Halimbawa: hayskul, lektyur, brodkast, dyip, bintana, basketbol,
orkestra, epektibo, drayber, iskor, ekspert

3. Ang Tamang Pagbigkas ng Salita Gamit ang diin

Narito ang halimbawa sa isang komersyal (Batnag et al., 2011):


Lalaki: Tayo na ba?
Babae: Tayo na. (At tumayo ang babae)

Ang ibig sabihin ng lalaki ay: Magkasintahan na ba tayo? o Girlfriend


85
na ba kita? Ang tayo (ikaw at ako) ay mabagal ang bigkas at walang impit na tunog.
Ang posible sanang sagot ng babae ay “oo” o “hindi”, ngunit inulit niya ito gamit ang
ibang diin—ang salitang tayo na may impit na tunog sa dulo.

Apat na Uri ng sali^ta ayon sa diin:

A. Malumay- Halimbawa: tao, tatay, lalaki, magulang, ilaw


B. Malumi- Halimbawa: hati, bata, diwa, dila
C. Mabilis- Halimbawa: takbo, bulaklak, batas, tatak,
D. Maragsa-Halimbawa: dugo, yugto, salita, dukha

Ang mga marka sa itaas ng mga patinig sa nabanggit na mga halimbawa ay


tinatawag na tuldik. Bagama't hindi na gaanong ginagamit ngayon, ipinakikita ng
mga ito kung paano bibigkasin ang isang salita.

Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba. Lagyan ng tuldik ang mga salita sa bilang
1-6:
1. magbasa- basahin ang nakasulat sa aklat, pahayagan atbp.
2.magbasa – buhusan ng tubig ang katawan
3. mangingisda- tao na ang ikinabubuhay ang panghuhuli ng isda
4. mangisda- manghuli ng isda sa dagat, ilog o sapa
5. aso- usok o smoke sa Ingles
6. aso- isang uri ng hayop
C. Tandaan: walang tuldik ang malumay na salita, paiwa ang tawag sa
tuldik ng mga salitang malumi, pakupya ang sa mga salitang maragsa, at
pahilis naman sa mga salitang mabilis.

Upang makaiwas sa kalituhan, mahalaga ring matutuhan ang angkop na


pagbigkas ng mga salita ayon sa diin (Batnag et al., 2011):

Tingnan ang halimbawa ng diyalogo sa ibaba:


Hukom: Ikaw ba ang pumatay?
Nakasakdal: Hindi po ako si Teryo.

Kung susuriin mo nang mabuti, walang kaugnayan sa isa't isa ang palitan ng
mga pangungusap ng hukom at nakasakdal, dahil may pagkakamali sa bigkas o
pagsulat. Ganito dapat ang sinabi ng nasasakdal: “Hindi po ako, si Teryo.” Ang
kuwit (comma) ay nagpapakita ng ng sandaling tigil pagkatapos ng salitang “ako” na
ang ibig sabihin ay hindi siya (nasakdal) ang pumatay kundi si Teryo.

Isa pang halimbawa: (Batnag et al., 2011).


Myra: Bakit hindi mo sa akin sinabi?
Dolly:Bakit hindi mo sinabi sa akin?
86
May sinabi si Dolly sa ibang tao na dapat ay kay Myra niya sinabi. Mayroon
namang hindi sinabi si Myra kay Dolly. Ito ang ipinagtampo ni Myra kay Dolly: siya
ang dapat na nakaalam ng sinabi ni Dolly sa ibang tao. Samantala, ang pangungusap
ni Dolly ay nagtatanong naman kung bakit may inilihim si Myra, o bakit hindi sinabi
sa kanya ang dapat sana'y sinabi ni Myra. Pareho ang mga salitang bumuo sa
pangungusap ng dalawang nag-uusap ngunit naiba ng puwesto ang pariralang
“sa akin”. Ang pagkakaibang iyon ng puwesto ng isang maikling parirala ay
nagpabago sa kahulugan ng dalawang pangungusap.

4. Pagsusunud-sunod Ng Mga Sangkap Ng Pangungusap

Maganda ang pagsusuri na ginawa nina Batnag et al. (2011) tungkol dito.

Tingnan ang mga halimbawa:


1. Kinain ng pulis ang pansit sa ilalim ng tulay.
2. Sa ilalim ng tulay kinain ng pulis ang pansit.
3. Sa ilalim ng tulay kinain ang pansit ng pulis.
4. Kinain ang pansit ng pulis sa ilalim ng tulay.
5. Kinain sa ilalim ng tulay ng pulis ang pansit.
6. Kinain ng pulis sa ilalim ng tulay ang

pansit

Katanggap-tanggap ang mga pangungusap 1-6 ngunit magkakaiba ng


kahulugan. Ang bilang 1 at 6 ay halos parehong-pareho ng kahulugan,
bagama't parang medyo asiwa ang sa 6 dahil karaniwan na ang simuno ng
pangungusap (pansit) ay nauuna kapag may pariralang nagsaad ng lugar (ilalim ng
tulay).

Sa bilang 2, sinasabing sa ilalim ng tulay (hindi sa itaas o saan pa man)


ginanap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Sa bilang 3, ang pansit ay pag-aari
ng pulis ngunit hindi tiyak kung siya rin ang kumain nito. Sa bilang 4, hindi rin
binanggit kung sino ang kumain ng pansit. Sa bilang 5, hindi na binanggit
kung sino ang kumain ng pansit, ngunit inaari na ng pulis ang tulay—tulay ng pulis.

Iba pang halimbawa: Magkaiba ba o hindi ang kahulugan ng dalawang


pangungusap sa ibaba? Bakit?
5. Hindi ko naman sa iyo ito ibinibigay.
6. Hindi ko naman ito ibinibigay sa iyo.

Alin sa dalawa ang mas malinaw? Bakit?


3. Layon ng aralin na masagot ang mga tanong nang tama.
4. Layon ng aralin na masagot ng tama ang mga tanong.
87
5. Ang Ayos Ng Pangungusap

Tinatawag na karaniwan at di karaniwan ang ayos ng pangungusap sa Filipino.


A.Karaniwan- nauuna ang panaguri kaysa paksa
a. Namigay ng libreng gamot ang mga empleyado ng DOH.
B. Di karaniwan- nauuna ang paksa kaysa panaguri, at ginagamit dito ang
panandang “ay”.
a.Ang mga empleyado ng DOH ay namigay ng libreng gamot.

6. Mga Di-Ganap Na Pangungusap

Ayon kay Dr. Alfonso Santiago, ang pangungusap na di- ganap ay isang
sambitlang may panapos na himig sa dulo (De Dios at Lozano, 2014). Ito ay inuri
niya sa sumusunod:
1. Eksistensyal
1.a. May tao sa silong.
2, Paghanga
2.a. Ang tangkad niya!
3.Matinding damdamin
3.a.Aray!
4. Nagsasaad ng panahon
4.a. Bumabagyo.
5. Pagtawag
5.a. Halika rito.
6. Pagbati
6.a. Kumusta ka?
7. Pormularyong panlipunan
7.a. Tao po!
8. Pagpapaalam
8.a. Aalis na po kami.
9. Pampook ( bilang sagot sa tanong)
• Saan ka galing? Sa Cavite.

7. Uri ng PangungusapAyon sa Gamit

1. Pasalaysay o Paturol- gumagamit ng bantas na tuldok at nagpapahayag ng


pangyayari, kaisipan at katotohanan.
1.a. Bilang pangulo ng samahan, sa kanya ang lahat na
responsibilidad.
1.b. Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
2. Pautos/Pakiusap- nag-uutos o nakikiusap; ginagamitan ng kuwit kung
may pagtawag, at tuldok sa hulihan.
2.a. Humiga na lang po kayo, inay.

88
2.b. Tulungan mo si Andres.
3. Patanong- ginagamitan ng bantas na pananong; nagtatanong at
nagnanais na makaalam hinggil sa isang bagay.
3.a. Kaya mo bang buhatin 'yan?
3.b. May tampuhan ba kayo ni Greg?
4.Padamdam- nagsasaad ng paghanga o matinding damdamin. Gumagamit
ito ng tandang pandamdam (!) sa hulihan.
4.a. Bilisan mo! Parang papatak na ang ulan!
4.b. Naku!Ang daming langgam dito!

8. Ang Mga Pangatnig

Conjuction sa Ingles ang pangatnig. Ito ay mga kataga o salitang nag-uugnay


ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.
1. Nag-uugnay ng dalawang salita
a. Mahirap paghiwalayin sina Bert at Laica.
b. Ang musika at sining ay bahagi ng mga paksa sa MAPEH sabdyek sa hayskul
2. Nag-uugnay ng dalawang parirala
a. Pakikinig sa musika at pagsusulat ng tula ang hilig ni Leandro.
3. Nag-uugnay ng dalawang sugnay
a. Si Emma ang tagapagdisenyo ng gown ni Pia at si Laylay
naman ang tagapagdisenyo ng barong ni Miguel.

a. Mga Cohesive Devices

Cohesive devices ang tawag sa mga salita at pariralang nag-uugnay ng mga


salita, parirala, at sugnay sa loob ng pangungusap, ng mga pangungusap sa loob ng
talata at ng mga talata sa loob ng komposisyon Ang mga pangatnig ay nagsisilbing
cohesive devices bagamat may mga pariralang ginagamit ang mga manunulat at
mambibigkas upang matamo ang kaisahan ng isang pahayag o komposisyon
(Casanova et al., 2001).

Mga halimbawa ng cohesive devices:

1. taliwas sa, taliwas sa mga, batay sa, batay sa mga, batay kay, batay kina, ayon sa,
ayon sa mga, ayon kay, ayon kina, marahil, siguro, bukod dito, alinsunod sa,
alinsunod sa mga, gayon din, ganoon din, batay sap ag-aaral, batay sa
pananaliksik, batay sa resulta, batay sa ulat/ report, alinsunod sa, alinsunod sa
mga, kaugnay nito, kaugnay ng mga ito, samakatwid, halimbawa, bilang
halimbawa, gayon pa man/gayunpaman, may posibilidad na, bilang konklusyon,
bilang pangwakas, hindi maitatatwa na, noong mga nakaraan, noong lumipas na
panahon, sa kasalukuyang panahon, atbp.

89
J.Ang Gamit ng Mga Cohesive Devices (Casanova et al.,2001).

1. Pagpapahayag ng pagdaragdag (ganoon din/gayundin; at saka; bilang;


karagdagan/dagdag pa rito; riyan/roon; at saka, hindi lamang; pati na)
a. Nagkamit ng internasyonal na parangal si Miriam Defensor-Santiago,
gayundin sina Jovito Salonga at Jose Diokno.
b. Hindi lamang ang mga mayor ang dumalo sa meting, pati na ang mga
konsehal.
2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan (maliban sa/ maliban sa mga; kay/kina;
bukod kay/bukod kina; bukod sa/bukod sa mga)
a. Bukod sa mungkahing iniharap ni Bb.Dugayo sa miting, mayroon ding iniharap
si Gng. Mino.
3. Pagpapahayag ng dahilan-resulta ng isang pangyayari o kaganapan (kaya; kaya
naman; dahil; dahil sa; dahil sa mga; dahil kay; dahil kina; pagkat; sapagkat; dahil
dito; bunga nito)
a. Dahil sa mahusay ang pagpapatupad ng mga ordinansa, umunlad ang lungsod
ng Passi.
4. Pagpapahayag ng kondisyon-bunga/kinalabasan (sana; kung; kapag; sa sandaling;
basta't)
a. Sa sandaling tinatangkilik natin ang sarili nating mga produkto, uunlad ang ating
ekonomiya.
5. Pagpapahayag ng taliwasan, salungatan o kontrast (pero; ngunit; sa halip; kahit;
kahit na)
a. Kahit na kakaunti ang mga kasapi ng samahan, naisulong pa rin nito ang
kanilang adhikain.
6. Pagpapahayag ng pananaw o punto de bista (ayon sa; ayon sa mga; ayon kay; ayon
kina; batay sa; batay sa mga; batay kay; batay kina; para sa; para sa mga; para kay;
para kina; mula sa pananaw ng; sa paningin ng; sa paningin ng mga; alinsunod sa)
a. Alinsunod sa bagong batas, bawal na ang kontrakwalisasyon.
7. Pagpapahayag ng pagsang-ayon, di- pagsang-ayon at di-ganap na pagsang-ayon.
(kung gayon; kung ganoon; dahil dito, samakatwid; kung kaya)
a. Malaki ang badyet na inilaan para sa Kagawaran ng Edukasyon. Kung gayon,
walang dahilan upang hindi kumuha ng dagdag na sweldo ang mga guro.
8. Pagpapahayag ng probabilidad, kakayahan, o paninindigan (maaari; pwede;
posible; marahil; siguro; sigurado; tiyak).
4. Posibleng maubos ang suplay ng bigas kapag hindi tayo umangkat sa
ibang bansa.
9. Pagpapahayag ng pagbabago ng paksa o tagpuan (gayunman; ganoon pa man;
gayunpaman; sa kabilang dako; sa kabilang banda; sa isang banda; samantala)
5. Malayo na ang narating ng mga feminista. Sa kabilang dako, ang
mga LGBTQ+ ay nagsusumikap pa ring matanggap nang lubusan ng ating
lipunan.
10. Pagpapahayag ng pagbibigay-linaw sa isang ideya, pagbubuod at paglalahat (sa

90
madaling salita; sa madaling sabi; bilang paglilinaw; kung gayon; samakatwid;
kaya; bilang pagwawakas; bilang konklusyon)
a. Bilang pangwakas, nais kong ipaalam sa inyong lahat na ang inyong dagdag
na sahod ay ibibigay na bukas.
11. Pagpapahayag ng halimbawa (bilang halimbawa; ilan sa mga halimbawa)
a. Ilan sa mga halimbawa ng prutas ay mangga, bayabas at papaya.
12. Pagpapahayag ng pagpapatunay (bilang pagpapatunay; patunay nito).
a. Disiplinado na ang mga S T E M Section 2 . Patunay nito, sila'y pumipila sa
pagbibili ng aklat sa CPU Student Service Enterprise.
13. Pagpapahayag ng kabaligtaran/taliwasan (taliwas nito; taliwas rito; taliwas
riyan; taliwas sa ulat; taliwas sa paniniwala; bagkus)
a. Taliwas sa naunang ulat, dalawampu lamang ang nabigyan ng pabahay.
14. Pagpapahayag ng pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari (kasunod nito;
kasunod niyan).
a. Natapos na rin ang imbestigasyon tungkol sa kontrobersya ng Dengvaxia.
Kasunod nito, ihain na rin ang kaso laban sa mga kinauukulan.
15. Pagpapahayag ng pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata (kaugnay nito,
kaugnay niyan)
a. Laganap ang droga. Kaugnay nito, lumalaganap din ang krimen.
16. Pagpapahayag ng sabay na kalagayan o pangyayari (kasabay nito, kasabay niyan,
kaalinsabay nito' kaalinsabay niyan)
a. Tayo ngayo'y nasa panahon na ng teknolohiya. Kaalinsabay nito, dapat na maging
computer literate ang bawat isa.

K. Kohesyong Gramatikal

Kohesyong gramatikal ang mga salitang nagsisilbing pananda upang


maging hindi paulit-ulit ang mga salita
(https://www.slideshare.net/mobile/charlenedianereyes/ kohesyong-gramatikal-at-
uri-ng-pang-abay).

Halimbawa:
• Sa erport na ito tayo unang nagkita, dito kita unang nakilala.
• Si Vangie ang bunso sa magkakapatid. Siya ang natatanging babae sa kanila.

Dalawa ang Kohesyong Gramatikal:


• Anapora- panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
• Kung papasok si Abner sa klase bukas, pakisabi lang na ibig ko siyang
makausap.
• Katapora- panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
• Nabili niya ang pinapangarap na SUV, kaya masayang-masaya na si
Joshua.

9
0
L. Mga Uri ng Pangatnig

1. Nag-uugnay ng magkatimbang na yunit


a. Pamukod - o, ni, maging, man
b. Panalungat o paninsay- at, pati, maging, subalit, ngunit, datapwat
bagaman, saka, habang
2. Nag-uugnay ng di- magkatimbang na yunit
a. Panubali- kung, kapag/pag
b. Pananhi- dahil sa, sapagkat/pag
c. Panlinaw- kaya, kung gayon, sana
M. Mga Uri ng Sugnay

Ano ang sugnay? Tinatawag itong “clause” sa Ingles. Lipon ito ng mga
salitang may paksa at panaguri na maaaring buo o hindi ang diwa.
1. Sugnay na makapag-iisa- nagtataglay ng buong diwa o kaisipan
1.a. Tapos ko na ang aking takdang-aralin dahil ginawa ko ito kagabi.
1.b. Maiiwasan ng mga bata ang sakit tuwing tag-araw kung palagi silang
umiinom ng Vitamin C.
2. Sugnay na di- makapag-iisa- hindi buo ang diwa ng ipinahahayag;
mayroon ding paksa at panaguri.
2.a. Tutulungan ko sina ama at ina kung ako ay makakapagtapos ng aking
pag-aaral.
2.b. Labis ang pagtitipid ng mga ilaw ng tahanan dahil sa mahal ang mga
bilihin ngayon.

N. Uri ng PangungusapAyon sa Kayarian

1. Payak- nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan.


1.a. Mahal ang mga bilihin ngayon.
1.b. Dapat nating ingatan ang ating likas na yaman.
2. Tambalan- pinag-uugnay sa isa ang dalawa o mahigit pang mga
kaisipan. Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang mga payak na pangungusap
o dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng
mga pangatnig tulad ng: at, saka, pati, ngunit, datapwat, subalit, maging.
2.a. Maglalaba sana ako ngunit walang tubig na maaaring gamitin.
2.b. Si Betty ay magluluto at ikaw ay maglilinis ng bakuran.
3. Hugnayan- binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa o higit pang sugnay
na makapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng kung, kapag, samantala, habang,
sapagkat, upang, nang, dahil sa, palibhasa, na at nang.
3.a. Nasira ang kamera habang ginagamit ng anak niya.
3.b. Guguho ang mundo kung mawawala ka sa piling ko.
4. Langkapan- binubuo ito ng dalawa o mahigit pang sugnay makapag-iisa at isa

91
pang sugnay na di- makapag-iisa.
4.a. Si Remia ay mag-aaral ng Tourism Management at si Lucy ay kukuha
ng kursong Hospitality Management palibhasa'y hilig nila ang mga ito.
4.b. Nang magkaroon ng meting, ang tagapayo ay hindi dumating at ang
tagapangulo naman ay nagkasakit.

O. Pagbuo ng Pangungusap

May kaisahan ang pangungusap kung ang bawat bahagi nito ay tumutulong
para maihayag nang malinaw ang pangunahing diwa nito. Upang matiyak ang
kaisahan sa pagbuo ng pangungusap, dapat tandaan ang sumusunod (Bernales et al.,
2012):
a. Dapat nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa (tenses of the verb) sa
pangungusap.
Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwian na ang mga estudyante ni G. Cruz.
Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga estudyante ni G. Cruz.

b. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan.


Di-magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating bansa kapag hindi natin ito
minamahal, at nahilig tayo sa kalayawan.
Wasto: Hindi uunlad ang ating bansa kapag hindi natin ito minamahal.

c. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.


Di-timbang: Matapos magsilaro ay agad na nagbalot ng gamit ang mga
atleta.
Timbang: Matapos magsilaro ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang
mga atleta.
Di-paralel: Ang pag-eehersesyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.
Paralel: Ang pag-eehersesyo at pagkain ng mga masustansyang pagkain
ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

d. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang


pantulong na sugnay.
Hindi malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang relo.
Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa relo, hindi ko iyon binili.

e. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap


ay hindi siyang gumagawa ng kilos.
Mali: Si Christine ay kinuha ang lumang aklat sa mesa.
Tama:Ang lumang aklat sa mesa ay kinuha ni Christine.
Tama: Kinuha ni Christine ang lumang aklat sa mesa.

f. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.


92
Malayo: Maganda ang musikang pinakinggan ko talaga.
Malapit: Maganda talaga ang musikang pinakinggan ko.

g. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa simuno sa karaniwang ayos ng


pangungusap.
Nauuna ang simuno: Si Julius ay mabait na bata.
Nauuna ang panaguri: Mabait na bata si Julius.

h. Iwasan ang pagsama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.


Hindi mabisa: Ang pag-eehersisyo gaya ng paglalaro ng basketbol tuwing
walang pasok ng mga batang lalaki ay nakaaaliw.
Mabisa: Ang pag-eehersisyo, gaya ng paglalaro ng basketbol ay
nakalilibang.

P. Mga Bahagi ng Pananalita (Parts of Speech)

Ang balarila o gramatika ng wika ay nakasalalay sa mga salitang pangnillaman.


Ang mga ito ay siyang nagtatakda ng mga pangunahing kahulugan (Maglaya
et al.,2003).Ang mga bahagi ng pananalita sa Filipino ay:

1. Pangngalan- panawag ito sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari.

Mga Uri ng Pangngalan:


a. Pantangi- tanging pangalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari;
isinusulat na nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Mario, Brownie, Bicol, Linggo ng Wika
b. Pambalana- tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay,
pook, o pangyayari.
Halimbawa: bata, kambing, aklat, nayon, piyesta

Kailanan ng Pangngalan
a. Isahan- Hal: ang kapatid, si nanay, ang gumamela
b. Dalawahan- Hal: magkapatid, dalawang nanay, dalawang gumamela
c. Maramihan- Hal: magkakapatid, mga nanay, mga gumamela

Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki- lolo, ama, kuya, ninong, tandang, Don Juan
2. Pambabae- ina, modista, ate, ninang, dalaga, Gng. Ramos
3. Di-tiyak (di alam kung lalaki o babae)- mag-aaral, pamangkin, panauhin,
guro
4. Walang kasarian- (nauukol sa mga bagay at lugar) – Boracay, lunsod,
puno, papel, aklat, Rose MemorialAuditorium

93
Kalikasan ng Pangngalan

a. Likas- kung ito ay talagang salitang Filipino sa mula't mula pa at ito ay


salitang-ugat (root word).- tala, ilog, araw bathala, apoy, ligaya
b. Likha- kung ito'y yari ng mga pantas sa wika o dalubhasa sa wika; agham,
talatinigan, sining, balarila
c. Ligaw- mga salitang hinango o hiniram sa mga salitang banyaga –
demokrasya, hopia, butones, relihiyon

Kayarian oAnyo ng Pangngalan

1. Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang.- radyo, musika, tasa, isda


2. Maylapi- binubuo ng salitang maylapi- magpinsan, kabataan, palayan,
bukirin
3. Inuulit- ang salitang-ugat o unang pantig ng salitang-ugat ay inuulit-
bahay-bahay, araw-araw, ari-arian
4. Tambalan- dalawang salitang pinagtambal upang makabuo ng bagong
salita- silid-aralan (tambalang ganap), bahaghari (di-tambalang ganap)

2. Panghalip- salitang panghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari

Mga Uri ng Panghalip


3. Panao- panghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.
May tatlong panauhan ito: unang panauhan, ikalawang panauhan, ikatlong
panauhan.
• Unang panauhan- ako, ko, kami tayo
• Ikalawang panauhan- ikaw, ka, kayo, inyo, ninyo
• Ikatlong panauhan- siya, sila, nila, kanya, kanila
4. Pamatlig- panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, pook
at pangyayari ito, iyan, iyon, dito, doon, ganito, ganyan, ganoon, ganire
5. Pananong- ginagamit sa pagtatanong ng tao, bagay, pook, at pangyayari
sino, ano, alin, kanino, magkano, kailan, ilan sino-sino, atbp.
6. Panaklaw- nagsasabi ng dami o bilang ng tao, bagay, pook at pangyayari
kapwa, lahat, madla, sinuman, alinman,pawang, anuman

3. Pandiwa- nagsasaad ng kilos o galaw ng lipon ng salita sa mga pangungusap

MgaAspekto ng Pandiwa
1. Perpektibo- kapag ang kilos ay nasimulan at natapos na: nagbasa, sinabi, itinago,
sinamahan, natulog, tumakbo
2. Imperpektibo- kung ang kilos ay sinimulan na ngunit itinutuloy pa o
kasalukuyang nagaganap: nagbabasa, sinasabi, sinasamahan, natutulog,
tumatakbo
94
3. Kontemplatibo- kapag ang kilos ay gagawin o mangyayari pa lamang:
mag-iipon, bibigyan, sasali, tatakbo, ipagsasabi, aayusin

95
Mga Tinig ng Pandiwa
Dalawa ang tinig ng pandiwa: Tukuyan at Balintiyak
A. Tukuyan- (active voice) kapag ang paksa/simuno ay siyang
gumagawa ng kilos
1. Mga Brgy. Tanod ang humabol sa mga pasaway na lalaki.
B.Balintiyak- (passive voice) kapag hindi ang paksa o simuno ang gumanap
sa kilos ng pandiwa.
1. Ang mga pasaway na lalaki ay hinabol ng mga Bgy. Tanod.

4. Pang-uri
Ito ang mga salitang nagpapahayag ng katangian o mga
salitang naglalarawan.

96
Kaantasan ng Pang-uri:

1. Lantay- nag-iisa lamang ang tinutukoy o inilalarawan.


• Masipag na estudyante si Winston.
7. Pahambing- kapag may pinagtutulad o pinag-iiba. Dalawa ang uri
nito: magkatulad at di-magkatulad.
• Simbango ng shampoo ni Elena ang shampoo ni Novie.
• Higit na gusto ni Eric ang pagsayaw kaysa paglalaro ng basketbol.
8. Pasukdol- ipinakilala nito ang pinakatampok sa lahat, o nangunguna sa
lahat ang katangian. Makikilala ito sa pamamagitan ng marker na: di-
hamak na, lubha, lalo, totoo, sukdulan ng, ubod ng, hari ng, napaka,
pinaka, saksakan ng.
• Totoong tapat sa kanyang kapwa si Punong Bgy. Jose del Rosario.
• Ubod ng ganda ang reyna sa piyesta.
• SiAlice ang pinakamatalino sa klase.

Mga Pang-uring Pamilang

a. Patakaran/Kardinal- likas ang mga bilang na ito


Halimbawa: isa, dalawa…..sandaan, sanlibo, sanlaksa (10,000)
sangyuta (100,000) sang-angaw/sangmilyon, sangbilyon
b. Panunuran/Ordinal- mga bilang na naghahayag ng pagka sunud-sunod,
pagkakahanay, baitang o antas.
Halimbawa: una/pang-una, pangalawa/ ikalawa, pansampu/ikasampu
c. Pamahagi/Fraksyunal- ginagamit sa pagbabahagi o pagbubukod ng
ilang hati sa isang kabuuan.
Halimbawa: kalahati (1/2), tigsampu, 5 porsyento
d. Patakda- ginagamit sa pagsasabi ng tiyak na bilang; nasa anyo ng
parsyal na pag-uulit
Halimbawa: iisa, dadalawa, lilibuhin, dadaanin

5. Pang-abay- bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, sa pang-uri o


kapwa pang-abay.
Halimbawa: Nagbibigay turing sa Pandiwa:
1. Malumanay niyang sinabi sa ama niya ang totoong nangyari.
Halimbawa: Nagbibigay turing sa Pang-uri
1. Totoong masikap na anak si Leandro.
Halimbawa: Nagbibgay turing sa kapwa Pang-abay
1. Talagang maraming kinuha sa bukid ang mga magsasaka.

Mga Uri ng Pang-abay

1. Pamanahon- sumasagot sa tanong na kailan at nagsasaad ito ng panahon.


97
• Balang-araw ay magtatagumpay rin siya bilang abogado.
9. Panlunan- nagsasaad ng pook o lunan at sumasagot sa tanong na saan.
• Maghintay ako sa aklatan kung hindi tayo magkita sa OV-205.
10. Panggaano- sinasaad nito ang dami, bilang, o halaga ng binabanggit
na pandiwa sa pangungusap.
• Maraming naghihitay na mga mag-aaral sa opisina ng Registrar.
11. Pamaraan- sinasabi nito kung paano naganap ang kilos ng pandiwa.
• Patakbong sinalubong ni Myka si Ramil.
12. Pang-agam- nagpapahayag ng pag-aalinlangan o kawalan ng katiyakan
• Tila hahabulin ng aso ang pusa na iyon.
13. Panang-ayon- nagsasaad ng pagkatig o pagpayag
• Totoong matulungin ang kanilang mayor.
14. Pananggi- nagsasaad ng pagsalungat, pagtanggi o pagbabawal
• Huwag mong galawin ang larawan sa mesa.
15. Panulad- ginagamit sa paghahambing ng kilos o galaw ng pandiwa o
kaya'y paghahambing ng mga pang-uri.
• Lubhang masipag magbasa at magbalik-aral ang pinsan niya.
9. Panunuran- tumutukoy sa ayos ng pagkakasunud-sunod sa hanay o
kalagayan
• Kahuli-hulihang nagsalita ang paborito kong kandidato.
10. Pamitagan- nagsasaad ng paggalang o pagsasaalang-alang
• Mawalang-galang nga po. Pwede bang magtanong?
11. Pananong- ginagamit ito sa pagtatanong
• Gaano ba kadalas ang pagkikita ninyong tatlo?
12. Panturing- nagsasaad ng pagkilala ng utang na loob o kasiyahang loob
• Salamat na lamang at di ka pinarusahan ng iyong ina.

98
99
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 10

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

I. Ayos ng Pangungusap
Panuto: Gawing di-karaniwang pangungusap kapag ang pangungusap ay
karaniwan, at gawing karaniwang pangungusap kapag ito'y di-
karaniwan:

• Ang mga estudyante ay abala sa paggawa ng kanilang proyekto.

• Mahusay na basketbolista ng Lucrias University si Adrian.

• Nag-usap ang mga empleyado at administrasyon ng Zheka


Department Store tungkol sa bagong eskedyul ng kanilang bakasyon.

• Ang globalisasyon ay daan tungo sa malayang kalakalan.

• Inatasan ng Presidente ang mga pinuno ng iba't ibang ahensya ng


gobyerno na maging tapat sa kanilang tungkulin.

II. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit. Isulat ang iyong
sagot sa patlang sa kaliwa. Lagyan ng tamang bantas ang bawat
pangungusap:

1. Nagkamit ng unang gantimpala ang kalahok ng unang grupo

2. May kasama ba siya sa kanilang bahay

3. Aray Ang sakit ng daliri ko

4. Pakilagay ng mga aklat na ito sa ating aklatan

100
5. Huwag Huwag mo kaming saktan

III. Pagbuo ng Pangungusap


Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod upang maipahayag ang
isang katanggap-tanggap na pangungusap:

• Umuunlad na ang lungsod ng Iloilo

101
2. Para sa maganda kong
kinabukasan_______________________________

- Tungkulin ko bilang anak sa aking mga magulang


_______________________________________________________
___

- Kapag tapos na ako sa aking pag-aaral


_________________________________________________________
___

- Tangkilikin ko ang sariling atin

IV. Aspekto ng Pandiwa


Panuto: Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap at tukuyin ang
aspekto nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa kaliwa:

1. Nilabhan ni ina ang aking barong.

2. Ayon sa kaniya, gagawin namin mamaya ang aming takda

3. Si Dolfo ay sumusulat ng kaniyang talumpati.

4. Bukas ko na lamang ibibigay sa iyo ang pera.

5. Isang kundiman ang inawit ng nanalo sa timpalak.

V. Bahagi ng pananalita
Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang nakapahilis na salita
sa loob ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa kaliwa:

1. Matapang ang mga bayani ng Pilipinas.

2. Si Jerry ay gumawa ng kanyang takda kahapon.

3. Ipinansulat ni Efren ang bago niyang bolpen.

100
4. Kasimputi ng kanyang polo ang binili kong panyo.

5. Dapat tayong magtutulungan para sa ikauunlad ng ating


bayan.

VI. Cohesive Devices


Panuto: Gamitin sa iyong sariling pangungusap ang sumusunod na
cohesive devices at tukuyin kung ano ang ipinahahayag ng bawat
isa:

1. gayundin

101
2. dahil dito

3. samakatwid

4. batay sa mga

5. sa kabilang dako

VII. Pagbuo ng Pangugusap


Panuto: Iwasto ang sumusunod upang makabuo ng tumpak at
katanggap- tanggap na pangungusap:

1. Si Roel ay sinulat ang tula tungkol kay Balagtas.

2. Iwasan ang sobrang pagtetext dapat ng mga estudyante.

102
3. Dumating ang anak niya agad sa ospital.

4. Tapos na ang programa at sila’y dumating.

5. Matapos ang mga bata magsilabasan ay agad nagpaalam kay Gng.


Lamzon.

103
Ikatlong Bahagi

MGA PANANALIKSIK
SA WIKANG FILIPINO
AT KULTURANG PILIPINO

103
Aralin 15
MGA SALITA SA FILIPINO
NA WALANG TIYAK NA TUMBAS SA INGLES

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. naipaliwanag ang konseptong taglay ng mga salita sa Filipino na
walang tiyak na tumbas sa Ingles;
b. nakapagbahagi sa klase ng resulta ng sarbey o pagtanong-tanong
hinggil sa implikasyon o ipinapahiwatig ng pagsambit ng mga
salitang walang tumbas sa Ingles sa komunikasyon;
c. nakalahok sa laro na “Gulong ng Salita” na may sapat na kasiyahan
at pagkatuto sa kahulugang taglay ng mga salitang walang tiyak na
tumbas sa Ingles.

Talakayin Natin
Isa sa mga katangian ng bawat wika sa mundo ay may sarili itong
kakanyahan. Ito ang taglay na kalakasan ng isang wika na ikinatatangi sa iba.
Pinalilitaw ng katangiang ito ang kapangyarihang maaaring maidudulot nito sa
pagpapayabong ng wikang ito para sa komunikasyon ng mga taong gumagamit nito.
Ang kakanyahang ito ng wika ay nagpapayabong din sa panitikan nito, gayundin ang
mga gawaing pananaliksik sa larangang pang-akademiko. Napakahalagang papel
ang ginagampanan ng wikang Filipino sa edukasyon; lunsaran ito ng karunungan at
tulay sa pag-unlad ng bansang gumagamit nito.

Ang Filipino na kinikilalang pambansang wika ng Pilipinas at opisyal na


wika (de jure at de facto) ay may kanya ring natatanging kakanyahan. Isa sa mga
nakakatawag pansin sa wikang ito ay ang mga salitang ginagamit ng masang Pilipino
sa kanilang pang-araw-araw na pakikihalubilo sa kapwa Pilipino o dayo. Makikita sa
mga salitang ito o pahayag kung paano ang isang Pilipino mag-isip, magdamdam,
magpahayag ng sariling perspektibo sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa kanya.
Ang mga salita o pahayag na ito ay may malaking kaugnayan sa mga paniniwala, at
sariling persepsyon ng bawat Pilipino sa isang sitwasyon o sa isang tao. Ito'y
maaaring nagbibigay ng kahulugang positibo o negatibo, depende sa konteksto ng
pinagagamitan nito. Sinasabi na ang mga salitang ito ay walang katumbas o salin sa
Ingles. Kung mayroon man ay hindi na tuwiran ang pagpapahayag kundi ang
paliwanag na mismo o ang konsepto na kailangang maintindihan ng nakikinig
lalong-lalo na.

104
Ilan sa mga salitang Filipino na walang tiyak na tumbas sa Ingles ay makikita
sa manghad sa ibaba:

basta ewan baduy panghi


umay baldog lambing kuwan
bangungot kilig pitik usog
tampo pasma pagpag gigil
sumbat ngilo pasalubong libag
kaning tutong ngalay kulit sigurista
alimpungat pikon daw diskarte
pambahay sayang lihi sumbat

Gawin Natin
1. Saliksikin ang kahulugan ng mga salitang ito at alamin ang etimolohiya
(pinagmulan) at konteksto/sitwasyon na kadalasang ginagamit ang mga ito sa
komunikasyon.

2. Magkaroon ng sarbey o magtanong-tanong sa mga tao kung ano ang maaaring


implikasyon o ipinapahiwatig sa pagsambit o paggamit ng mga salitang ito sa
nagsasalita at higit sa lahat sa kinakausap.

3. Magsaliklik pa ng mga dagdag na salita sa listahan na walang tiyak na tumbas sa


Ingles. Maaari ring mga salitang/terminolohiyang rehiyunal na walang tiyak na
tumbas sa ibang wika (Tagalog o Ingles) at ibahagi sa klase ang kahulugan.

4. Maghanda ng isang laro sa klase na may pamagat na “Gulong ng Salita”.

Mga kagamitang kailangan: kardbord na denisenyong gulong (wheel).


Hatiin ito sa walo na may leybel na: “Lights kamera aksyon”, Ala-Juan Luna
Mo Ako”, “Tunog Mo, Tugma Ko”, “Pakahulugan Mo Ako”, “Bahagi ako ng
Pananalita”, “I- pangungusap Mo Ako”, “Kasingkahulugan Ko”, “Kasalungat Ko”.

Mekaniks: a. Bubunot ang mag-aaral/manlalaro ng salita sa basket.


b. Paikutin nito ang gulong at kung saan nahinto na leybel ay yaong
gagawin ng mag-aaral/manlalaro. Hanggang sa lahat ay nagkaroon
ng panahong makalahok sa laro.

105
Aralin 16
ANG KONSEPTO NG PANAHON
SA KONTEKSTO NG KULTURANG FILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakalista ng mga mahahalagang konsepto mula sa artikulo na may
kaugnayan sa konsepto ng panahon sa konteksto ng kulturang
Filipino;
b. naaanalisa ang nagagawang impak ng oras sa mga personal na
karanasan;
c. naibabahagi sa klase ang resulta ng mga gawaing pananaliksik sa
lipunan at sa mga sanggunian (websites, journals atbp.) hinggil sa
oras/panahon;
d. natutukoy ang mga katangiang Filipino sa pagsasagawa ng mga
gawain; at
e. aktibong nakakalahok sa mga gawain sa loob at labas ng klase.

Talakayin Natin
Mapupuna palagi sa mga idinadaos na programa sa bansa ang hindi
pagsisimula nito sa itinakdang oras, wika nga “Filipino Time” na palaging
inihahambing sa “American Time”. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Maggay
(2002), napag-alamang hindi nagkukulang ang mga Filipino sa pagsasaalang-alang
ng oras. Idinagdag niya na mayaman ang wikang Filipino sa mga salitang may
kinalaman sa oras, at maraming mga salawikain na nagsasaad ng kahalagahan ng
pagiging maagap at paghahanda sa anumang mangyayari sa kinabukasan ng mga
Pilipino. Maraming pagkakatong dumarating sa takdang oras ang karamihan sa mga
Pilipino; mas maaga pa minsan; hindi pumapalya sa pinagkasunduang usapan, at
mabilis na isinasagawa at tinutupad ang takdang harapin at tapusin.

Tinalakay sa bahaging “Ang Panahon sa Ating mga Interaksyon” sa aklat ni


Maggay (2002) na “Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino” ang
mga dahilan kung bakit balewala sa mga Filipino ang mahuli, at gagawin ang lahat
huwag lamang mahuli. Binalangkas sa bahaging ito ng kanyang aklat ang pag-unawa
ng Filipino sa konsepto ng panahon, isang pagkakaiba na madalas pagmulan ng di
pagkakaintindihan at mga lihis na pananaw. Ang mababasa sa mga sumusunod na
talakayan ay hango sa nabanggit na aklat ni Maggay.

106
Pangyayari bilang Panahon

Ayon sa pag-aaral ni Henson (1978, sa Maggay, 2002) sa Tiaong, Quezon sa


konsepto ng panahon, napag-alaman na ang panahon ay winawari ayon sa sari-saring
pangyayari at hindi ayon sa pormal at unipormeng sukat ng paglakad ng orasan. Ang
panahon sa mga taganayon ay tumatakbo alinsunod sa mga pangyayaring
nagaganap.Ang mga palatandaan para rito ay:

a. Pagbabago ng klima- (tag-ulan, tag-init, panahon ng mangga, panahon ng ani


atbp.)
b. Kalagayan ng lipunan o pamahalaan- (noong panahon ng Hapon, noong
umupo ang Ita bilang kapitan del baryo atbp.)
c. Pagbabago sa kanilang kamalayan o pagkatao- (“noong kabataan”, “noong
kalakasan” atbp.)
d. Ang pagdating ng mga makabagong bagay at pamamaraan sa pamumuhay-
(nang magkaroon ng elektrisidad sa baryo atbp.)

Tinitingnan ang panahon sa pananaw na ito bilang goma na elastiko. Minsan


nararanasang mabilis ang takbo ng panahon, minsan napakabagal, kabagot-bagot ,
dala ng kawalan ng mga pangyayari. Ang ganitong pananaw sa panahon ay
nakaangkla sa mga palatandaang labas sa mekanikal na pag-usad ng orasan.
Halimbawa, ang magsasaka ay hahayo na sa bukid sa pagtilaok ng manok upang
bumungkal ng lupa bago pa sumikat ang araw. Mamahinga siya bago pa man ang
katanghalian upang maiwasan ang tindi ng sikat ng araw. Hindi ito katamaran o
pagsasayang ng oras, ito'y pakikiayon sa daloy ng buhay, sumasakay, nakikibagay sa
ritmo ng kalikasan.

Madadama rin ito sa lungsod kahit na ang mga tao rito ay gumagamit ng orasan sa
paglipas ng panahon. Halimbawa, sa mga okasyon, tatawag muna at magtatanong
kung sino na ang mga dumating, kung huli na ba ito, kung nag-umpisa na at dadating
pagkaraan ng tatlumpong minuto. Marahil dahil sa pag-iisip na hindi nagsisimula
ang isang bagay dahil lamang sa pagpatak ng oras na itinakda. Sa halip, mas
matimbang na batayan ang mga personal na elemento tulad na lamang kung sino na
ang narorooon, kung mayroon nang nangyayari, kung tunay ngang nag-umpisa o
wala pa ring nangyayari. Sa mga okasyon, ang hudyat na “oh sige na” dahil handa na
ang lahat ay ang pagsisimula ng programa at magtatapos lang kung kailangan ng
magtapos. Ngunit bago nito ay maraming hintayang naganap at pakiramdaman; o di
kaya'y mabilisang pagsasaayos bago magsimula. Magaling ang mga Pilipino sa
pabilisan, sa kara-karakang pag-agap sa nalalapit na deydlayn. Sa nangyaring Edsa
Rebolusyon, makikita ang dagliang pagsama-sama ng puwersa ng mga Pilipino sa
pagkalap ng kagamitan na kailangan sa pagnanais na magkaisa upang labanan ang
baluktot na pamahalaan.

107
Mga Salitang Filipino na Naghuhudyat ng Oras

Masasalamin sa wika ang pag-iral ng konsepto ng pagkamaagap sa panahon.


May mga bokabularyong nagpapahiwatig ng madalian at dagliang pagsabay sa mga
pangyayari. May mga salitang nagsasaad ng pag-aapura upang maabutan o
masakyan ang bilis ng mga nagbabantang pangyayari tulad ng: kandarapa,
rumaragasa, nagkukumahog. Kabilang din dito ang mga salitang nagpapahayag ng
kahandaang tumalima sa anumang bagay na nangangailangan ng mabilisang
pagtugon. Halimbawa: Karaka-raka, kagyat, dagli, kapagdakam. Sinasabing ang
isang bagay ay “biglaan” kung mabilis ang mga pangyayari at hindi inaasahan
“madalian” kung naganap sa madaling panahon; “mabilisan” kung kinakailangan
gawin sa gahol na panahon; at “paspasan” kung wari'y nakikipaghabulan at
humahaginit sa tulin. Hindi lingid sa kulturang Filipino ang kababalaghang
nagagawa sa pabilisan.

Mga Salawikaing Filipinong may Kaugnayan sa Oras

Ang kasabihang “Daig ng maagap ang masipag” ay matinding


nagpapahalaga sa pagagap ng pagkakatong dala ng pagkilos sa panahon kaysa
matiyaga ngunit malapagong na paggalaw sa araw-araw. Sinabi ni Balagtas na
“Kung maliligo ka'y sa tubig aagap ng hindi ng tabsing sa dagat.” Makikita ang
matalas na pandama sa kung ano ang hinihingi ng panahon, ang pagtatangi sa
kabuluhan o saysay ng pangyayaring nagaganap at hindi sa kung gaano ito katagal o
kailan sinimulan at tatapusin. “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?” ay
isa pang salawikain na malinaw na nagpapahalaga sa pagsunod sa hinihingi ng
pagkakataon. Agapan ang anumang hampas ng itinakda ng panahon, ito'y higit na
pinapahalagahan kaysa pagbibilang ng oras.

Ang mga halimbawa ay paninimbang sa panahon bilang isang pagkakataon


na dapat sundan:
“Ang mahuli sa sadsaran, baling sagwan ang daratnan”
“Pagkagaling-galing man at huli ay wala pa ring mangyayari”
“Munti man ay Malaki kung sa panahon ay nangyari”

Ang matalas na pakiramdam sa kahinugan ng panahon, ang matunog na


paghinuha sa mga bagay na itinatakda nito, ang maagap na pagsakay sa agos at bilis
nito- ang lahat ng ito ay kapasidad na dala ng kinagisnang kamalayan hinggil sa
panahon. May katutubong pagkamaagap at matalas na pagdama sa panahon ang
Filipino. Higit itong likas, organiko, at akma sapagkat nakatutok sa daloy at saysay
ng mga pangyayari at hindi lamang sa mekanikal na paggalaw ng mga kamay ng
orasan.

108
“Wala pa, Heto na”

Mapapansin sa wikang Filipino na matindi at matalas ang pagkakahati ng


panahon sa dalawang kategorya ng kaganapan: ang kasalukuyang nangyayari o
nagaganap pa lamang; at ang naganap na o ang natapos ng pangyayari. Matagal na
ring napansin ng mga liggwista na hindi nagbibigay ng halaga ang Wikang Filipino
sa mga pandiwang panahunan. Maging Bisaya, Tagalog, Ilokano man, ang
sinasabing pinagkakaabalahan ay hindi ang panahunan, kundi ang isang aksyon,
kung tapos o di tapos, naganap na o hindi pa.

Sa pamamagitan ng palatandaan na gaya ng “na” at “pa”, nadiriin kung ang


isang bagay ay nagawa na o kasalukuyan pang ginaganap. Mahalaga ang kaganapan
ng pangyayari at hindi kung ginagawa ang isang pangyayari. Kahit sa paggamit ng
Ingles, napupuna na hindi sapat ang pagsabing “I am done” o “I am finished”.
Kailangang may dugtong na “already” gaya ng “I am done already”

Sa kamalayanng Filipino, hindi maaaring pilitin ang isang proseso o takbo ng


mga pangyayari. Hindi sapat na nakaiskedyul ang isang gawain upang ipatupad. Ang
pagpaliban nito ay hindi nangangahulugang mañana habit, kundi hinunuha na baka
hindi pa napapanahon. Ang pagsabi ng “saka na” ay nangangahulugang “Maghintay
muna tayo ng tamang panahon” at di pagpapabukas kaagad. Ang ningas kogon ay
sanhi ng pagdama sa mga pagbabago ng mga palatandaan sa pag-inog ng panahon.
Bigay-todo sa simula dahil panahon na upang bigyan ng pansin. Kung ito'y
napapabayaan na sa bandang huli, dahil sa itinuturing itong hindi na mahalaga o
angkop sa tawag ng panahon.

Ito ang dahilan kung bakit mabilis sumakay sa anumang pagbabago sa mga
plano o lumihis sa mga itinakdang isasagawa ang mga Filipino. Kung hindi
susubaybayan ang katapusan ng isang bagay ayon sa pagkatatakda, malamang na
may ibang pangyayaring namamagitan na mas isinaalang-alang kaysa kasalukuyan.
Hindi nabibigla o nababalisa kung may di inaasahang pangyayari na mag-aantala sa
mga nakasalang programa dahil nakaakma ang kamalayan sa daloy ng mga
pangyayari.

Napupuna na ang mga Pilipino ay “flexible”, hindi natitinag o nababahala sa


biglaang pagsulpot ng mga pangyayari. Ito rin ang dahilan kung bakit pabago-bago
ang isip ng ilan sa pagdalo sa mga imbitasyon. Minsan ang isang organisasayon ay
tatawagan pa ang inimbatahan upang kumpirmahin kung dadating o hindi kahit may
pasabi ng “oo” sa umpisa. Inaakala na marami pa ang mga pangyayaring di
inaasahan na namamagitan mula sa panahon ng magsabi ng “oo” hanggang sa
pagdating ng itinakdang panahon.

Sanay maghintay ang Filipino, mahaba ang pisi nito sa puwang na nasa
pagitan ng pagsisimula at pagtatapos. Pag-aantabay at pag-asam na ipinapahiwatig

109
sa pamamagitan ng katagang “pa”. Kung maunawaan ang kulturang napapaloob
dito, masasabing bunga ito ng pag-aantabay sa pamumukadkad ng mga ipinunlang
binhi.

Katangiang Filipino- Polychronic

Sa larangan ng chronemics, ang pagsasabay-sabay ng mga ginagawa ay


tinatawag na polychronic. Ang linear o paisa-isang paghahanay ng mga gawain ay
tinatawag na monochronic. Halimbawa ang isang tindera sa palengke na hati ang
atensyon sa iba't ibang ginagawa. Makikita din ito sa mga naglalakad sa daan na may
kakayahang tumugon sa sanib-sanib na hinihingi ng pagkakataon. Maya-maya'y
kakawa'y sa kaibigang dumaan, hihinto at makipagkwentuhan muna sa mga
nakasalubong, makikikumusta sa isa pang kaibigang naispatang dumaan, babalik sa
pakikipag-usap sa katabi, daraan sandali sa tindahan at bibili, makipag-usap muli, at
saka lamang hahayo sa patutunguhan. Minsan tinitingnang bastos ang ganitong
kakulitan at pagpapalit ng atensyon ng mga di nakakaunawa ng kulturang Pinoy.
Hindi raw marunong pumila, nag-uunahan at nagsisiksikan, hindi taimtim sa
pakikinig; walang pagpapahalaga sa kinakausap sapagkat hindi nakatuon at kung
ano-ano ang pinag-uukulan ng pansin pansamantala. Hindi nauunawaan na ang mga
bagay na ito'y dala ng pagka-polychronic ng mga Filipino, ang kasanayang
umantabay sa iba't ibang pangyayari sa loob ng iisang sukat ng panahon.

Masasabi ring ito ang dahilan kung bakit ang mga Filipino ay hindi
nakakaramdam ng inip sa paghihintay at hindi natitinag kung mabago mang bigla
ang nakatakdang gagawin. Marami pang nagagawa ito sa paghihintay tulad ng
pagpunta sa grocery store, mag-ayos muna, magbasa ng libro at iba pang
pagkakaaliwan. Sa maikling salita, ang Filipino ay gagawa ng sari-saring
pagkakaaliwan upang magamit ang panahong nabakante.

Kaganapan at Hindi Kailan

Bukod sa nabanggit na pagka-polychronic ay ang paghahalo-halo ng


panahunan; halimbawa, “Bukas aalis na ako”. Ang kinabukasan at ang nakaraan ay
karaniwang pinagtatagpo-tagpo sa isang pangungusap. Tulad sa halimbawa, ang
gagawing paglalakbay sa kinabukasan ay isinasaad sa kaganapan nito. Sa
pamamagitan ng katagang “na” nadiriin na ang napipintong pag-alis ay magaganap
na, nariyan na, at wari'y mangyaring magmadali kung anumang paghahanda ang
gagawin para dito. Ang masalimuot na paghahalo-halo na panahunan ay makikita sa
ilang pabago-bagong gamit ng “pa” at “na” sa mga halimbawang sumusunod:

g. “saka na”- ipagpaliban sa kinabukasan


“saka pa”- ipinagpaliban hanggang natapos na ang lahat at nahuli
h. “ngayon pa”- huli na sa ngayon; di bale na
i. “bukas pa”- sa malayo-layo pang hinaharap

110
“bukas na”- sa nalalapit na hinaharap
j. “Kanina pa”- nakalipas o nakaraan na
“Kani-kanina”- pansumandali pa lang; kalilipas o kararaan lang
k. “Noon pa”- matagal nang panahon ang nakaraan
“Noong noon pa”- napakatagal nang panahon ang nakakaraan

Mapapansin na ang gamit ng “pa” sa “saka pa” , “ngayon pa” at “kanina pa”
ay upang itampok ang paglipas ng pagkakataon o ng tamang panahon sa
pagsasagawa ng isang bagay. Hindi alintana kung ang panahunan nito ay sa
kasalukuyan (ngayon), sa nakaraan (kanina) o sa kahuli-hulihan (saka). Nakatuon
ang pansin sa kaganapan, sa panghihinayang o matinding pagkadama ng nakaraang
panahon at pagkakataon. Gayundin ang “na” sa “saka na” ay nagsasaad ng pagliliban
sa hinaharap; samantalang ang gamit nito sa “ngayon na” ay bilang panggigiit na
panahon na upang isagawa o harapin ang nararapat gawin. Maliwanag ang ganitong
pagsasalungat ng tinutukoy na panahunan sa dalawang pakahulugan sa “bukas na”;
ang isa ay “nagbabadya” na darating na ang bukas at kailangang ito'y paghandaan;
ang isa naman ay “ipinagpapaliban” sa kinabukasan ang isang bagay sa kasalukuyan.

Sa Tagalog ang inaasam na pangyayari ay makikita sa mga salitang- sandali,


teka, hintay, parating na, malapit na, mamaya pa/na (pag-aantabay) samantalang ang
kaganapan o pagsapit at idiniin at minamarkahan ng nariyan na, heto na (pag-agap sa
magaganap). Ang mga ganitong linggwistikang katangian ay senyal na sa pananaw,
mahalaga ang panahon ng kaganapan at hindi ang oras kung kalian ito naganap.
Malakas ang tensyon sa pagitan ng “now” at “not yet”, ang “naririto na” sa
kasalukuyan at ang “parating pa” lang sa kinabukasan.

Madalas ay di tiyak at lihis ang pagtatantiya ng oras; gayundin sa pagbibigay


ng direksyon, halimbawa: “nariyan lang” o “malapit lang” kahit na ilang bundok pa
ang aakyatin o batis na tatawirin. Ang “alas-nuebe” ay maaring isang buong umaga.
Ang ganitong di katiyakan ay gawa din sa pagkakatuon sa kaganapan o daloy ng
pangyayari. Madalas ginagamit ang “kanina”, “kamakailan”, “kamakalawa”, o
“noon” para sa mga bagay na nakaraan na; at ang “samakalawa”, “bukas”,
“mamaya” para sa mangyayari sa hinaharap. Walang matinding pangangailangan na
sabihin nang tiyak kung kailan naganap ito. Ang mahalaga ay tapos na ito o bukas pa.
At dahil nakatuon ang atensyon sa pangyayaring nagaganap, hindi istandardisado
ang pagbibilang ng panahong lumipas. Maaaring sa kamalayan ang isang bahagi ng
panahon ay mahaba o maikli, mabilis o makupad, depende sa ginagamit na sukatan.

Ang mga Filipino noong unang panahon ay nagbibilang ng oras ayon sa


posisyon at init ng araw. Nahuhulaan nila nang tiyak at masinop ang takbo ng oras sa
isang araw kahit walang orasan. Sa mga Bisaya at Tagalog halimbawa, ginagamit
ang ganitong mga salita sa umaagos na panahon:

Tigburugtu- alas-kwatro ng umaga; madaling-araw-agaw-dilim ang liwanag


Bukang-liwayway- mga bandang alas-singko ng umaga; sumilip na ang araw
111
Paranugpu- alas-seis ng umaga; oras ng pagpapagaspas ng pakpak ng mga
manok
Kasikatang-araw- bandang alas-diyes ng umaga
Tig-ilitlog- malapit na sa katanghalian; oras ng pangingitlog ng mga manok
Tupung-tupung- tanghaling tapat, kainitan ng araw
Ituyug-kulaw- alas-dos ng hapon
Tigbalahug- alas-kwatro ng hapon; oras ng pagpapakain sa mga baboy
Dapithapon- mga alas-singko ng hapon; umpisa ng paglubog ng araw
Masinum- alas-seis ng gabi; lubog na ang araw
Takipsilim- pag-aagaw ng liwanag at dilim
Gabi- madilim na
Tig-iyapun- alas-otso ng gabi, oras ng hapunan
Tig-baranig- alas-diyes ng gabi; oras ng paglalatag ng banig
Nang pamalu- hatinggabi o kalaliman ng gabi

Sa isang pag-aaral ng mga media habit ng kanayunan, halimbawa, napag-


alaman na ang karaniwang ginagamit na mga sukatan sa pananaliksik dito ay hindi
angkop sapagkat hindi nakaumang o nakatugon sa iba't ibang sukatan na may
kabuluhan sa mga taganayon. Sa ilang sukatang makahulugan sa nakakaraming
Filipino maitatampok ang mga sumusunod:

a. Sapagkat karamihan sa naninirahan sa mga bukirin, malakas pa rin ang


pandama sa mga palatandaang mababasa sa mga pagbabago sa
kalikasan, halimbawa: “pagtilaok ng manok”, “pagputi ng uwak”, “nang
lumindol”, “nang dumaan ang Yolanda”
b. Halos lahat ng Filipino, tagalungsod man o taganayon ay sumusunod sa
takbo ng pangyayari: “noong peace time”, “panahon ng Hapon noon”,
“panahon ng liberation”, “noong nagkakaroon ng pagpapatubig dito”,
“kapag nakatapos na sa pakikigapas si Boy”, “paminsan-minsan kapag
may pagkakataon”.

Dahil dito ay hindi maigting ang pagkatali sa kamalayan sa pagsisimula at


pagtatapos ng araw. Hindi tulad ng iba na nagtatanong “How's your day?” na ang ibig
sabihin ay kung ano ang nagawa mo sa buong araw. Marami ang bihirang magsuri
kung ano ang nagawa sa pagtatapos ng araw; ang mahalaga'y walang gusot at masaya
o naging kaaya-aya. Hindi naging interesado sa pagsasara, sa pakikiramdam na
lumipas na naman ang isang araw at ano ba ang nagawa.

Pabago-bago ang sukatan, at ayon sa mga pagkakatong nagbigay-bunga sa


pagkahuli o pagkaantala, maaari itong patawarin o pagbigyan. Ang mga hangganan
hinggil sa kung hanggang kalian maghihintay o kung gaano katagal maaaring
magpahuli nang hindi nang-iinsulto sa kapwa ay palaging ayon sa bigat ng
kadahilanan na dala ng pagkakaton. “Natrapik ako”, “Baha sa amin”, “Brownout
kasi kaya hindi ko nagawa” ay ilan sa kadahilanang iniinda dahil batid na sa
maraming sitwasyon dito sa bansa ay wala po tayong kontrol o kapangyarihan.
112
May mga pamantayan ng pakikisalamuha sa lipunan na nagsasabing ang
pagkahuli ay tanda ng pagsaalang-alang sa kapwa. Halimbawa, marami ang sadyang
nagpapahuli sa pagpunta sa handaan at baka sabihing sila ay sabik o gutom, o kaya'y
hindi pa handa ang maybahay (Mendez, 1976). Ang lahat ng ito ay ilang lamang
halimbawa ng pagpapatibay ng obserbasyon na ang kulturang Pinoy ay may
sariling pakahulugan sa panahon at kailangang unawain ito mula sa loob at hindi
mula sa labas. Ito'y upang maiwasan ang pagkakabuhol-buhol ng inihanay na mga
pangyayari at ang di pagkakaunawaan hinggil sa mga mensaheng may kinalaman sa
panahon.

Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan:
A. Gamit ang concept map na ilustrasyon, ilista ang mga mahalagang
konsepto/terminolohiya na may kaugnayan sa konsepto ng panahon sa
kontekto ng kulturang Filipino. (Gawin ito sa klase).
B. Maghanap ng mga videos at artikulo sa pananaliksik na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa panahon at ipakita ito sa klase.
C. Magsaliksik ng mga salitang nagbibigay halaga sa panahon. Gawin ito sa
ibang wika tulad ng Hiligaynon o wika ng inyong lugar, gayundin sa Tagalog
at ibahagi sa klase.
D. Maglista ng mga natukoy na salawikan/kawikaan/tayutay/idyoma na
nagpapahalaga sa oras/panahon. Gawin ito sa ibang wika tulad ng
Hiligaynon o wika ng inyong lugar, gayundin sa Tagalog at ibahagi sa klase.
E. Maglista ng mga sitwasyon o mga karanasan sa araw-araw na naglalarawan
na nalipasan na ng panahon o oras at hindi na maaaring maibabalik pa. (hal.
naiwan ng eroplano).
F. Ano-anong mga sitwasyon o karanasan sa buhay na pinapalagay na:
1. mabilis ang takbo ng panahon;
2. napakabagal ng oras/panahon;
3. naging kabagot-bagot ang takbo ng mga pangyayari?

Pagkatapos ay ipaliwanag o tukuyin ang mga dahilan kung bakit naging


ganito ang persepsyon sa mga sitwasyong ito at ibahagi sa klase. Maaaring
gamitin ang mga emoticon sa ibaba sa paghahanay at pagklasipika ng mga
ito:
G. Paghambingin ang buhay ng mga Filipino sa nayon at sa lungsod, kung
paano ang bawat isa umaayon sa oras. Ano-anong mga gawain/kaganapan
ang mahalagang iayon sa oras?

II. Gawaing Isahan:


A. Maglista ng mga inaabangang programa/pangyayari/petsa at
ilahad/ilarawan kung paano mo ito masasabing mabibigyang halaga at
ipaliwanag kung bakit kailangang maging ganito ang tugon mo.
113
B. Ano-anong maaaring ibubunga ng pagmamadali o paspasan at ang
pagiging mahinahon sa pagsagawa ng mga bagay? Sa alin ka nabibilang
kung pagbibigyan ka ng malaking bagay na tatrabahuhin? Bakit?
C. Nagamit mo na ba sa buhay mo ang pahayag na “It's not the right time
yet”? makailang beses?
D. Ano-anong mga sitwasyon sa buhay na masasabi mong karaka-raka ka sa
paggawa ngunit sa umpisa lang? Paano mo ito hinarap o tinugunan?
E. Sa anong bagay moinihahambing ang oras, bakit?

114
Aralin 17
ANG KAHALAGAHAN NG PANLAPI

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natukoy ang katangiang nangingibabaw sa panlaping Filipino;


b. nakasaliksik ng iba pang mga salita/kataga/pahayag sa Filipino na
may pareho o ibang katangian;
c. nakalahad ng dula-dulaan hinggil sa gamit ng mga salita/pahayag
na inilahad; at
d. naisagawa ang mga gawain nang maayos at aktibo.

Talakayin Natin
Ang wikang Filipino ay may maraming panlapi. Itinuturing itong moog ng
isang wika tulad ng Filipino. Binubuo ng pitong anyo ang paglalapi sa Filipino:
unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, laguhan, pag-uunlapi + paggigitlapi at paggigitlapi
+ paghuhulapi. Ang mga panlaping ito ay may papel na pansikolohiya.
Magkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ang mga salita dahil sa panlapi.
Halimbawa, ang salitang “usap” kapag nilagyan ng unlaping “paki-“ ay naging
“pakiusap.” Ang unlaping “paki-“ ay ginagamit bilang isang paghiling na kung
maaari ang sinasabi ng salitang-ugat ay gawin o isagawa ng taong kinakausap.
Bagamat ang salitang “usap” ay tumutukoy sa “conversation” o “pagtalakay” kapag
naging pakiusap may makataong damdaming pumapasok. Nagiging “request”.
Tulad din ng salitang “dala” . “Yung dala, “carry” lang iyon. Pero kung “pakidala”
ubod ng hirap iwanan no'n. Mas maiiwanan mo pa ang talagang dala mo kaysa iyong
pakidala sa iyo. Dahil sa ito'y hinihingi ng kulturang Pilipino.

Masasabi ring higit na maligoy ang Filipino sa pagpapahayag kung


damdamin ang kasangkot sa usapan. Ito'y bunga ng pag-iwas ng makasakit ng
damdamin. Kaya nga, may mga implikasyong sikolohikal maging ang pagpili sa
panlaping “I” sa halip na “um” tulad sa salitang “kumausap” at “kinausap”. Tunay
may malaking papel na ginagampanan ang mga panlapi sa pagbubuo ng mga
terminolohiya at pag-unawa sa mga konsepto sa Sikolohiyang Pilipino.

115
Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan
A. Pag-aralan ang kahulugan, pinag-ugatan, gamit, katangian at iba pa ng mga
sumusunod na mga palasak na salita/pahayag sa kontekstong Pilipino:

1. “Peksman, walang iwanan”


2. “Hay naku”
3. “swak na swak”
4. “bro”
5. “sige”
6. “hindi ka na iba sa akin”
7. “daw sa others ka”

Maghanap pa ng ibang salita/mga pahayag na kauri nito at gawan ng


pagsusuri at ilahad sa klase.

B. Maghanda ng maikling dula-dulaan na gumagamit ng mga salita/pahayag na


inilahad sa itaas.

116
Aralin 18
MGA PANANALIKSIK AT ABSTRAK
HINGGIL SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakatala ng mga mahahalagang konseptong may kaugnayan sa
paksa ng binasang mga pananaliksik;
b. nakapagsagawa ng mga sarbey hinggil sa mga kulturang lumilitaw
sa mga tiyak na pangkat ng mga tao na may parehong trabaho o
sitwasyon;
c. nakapagbahagi sa klase ng mga kaugnay na pananaliksik sa kultura
at wika; at
d. naidokumento nang maayos ang mga sarbey na ginawa at iba pa.

Talakayin Natin
May mahalagang papel na ginagampanan ang pananaliksik sa wika at kultura
ng mga mag-aaral sa Senior High School at sa kolehiyo tungo sa intelektwalisasyon
ng wikang pambansa. Ito ay pangunahing adyendang pangwika ng bansa sa layuning
magamit ito sa karunungan at iskolarling talakayan. Ang resulta ng mga pananaliksik
ay kailangang mailathala upang mabatid ng mga mag-aaral, edukador at mga
administrador sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon at pagkamit ng layuning
pang-akademiko. Mababasa sa mga sumusunod na talataan ang paglalahad at
pagtalakay ng mga saliksik na nagbibigay pokus sa wika at kulturang Filipino.

1. Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino


(Konteksto ng K to 12). (Galileo Zafra. Katipunan Journal ng mga Pag-
aaral sa wika, sining, panitikan at kulturang Filipino, 2016)

Sa pananaliksik na ito lumitaw na may malaking ugnayan ang wika at


kulturang Filipino. Ang “wika” ay sisidlan ng “kultura”. Ang kultura ay dinamiko,
kolektibo, at may ginagalawang konteksto. Pinag-aaralan ang panggramatikang
katangian ng wika at hinahalaw rito ang mga aspekto ng kulturang Filipino bilang
dulog sa pagtuturo ng wika at kultura. Narito ang mga halimbawa sa ilang bahagi ng
pananalita ng wikang Filipino na hinalaw sa nabanggit na pananaliksik:

117
Panghalip Panao

Sa pag-aaral ng mga panghalip panao- pinapalitaw ang pananaw ng mga


Filipino tungkol sa sarili at sa relasyon niya sa kapwa. Halimbawa, ang salitang
“kita” ay katumbas ng “ko” at “ikaw” ay sinasabing nagpapahiwatig ng
pagkakalapit ng nagsasalita sa kausap. Sa pahayag na “Mahal kita”, “kita” rito ay
binubuo ng “ko” at “ikaw”. Sa Ingles “I love you”, kung saan ang “you” ay katumbas
ng “ikaw” sa Filipino, hindi lumilitaw ang kahulugang ikaw at ako”.

Pang-uri

Sa pag-aaral ng pang-uri, pinatitingkad na walang negatibong


paghahambing sa Filipino. Mayroon lamang “mas maganda” at “pinakamaganda”
na katumbas ng “more beautiful” at “most beautiful” ngunit walang katumbas ang
“less beautiful” at “least beautiful”. Sinasabing nagpapahiwatig naman ito ng
positibong pananaw ng mga Filipino. Binibigyang pansin din na ang maraming
pang-uring hindi ginagamitan ng “ma” tulad ng “pangit”, “bastos”, “duwag”,
“sakim” ay pawang mga negatibong paglalarawan. Ang isang teorya, ang positibong
katangian, ang norm o pamantayan, kaya kapag may lihis sa pamantayang ito,
nagiging tuwiran ang paggamit ng salita at hindi na kailangan ng panlaping “ma”.

Pangngalan

Sa pag-aaral ng mga pangngalan, karaniwang tinitingnan ang pangkatan ng


mga salita sa iba't ibang domain o larang. Halimbawa, sa mga salitang may
kinalaman sa mag-anak, hiniram natin ang mga salitang “kuya”, “diko”, “sangko”
bilang katawagan sa mga kapatid na lalaki; at “ate”, “ditse”, “sanse” para naman sa
mga kapatid na babae. Bukod sa indikasyon nito sa pagkakaroon ng magkakaibang
tungkulin at eskpektasyon sa mga anak sa loob ng pamilya kaya naman kailangang
may tiyak at tanging katawagan sa bawat anak. Sa mga termino para sa mag-anak pa
rin, mayroon tayong “biyenan”, “manugang”, “bayaw”, “hipag”, “bilas” na ang
katumbas lahat sa Ingles ay “in-laws”.

Pinag-aaralan ang paggamit ng wika ayon sa kaangkupan nito sa konteksto


ng isang kultura. Halimbawa, sinasabing mayaman ang kulturang Filipino sa mga
pahiwatig o mga di tuwirang pagpapaabot ng mensahe. Mayroon tayong parinig,
pasaring, pahaging, padaplis, paramdam, papansin. Naipapahayag ang mga ito sa
iba't ibang kombinasyon ng berbal at di berbal na paraan tulad ng ligoy, tampo, biro,
lambing, dabog, maktol. Dahil sa spektong ito ng ating kultura, kailangan ding ituro
sa mga estudyante, halimbawa, kung paanong bibigyan ng kahulugan ang mga sagot
na “oo” o “hindi” ngunit tinutugunan ng: “tiyak”, “siguro” , “malamang”, “marahil”,
“titingnan ko”, “baka”, “bahala na”, “ewan”.

Ang kultura ay dinamiko, buhay na penomenong isinasabuhay araw-araw ng


mga tunay na tao magkakasama man o nag-iisa, habang dinaranas ang
118
pinagsasaluhan nilang paraan ng pamumuhay at habang lumilikha ng kanilang
kasaysayan. Para kay Moran (2001), “ang kultura ay isang patuloy na nagbabagong
paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng tao o pamayanan, binubuo ng
pinagsasaluhang mga produkto, batay sa pinagsasaluhang mga praktika o gawaing
nakaugnay sa pinagsasaluhang mga produkto, batay sa pinagsasaluhang mga
pananaw sa mundo at nakalugar sa tiyak na mga panlipunang konteksto”.

Batay sa depinisyong ito ng kultura, may limang dimensyon ang anumang


penomenong kultura, o sa madaling sabi, ang anumang paksang pangkultura. Ang
isang penomenong pangkultura ay kinasasangkutan ng nararanasang anyo o
estruktura (produkto) na ginagamit ng mga miyembro ng kultura (tao) sa kanilang
iba't ibang gawain (praktika) sa mga tiyak na panlipunang sitwasyon at grupo
(pamayanan) na ginagabayan ng mga lantad at di lantad na mga paniniwala,
pagpapahalaga at saloobin (pananaw). Ang mga produkto, tao, praktika, pamayanan
ay karaniwang hayag; karaniwan namang tago ang mga pananaw na siyang maaaring
palitawin sa pagsusuri. Sa pamamagitan ng pagtuklas at pagsusuri sa mga koneksyon
ng mga dimensyong ito, higit na makabubuo ng mas malalim at makabuluhang
larawan ng kultura. Upang lalong maunawaan ang pagpapakahulugan ni Moran
(2002) sa dimensyong ito ng kultura, gamiting halimbawa ang karanasan sa Farmer's
Market sa Quezon City

Produkto

Ang listahan ng produkto dito ay napakahaba- mula sa seksiyon ng isda, at


iba pang pagkaing-dagat, baboy at baka, manok, itlog, gulay, prutas, tuyo at daing,
hanggang sa seksiyon ng dry goods gaya ng mga de lata, mga kagamitang pambahay,
bigas at iba pang produkto sa palengke bukod sa paninda. Sa seksiyon ng isda at
pagkaing dagat, naririto ang karaniwang makikita: Bangus, Tilapia, Galunggong,
Taningue, Lapu-lapu, Pla-pla, Tulingan, Hito, Tuna, Sapsap, Hasa-Hasa, Talakitok,
Tawilis, Hipon, Sugpo, Alimasag, Alimango, Talangka, Tahong, Halaan, Squid ring.
Ngunit, mayroon ding di-gaanong pamilyar na pangalan: Tagunton, Bitilya, Bacoco,
Dapa, Samaral, Kitang.

Sa paglilista pa lamang ng mga produkto sa seksiyon ng isda at pagkaing-


dagat sa palengke, may dagdag ng kaalaman tungkol sa kultura ng pagkain. Kung
uusisain ang mga nagtitinda, nagmumungkahi pa sila ng lutong babagay sa isda.
Napakahalaga na makilala ang pangalan ng mga pagkaing-dagat. Malamang kasing
hindi kainin o hindi hanapin o bilhin ang isang pagkaing hindi kilala. Ang di pag-
alam sa mga katawagan sa pagkain ay naglilimita sa maaari nating kainin. Sa
katunayan, may palatandaan na unti-unti nang nakakalimutan ang ilang salitang
tumutukoy sa ating pagkaing-dagat. Sa Farmer's Market, halimbawa, makikita ang
mga sumusunod na leybel: Sea Bass (Apahap Dagat), Fresh Scallop, Uni/Sea
Urchin. Ang paglalagay ng pangalang Filipino pagkaraan ng Sea Bass ay pahiwatig
na mas kilala na ang katawagang Ingles kaysa sa Filipino, kahit tanungin, hindi na

119
alam ng nagtitinda ang Filipinong salita para sa Scallop at Uni/Sea Urchin. Ang
leybel na Uni/Sea Urchin ay kakatuwa dahil mas kilala pa ngayon ang pagkaing ito
sa dalawang wikang banyaga- Ingles at Hapon.

Sa seksyon naman ng prutas, may makukuha ring impormasyon sa mga


sumusunod na leybel: Pahutan Mango, Avocado, Lagkitan, Siniguelas, fresh from
Batangas, Sweet Mangoes, “baklas”. Ang Pahutan ay isang uri ng mangga. Ang
maliliit na ngunit napakatamis na mangga ay tinatawag na “supsupin”. Hindi na ito
hinihiwa pa para paghiwalayin ang pisngi at buto kundi binabalatan at sinupsop para
kainin. Ang iba ay tinatawag na kalabaw, indian mango, at piko. Ang lagkitan ay
isang paglalarawan sa magandang uri ng Avocado- iyong malagkit, mangunguya,
makrema. Kaugnay nito, may iba't ibang uri ng paglalarawan ng mga prutas na
nagpapahiwatig kung ano ang magandang uri at masarap- ang bayabas ay
manibalang; ang atis ay malamukot; ang buko ay malauhog; ang saging na saba ay
makunat. Matutuklasan din sa palengke kung saang lalawigan nagmumula ang
pinakamagagandang uri ng prutas. Halimbawa, manggang Guimaras, pakwan ng
Sta. Maria, Bulacan, Durian na Puyat mula Davao, Siniguelas mula Batangas, sa
Mangga naman, karaniwang makikita ang deskripsyong “walang kalburo” o
“baklas” na ang ibig sabihin ay pinitas sa tamang panahon at hindi pinilit. Ang huling
halimbawa ay nagpapaliwanag ng katutubong teknolohiya sa pag-aalaga at pag-ani
ng mga punongkahoy at prutas. Hindi dapat maliitin ang maituturing na kaalamang-
bayang ito na kinakatawan ng wika. Kaugnay nito'y kailangang banggitin ang sinabi
ni Michael Tan tungkol sa “heritage food” o minanang pagkain ng mga Filipino.
Tumutukoy ito sa mga produktong pagkaing at paraan ng pagluluto na nagpasalin-
salin ng henerasyon.

Kapansin-pansin din ang bagay na “Timbangan ng Bayan” na maaaring


gamitin ng sinumang mamimili para matsek kung tama ang timbang ng kanilang
pinamili. Ano kaya ang ipinapahiwatig ng timbangang ito sa kultura ng palengke sa
Kamaynilaan? Ang palengke mismo ay produktong pang-ekonomiya ng lipunan.
Maaaring suriin kung ano ang pagkakaiba ng palengke, supermarket, talipapa,
weekend market ayon sa limang dimensyon ng kultura.

Praktika

Pangunahing gawain sa palengke ang pamimili. Ano-anong mga gawain ang


sangkot sa pamimili? Ang isda ay inaamoy, pinipisil, itinatapat sa ilaw, sinisilip ang
hasang. Ang prutas ay kinikilatis, tinitimbang sa kamay, kinakatok, inaamoy,
pinabubuksan, tinitikman. Ang mga simpleng pamamaraang ito ay maitinuturing na
kaalaman upang matiyak ang kalidad ng pagkain. Maaari ring tukuyin ang ginagawa
ng iba't ibang tao sa palengke- ang nagtitinda, kargador, tagapamahala ng palengke at
iba pa. Isa namang katangi-tanging praktikal sa palengke ay ang pagtawad- isang
komplikadong proseso ng negosasyon sa pagitan ng mamimili at nagtitinda. Mas
nagiging madali ang negosasyong ito kapag buena mano o suki ng nagtitinda ang

120
mamimili. Ang kultura ng suki ay nagpapahiwatig ng posibilidad ng pagkakaroon ng
personal na ugnayan ng nagtitinda at mamimili. Ang pagtawad at pagkakaroon ng
suki ay hindi nangyayari sa supermarket o grocery store.

Pamayanan

May iba't ibang pamayanan sangkot sa kultura sa palengke. Ang grupo ng


mamimili ay mayroon na agad tatlong mas maliliit na grupo: ang mga indibidwal na
mamimili para sa pampamilyang konsumo; ang namamakyaw upang muling itinda
ang pinamili; at ang may-ari ng restawran na namimili para sa ititindang lutong
pagkain. May mas maliliit na grupo rin ng manininda: ang grupong sila mismo ang
may-ari ng tindahan, at ang grupong kinuha lang upang magtinda sa puwesto ng
negosyante. May pangkat din ng tagahatid at tagabagsak ng produkto na maaaring
mga negosyanteng namamagitan sa mga nagtitinda sa palengke at sa talagang
pinagmumulan ng mga produkto gaya ng mga magsasaka at mangingisda. Naroon
din ang pangkat ng property investment firm, ang may-ari ng mismong palengke na
nagpaparenta ng mga puwesto sa grupo ng mga manininda. May mga ahensya rin
ang pambansa at lokal na pamahalaan na nagmomonitor sa operasyon ng mga
palengke. Paminsan-minsan, may grupo rin ng turista, dayuhan at mga Filipino, na
ang pakay ay hindi lamang mamili kundi mag-obserba, mamasyal, matuto o
maglibang. Bawat grupo ay may bitbit na praktika at pananaw sa palengke.

Tao

Iba't ibang uri ng tao ang makikitang lumalahok sa kultura ng palengke.


Bawat isa ay may natatanging naratibo, pananaw, praktika, at paraan ng pagsangkot
sa penomenong pangkultura. Ang paglahok nila sa kultura ay hinuhugis ng iba't
ibang salik gaya ng kasarian, edad, uri, lahi, etnisidad, edukasyon, relihiyon.
Halimbawa, ang mag-asawang namamalengke. Sino ang umaamoy, bumubusisi,
nakikipagtawaran? Sino ang nagbibitbit ng mga pinamili? Kung amo't kasambahay
naman ang magkasama, ano ang ginagawa ng amo at ano ang ginagawa ng
kasambahay? Sa panig naman ng nagtitinda, kapag magkasama sa puwesto ang may-
ari at ang kanyang tindero o tindera, sino ang nagpapasiya kung magbibigay ng
tawad o kung magbibigay ng dagdag? Isinasama ba ang mga bata sa palengke? May
maoobserbahan bang patern kung ano ang itinitinda ng mga lalake o babae-karne,
gulay o prutas?

Pananaw

Iba't iba ang pananaw na ipinapahiwatig ng kultura ng palengke. Karaniwang


di lantad ang mga pananaw na ito at nagiging hayag lamang kapag may nakitang
koneksyon o pag-uugnay sa mga natipong datos mula sa apat na dimensyon ng
kultura. Halimbawa, may kultura ng tumpok sa palengke. May tumpok ng di sariwa,
at maputlang hipon. May tumpok din ng lamog, may itim-itim, at kulu-kulubot nang

121
balat ng mangga. Sinasamantala ng negosyante ang pagkakaroon ng pananaw na
negatibo upang kumita kahit na halos walang kwenta ang ilako sa mamimili.
Halimbawa ang pagtitinda ng basket ng strawberry sa Baguio kung saan sa ibabaw
ay makikita ang mapupula, malalaki at makikintab na prutas, ngunit nasa ilalim pala
ang mapuputla at maliliit na prutas na binabanigan ng diyaryo. Namamayani rito ang
pananaw na “malaki” ngunit minsanang kita ng nagtitinda kaysa mag-aruga ng
magandang relasyon sa mamimili. Ang pananaw na positibo sa mga Filipino ay
makikita sa hindi pag-aaksaya ng pagkain. Ito ang dahilan kung bakit kinakain ang
mga lamang-loob tulad ng isaw, adidas, rambo, helmet, balat atbp., walang dapat na
maaksaya, lahat ay pakinabangan.

Kumikilala ng kasarian ang mga praktika sa palengke. Babae ang


nakikipagtransaksyon dito kung saan siya ang kumikilatis ng produkto,
nakikipagtawaran at nagbabayad. Ang pamamalengke ay maaaring tingnang
ekstensyon lamang ng kanyang tungkulin sa tahanan tulad ng pagluluto, pag-aalaga
at pagpapakain ng pamilya. May kasarian din ang bawat espasyo sa palengke. Mas
maraming lalake ang matatagpuan sa seksyon ng mga karne at bigasan. Mga babae
naman ang matatagpuan sa seksyon ng mga prutas at gulay. Makikita sa isang
pagtingin ang esteryotipong papel ng lalake at babae sa lipunan. Sa ibang pagtingin
naman, maituturing na partisipasyon ng mga babae sa gawaing ekonomiko ang
pagkakaroon ng mga ito ng pwesto sa palengke at manininda.

May mga pananaw ding nagtutunggalian. Halimbawa ang kultura ng


“tawad” at “suki” na nagpapahiwatig ng transakyong pang-ekonomiko ay
ginagabayan pa rin ng pakikipagkapwa. Samantala, ang pagkakaroon ng
“timbangang bayan” ay nagpapahiwatig ng namamayaning kawalan ng tiwala ng
mga mamimili sa mga nagtitinda o negosyante.

Mapapansin din sa Farmer's Market ang paglilipat ng ilang kultura ng


supermarket o mall sa palengke. Ginagamit na ang pushcart sa palengke na
karaniwa'y sa mga supermarket lamang ito at makikita rin dito ang Dampa o isang
Food court na bahagi lamang ng mall. Nakakatuwa ring tingnan ang hilira ng mga
fastfood tulad ng Jollibee, Mc Donalds, Goto King, Chowking sa palengke dahil ang
bawat isa ay may kinakatawang kultura sa paghahanda ng pagkain. Ang isa ay
personal na pinaglalaanan ng panahon ang paghahanda ng pagkain, samantala ang
isa ay binibili ng luto na, minadali at inihanda ng iba. Ipinapakita ang pagpasok ng
mga elementong kultural ng mall at supermarket sa palengke kung paanong
naiimpluwensiyahan ng global at mas makabagong paraan ng pagkonsumo ang mas
tradisyunal na pamamaraan na kinakatawan ng palengke.

Ang Mutya ng Pasig Market ay inayos noong 2008 upang magmukhang


mall. Isang tradisyunal na palengke na dumaan sa renobasyon upang ihalina ang
mga maseselang mamimili. Ipinapakita rito ang diskurso ng kalinisan upang
pangaturiwan ang ginawang debelopment. Naging isyu rin ang kawalan ng

122
monitoring sa pagpepresyo ng mga paninda maliban sa bigas kaya lumikha ang
National Food Authority ng Palengke Watch. Iniuugnay din ang palengke sa masa at
sa kahirapan. Totoo man ang kritisismo sa palengke o hindi, mahalagang suriin ang
implikasyon ng paghalili ng mga mall at supermarket sa palengke na maaaring
babago sa buhay ng mga Pilipino sa mabuti man o sa masama.

Ang inilahad na halimbawa hinggil sa palengke ay ilan lamang sa mga


pananaw at kahulugan na maaaring mabuo sa pagsusuri ng penomenong
pangkultura. Mahalagang maging bahagi ang mga gawaing ito sa pagbalangkas o
konteksto ng kurikulum ng Filipino sa K-to 12 at sa mataas na lebel ng edukasyon.

Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan:

A. Gamit ang tsart: llista ang mga salitang Filipino na mga bahagi ng pananalita
na nabanggit sa binasang pananaliksik na naglalahad ng natatanging
katangian nito

Pangngalan Panghalip Pang-uri

B. Magsagawa ng sarbey sa isang palengke at itala ang mga ngalan ng mga


paninda (isda, prutas, gulay atbp. na makikita rito) at magkaroon ng larawan
ng mga ito. Isulat ang mga obserbasyon halimbawa, paano binebenta ng mga
tindera ang kani-kanilang paninda, sino ang nagtitinda (kasarian) at iba pang
mahalagang impormasyon na naglalahad ng kultura na litaw sa palengke.
Kunan ng larawan ang bawat isa.

C. Ano-anong kultura ang litaw sa mga pangunahing gawain sa bansa tulad ng:
pangingisda at pagtatanim ng mais/palay. May maoobserbahan bang patern sa
gumagawa o nagtatrabaho? Ibatay ang pangangalap ng datos sa limang
dimensyon na inilahad sa pananaliksik. Ilahad sa klase sa pamamagitan ng

123
paggamit ng videos at mga pag-aaral, interbyu at iba pa para sa
dokumentasyon.

D. Itala ang mga itinuturing na heritage food ng inyong lugar, ilahad ito sa
pamamagitan ng paglalahad kung paano naging heritage food ito base sa mga
pagtatanong sa mga tao sa pamayanan.

II. Gawaing Isahan:

A. Ilista ang mga katawagan sa miyembro ng pamilya

B. Bakit mahilig ulitin ang pantig ng palayaw ng mga miyembro ng pamilya


(Jun-jun, Jojo, Bek-bek atbp.)

C. Bakit hindi nakikilala ng mga tao sa wikang Filipino ang mga pangalan ng
isda?

D. Ano-ano ang mga natatanging paglalarawan ng mga nagtitinda ng gulay at


prutas sa palengke ng lugar?

E. Paano nagkakaiba ang supermarket, talipapa, weekend market, tyanda, at


mga malalaking pamilihan (public market) sa Lungsod ngIloilo

F. Anong kultura ang nangingibabaw sa lugar niyo pagdating sa pamimili?

G. Naging pareho ba ang obserbasyon mo sa pamimili sa palengke hinggil sa


pagtawad, suki, Buena mano sa inilahad sa binasang pananaliksik?

H. Sa tatlong kategorya ng mamimili, saan ka/ang pamilya niyo nabibilang? Sa


grupo ng nagtitinda?

I. “Paaman” sa binibiling produkto, sa anong kultura nakaugat?

J. Bakit nauuso sa palengke ang “pagtawad”, “suki” at “Buena mano”? Ano


pang implikasyong maaaring maibibigay nito?

K. Paano mo mailalarawan ang pakikitungo ng mga tao sa pagkain, halimbawa


sa mga heritage food?

124
2. Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Filipino (Mabaquiao, N. Jr.,
Philippine E-Journals. Malay, Vol. 19, No.3, 2007)

Pangunahing layunin ng papel na ito na mabigyang linaw ang konsepto ng


kamalayang Filipino at ang siyasatin kung paano, hango sa nasabing konsepto, mas
maitataguyod ang pambansang identitad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng
globalisasyon sa kultura o pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay. Ang salitang
globalisasyon ay nagkakaroon ng iba't ibang depinisyon ngunit kadalasan ay ibinibigay
na kahulugan dito ay binibigyang diin ang kahihitnan nito. May mga depinisyon na
tumitingin sa globalisasyon bilang isang proseso ng paglawak ng pagkakaugnay-ugnay
ng mga bansa o unti-unting paglaho ng mga pagkakaiba ng mga kultura. May mga
depinisyon ding itinuturing na kagyat na kritisismo sa proseso ng globalisasyon o sa
pamamaraan ng kaganapan nito tulad ng depinisyong nagpapalagay sa salitang
globalisasyon bilang isang pinagandang salita lamang para sa “pandaigdigang
paglaganap ng di makataong sistema ng kapitalismo” o “sa di makatarungang
pagpapalawakng kapangyarihan ng Estados Unidos sa buong mundo”

Sa papel na ito isinusulong ang kaisipan na ang totoong batayan ng pambansang


identitad ay may kinalaman sa kamalayan. Magbago man ang kultura dahil sa
globalisasyon, hindi kaagad nangangahulugan ng paglaho ng pambansang identitad.
Kailangang panatilihin sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng globalisasyon
ang pambansang kamalayan o ang pambansang identitad ng kamalayan. Ang
kamalayan bilang isang panlahatang salita na tumutukoy sa iba't ibang prosesong
mentaltulad ng pagdududa, pagkamangha,pagtatanongat pamimilosopiya.

May apat na pangunahing pahayag tungkol sa kalikasan ng kamalayan:

a. Ang kamalayan ay kalimitang nakaugnay sa isang bagay o pangyayari sa


mundo.
b. Ang pagkakaugnay ng kamalayan sa isang bagay o pangyayari sa mundo
ay bunga ng isang pangangailangan o kakulangan ng kamalayan na nais
nitong matugunan o punan.
c. Ang pagkakaugnay ng kamalayan sa isang bagay o pangyayari sa mundo
ay palaging nasa isang pananaw.
d. Ang pagkakaugnay ng kamalayan sa isang bagay o pangyayari sa mundo
ay palaging nasa konteksto ng isang partikular na lugar at panahon.

Nangangahulugan ang unang pahayag na kalimitan o sa mas maraming uri ng


prosesong mental, ang kamalayan, o ang kamalayan ng, o kaya naman ay tungkol sa,
isang bagay o pangyayari. Halimbawa, kung tayo ay nagdududa, mayroon tayong
pinagdududahan. Tulad din sa ibang prosesong mental na kapag tayo ay nahihiya,
nangangarap o nagmamahal. Ang kamalayan ay nakatuon sa isang bagay o
pangyayari sa mundo, at isa itong katotohanan tungkol sa ating kamalayan na hindi
pinagdududahan.

125
Ang ikalawang pahayag ay nangangahulugan halimbawa na kapag nag-aaral
tayo, ang ating inaaral ay pinaniniwalaan nating makatutugon sa ating
pangangailangan o kakulangan sa direkta o di direktang pamamaraan. Nililinaw sa
ikatlong pahayag na ang pananaw ay tumutukoy sa isang sistema ng mga konsepto o
kategorya na sa pamamagitan ng mga ito ang ating isip ay nagkakamalay sa isang
bagay. Halimbawa, kapag iniisip ang isang tao, iniisip siya bilang kaaway, kaibigan,
lalake, babae, mabait, masama, bilang Pilipino, banyaga o iba pa. Inihahalintulad sa
isang kahon ang mga konsepto o kategorya kung saan inuuri natin ang mga bagay
kung saan nakatuon ang ating kamalayan. Sa ikaapat na pahayag, ang kamalayan
dito ay maiuugnay sa isang bagay o pangyayari sa mundo. Halimbawa, kung ang
kamalayan ay naging abala sa pagbabasa ng isang aklat, ang pagbabasang ito ay
nangyayari sa isang panahon na maaaring kanina, kahapon, o noong isang Linggo, at
sa isang lugar na maaaring sa library, coffe shop o sa isang bahay.

Ang Pagiging Pilipino ng Kamalayan

Nais linawin na ang pagka-Pilipino o ang ating pambansang identitad ay isa


lamang sa maraming antas ng identitad ng ating kamalayan. Alinsunod sa apat na
pahayag hinggil sa katangian ng kamalayan ay ang apat na pahayag na tumutukoy sa
pangunahing katangian ng kamalayang Pilipino:

a. Ang isang kamalayan ay Pilipino kung ang mga bagay o pangyayari na kung
saan ito nakaugnay ay may kinalaman sa bansang Pilipinas o sa mga
mamamayang Pilipino.
b. Ang isang kamalayan ay Pilipino kung ito ay nakaugnay sa mga bagay na
makatutugon sa mga pangangailangan ng bansang Pilipinas o ng mga
mamamayang Pilipino.
c. Ang isang kamalayan ay Pilipino kung ang pagkakaugnay nito sa isang
bagay o pangyayari ay nasa isang pananaw na Pilipino.
d. Ang isang kamalayan ay Pilipino kung ang pagkakaugnay nito sa isang
bagay o pangyayari ay nagaganap sa konteksto ng isang lugar at panahon sa
bansang Pilipinas.

Ang halimbawa sa unang pahayag ay kung inaaral natin ang ating kultura,
kasaysayan, mga bayani, mga pagpapahalaga, at kaugalian at mga problemang
pampulitika at pang-ekonomiya. Para naman sa ikalawang pahayag, kung ginagawa
natin ang isang pag-aaral, ito'y para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas o ang mga
Pilipino ang makikinabang. Nilinaw sa papel na posibleng ang isang kamalayan ay
abala sa mga bagay na may kinalaman sa bansang Pilipinas o mamamayang Pilipino
subalit hindi naman ito para sa kapakanan ng nasabing bansa o ng mamamayan nito.
Halimbawa, maaaring sinusuri natin ang kalagayang pampulitika at pang-
ekonomiya ng bansa ngunit ito'y ginagawa natin para matugunan ang
pangangailangan ng mga banyagang iskolar na nais makalikom ng mga datos
tungkol sa sistemang pampulitika at pang-ekonomiya sa bansa.

126
Ang ikatlong pahayag ay nagsasaad na kung nais maglarawan ng isang malinaw
na pagka-Pilipino ng isang pananaw, kailangang ipahayag sa ating sariling wika ang
mga konsepto o kategorya. Malakas na pinaniniwalaan na ang ating sariling wika ay
malaki ang magagawa sa paghubog ng pambansang identitad ng kamalayan. Ang
punto sa ikaapat na pahayag na ang isang kamalayan ay maituturing na Pilipino kung
ito ay naganap sa kontekstong pangkasaysayan sa bansang Pilipinas.

Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal

Para sa kongkretong paghahalimbawa sa apat na mga pahayag bilang


modelo, gagamitin ang dalawang aklat na ito bilang konteksto upang tingnan ang
kamalayan ng pambansang bayani. Tinatalakay sa dalawang aklat na ito ang mga
problema sa Pilipinas kaugnay sa kalayaan at karapatan ng mga Pilipino. Ang
dalawang aklat na ito ay may mga pangunahing layunin na makatulong sa paglutas
ng mga nabanggit na problema. Hango sa naging malakas na impluwensiya ng
dalawang aklat na ito sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan at karapatan ng
mga ito, akma ang mga kategorya at konseptong ginamit ni Rizal. Walang dudang
ang kamalayang ito ay naganap sa isang kontekstong pangkasaysayan sa Pilipinas.

Ang Hamon ng Globalisasyon

Ang globalisasyon ay hamon sa katatagan ng pambansang identitad na


kailangang harapin sa tamang paraan. Napakahalaga na may malinaw at matatag na
pag-unawa sa mga batayan o pinagmumulan ng pambansang identitad. Paano
ngayon magagamit ang apat na pahayag bilang batayan sa layuning maprotektahan
at lalong pagpapayaman ng ating pambansang identitad sa harap ng mga
pagbabagong dala at dulot ng globalisasyon? Halimbawa, paano natin magagamit
ang teknolohiya at ang dala nitong impormasyon sa pagtataguyod ng pambansang
identitad? Ito ay kung ginagamit natin ang teknolohiya at ang dalang impormasyon
nito:
a. upang lumawak ang ating kamalayan sa mga bagay o pangyayaring may
kinalaman sa bansang Pilipinas o mga mamamayang Pilipino;
b. upang mas lumalim ang ating pang-unawa sa mga pangangailangan at
kakulangan ng bansang Pilipinas o mga mamamayang Pilipino at sa mga
nararapat na pamamaraan para mapunan ang mga pangangailangan o
kakulangang ito;
c. sa mga pamaraang sinusuri natin kung alin sa mga ito ang akmang gamitin sa
pagsasaalang-alang ng kultura ng mga Pilipino tulad ng kanilang mga
pagpapahalaga at ng mga kondisyong pisikal ng Pilipinas gaya ng klima,
upang matugunan ang pangangailangan ng bansang Pilipinas o ng mga
mamamayang Pilipino; at
d. sa partikular na lugar o panahon, o sa isang partikular na kontekstong
pangkasaysayan, ng bansang Pilipinas, ibig sabihin dito sa Pilipinas
nagaganap ang ating paggamit sa mga teknolohiya at impormasyong ito.

127
Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan

A. Gamit ang concept map, ilista ang mga mahahalagang konseptong nakuha sa
artikulo hinggil sa kamalayang Pilipino.

B. Gamit ang right angle chart, itala ang mga posibleng positibo at negatibong
epekto ng globalisasyon sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Globalisasyon Posibleng Positibong epekto:

Posibleng Negatibong epekto:

II. Gawaing Isahan


A. Gamit ang apat na pahayag sa pananaliksik bilang modelo, suriin ang sariling
kamalayang Pilipino. Maging malikhain sa paglalahad nito at magkaroon ng
dokumentasyon. (Hal. Dr. Jose Rizal).

128
Sulit ba o Okey Lang? Isang Pagtuklas sa Konsepto ng “Sulit” ng mga Pinoy
Perez, April (2014). DIWA E-Journal. Tomo 2, Bilang 1

Hindi na bago sa pandinig ng karamihan sa mga Pilipino ang malimit na


paggamit o pagsambit ng mga salitang “sulit” gayundin ng “okey lang.” Ayon sa
diksyunaryo, isa sa mga pakahulugan sa salitang sulit ay “hindi pagiging lugi”, at
palaging nakaangkla ang konsepto ng pagiging sulit sa mga produkto o serbisyong
tinatangkilik sa araw-araw. Sa pag-aaral ng salitang “sulit”, ang paggamit nito ay
may pinakamalapit na relasyon sa kahulugang “hindi pagiging lugi” o “ang antas ng
pakinabang sa puhunan.”

Maididikit sa “sulit” ang ideya ng pagiging “okey.” Ito ay hango sa wikang


Ingles at pinaikling baybay ng pabirong pagsasabi ng salitang “Oll Korrect” na ang
ibig sabihi‟y tama, wasto, o nagpapakita ng pagsang-ayon o pagpapatibay o
nagsasabi ng salitang “oo”. Bago pa man lumabas sa mga pahayagan ay ginamit na
rin ito sa paraang pasalita at impormal na pasulat ng Wikang Ingles.

Gayun pa man, ang salitang ayos ay ugat ng katawagang kaayusan o maayos.


Sa madaling sabi, ang mga Pilipino ay hindi pesimistiko kundi positibo ang pananaw
sa kahihinatnan ng sitwasyong nararanasan o kinapapalooban nila. Kung minsa‟y
ipinagkakaila pa kahit na medyo masama o alanganin ang pakiramdam at sa halip na
madilim, ang maliwanag na panig ng buhay ang nakikita kaysa kawalan ng pag-asa.
Magaan lamang ang damdamin ng mga Pilipino sa gitna ng anumang suliranin,
pambuhay man o pangkabuhayan, malakas ang loob, naniniwalang may mabuting
kahihinatnan ng mga pangyayari. Ang kasabihang okey, ayos lang ay isa pang lihim
ng pagkamatiisin at kagaanang-loob ng mga taong-bayan, kaugnay din nito ang
kahandaan at determinasyon. Madalas ding maririnig mula sa mga Pilipino ang mga
kasabihang “Umanugu la yuri” (Okey lang „yon), ayon sa mga Ibanag, at “Ananugu
ka laman tatun” (Ayos lang sa akin); “Rapavaori diakin” (Okey lang sa akin) sa mga
Ivatan, “Osto di sak-en” sa mga Kankanaey, at “Ayos mu kanaku” sa mga
Pampanggo. Marahil ang ganitong pananaw ay may bakas ng sinasabing pagiging
mapag-angkop ng mga Pilipino at may relasyon din sa impluwensiya ng
Kristiyanismo, ang pag-aaral ng buhay ni Hesukristo sa sangkatauhan at sa
makasaysayang pagkamatay nina Rizal, GomBurZa, Bonifacio, Ninoy Aquino at ng
iba pang nagbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang mga kababayan, dagdag pa ni
Sinasabi ring ang kasabihang ito ay may kabutihan- ang katatagang-loob at tiwala sa
sarili na kailangan sa panahon ng kagipitan o kahirapan habang ang kasamaan naman
nito ay ang sobrang pagtitiis o pagkamartir, karaniwang dahilan kung bakit
pinagsasamantalahan ng mga taong may hawak na kapangyarihan ang maraming
mamamayan (Timbreza 1989).

Notion of Value in Filipino Culture ni F. Landa Jocano (1992, 1993)

Ang serye ng mga pananaliksik na ito ukol sa mga kaugaliang Filipino na


nagbibigay-diin sa konsepto ng pamantayan. Tumutukoy ang konseptong ito sa set
129
ng mga standard na kadalasang ginagawang batayan sa pamimili ng isang bagay o
pagdedesisyon ng mga indibidwal. Nakapaloob din dito ang mga itinuturing na
katanggap-tanggap o nararapat na paraan ng pagkilos, pamumuhay o paniniwala na
nagiging batayan ng pagiging tama o mali, maganda o hindi, makatarungan o di
makatarungan, atbp. para sa isang grupo sa lipunan. Bilang batayan ng pagiging
katanggap-tanggap, nakalagom sa konsepto ng pamantayan ang etikal, moral,
ispiritwal at estetikal na aspekto ng lipunang Pilipino. Itinuturing din bilang value
paradigm ang pamantayan kung saan nagtataglay ng tatlong pangunahing antas, ang
halaga (worth), asal (character) at diwa (spiritual domain).

Sa ikatlong serye ng pananaliksik ni Jocano hinggil sa konsepto ng halaga,


sinasabing isang value concept ang halaga na pumapatungkol sa esensya at
importansya ng isang bagay, ideya o kilos na siya ring nagiging batayan ng mga tao
sa kung ano ang kanilang pinapahalagahan. Kung iniuugnay ang konsepto ng halaga
sa isang bagay, nagsasaad ito ng presyo ng isang bilihin, kadalasang maitutumbas sa
numerikal na halaga. Kung iuugnay naman sa mga ideya o kilos, isinasaad nito ang
esensya o mismong kahalagahan ng mga ito. Ikinakabit din ang halaga sa panlabas na
pagtatangi sa isang ideya, kilos o bagay sapagakat ito ay itinatakda ng mga tao batay
sa kanilang panlabas na pagtanggap o pagpili sa mga ito.

Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari (Tereso


Tullao, Jr (2009)

Ang halo-halo, tingi-tingi at sari-sari ay isa sa mga hilig ng mga Pilipino.


Magkaiba ang hilig pantao kaysa sa pangunahing pangangailangan sa kadahilanang
ang nauna ay mga pinag-ibayong pangangailangan na pinagbago ng iba't ibang salik
gaya ng kapaligiran, kultura, edukasyon, estado sa lipunan at iba pa. Dagdag pa niya,
hindi maunawaan ng mga Kanluranin ang mga hilig, kaugalian at gawi na pinag-
uukulan ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sapagkat bahagi ang mga ito ng pagkatao
at kaluluwang Pinoy.

Pahiwatig ni Melba Maggay (2002)

Tinalakay ang tungkol sa kagawiang pangkomunikasyon ng Filipino. Bahagi


ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang pakikipagtalastasan sa ibang tao,
sa anumang uri, berbal o „di berbal. Ito ang paraan ng pakikipag-ugnayan sa iba't
ibang tao sa lipunan. Hindi rin nawawala ang paglalaro ng salita sa bawat buhay na
wika. Katulad halimbawa sa binuo ni Prospero Covar, ang iskema ng pagpapasiya
batay sa pagsasabi ng “oo” at “hindi” ay maaaring mahati sa lima: tiyak na oo,
alanganing oo, pag-aalinlangan, alanganing hindi at tiyak na hindi.

Kahulugan ng Sulit

Maliban sa mga nakalap na kahulugan sa mga diksyunaryo kung saan


lumalabas na sa pag-aaral na ito, ang paggamit sa salitang “sulit” ay may
130
pinakamalapit na relasyon sa kahulugang “hindi pagiging lugi” o “ang antas ng
pakinabang sa puhunan,” inalam ng mananaliksik ang sariling pakahulugan ng mga
kalahok sa salitang “sulit.” Katulad ng ibang mga salita sa ating wika, ang kosepto ng
sulit ay maaaring maikabit sa iba pang mga salita. Hindi man lahat denotatibo o
literal na kasingkahulugan, tiyak na may kaakibat na kaugnayan ang bawat salita sa
pagiging sulit.

Pigura 1 Pagpapakahulugan sa Sulit

ayo
s
oke
y

mura/ praktikal
epektibo/
SULIT
tipid
kapaki-pakinabang/ hindi sayang ang pera
kuntento
de kalidad

swak/
sakto/
astig

Kung susuriin ang mga salitang ito, bawat isa‟y maituturing na positibo ang
isinasaad na kahulugan, ibig sabihin, positibo ring maituturing ang konseptong sulit.
Kaalinsabay naman ng pagiging buhay at dinamiko ng wika, lumitaw din ang
salitang astig bilang katumbas ng pagiging sulit. Kung noong mga nakalipas na
dekada, ang astig ay nangangahulugang “tigasin,” sa kasalukuyan, para sa mga
kalahok na pawang mga teenager o kabataan, ang astig ay nangangahulugang “cool.”
Samakatuwid para sa ilan, kapag sinabing sulit, ito‟y astig talaga.

Ang Halaga at Pagiging Sulit

Inalam sa pananaliksik na ito kung paano masasabing sulit ang isang


produkto o serbisyo. Sa bahaging ito maiuugnay ang mga pag-aaral nina Jocano at

131
Tullao na may kinalaman sa pamantayan, halaga at ekonomiya. Bilang mga Pilipino,
bahagi na ng ating kultura ang pagtatakda ng pamantayan upang maituring na tama o
mali, maganda o hindi ang isang bagay, ideya o kilos. Kaugnay nito, may mga
katangiang kaakibat ang isang produkto o serbisyo upang maituring na sulit, ayon sa
mga kalahok. Masasabing ang mga ito rin ang nagsisilbing pamantayan sa pagiging
sulit ng isang produkto o serbisyong kanilang nararanasan.

Pigura 2 Pagiging sulit ng mga produkto at serbisyo

Kaugnay pa nito, kung sulit ang isang serbisyo, hahanap-hanapin,


tatangkilikin at babalik-balikan ito ng mga tao. Walang pagsisisi at panghihinayang
na mararamdaman ang mga tao sa kabila ng maraming beses na pagtangkilik dito.
May mga pagkakataon din na ang pagiging sulit ng isang serbisyo ay nagiging
dahilan upang bigyan pa ng karagdagang bayad o tip sa taong gumawa ng serbisyo
bukod sa maayos na sahod na kanilang natatanggap. Patunay lang din ito na ang
paglalaan ng dagdag na halaga maliban sa ibinayad sa natamong serbisyo ay hindi
pinaghihinayangan kung kapalit naman ay ang pagkamit sa inaasam na kagustuhan.
Sa bahaging ito makikita ang mga epekto ng pagiging sulit ng isang serbisyo
alinsunod sa mga nakalap na datos.

Ang Wika at Pagiging Sulit

Kadalasang ginagamit ang “sulit” bilang isang salitang naglalarawan,


maaaring sa isang bagay, ideya o kondisyon. Sa pag-aaral na ito, makikita sa Pigura
3 ang mga kadalasang maririnig na mga ekspresyon tulad ng “sulit ang binayad,”
“sulit ang pagod,” “sulit ang paghihirap,” at “sulit ang pagkain.” Kabilang din sa mga
ito ang pagiging sulit ng panonood, paghihintay, pag-aaral, pagpupuyat at anumang
pangyayari o bagay na sa isang pagkakataon sa buhay ay itinuring na hindi

132
nakapanghihinayang sa kabila ng ibinigay nating kabayaran, sakripisyo o oras. Wala
ring pagsisising nararamdaman sa anumang inilaan kapalit ng pagkamit sa isang
bagay o serbisyo.

Pigura 3 Mga Ekspresyong kaugnay ng Pagiging Sulit

“sulit ang binayad"


“sulit ang pagod"
“sulit ang paghihirap"

Masasalamin sa mga ekspresyong ito na ang pagiging sulit ay hindi lamang


nakabatay sa halaga o kalidad ng isang produkto o serbisyo. Sa halip, bahagi ang
konseptong sulit sa wika ng mga Pilipino na siyang itinatakda ng kultura at lipunang
ginagalawan ng mga Pilipino. Gayun pa man, hindi malayong magkaroon ng mga
panibagong ekspresyong may kinalaman dito sa paglipas ng panahon dahil sa
ebolusyon ng wika. Bukas din sa posibilidad na magbago ang pakahulugan sa
salitang sulit sa hinaharap para sa ilang gumagamit ng wika bilang patunay ng
patuloy na pagiging buhay nito.

Ang “okey lang” bilang kaagapay ng sulit

Lumalabas sa mga nakalap na datos na pangunahing ginagamit ang “okey


lang” sa mga sumusunod na sitwasyon: kapag ang mga tao‟y kinakamusta, ito ang
kadalasang isinasagot; kung hindi alam kung saan papanig halimbawa't hinihingan
ng opinyon; kung hindi gaanong naunawaan ang katanungan o sitwasyong
hinihingan ng kasagutan; kung ayaw makasakit ng damdamin ng iba kung kaya't
“okey lang” na lamang ang sinasabi; kung hindi nakasisiguro sa pagsagot at kapag
kahit nasa mahirap na sitwasyon ay kinakaya pa naman ang sitwasyong dinaranas.
Sa kabila ng pagiging magkaagapay ng mga konseptong “sulit” at “okey lang,”
lumalabas na kung ang isang bagay o pangyayari ay “okey lang,” hindi ito tuwirang
maitutumbas sa pagiging sulit sapagkat may kulang pa rito upang maituring na sulit
batay sa mga pamantayang nailahad sa mga naunang bahagi ng pananaliksik na ito.

Ang Sulit at “okey lang” sa Kultura at pagka-Pilipino

Pagpapahalaga sa Halaga

Esensyal para sa mga Pilipino ang pagbibigay importansya sa halaga,


maaaring mismong presyo o numerikal na halaga o kaya'y ang mismong saysay o
silbi ng isang produkto o serbisyo. Ginagawa ito sa kadahilanang nagtitipid ang mga
Pilipino at dahil nga sa hirap ng buhay sa kasalukuyan na nagdudulot ng iskarsidad o
kakulangan sa pera man o iba pang yamang-bayan sa ilang mga pagkakataon, hindi

133
maiaalis ang pagbibigay ng halaga sa kinikitang pera ng mga taong
naghahanapbuhay lalo pa sa isang pamilya. Karaniwan sa isang pamilyang Pilipino
ay kumikita lamang ng sapat upang matustusan ang pinakabatayang
pangangailangan ng pamilya sa araw-araw at may ilan ding hindi sapat ang kinikita o
kaya'y wala talagang regular na hanapbuhay. Dahil dito, malaki ang pagpapahalaga
sa bawat sentimong tinataglay at hindi basta-basta pinagkakagastusan ang mga
bagay lalo pa't sa tingin nila'y wala naman itong saysay. Bukod pa rito, hindi rin
maiaalis na maging praktikal ang mga Pinoy sa pagpili ng mga produkto at
serbisyong tatangkilikin kung saan mas pinipili nila ang mga bagay kung saan hindi
sila malulugi. Sinasabi ring wais ang mga Pinoy, ayaw nang nalalamangan at
sigurista pagdating sa pagpili at pagbili ng mga produkto, ibig nilang makakuha ng
maraming benepisyo mula sa isang bagay na kanilang bibilhin. Kakabit din nito ang
pagiging mapanuri ng mga Pinoy na nagpapatunay ng malaki ang pagpapahalagang
ibinibigay ng mga Pilipino sa mga bagay na bibilhin at ituturing na kanila. Nais
nilang makatiyak na magtatagal at de kalidad ang mga produktong kanilang binibili.
May mga pagkakataon ding nasasabing kuripot ang mga Pinoy, kadalasan kasi ay
mas tinatangkilik nila ang mga bagay na mas mura ang halaga at hindi basta-basta
naglalabas ng malaking halaga sa isang produkto na alam nilang iisa o kakaunting
benipisyo lamang ang maaring makamit. Katulad nga ng inilahad ni Tullao (2009) sa
kanyang papel, maraming hilig ang mga Pilipino ngunit iba ito sa mga pangunahing
pangangailangan kung kaya‟t higit nitong pinatitingkad ang pagiging limitado ng
ating yamang bayan.

Ramdam ang Pakiramdam

Sadyang talamak pa rin ang paggamit ng mga katagang “okey lang” sa mga
Pinoy. Marahil may kaugnayan ito sa pagiging sensitibo nila sa damdamin ng kapwa
na sa halip na sabihin ang tunay na saloobin hinggil sa isang bagay ngunit alam
nilang makakasakit sa damdamin ng iba ay mas pinipili na lamang na gamitin ang
“okey lang” upang hindi masaktan o sumama ang loob ng kanilang kapwa. Likas din
sa mga Pilipino ang pagiging emosyonal. Berbal man o di berbal, tila ba
nararamdaman din ng isang tao kung anong pakiramdam ng kanyang kapamilya,
kaibigan, kasamahan sa trabaho o kahit pa sinong kapwa-Pilipino kung kaya't
magkakasama sa kaligayahan, kalungkutan, tagumpay at iba pang emosyong
maaaring maramdaman ng isang indibidwal.

Iyon na 'yon

Kadalasan din ay ayaw nang pahabain pa ng mga Pinoy ang pagsagot sa ilang
mga katanungang ibinabato sa kanila kung kaya't nasasabing tamad magpaliwanag
ang mga ito, ibig sabihin, sa halip na magbigay ng elaborasyon o mas detalyadong
pagpapaliwanag hinggil sa isang paksang pinag-uusapan, babanggitin na lamang
nito ang “okey lang,” pagkatapos nito, tapos na rin ang usapan. Sa sitwasyong ito,
mahihinuhang hindi lamang sa pera matipid ang mga Pilipino kundi maging sa oras

134
din. Sinasabing mahilig makipagkwentuhan ang mga Pinoy ngunit hindi rin naman
sa lahat ng pagkakataon ay nakahandang ibahagi ang lahat ng nangyayari tungkol sa
kanilang buhay sa ibang tao. Makikita pa rin ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa
privacy o pagiging pribado ng mga personal na pangyayari sa kani-kanilang mga
buhay. Sa paliwanag nga ni Maggay, magkaiba ang pakikipag-uganyan ng mga
Pilipino sa mga itinuturing nilang “ibang tao” kumpara sa mga “ ‟di ibang tao” kung
saan mas tuwiran ang paraan ng pagpapahayag sa ikalawa kaysa sa nauna (Maggay
2002).

Ang sa akin lamang

Maiuugnay rin ito sa kakulangan ng diskriminasyon sa pagpapahalaga ng


mga Pilipino. Sa madaling salita, binibigyang importansya ng mga Pilipino ang
saloobin ng kanyang kapwa. Kadalasan, madali para sa mga Pilipino ang tumanggap
ng mga bagay at opinyong inihahain sa atin, hindi pangkaraniwan ang pagtutol o
pagsasabi ng mga negatibong komento o puna sa isang bagay, pangyayari lalo't higit
sa isang taong malapit sa atin. Sa halip, madali sa atin ang pagtanggap sa mga ito,
kadalasa'y “okey lang” ang ating nagiging tugon na tila nangangahulugang hindi
man natin sandaang porsyentong tinatanggap ang isang bagay, tanggap pa rin ito.

Kaya natin 'yan

May mga Pilipino ring mahilig magtago ng nararamdaman, kinikimkim na


lamang sa sarili ang mga sama ng loob sa halip na ibahagi sa ibang tao kaya naman
kahit hindi naman talaga mabuti ang pakiramdam, kariringgan pa rin ng “okey lang.”
Katulad umano ng ilang bansa sa Silangang Asya, may ganitong pagkiling din sa
pagtatakip ng marubdob na damdamin ang ating kultura ngunit hindi ito
nangangahulugang mapanikil ang kultura, sa halip, may mga mekanismo kung saan
minamarapat na idaan ang paghahayag ng damdamin (Maggay 2002). Kakabit nga
nito ang katangiang nagpapakita ng pagiging positibo sa buhay na kahit may
dinaramdam o nararanasang problema, nananatiling matatag, hindi nawawalan ng
pag-asa at naniniwalang malalampasan ang mga pagsubok na dinaranas. May
kaugnayan din ang katangiang ito sa ating malakas na pananampalataya sa Diyos at
sa paniniwalang anuman ang mangyari ay nariyan ang Panginoon upang tumulong at
magbigay ng biyaya sa araw-araw. Kaya nga hindi rin maitatanggi ang pagiging
masayahin ng mga Pinoy na kahit pa may dinaramdam ay nakukuha pa ring ngumiti,
tumawa at patuloy na mabuhay nang masaya, hindi basta-basta nagpapatalo sa
kalungkutan bagkus ay nakagagawa ng paraan upang manatiling maligaya.
Mapatutunayan ito ng mga nagdaan nang unos sa bansa, hinagupit man ng bagyo at
nahaharap man sa iba pang mga pagsubok, kitang-kita sa mga Pilipino ang pagiging
matatag. Palaging naroon ang pag-asa at pagbangon pagkatapos ng pagkalugmok
nang dahil sa mga unos.

135
Wala 'yon

Kaugnay din nito ang pagiging madaling magpatawad ng mga Pilipino, kahit
pa may nagawang hindi kanais-nais ang isang tao sa atin ay napapatawad din siya
agad, hindi na pinagtatagal o pinahahaba pa ang gulo at alitan, sa oras na humingi ng
tawad, sagot agad ng “okey lang, wala kang dapat alalahanin.” Hindi mapagtanim ng
galit ang mga Pinoy at mas pinipiling magpatawad at panatilihin ang pagiging
mapagpakumbaba. Maririnig ito kadalasan na kung may magsasabi ng “sorry”, mas
malamang sa hindi ay may tugon itong “okey lang.” Masasalamin din sa ganitong
mga sitwasyon ang ugnayan ng damdamin at kapwa, pawang mga konseptong may
kinalaman sa pamantayan ng pagkakaroon ng mabuti o masamang asal (Jocano
1992).

Okey ba ang pwede na?

Samantala, hindi rin maitatanggi na ang madalas na paggamit ng mga


Pilipino sa pahayag na “okey lang” ay nakaangkla sa ating konsepto ng pamantayan
sa pagtanggap o pagiging kuntento. Halimbawa, sa pagkilatis ng mga binibiling
produkto, kahit pa hindi naman ito gawa sa “purong” materyal na ating hinahanap,
kapag ang itsura nito ay katulad naman sa tunay o orihinal, tinatangkilik pa rin ito at
sasabihing “pwede na” ito. Hindi mahirap para sa mga Pilipino ang pagtanggap at
hindi rin likas ang paghahangad ng pagiging perpekto ng kung ano mang mga bagay
na kakamtin. Masasalamin din dito ang pagiging madaling makuntento ng mga
Pinoy, na maaaring magkaroon ng positibo at negatibong implikasyon. Positibo
dahil mula sa mga simpleng bagay ay nakakamit na ang kaligayahan ngunit negatibo
naman sapagkat kung minsan ay hindi na nagsisikap pa ang ilan upang makamit ang
higit pa sa kung ano ang nasa sa kanila na. Sa mga halimbawang ito maiuugnay ang
konsepto ng halaga ni Jocano kung saan sinasabing bago maibigay ang halaga sa
isang bagay, ideya o kilos ay kinakailangan munang makamit ang kagalingan na
maaaring tumukoy sa mataas na kalidad ng serbisyo o trabaho, karangalan o
kakayahang intelektuwal o moral (Jocano 1993).

Ang mga konseptong “sulit” at “okey lang” ay maaaring ipailalim sa


konsepto ng halaga (value) ng mga Pilipino, dito ay masusukat kung paano tayo
magpahayag ng halaga batay sa kalidad o katangian ng mga produkto at serbisyong
ating dinaranas o tinatangkilik. Malimit ding marinig ang pahayag na “mababaw ang
kaligayahan” ng mga Pinoy; ito nga ay makikita sa ating madaling pagtanggap at
pagiging kuntento sa mga bagay na mayroon ang mga Pilipino. Sa isang banda, ang
pagiging kuntento sa mga bagay na mayroon ang mga Pilipino ay mabuti at
magandang gawin sapagkat hindi na naghahangad pa ng sobra sa kung ano ang
mayroon o nakamit. Gayunpaman, may ilang pagkakataon kung kailan ang
madaling pagkakuntento ay nagtutulak naman upang hindi na tuluyan pang
magsikap ang isang indibidwal kahit pa sa katotohana‟y kaya pa niya tungo sa higit
pang ikabubuti.

136
Mainam na bigyang-pansin na maaaring sa paggamit ng “okey lang” ay isang
maituturing na implikasyon ng pagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa
konsepto ng pamantayan o standard ng mga Pilipino. Dahil sa nasanay na tayo sa
paggamit ng “okey lang,” tila lumalabas na lahat ay nagiging katanggap-tanggap,
lahat ay puwede o lahat ay maaaring payagan. Para bang nawawalan na ng harang o
boundary sa pagitan ng okey at hindi okey at lahat na lamang ay nasa gitna ng dalawa
na baka magresulta sa pagsasakripisyo sa kalidad ng isang produkto o serbisyo na sa
katotohanan ay kaya naman palang maibigay. Hindi lamang sa usapin ng mga
produkto o serbisyong maaaring tamasahin ng mga mamamayan kundi posibleng
makaapekto rin sa mismong pamumuhay ng mga indibidwal sa iba‟t ibang grupong
kanilang makakasalamuha sa lipunan. Marahil kung sasangguni sa mga mamimili,
mas pipiliin nilang tangkilikin ang isang bagay na sadyang mapapasambit sila ng
“sulit” kaysa magtiis sa pagiging “okey lang” ng mga bilihin o serbisyong kanilang
nararanasan sa araw-araw.

Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan:
A. Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, ilahad ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba ng “Sulit” at “Okey lang” batay sa mga konseptong inilahad
sa artikulo (gawin ito sa loob ng klase).

B. Magsagawa ng sarbey hinggil sa mga serbisyo o produkto na masasabing


“Sulit” at “Okey lang” ng mga taong napagtanungan at ibahagi sa klase.
Suportahan ito ng dokumentasyon.

137
Aralin 19
MGA ABSTRAK NG PANANALIKSIK
SA KULTURANG PILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natukoy at naibigay ang mga resulta ng pananaliksik batay sa mga
nabasang abstrak nito;
b. nakapagbigay ng malalim na pakahulugan o implikasyon ng mga
resulta ng pananaliksik sa kontekstong pansarili, panlipunan,
pambansa at pandaigdig;
c. nakasulat ng artikulo batay sa napiling abstrak ng pananaliksik at
naibahagi ito sa klase; at
d. nakagawa ng isang poster base sa diwa/mensahe ng abstrak na
nabasa at nailahad sa klase.

Talakayin Natin
I. Tema ng Pananaliksik: KAPWA: KONSEPTONG PUMAPAILALIM SA
MGARELASYONG PANLIPUNAN

A. Iskima ng Pakikipag-Friend sa Facebook at Pakikipagkaibigan Sa


Tunay na Buhay: Isang Paghahambing Eden T. Gallardo Unibersidad ng
Pilipinas Diliman etgallardo@yahoo.com

Dulot ng mabilis na paglago ng teknolohiya, dumami ang mga paraan ng


ating pakikipaghalubilo at lumawak ang pangkat ng ating mga tinatawag na friends.
Pareho kaya ang tinutukoy nating friends sa kaibigan? Sa pag-aaral na ito, tinuklas
ang iskima (schema) sa pakikipagkaibigan ng 67 na babae at 46 na lalake mula edad
na 18 hanggang 60. Gamit ang resulta ng sarbey, isinailalim sa paghihimay-himay sa
teksto, pagkakategorisa, at pagtutukoy ng mga sumisibol na tema upang mailarawan
ang kanilang kaisipan sa pakikipag-friend at unfriend, at sa pakikipagkaibigan at
pagtatapos ng pagkakaibigan sa tunay na buhay. Ilan sa mga lumutang sa
paghihimay ang: pagkakakilala, pagkakatulad, pagkaka-ugnay, pagtataksil,
pagsusuri, at pagwawakas. Lumabas din na sa pakikipag-friend, bagamat
magkatulad ang pagpapahalaga sa pagkakakilala, pagkaka-ugnay, at pagiging
malapit, maigting ang kamalayan ng mga lalake na ang Facebook ay isang gamit
lamang. Gayunpaman, sa usaping unfriending ang mga babae ay dumadaan sa
pagsusuri at maigting na emosyon habang ang mga lalake ay may pagtukoy sa
kakulangan ng kanilang pagkakakilala. Samantala, walang maigting na pagkakaiba
ang pagtingin ng babae at lalake sa pakikipagkaibigan – ukol sa malinaw na
pagkakakilala sa magaganda at hindi pisikal na katangian, pagkakatulad ng
karanasan at interes, at pagpapatibay ng ugnayan – ngunit ang pagtatapos ng
138
pakikipagkaibigan ng mga lalake ay mas markado ng hindi magandang ginawa ng
dating kaibigan habang sa babae ay halos magkatulad lamang ang pagpapahalaga sa
emosyon at hindi magandang ginawa.

B. Ang Pagkamatulungin ng Kabataang Pilipino sa Panahon ng


Kalamidad Samantha Erika N. Mendez1,2,3 , Lorelie Ann M. Banzon-
Librojo1 , at Eda Lou Ibasco Ochangco1,4 1Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, 2Ateneo de Manila University, 3Miriam College, 4Far Eastern
University sammendez78@gmail.com

Sa kaganapan ng bagyong Yolanda noong 2013, kapansin-pansin ang


aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa
Visayas. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang karanasan, kadahilanan, at
kahulugan ng pagtulong para sa mga kabataang Pilipino. Ang mga kalahok ay
tatlumpung kabataang Pilipino na nagmula sa tatlong pampribadong kolehiyo sa
lungsod ng Maynila. Sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong, lumitaw sa kanilang
karanasan ang malaking papel ng social media sa pagpapalaganap ng mahalagang
impormasyon tungkol sa mga nasalanta. Lumutang din ang mga isyu ng kalikasan,
katahimikan at kaayusang panlipunan, at pampamahalaan. Dagdag pa rito ang
pagkakaroon ng mga madamdaming emosyon para sa mga nasalanta, paggawa ng
mga makabuluhang aksyon, at pagkakaroon ng mga positibong pag-unawa tungkol
sa epekto ng pagtulong para sa mga nasalanta at sa mga tumulong mismo. Ang
kanilang mga kadahilanan sa pagtulong ay karaniwang nagmula sa sariling
pagganyak tulad ng malasakit sa kapwa, simpatiya at pagtanaw ng utang na loob.
Nakaimpluwensiya din ang paaralan, simbahan, at kaibigan. Ang kahulugan ng
pagtulong para sa kanila ay taospusong pagkilos na nakakapagdulot ng positibong
epekto at pagbabahaging walang hinihintay na kapalit. Malaki ang potensyal ng
kabataang Pilipino upang maka-ambag ng pagbabago sa lipunan. Kailangan lamang
ng mga oportunidad at masidhing panghihikayat mula sa iba't ibang sector ng
lipunan upang maibahagi nila ang kanilang sarili para sa kapwa

C. Kaligayahan sa Panahon ng Kalamidad Maria Cecilia C. Gastardo-


Conaco Unibersidad ng Pilipinas Diliman cconaco@kssp.upd.edu.ph

Sa larangan ng “positive psychology,” ang kaligayahan o “happiness” ang


itinataas na batayan at pangunahing panukat sa pagsusuri ng sarili at galing ng takbo
ng sariling buhay. Subalit ang konsepto ng kaligayahan (o subjective wellbeing) ay
masalimuot, mahirap sukatin, maraming mga sanhi at nag-iiba ang kahulugan at
anyo sa iba't ibang kultura. Ang papel na ito ay tumitingin sa konsepto ng
kaligayahan sa mga Pilipino, partikular na sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Dalawang pag-aaral ang ginawa. Sa unang pag-aaral, sa pamamagitan ng isang
maikling sarbey ng 46 na mga mag-aaral sa pamantasan, sinuri kung anu-ano ang
mga bukal ng kaligayahan at paano ito mapapanatili sa panahon ng kahirapan at
sakuna. Sa pamamagitan ng thematic content analysis, napalitaw ang tatlong temang

139
pinanggagalingan ng kaligyahan ng indibidwal: iyong mga elementong may
kaugnayan sa sarili, iyong mga may kaugnayan sa kapwa tao, at iyong mga may
kaugnayan sa mas mataas na Kapangyarihan. Sa ikalawang pag-aaral, ang karanasan
ng mga taong may matinding pinagdaanan ay sinuri. Sa pamagitan ng mga personal
na salaysay, mga komentaryo, mga larawan at mga video na nakatampok sa iilang
websites hinggil sa mga kalamidad, siniyasat kung paano kinakaya ng mga tao ang
matinding paghihirap at napapanatili ang kanilang “subjective well-being.” Mahigit
tatlong daang mga sipi na nagpapakita ng mga gawain at damdamin ng mga
indibidwal sa panahon ng mga matitinding bagyo at pagbabahang dumaan sa bansa
ay nirepaso. Katulad ng unang pag-aaral, napalitaw sa pamamagitan ng content
analysis ang tatlong tema ng sarili, kapwa at tiwala sa Diyos. Gayon pa man, may
konting kaibahan sa konteksto ng tunay na karanasan at mas marami ang naglagay ng
kanilang pagtitiwala sa Diyos kaysa sa sarili o sa kapwa para mapanatili ang kanilang
subjective well being sa panahon ng matinding sakuna .

II. Tema ng Pananaliksik: PAGDADALA

A. Ang Pagdadala: Ang Kwento ng Natatanging Ina ng mga Children with


Special Needs (CSN) Catherine R. Dela Cruz Nueva Vizcaya State
University crazycatz8@yahoo.com

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang magkaroon ng kaalaman sa


karanasan ng mga ina ng Children with Special Needs (CSN) sa pamamagitan ng
konsepto ng Pagdadala na ipinakilala ni Dr. Edwin Decenteceo (1999).Ang mga
tema ay hinango sa iba't ibang aspeto ng Pagdadala: ang dinadala, ang pagdadala,
ang pinagdadaanan at ang patutunguhan. Sa pag-aaral na ito, ang dinadala ay tungkol
sa mga tungkulin, gawain at responsibilidad ng mga ina sa pag-aaruga ng kanilang
Children with special needs (CSN). Isa sa mga kinilalang dinadala ay ang mga di-
pangkaraniwang asal, ugali o kilos (unusual behaviors or obvious impairment) ng
mga bata. At dahil ang ina ang kinikilalang eksperto pagdating sa kanilang mga anak,
sila ang kaunaunahang nakakapansin sa mga ito. Bilang isang ina, sila ay
nakakaranas ng pagkabahala o malaking palaisipan para sa kanila ang mga kinikilos
o paguugaling ito.Pangalawa sa mga dinadala nila ay ang pagkalap ng diagnosis,
lunas o intervention. Karamihan sa kanila ay kinakailangang pumunta sa mga
syudad para sa tamang diagnosis sa kadahilanang ang Nueva Vizcaya ay walang
duktor, klinika at therapy centers para sa kanilang anak na nagdulot ng karagdagang
dinadala. Ang Pagdadala ay tumutukoy sa kung paano nila hinaharap o
ginagampanan ang pag-aaruga ng kanilang mga anak. Noong una, ang mga ina ay
mabigat magdala sapagkat sila ay nakaranas ng negatibong emosyon. Ang buhay na
nababalot ng lungkot at kahihiyan (living in sorrow, denial, guilt or shame) ang
unang tema ng aspetong ito. Ngunit sa kalaunan, sa tulong ng pamilya at pagtanggap
ng lipunan, karamihan sa kanila ay natutunang tanggapin ng buong puso ang
kundisyon ng kanilang anak. Ang pagtanggap ay napadali sa pamamagitan ng
positibong pananaw, suportang ispiritwal at ang paniniwalang ang kanilang anak ay

140
isang biyaya. Isa sa mga pinagdadaanan ng mga ina ay ang mga pang-araw-araw na
kanilang tinatahak. Ang bawat isa sa kanila ay nakakaranas ng pagsubok sa
pag- aalaga at pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ang iba sa kanila ay piniling
isakripisyo ang sariling ambisyon para sa kanilang anak. At para naman sa mga
inang nagtatrabaho, isang puspusang pagbabalanse ang kinakailangan upang
matugunan ang pangangailangan ng anak. Nakaranas din sila ng
diskriminasyon dahil sa kamangmangan, maling paghahatol at negatibong
pananaw mula sa ibang tao. Ang huli ay ang patutunguhan ng mga dinadala
upang mapagaan ang pasanin. Sa mga natatanging ina, mahalagang magkaroon
ng positbong pananaw upang makamit ang pangarap nila para sa anak.
Naniniwala sila na may magandang kinabukasan ang kanilang anak. Isang
matinding sakripisyo at pasensya ang kailangan upang matuto silang tumayo sa
sariling paa. Sila ay natutong makuntento kahit sa simpleng kakayahan na
naipamalas ng kanilang anak na kanilang itinuturing malaking bagay at kanilang
mapagmamalaki.

III. Tema ng Pananaliksik: SIKOLOHIYANG KABATAAN

A. Karanasan ng Kabataan sa Paghihiwalay ng Kanilang mga Magulang


Rea L. Camacho Central Luzon State University May Angelica A. Saludez
A r a u l l o U n i v e r s i t y - P H I N M A E d u c a t i o n
mayangelicaalmoitesaludez@gmail.com

Ang kwalitatibong pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang


karanasan ng mga kabataan sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang. Ang mga
salik sa pananaliksik na ito ay ang mga suliraning hinarap, pagbabagong nangyari,
paraan ng pagharap, social support at mithiin. Ginabayan ng mga tanong ang
pakikipagkwentuhan ng mananaliksik sa anim (6) na kabataan na may edad na
labing-apat hanggang labing-siyam (14-19) na taong gulang. May isa hanggang
tatlong taon nang hiwalay ang kanilang mga magulang. Gamit ang modelo ng
pagdadala ni Edwin Decenteceo (1997) sa pag-aanalisa, lumabas sa resulta na ang
mga kabataan ay nagkaroon ng mga negatibong damdamin sa paghihiwalay ng
kanilang mga magulang. Pangunahing suliranin ng mga kabataan ang kawalan ng
komunikasyon sa kanilang mga magulang. Samantala, ilan sa mga positibong
pagbabago ng mga kabataan ay ang magandang relasyon sa kanilang ama,
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, pagkakaroon ng kakayahang hindi umasa sa iba, at
pagkakaroon ng katahimikan sa pag-aaway ng kanilang mga magulang. Hinarap ng
mga kabataan ang kanilang suliranin sa pamamagitan ng paglilibang,
pananampalataya sa Panginoon at pagbabasa ng bibliya, pagbabahagi ng karanasan
sa kanilang kaibigan, at pagtutuon ng pansin sa pag-aaral upang kahit paano ay
makalimutan ng mga kabataan ang kanilang karanasan. Ilan sa mga tumulong sa mga
kabataan sa pagdadala ng kanilang suliranin ang Panginoon, magulang,
kapatid, kasintahan, kaibigan, at kamag-anak. Panghuli, magkakatulad ang mga
kabataan sa kanilang mithiing makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng
magandang buhay, makatulong sa magulang at kapatid, at kagustuhang maging
141
matagumpay sa kanilang tatahaking karera.

142
B. Ang Mundo sa Likod ng Screen: Isang Penomenolohikal na Pag-aaral sa
mga Biktima ng Cyberbullying Jem Irise Rea, Gellie Perez, Cristine Maur
at Lualhati Angeles First Asia Institute of Technology and Humanities
jemirise@gmail.com

Sa patnubay ng Teorya ng Humanistic Learning nina Maslow, Frankl at


Rogers (1960), ang pag-aaral na ito ay naglalayong makagawa ng pagsusuri sa mga
pananaw, karanasan, salik, epekto at estratehiya ng pagkaya (coping strategy) ng
mga biktima ng cyberbullying. Para sa pag-aaral na ito, ginamit ng mga
mananaliksik ang kwalitatibong pananaliksik partikular na ang disenyong empirikal
penomenolohikal. May dalawang kasangkapang ginamit sa pag-aaral, ang talaan ng
mga sitwasyon sa cyberbullying at ang gabay na mga katanungan sa pakikipanayam.
Limang (5) biktima ng cyberbullying na naninirahan saanman sa Tanauan City, Lipa
City o Malvar, Batangas ang sinadyang kunin bilang mga kalahok sa pag-aaral. Ang
mga datos ay nakalap gamit ang pakikipanayam na semi-structured kung saan ang
mga naobserbahang kaugalian, katangian at nonverbal cues ay isinaalang-alang.
Ang mga datos na nakalap ay itinala at sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa.
Batay sa pananaliksik na ginawa, ang mga resulta ay nagpapakita na ang
cyberbullying ay isang karaniwang kaganapan na para sa mga kalahok. Karamihan
sa mga kalahok ay naniniwalang ang cyberbullying ay ginagawa lamang bilang
katuwaan. Naniniwala din silang ito ay ginagawa upang siraan ang isang tao. Lahat
ng kalahok ay nakaranas ng cyberbullying sa Facebook habang isang kalahok ang
nakaranas ng cyberbullying sa YouTube at 85 sa Role Playing Games. Ang mga
karaniwang uri ng cyberbullying na naranasan ng lahat ng kalahok ay ang mga
sumusunod: mga status na naipaskil tungkol sa kanila, mga ikinakalat na
kasinungalingan at tsismis, masasakit o mapanlalait na katawagan at mga bastos o
negatibong komento laban sa kanila. Ibinunyag ng pag-aaral ang dalawang
karaniwang salik- pisikal at sosyal- kung bakit ang mga kalahok ay nakaranas ng
cyberbullying. Samantalang kabilang sa mga epekto sa biktima ay ang pakiramdam
na mapahiya, masaktan, mainis o mayamot, at ilayo ang loob sa mga tao. Ang iba
pang epekto ay ang pag-ayaw na lumabas, pagbabago sa pagkakaibigan, mga
negatibong impak sa pag-aaral at relasyong pampamilya. Ang mga karaniwang
tugon ng mga biktima upang makayanan ang kanilang mga karanasan sa
cyberbullying ay ang pag-iwas na nangangahulugang hindi pagbibigay-pansin sa
cyberbullying.

C. Mga Impluwensiya at Katangian ng Kabataan na may Tuwid na Moral


Venus A. Vitales at Annie Dinh Maria M. Alfaro Wesleyan University-
Philippines ven_vi@yahoo.com

Ang moral values ay pangkalahatang pamantayan na nagdedetermina kung


tama o mali, mabuti o masama ang mga kilos, gawain, pananalita, o maging pag-
iisip, ng isang indibidwal. Ito rin ay ginagamit na batayan para magkaroon ng
kahulugan ang buhay ng isang indibidwal. Ang pagkakaroon ng positibong moral

143
values ay nakakapagdulot sa isang tao ng payapa at maluwalhating damdamin. Sa
katunayan, ang moral values ng isang tao ay nag-ugat sa iba't ibang pilosopiya,
relihiyon at kultura. Isang halimbawa ay ang “Golden Rule”, na “Do unto others
what you would have them do unto you.” Itinuturing ito ng karamihan bilang
pinakamataas na pamantayan sa buhay. Sa panahon ngayon, hindi lingid sa kaalaman
ng lahat ang pagbabago sa konsepto ng tama o mali, mabuti o masama ng mga
kabataan. Ito marahil ay dala ng mga pagbabago dulot ng modernisasyon at
globalisasyon. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik para alamin
ang mga impluwensiya at pananaw ng mga kabataang mag-aaral sa lalawigan ng
Nueva Ecija ukol sa katangian ng isang kabataan na may tuwid na moral. Gamit ang
sarbey at sa pamamagitan ng deskriptibong pag-aanalisa at pagkukumpara sa mga
datos, ay napag-alaman ang mga sumusunod: karamihan sa mga kabataang kalahok
ay babae, panggitnang-anak, at mula sa pamilya na may buwanang kita na P5,000.00
pababa. Sila ay lubos na sumasang-ayon sa impluwensiya ng pamilya at paaralan sa
kanilang moral values; sang-ayon naman sila sa impluwensiya ng kaibigan at media
sa kanilang moral values. Naniniwala sila na sila ay nagtataglay ng katangian ng
isang kabataan na may tuwid na moral dahil sa kanilang paggalang sa mga
nakakatanda; ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng “po” at “opo”. Samantala, ayon
sa mga kalahok, isang negatibong indikasyon ng hindi nila pagkakaroon ng tuwid na
moral ay ang paminsanminsan nilang pangongopya sa mga pagsusulit at
pangungupit ng pera. Napag-alam din sa pananaliksik na ang buwanang-kita
ng kanilang pamilya ay isang basehan ng makabuluhang pagkakaiba ng pananaw
nila tungkol sa impluwensiya ng pamilya, media at paaralan sa kanilang moral
values. May makabuluhang kaugnayan naman ang mga sumusunod: kung pang-
ilan sila sa kanilang magkakapatid at impluwensiya ng kanilang pamilya sa
kanilang moral values; buwanang kita ng kanilang pamilya at impluwensiya ng
paaralan sa kanilang moral values; at malaki ang kaugnayan ng impluwensiya
ng pamilya, paaralan, kaibigan at media sa pagkakaroon ng tuwid na moral ng
mga kabataan sa Nueva Ecija.

D. Self-Concept at College Adjustment ng mga Anak ng Overseas Filipino


Workers Rochelle Ann V. Pararuan Central Luzon State University
rochiepararuan@yahoo.com.ph

Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang self-concept at college


adjustment ng mga anak ng Overseas Filipino Workers na mag-aaral sa unang antas
sa Central Luzon State University. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay 65 na
estudyanteng nasa unang antas sa kolehiyo na mga anak ng OFWs. Ang mga kalahok
ay binigyan ng dalawang pagsusulit, ang Dimensions of Self-Concept at College
Adjustment Scale, pinasagutan din sa kanila ang papel patungkol sa kanilang
personal na impormasyon. Ang resulta ng Dimensions of Self Concept at
nagpapakita na mataas ang Anxiety, Academic Interest and Satisfaction, Leadership
and Initiative, at Indentification vs. Alienation ng mga anak ng OFWs samantalang
mababa naman ang Level of Aspiration. Sa College Adjustment Scale, ang mga anak

144
ng OFW ay nasa borderline level sa Suicidal Ideation at Depression. Ang resultang
borderline ay binibigyang-pansin ng mga counselor at nangangailangan ng mas
masusing pag-aaral at follow up. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita rin na ang
Academic Interest at Satisfaction ay negatively correlated sa Self-esteem problems
at ang Self-esteem problems ay negatively correlated din sa Leadership and Initiative
ng Dimensions of Self-concept. Ang Career Problems sa College Adjustment Scale
ay masasabing negatively correlated sa Leadership and Initiative in Dimensions of
Self-Concept at ang Indetification vs. Alienation ay negatively correlated din sa Self-
esteem Problems. Ang pananaliksik ay nagpapakita na kailangang bigyan ng
konsiderasyon ang resulta ng pag-aaral sa pagplano ng mga programa para sa mga
anak ng Overseas Filipino Workers.

E. Ang Karanasan ng mga Nawalan ng Magulang Charla Rochella G.


SantiagoUnibersidadngPilipinasDiliman
charla_santiago@yahoo.com

Isang kwalitatibong pag-aaral ang isinagawa upang tunghayan ang


karanasan ng mga nawalan ng magulang dahil sa pagpanaw o pag-abandona ng isa sa
kanilang mga magulang. Labing-anim na mga anak edad 18 hanggang 28 taon sa
kasalukuyan at hindi bababa sa 15 taon ang edad noong nawala ang magulang, ang
mga kalahok sa pag-aaral. Walo sa kanila ang nawalan ng magulang dahil sa
pagpanaw habang walo naman ang nawalan dahil sa pag-iwan. Hindi tiningnan na
pamantayan para sa pagpili ng mga kalahok ang kanilang kasarian, trabaho, o
posisyon sa magkakapatid, maging ang sanhi ng pagpanaw ng kanilang mga
magulang. Gamit ang malalimang panayam, ipinalahad sa mga kalahok ang kani
-kaniyang karanasan patungkol sa pagkawala ng isa sa kanilang mga magulang.
Para sa pagsusuri, ginamit ang paghahalaw, isang likas na pamamaraan kung saan
kinuha ang mga panguna't pinakabuod na mga paksa, proseso, o konsepto mula sa
mga panayam. Tatlong pangunahing paksa ang namukod-tangi sa kwento ng mga
nawalan. Isang paksa ang Pagpapatuloy sa Buhay, na sumasalamin sa tuloy-tuloy na
pag-usad ng mga nawalan sa kanilang buhay at mga larangan nito gaya ng pag-aaral
o pagtatrabaho, sa kabila ng mga nangyari o dinadanas dahil sa pagkawala ng
magulang. Isa ring paksa ang Pagtanggap sa Pagkawala na tumutukoy sa pagkilala
ng isang nawalan sa nangyari o pangyayari—pagpanaw, pag-abandona, o di na
pagbabalik ng magulang na lumisan. Naiiba ito sa isa pang paksa ng Pagharap ng
Kawalan na patungkol naman sa pagsagupa ng nawalan sa anumang danasin
kaugnay ng pagkawala, gaya ng malungkot na alaala. Tiningnan din ang datos upang
malaman kung ano ang ugnayan ng tatlong paksa. Nakita na ang mga paksa ay hindi
nagaganap sa magkakasunod na paraan. Halimbawa, maaaring makapagpatuloy ang
buhay ng isang nawalan kahit hindi pa lubos ang kanilang pagtanggap o pagharap.
Nakita rin na mas madalas na nakatuon ang mga anak na nawalan sa Pagpapatuloy sa
Buhay, kaysa sa mga pansariling proseso ng Pagtanggap sa Pagkawala at Pagharap
ng Kawalan. May rekomendasyon na tingnan ang mga paksang ito sa karanasan ng
ibang grupo ng mga nawalan, maging sa ibang kwento ng negatibong sitwasyon o

145
karanasan. Ipinapanukala rin ang ilang konkretong mga paraan upang tulungan ang
mga nawalan ng magulang, batay sa preliminaryong modelong nahalaw sa
pananaliksik.

IV.Temang Pananaliksik: PULITIKA

A. Ang Saloobing “Ako at ang Aking Bayan” ng mga Botanteng Pilipino


Julieta C. Mallari at Hilana Roman University of the Philippines Diliman
Extension Program in Pampanga jcmallari15@yahoo.com

Ang oryentasyong pulitikal ng mga botanteng Pilipino ay base sa kanilang


pinapahalagahang katuwiran, kaisipan at pag-uugali. Tulad ng tabak na may
dalawang talim, ang mga ito ay maaring maging kapaki-pakinabang o kaya naman
ay maging pinsala sa lipunan. Nakaugnay sa sinabi ni Jocano na kaisipang
“personalismo,” “pamilismo,” “partikularismo” at damdamin (1999:36-37; 200:67)
ng mga Pilipino madalas ang kanilang mga desisyon. Maaaring maging negatibo
ang resulta nito lalo kung nagiging basehan ng mga naghahalal sa mga pulitiko
tuwing eleksyon: nagiging sentro ang sarili at pamilya kaysa sa bayan ang kanilang
pananaw at mga adhikain. Sa mga masa lalo na, ang ninanais nila ay iyon
lamang nakikita nilang agarang mapapakinabangan. Hindi nila masyadong
tinitingnan ang matagalang ibubunga ng kanilang desisyon sa pagboto. Kaya nga
mas madalas ang pagpili ng maling klase ng namumuno sa kanila at ito ay
nagbubunga ng katiwalian at di pag-asenso. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa
isang sarbey na ginawa noong eleksyong 2010 para sa gubernador ng Pampanga.
Apat na kandidato ang pinagpilian: isang artista, isang coach sa basketball,
isang pari, at isang kilalang asawa ng jueteng lord. Tinipon ang mga sagot ng
mga botante patungkol sa mga dahilan ng kanilang pagpili ng kandidato. Ang
resulta ng sarbey ay nagpatunay na ang mga nabanggit na konsepto ni Jocano
ang pumaimbabaw sa sikolohiya ng maraming manghahalal.

V.Tema ng Pananaliksik: PAGSISIYASAT SATEORYANG KAPWA

A. Hmpf, Inc.: Ang Konseptuwalisasyon, Manipestasyon, at Implikasyon


ng Tampo sa Daigdig ng Paggawa at ng Industriya Carl O. Dellomos
University of Caloocan City carldellomos@gmail.com Jayson D. Petras
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Malaking salik na maituturing ang damdamin ng mga kabahagi sa industriya
bilang pinanggagalingan ng anyo ng pag-uugali, katayuang pangkaisipan, at
pakiramdam sa trabaho (Ponticell 2006). Sa pagsasakonteksto, maididikit ang
usapin ng tampo bilang isang kaasalang kultural ng mga Pilipino na masasabing
umiinog maging sa daigdig ng lakas-paggawa. Binigyan ng inisyal na pakahulugang
“pagpapakita ng sama-ng-loob at hindi pagkatuwa, karaniwan sa pamamagitan ng
pananahimik at paglayo sa ibang tao,” (UP Diksiyonaryong Filipino, 2010),
mahalagang ganap na masiyasat ang kabuuang diwa ng tampo bilang isa sa mga

146
associated behavior pattern ng mga Pilipino (Enriquez 1992) 80 sa larangan ng
ugnayang paggawa at industriya. Sa katunayan, magpahanggang sa ngayon,
naniniwala ang mga praktisyuner ng human resource development na may
pagkakapareho ang mga pangangailangan ng mga manggagawa na tumutukoy sa
pagiging kaisa, pagkilala, respeto, at kagustuhang makapagbigay ng epektibo at
malikhaing trabaho sa pinagtatrabahuan (Ellemers et al. 2008). Kaalinsabay nito ang
positibong pagtingin ng mga empleyado sa trabaho ay dulot ng nararamdamang
tiwala, pag-aalaga, pagbibigay-kabuluhan, sariling karunungan, hamon,
oportunidad para sa personal na pag-unlad, at dignidad (Ellemers 2008; Maccoby
1988). Mula o sa paglihis sa mga ito, maaaring umiinog ang tampo. Ninais ng
pananaliksik na ito na maitampok ang konseptuwalisasyon, manipestasyon, at
implikasyon ng tampo sa iba't ibang ugnayan na pangunahing kinasasangkutan ng
empleyado, namamahala/boss, at ng administrasyon. Sa pangangalap ng
mahahalagang datos at impormasyon, gumamit ang mga mananaliksik ng
methodological triangulation kung saan ang pagtatanong-tanong, obserbasyon,
pakikipagkuwentuhan, at sarbey ay magiging bahagi ng kabuuang metodo ng
pananaliksik. Sa ganang ito, napalawig ang pagtanaw sa tampo sa pamamagitan ng
pagbabalangkas nito hindi lamang sa antas ng pagtutunguhang “hindi ibang tao”
kundi maging sa “ibang tao” at nadalumat nito ang diwa sa pagpapahalaga ng mga
Pilipino sa paggawa.

B. Ang Loob at Pakikipagkapwa sa Kagandahang-Loob Charmaine P.


Galano Unibersidad ng Pilipinas Diliman cpgalano@gmail.com

Ang kagandahang-loob ay nauna nang tinukoy ni Enriquez (1992) bilang


isang pagpapahalagang tulay ng sarili at lipunan o “linking socio-personal value”.
Ito ay may dalawang kalikasan: ang pagkakaroon ng aspektong loob-labas at ang
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Itinuturing rin itong isang moral at etikal na
pagpapahalaga na ginagamit upang maging gabay sa pagtatasa ng tama o mali at ng
angkop o di-angkop na mga kilos. Sa kasalukuyang pananaliksik na ito, dalawang
pag-aaral ang isinagawa upang masuri ang mga pagpapakahulugan ng kagandahang-
loob na tinalakay sa mga nauna nang mga literatura (Miranda, 1992; Resurreccion,
2007; Salazar, 1982; Vinzons & Jose, 2013). Sa unang pagaaral, lumilitaw na ang
mga konseptong pinakamalapit na iniuugnay ng mga kabataang kalahok (N=103) sa
kagandahang-loob ay malasakit, respeto, nagbibigay ng tulong ng walang kapalit,
malinis na prinsipyo at may inisyatibong tumulong. Gamit ang multidimensional
scaling, lumitaw ang apat na klaster ng mga konseptong nagpapakita sa loob at labas
na dimensiyon ng kagandahangloob. Sa ikalawang pag-aaral, kinuha ang correlation
ng kagandahang-loob sa 10 unibersal na pagpapahalaga ni Schwartz (2006).
Lumalabas mula sa tugon ng mga kalahok (N=177) na ang kagandahang-loob ay
may significant positive correlation sa mga pagpapahalagang tulad ng universalism
(r = .244) at benevolence (r= .318). Ipinapahiwatig nito na ang kagandahang-loob ay
isang pagpapahalagang nakatuon sa pagkilala at pagsusulong sa kapakanan ng
kapwa.

147
VI. Tema ng Pananaliksik: KULTURAAT KASAYSAYAN

A. Ang Daloy ng Ganap na Buhay na Mula sa Sagradong Lupa: Ang


Katutubong Kamalayan ng Panlipunang Kaunlaran ng mga Ambala
Ayta sa Sitio Alibang at ang mga Implikasyon nito sa Gawaing
Panlipunan at Pagpapa-unlad ng Pamayanan Angelito B. Meneses
Saint Joseph's College of Quezon City joltzenjen@yahoo.com

Kahit pa man nasa kasalukuyang panahon tayo ng developmentalismo o


globalismo, taglay pa rin ng mga katutubong Ambala Ayta ang kamalayan tungkol sa
kaunlaran na nakaugat sa lupa. Ang pag-aaral na ito ay isang paglalarawan ng
katutubong pananaw ng pag-unlad ng buhay na hango sa kultural na buhay,
karanasan at pangarap ng mga Ambala Ayta sa Sitio Alibang na tinawag nilang
kahampatan. Ang kahampatan ang sariling pakahulugan at sariling
determinasyon para sa isang ganap na buhay na dumadaloy mula sa sagradong
lupa na kanilang tinubuan. Ang pananaw na ito ay maihahalintulad sa dati pang
artikulasyon ni Apo Macliing Dulag na ang lupa ay buhay at ang buhay ay lupa.
May pagkakahambing din ang kahampatan sa sikolohikal at ispirituwal na
konteksto ng panlipunang kaunlaran ng ibang mga katutubong pamayanan na
nakasaad sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura. Ang pag-aaral ay naging
pagkakataon para sa mga Ambala Ayta upang samasama nilang suriin at
isalarawan ang kanilang pamayanan na nagresulta sa pagkabuo ng kanilang
profile ng pamayanan. Ang paraan na ito ay di pagsunod sa dati nang metodo ng
mga di-katutubo sa pangangalap ng datos na gagawing batayan ng kanilang
interbensiyong pangkaunlaran para sa mga katutubo. Tinalakay din ang mga
implikasyon ng pag-aaral na ito sa gawaing panlipunan (social work) at
pagpapaunlad ng pamayanan (community development). Nilinaw nito ang
pagkakaroon ng ibang pamamaraan sa pagtulong sa mga katutubong
pamayanan na angkop sa kanilang katutubong kamalayan, kultura at sariling
pagpapasya ng isang ganap na buhay na nakaangkla sa daloy ng kanilang sagradong
lupa.

Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan

A. Suriin ang mga abstrak ng pananaliksik at ibahagi sa klase

B. Gumawa ng poster na naglalahad ng diwa (pagsasakilos/campaign) ng


abstrak na sinuri at ibahagi sa klase.

II. Gawaing Isahan

A. Sumulat ng isang artikulo base sa diwa ng abstrak na binasa at ibahagi sa


148
klase.

149
Mga Sanggunian

Abesames, N. et al. (2006). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Valenzuela


City: Mega Jesta Prints, Inc.

Antonio, L. & Rubin, L. (2003) Sikolohiya ng Wikang Filipino. Quezon City. C &
E Publishing, Inc.

Astorga, E. (2011). Retorika: Masining na Pagpapahayag. Manila: Mindshapers


Co., Inc.

Batnag, A. et al. (2011). Sayusay: Sining ng MabisangPagpapahayag. Quezon


City: C & E Publishing, Inc.

Bendalan, N. (2013). Retorika: Mabisa at Masining na Pagpapahayag. Quezon


City: Wiseman's Books Trading, Inc.

Bernales, B. et al. (2001). Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina. Valenzuela


City: Mutya Publishing House.

Bernales, R. et al. (2012). Masining na Pagpapahayag sa Filipino. Valenzuela


City: Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, R. et al. (2012). Masining na Pagpapahayag sa Filipino: Mga Prinsipyo


at Proseso. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Caballas, R. (2013). Ano ang Paraan ng Komunikasyon ng mga Filipino.


Retrieved from https://www.scribd.com/doc/126024699/Ano-Ang-Paraan-Ng-
Komunikasyon-Ng-Mga-Filipino

Cantillo, M.L., Gime, A. & Gonzales, A. (2015). Sikhay. Aklat sa Komunikasyon


at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa Ika-11 Baitang. Quezon
City: St. Bernadette Publishing House Corporation.

Cantillo, Ma Luisa M. et al. (2016). Aklat sa Komunikasyon at pananaliksik sa


wika at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Quezon City: St.
Bernadette Publishing House Corporation.

Casanova, A. et al. (2001). Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina. Quezon


City: Rex Bookstore.

Catacataca, P., Belvez, P., & Villafuerte P. (1984). Masaklaw na Pilipino. Manila:
Echanis Press Inc.

150
Cena, R. (2011). Gramatikang Filipino. Quezon City: U.P. Press.

DC Santos, D., Buenaventura, E., Calanoga, IC., Lacsamana, F., Moreno, C., &
Salgado, S. (2015) Sining na Pagpapahayag. Manila: Mindshapers Co., Inc.
De Dios, L. & Lozano, L.(2014). Modyul sa Retorika: Masining na
Pagpapahayag. Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.
Galileo, Z. (2016). Ang pagtuturo ng wika at kulturang filipino sa disiplinang
filipino (konteksto ng K to 12). Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa
Wika, Sining, Panitikan at Kulturang Filipino. Retrieved from
https://journals.ateneo.edu/index.php/katipunan/article/view/KA2016.00102

Lardizabal, A. (1989). Sikolohiya sa Filipino. Quezon City: Rex Printing


Company, Inc.

Mabaquiao, N. Jr (2007). Globalisasyon, kultura, at kamalayang filipino.


Philippine E-Journals.Malay, Vol. 19, No.3. Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=7900

Maggay, M. (2002). Ang Panahon Sa Ating Mga Interaksiyon. Retrieved from


https://www.scribd.com/document/336425155/Ang-Panahon-Sa-Ating-Mga-
Interaksiyon

Maglaya, E. et al. (2003). Filipino sa Nagbabagong Panahon. Quezon City: New


Day Publishers

Malicsi, J. (2013). Gramar ng Filipino. Quezon City: U.P. Sentro ng Wikang


Filipino Mutya Publishing House.

Montera, G., Perez, A., & Gawahan, R. (2012). Retorika: Patnubay sa Masining
na Pagpapahayag. Cebu City: Likha Publications.

Perez, A. & Santiago A. (1976). Mga Babasahin sa Filipino. Manila: Rex


Printing.

Perez, A. (2014) Sulit ba o okey lang? Isang pagtuklas sa konsepto ng “sulit” ng


mga pinoy. DIWA E-Journal. Tomo 2, Bilang 1. Retrieved from
http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2014/11/02.3-Artikulo-
Perez.pdf

Pomado, N., Rabulan, C., Eriman, E., Gomez, E., Do-oma, L. & Mino, N. (2008).
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Iloilo City: CPU Press.

Pomado, Nelson et. al. (2015). Komunikasyon sa akademikong Filipino.


Eksperimental na Edisyon. CPU Press: Jaro, Iloilo City Philippines.

151
Rubin, L., Casanova, A., Paz, V., Abiera, A. & Mangonon, I. (2002). Kasaysayan
at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Quezon City: Rex printing
Company, Inc.

Rubin, Ligaya T. et. al. (2002). Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng


Pilipinas. Manila: Rex Bookstore

Tumangan, A. et al. (2016). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Makati


City: Grandwater Publications.

Mga Babasahin sa Sikolohiyang Pilipino. Lektyur Notes sa Pambansang Seminar


sa Sikolohiyang Pilipino. Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.
Iloilo City: Central Philippine University.

Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino. Abstrak ng mga papel sa


Plenaryong Sesyon. 2014 Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at
ng Departamento ng Sikolohiya Pamantasang de la Salle. Retrieved from
http://www.pssp.org.ph/wp-content/uploads/2014/11/merged_document.pdf

Filipinojournal.com/gaano-nga-ba-kahalaga-ang-tamang-paggamit-ng-wika/
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastong-gamit-ng-mga-salita-
1.htm?m=1

www.slideshare.net/mobile/ReilourdMiranda/wastong/gamit-ng-mga-salita-
14843459
http://prezi.com/m/fj204egjka3e/ang-gramatika-at-retorika
ironmeo.weekly.com>uploads>kawastuhang-panggramatika
https://www.slidesharenet/mobile/charlenedianereyes/kohesyong-gramatikal-at-
uri-ng-pang-abay

www.slideshare.net/mobile/gerrysuarez/wastong-gamit-ng-mga-salita-
3703148https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga sining pangwika
https://liancvivas.wordpress.com/, 2015

https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika_ng_katawan

150

You might also like