You are on page 1of 4

Aralin 6- BILINGWALISMO

 kakayahan ng isang indibidwal o ng isang miyembro ng lipunan na epektibong gumamit ng


dalawang wika. (kakayahang gumamit ng dalawang magkaibang wika.)
 ay isang sistema ng pag-aaral sa proseso, pagkakabuo at ang mga paraan sa kung paano
uunawain ang isang wika.
 binibigyan pansin ngayon sa pag-aaral ng wika, lalong-lalo na sa larangan ng lingwistika
 Nakaugat sa mga pagbabago ng wika at kultura na nangyayari sa lipunan.
 bilinggwal ang isang tao dahil sa pagkakataong lumaki ito na gumagamit ng dalawang
magkaibang wika (sequential bilingualism).

Bilinguwal
 marunong sa dalawang wika sa hiwalay na pagkakataon. Ito ay nangangahulugan sa paggamit ng
dalawang wika na hiwalay.
 nangangailangan ng malawak, malalim na kasanayan at karunungan.

Magabsa sa dalawang magkaibang wika : bi-literate (HINDI bilinguwal)

Aralin 7- MULTILINGWALISMO

 kasanayang gumamit ng MAHIGIT sa dalawang wika.


 Sa Pilipinas, kadalasang marunong magsalita sa mahigit 3 wika ang mga mamamayan sa iba’t
ibang sulok ng bansa. Ito ay ang kanyang “lengua franca”, wikain ng karatig-bayan, Filipino at
English na itinuturo sa mga paaralan.

Dimensyon ng Multilingwalismo (Colin Baker, 2011)


 Kasanayan
 Pagpapayaman
 Gamit sa Kultura
 Pantay na gamit ng wika
 Pagkakabuo/Kontesto
 Pagkatuto ng sabay sa dalawang wika
 Proseso ng pagkatuto

Aralin 8- PAGPAPALIT KODA/code switching

- ay nagaganap dahil sa pagnanais na magpahayag ng pagpapahalaga sa mahigit dalawang


magkaibang grupo.
- ay isang kaganapan lalo na sa pagsasalita sa layuning maipaabot ang nais ipahayag at para
maintindihan ng kausap.
- ay nagaganap sa pagkakataon kung saan ang isang nagsasalita ay gumagamit ng dalawang wika
o dalawang dayalekto o mga register ng wika upang maipaabot ang kanyang nais ipahayag at
maintindihan ng kanyang kapwa.
- paggamit ng dalawang wika sa pagpapahayag ng sabay.
- maiuugnay sa kasanayang taglay ng isang indibidwal sa paggamit ng wika. Halimbawa natuto
siyang gumamit ng dalawang wika ng sabay sa kanyang paglaki. Ang kanyang pagpapahayag ay
may impluwensya ng kanyang kasanayang magsalita. Kaya sa kanyang mga pagpapahayag,
maririnig ang paggamit ng dalawang wika ng sabay.

Mga Dahilan Bakit Nagaganap ang Code-Switching


 
 Ang salitang sangkot ay walang katumbas sa Ingles
 Hindi alam kung ano ang katumbas sa Ingles
 Punan ang kakapusan sa pakikipagtalastasan
 Komportable sa kanyang lingua fanca
 Makaiwas sa palabong kaisipan
 Makabuo ng ugnayan at makapagbigay “diin”

HALO-KODA (Code-Mixing)
 penomena sa pagpapahayag na pasalita.
 pagsingit ng salita o mga salitang mula sa ibang wika na labas sa sistema ng pangunahing wikang
ginamit sa pagpapahayag.
 ang nagsasalita ay walang mahagilap na angkop na salitang dapat gamitin sa kanyang
pagsasalita.
 nagsasalita ay kapos na sa bokabularyo sa pangunahing wikang gamit sa pagpapahayag
 upang maintindihan ng kausap, at upang punan ang kakapusan ng pangangailangan ng
pagsasalita.
 Ang terminong code-mixing ay nagbibigay diin sa “hybridization” na nagaganap sa
pagpapahayag ng isang bilingwal o multilingwal na indibidwal.
 Sa ating bansa, madalas nagaganap ang penomenon na ito sa pagpapahayag, sa kalye, palengke,
tahanan at maging sa loob ng mga silid-aralan.

Narito ang inimungkahing akronim ni Dell Hymes na


SPEAKING:

 S - (Setting) Ito'y tumutukoy sa kaangkupan ng iyong pagpapahayag ayon sa pinangyayarihan o


pook kung saan nag-uusap.
 P - (Participants) May kinalaman kung sino ang kausap.
 E - (Ends) May kaugnayan ito sa pagtugon sa layunin ng pag-uusap. May malaking kinalaman ang
wakas sa pagtugon sa layunin ng pagpapahayag.
 A - (Act Sequences) Ito ang pagtantya sa daloy ng pag-uusap.
 K - (Keys) Tumutukoy sa kaangkupan ng pagpapahayag o kaya'y kung sa kasuotan, ang
kaangkupan nito sa sitwasyon.
 I - (Instrumentalities) Ano ang midyum na gamit sa pag-uusap.
 N - (Norms) Maiugnay sa paksang pinag-uusapan.
 G - (Genre) May kaugnayan sa paraang gamit sa pag-uusap.
Sina Bernales et al. (2000), ay nagbigay ng mahalagang punto para sa isang aktibong kalahok sa
usapan:

 Kailangang maunawaan nila ang proseso ng komunikasyon.


 Kailangan may positibong pananaw sa sarili.
 Kailangang marunong sa pag-decode at encode ng mensahe.
 May sapat na kaalaman sa pag-unawa sa mga di-berbal (wika ng katawan) na
komunikasyon.
 Marunong sa batayang instrumento ng komunikasyon.

ETNOLINGWISTIKS

 ay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura.


May dalawang batayan sa paghahati ng etnolingwistik ng kultura:

 etnisidad – tumutukoy sa pagkamag-anak.


 wika – nakikilala ang tao sa pamamagitan nito.

 Ang etnisidad ay:


- tumutukoy sa pagkakamalapit ng dalawang panig at sila'y tinatawag na magkamag-anak.
-tumutukoy sa katangiang kultural na binubuo ng wika, lahi, paniniwala, kaugalian, tradisyon, saloobin,
ideolohiya at iba pang mga salik
- ang identidad ay ang pagkakalilanlan batay sa kabihasnan at kulturang kinagishan bilang isang lahi.

Sa Pilipinas may 7 pangunahing pangkat etniko:


 Ilonggo- Hiligaynon
 Bikolano – Bikolano
 Tagalog – Tagalog
 -Cebu -Bisaya/Cebuano (bahagi ng Rehiyon 7)
 Kapangpangan - Pangasinense Amánung Sísuan (breastfeed nurture language)
 Ilokano - Ilokano (Provincial Ordinance passed September 2012)
 Moro – Arabiko

Subdibisyon ng mga pangkat etniko sa Pilipinas


 Tagbanua – nakatira sa baybaying dagat ng gitnang Palawan.
 Mangyan – nakatira sa liblib na pook ng Mindoro.
- mahiyain silang tribu. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may
maamong mata at katamtaman ang tangkad.
 Yakan – matatagpuan sa Basilan at ang lalaki at babae ay gumagamit ng malong. Ipinapalupot
ng babae sa baywang at isinusuot naman sa ulo ng lalaki ang malong.

 Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan.


 - Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring
magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan.
 Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang
mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsiyo kung
pumapayag dito ang lalaki.
 Bagobo – matatagpuan sa gulpo ng Davao
 Bukidnon ng Sentral Panay – matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Panay.

You might also like