Professional Documents
Culture Documents
Preliminary Activity
Preliminary Activity
1. Indigenous
- Ang salitang ito ay nangangahulugan na katutubo o ang isang bagay ay umusbong sa
isang lugar. Ayon sa pahina 59, ipinapaliwanag na ang Filipino (Tagalog) lamang ang
pasado bilang katutubong lenggwahe.
2. Innovation
- Ito ay nangangahulugan na progresong pagbabago na nagaganap o nagbabago sa
isang bagay. Ayon sa pahina, 67-68, ipinaliliwanag na nagkakaroon ng innovation
maging sa mga wika at dayalekto. Ang pagbabagong nagaganap ay nakaka-apekto sa
kung paano ang lenggwahe ay nagagamit sa mga komunidad.
3. Extinction
- Ito ay nangangahulugan na pagkalipol ng isang uri. Ayon sa pahina 73, ito ay
nangangahulugan na maaaring mawala ang mga katutubong dayalekto o wika ng
bansa.
4. Standardization
- Ito ay nangangahulugan na uri ng pamantayan ng isang bagay o sa basahin ay wika.
Ayon sa pahina 60, ipinapaliwanag na ang Tagalog lamang ang tanging naka-abot sa
pamantayan na ginawad ng mga Sociolinguists.
5. Translation
- Ito ay nangangahulugan na pagsasalin ng isang salita sa ibang lenggwahe. Ayon sa
pahina 60, ipinapaliwanag na ang salitang “brother” ay Kapatid sa Tagalog, sa
Hiligaynon naman ay utod habang sa bikol ay tugang.
6. Vocabulary
- Ito ay nangangahulugan ng talasalitaan ng mga grupo ng mga salita. Ayon sa pahina
60, ipinapaliwanag na ito ay tumutukoy sa kung paanong magkaka-iba ang mga
grupo ng mga salita na nagagamit sa mga katutubong wika.
7. Language
- Ito ay nangangahulugan na simbolo ng mga sama-samang mga salitang nilalaman ng
diwa at saloobin na sinasabi sa paraang pag-bigkas. Ayon sa pahina 67,
ipinapaliwanag na ang wika o lenggwahe ay kaalaman na naglalagi sa utak ng isang
tao, ito ay malawak at malalim na kaalaman kung kaya’t ang pag-aaral dito ay
mabusisi.
8. Mutually Intelligible
- Ito ay nangangahulugan na relasyon ng mga dayalekto na may pagkaka-iba ngunit
naiintindihan pa rin kahit may mga pagkakaiba sa lenggwahe. Ayon sa pahina 71,
ipinapaliwanag na ang dalawang dayalekto ay nabibilang sa iisang lenggwahe.
9. Idiolect
- Ito ay nangangahulugan na kabuuang katangian ng pagsalita ng isang tao. Ayon sa
pahina 66, ipinapaliwanag na tinawag na idiolect ng mga linguists ang mga salita na
meron ang isang tao.
10. Northern Languages
- Ito ay nangangahulugan na mga salitang ginagamit ng mga taong nasa bandang hilaga
ng pilipinas o mundo. Ayon sa pahina 72, ipinapaliwanag na mga salita tulad ng
ilokano ay ang dominanteng nagagamit sa hilagang banda ng bansa.
11. Adaptation
- Ito ay nangangahulugan na pagba-bagay o paggagaya sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng isang kaugalian, kultura o tradisyon ng isang komunidad o tao. Ayon
sa pahina 72, ipinapaliwanag maraming hiram na salita ang mga Filipino sa mga
Espanyol, kinuha nila ang mga ito at ini-angkop nila ang mga salita base sa kanilang
native phonology.
12. Negators
- Ito ay nangangahulugan na halinhin ng mga salita o idudugtong sa isang salita upang
mas maging angkop o mas mapaikli. Ayon sa pahina 63, ipinapaliwanag na ang mga
salita tulad ng hindi na nagiging “di” ay mga salitang pumapalit sa orihinal na salita
nito.
13. Dominance
- Ito ay nangangahulugan na ang isang bagay ang mas nananaig o mas
makapangyarihan kesa sa isa. Ayon sa pahina 73, ang Ingles ang siyang
makapangyarihan na lenggwahe sapagkat maraming mga tao ang gumagamit nito sa
iba’t-ibang panig ng mundo sa kadahilanan na na rin na patuloy itong ginagamit sa
iba’t-ibang aspeto.
14. Dialect
- Ito ay nangangahulugan na pangkat ng mga wika na ginagamit sa isang komunidad o
rehiyon. Ayon sa pahina 59-73, ito ay tinuturing na isang sanga ng wika kumbaga
nasa ilalim ito ng kategorya ng wika.
15. Development
- ito ay nangangahulugan na paraan ng proseso upang umunlad ang isang bayan o
komunidad. Ayon sa pahina 73, ang uri ng pag-pahayag ng wika ay umuunlad at
marami ang salitang nagbabago kasabay ng mga pagbabagong naggaganap sa paligid.
FA#1