You are on page 1of 27

LAYUNIN:

◦Natutukoy ang iba’t ibang


paggamit ng wika sa nabasang
pahayag mula sa mga blog,
social media posts at iba pa
(F11PB – IIa – 96 )
FLIPTOP
Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-
rap.
Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong
nira-rap ay magkakatugma bagamat sa
fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw
na paksang pagtatalunan.
Kung ano ang paksang sisimulan ng unang
kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali.
Gumagamit ng di pormal na wika at walang
nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga
salitang binabato ay balbal at impormal.
Pangkaraniwan ang paggamit ng mga salitang
nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
Laganap sa mga kabataan na sumasali sa mga
malalaking samahan na nagsasagawa ng
kompetisyon na tinatawag na “Battle League”.
Bawat kompetisyon ay kinata-tampukan ng
dalawang kalahok sa tatlong round at ang panalo
ay dinedesisyunan ng mga hurado.
Ito ay isinasagawa din sa wikang Ingles subalit ang
karamihan ay sa wikang Ingles lalo na sa tinatawag
nilang Filipino Conference Battle.
Sa ngayon maraming paaralan na ang
nagsasagawa ng fliptop lalo na sa paggunita sa
Buwan ng Wika.
PICK-UP LINES
Itinuturing na makabagong bugtong kung saan
may tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang
aspekto ng buhay.
Sinasabing nagmula ito sa bulalas ng mga
binatang nanliligaw na nagnanais
magpapansin, magpakilig, magpangiti at
magpa-ibig sa babaeng nililigawan nito.
Kung may mga salitang makapaglalarawan sa
mga pick-up lines masasabing ito ay
nakakatuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig,
cute, cheesy at masasabi ring corny.
Madalas na marinig sa mga kabataang
magkakaibigan at nagkakaibigan.
Nakikita din ito sa mga facebook wall, Twitter
at iba pang social networking sites.
Ang wikang ginagamit dito ay karaniwan
Filipino subalit may pagkakataon na nagagamit
din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan
ang kadalasang nagpapalitan ng mga ito.
Kailangang ang taong nagbibigay ng pick up
line ay mabilis mag-isip at malikhain para sa
ilang sandali lang ay maiugnay o mai-konekta
ang kanyang tanong sa isang
nakapagpapakilig na sagot.
HUGOT LINES
Tawag sa mga linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o
minsa’y nakakainis.
Tinatawag ding love lines o love quotes na
nagpapatunay na ang wika nga ay malikhain.
Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan
sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso’t
isipan ng mga manonood.
May mga pagkakataon na nakakagawa rin
ang isang tao ng hugot line depende sa
damdamin o karanasang pinagdadaanan
nila sa kasalukuyan.
Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit
madalas ay Taglish o pinaghalong Filipino
at Ingles ang gamit ng salita sa mga ito.
SPOKEN WORD
POETRY
Ito ay isa sa mga tinatawag na
“performance art” o pagtatanghal
(ng sining). Ito ay isang pasalitang
uri ng sining at nakapokus ito sa
aestetiko o arte ng mga pyesa,
mga pagbigkas ng salita, mga
punto at boses.
Ito ay nagkukwento o
nagsasaad ng iba’t ibang mga
istorya. Kung minsa’y
malungkot at kung minsan
naman ay nakapagpapatawa.
BLOG
Ito pinaikling salita na weblog, na tumutukoy
sa mga akda o sulatin na karaniwang makikita
sa internet.
Ang uri ng sulatin na ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon, argumento,
salaysay o ng iba pang layunin na karaniwang
makikita sa lahat ng uri ng akda o panitikan.
Kadalasang lakbay sanaysay ang nilalaman
ng mga blogs sa internet.
LAKBAY
SANAYSAY
Isang uri ng sulatin kung saan
ang may-akda ay nagbibigay
ng paglalarawan ng kaniyang
mga naranasan, gabay, o
damdamin sa paglalakbay.
Maaaring maging replektibo o
impormatibo ang pagsulat ng isang
lakbay sanaysay.
Kadalasang ginagamit ang mga lakbay
sanaysay sa mga travel blogs upang
manghikayat sa mga taong maglakbay
sa isang particular na lugar.

You might also like