You are on page 1of 11

MGA SITWASYONG

PANGWIKA SA
PILIPINAS

KOMMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG
ANYO NG KULTURANG POPULAR:
FLIPTOP – Pagtatalong oral na isinisagawa nang pa-rap.
 Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay
magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o
walang malinaw na paksang pagtatalunan.
 Kung ano ang paksang sisimulan ng unang kalahok ay
siyang sasagutin ng katunggali.
 Gumagamit ng di pormal na wika.
 Walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang
mga salitang binabato ay balbal at impormal.
 Pangkarinawan ang paggamit ng mga salitang
nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
Laganap sa mga kabataan na sumasali sa mga
malalaking samahan na nagsasagawa ng
kumpetisyon na tinatawag na “Battle League”.
 Bawat kumpetisyon:
 Ay kinatatampukan ng dalawang kalahok.
 Tatlong round at ang panalo ay
didisesyunan ng mga hurado.
 Ito ay sinasagawa din sa wikang Ingles
subalit ang karamihan ay sa wikang Tagalog
lalo na sa tinatawag nilang Filipino Conference
Battle.
Sa ngayon maraming paaralan na ang
nagsasagawa ng fliptop lalo na sa paggunita ng
buwan ng wika.
Halimbawa:
Huwag mong pilitin lumipad, di ka pa
marunong maglakad.
Magkaroon ka naman ng balat, Huwag mong
ikumpara ang sarili mo sa Alamat.
 Halimbawa:
 Sikat na sikat ka raw pero sa aling palagay,
sikat ka lang kasi wanted ka sa maraming
barangay.
PICK-UP LINES– Itinuturing na makabagong
bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas naiuugnay sa pag-ibig
at iba pang aspekto ng buhay.
 Sinasabing nagmula ito sa bulalas ng mga
binatang nanliligawa na nagnanais magpapansin,
magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa babaeng
nililigawan nito.
Kung may mga salitang makapaglalarawan sa mga
pick-up lines masasabing ito ay nakakatuwa,
nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, cheesy at
masasabi ring corny.
Madalas na marinig sa mga kabataang
magkakaibigan at nagkakaibigan.
 Nakikita din ito sa mga facebook wall, Twitter at iba
pang social networking sites.
Ang wikang ginagamit dito ay karaniwan Filipino
subalit may pagkakataon na nagagamit din ang
Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang kadalasang
nagpapalitan ng mga ito.
Kailangang ang taong nagbibigay ng pick up line ay
mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang sandali
lang ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang
tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot.
Halimbawa:
Former Senator Miriam Defensor Santiago – Naging
matunog sa mga pick-up lines, dahil sa baat talumpati
niya aabangan mo ung mga pick-up lines nia. Ang
patunay nito ay meron siyang libro na inilabas ang
“Stupid is Forever”
“Kapag namatay ako, huwag na huwag kang pupunta sa
libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko” – MDS
Camera ka ba? Bakit? – kasi sa tuwing titignan kita
napapangiti ako.
C. SPOKEN WORD POETRY– ay isang nasusulat na tula na
binibigkas ng malakas sa harap ng mga manunuod.
Ito ay pwedeng patungkol sa buhay ng isang tao, o mga
kabiguan naranasan sa pag-ibig, o may kinalaman sa
lipunan o kalikasan, kahit anong paksa ay pwedeng
isulat.
Mahalaga din na kabisado ang bawat linya ng iyong tula
at naiintindihan ang bawat salita na iyong bibitawan ng
mas mabigyan ng nararapat na emosyon sa bawat
pagbigkas.
 Sa pagbigkas ng mga tula, ginagamitan ito ng
mga intonasyon ng boses, at binibigyan ng
emosyon ang bawat salita o pangungusap na iyong
sasambitin.
 Ginagamitan din ito ng reaksyon sa mukha kung
nagagalit, masaya, o malungkot.
Pagkilos o paggalaw ng katawan at ilang parte ng
katawan tulad ng kamay, ulo, paa.

You might also like