You are on page 1of 10

Sitwasyong Pangwika sa Iba

Pang Anyo ng Kulturang


Popular
Isa sa mga katangian ng wika ay ang
pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago
ng wika ay umuusbong ang iba’t-ibang
paraan ng malikhaing paggamit dito dala na
rin ng impluwensiya ng mga pagbabagong
pinapalaganap ng media. Sa kasalukuyan ay
may iba’t-ibang nauusong paraan ng
malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng
wikang Filipino at mga barayti nito sa mga
sitwasyong tulad ng sumusunod:
FLIP TOP
FLIP TOP
Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.
Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay
magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o
walang malinaw na paksang pagtatalunan.
Kung ano lamang ang paksang sisimulan ng naunang
kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Di
tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa
pagtatalo, sa filptop ay walang nasusulat na iskrip kaya
karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal ay
nabibilang sa iba’t-ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan
din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas
makapuntos sa kalaban.
PICK – UP LINES

May mga nagsasabing ang pick-


up lines ay makabagong bugtong
kung saan may tanong na
sinasagot ng isang bagay na
madalas maiuugnay sa pag-ibig at
iba pang aspeto ng buhay.
Google ka ba?
Bakit?
Kasi nasa iyo na lahat ng hinahanap ko.

Sana ako ang Sabado at ikaw ang araw ng Linggo


Ha? Bakit?
Para ikaw ang kinabukasan ko.

Centrum ka ba?
Bakit?
Kasi you make my life complete.
HUGOT LINES
Tinatawag ding love lines o love
quotes ay isa pang patunay na
ang wika nga ay malikhain.
Karaniwang nagmula ito sa mga
linya sa pelikula o telebisyon na
tumatak o nagmarka na sa ating
puso at isipan.
Siguro kaya tayo iniiwan ng mga
mahal natin dahil may darating
pang ibang mas higit na
magmamahal sa atin. Yung hindi
tayo sasaktan at papaasahin at
yung magtatama sa lahat ng mali
sa buhay natin
-John Lloyd Cruz bilang Popoy,
One More Chance (2007)
Mahal mo ba ako dahil
kailangan mo ako? O
Kailangan mo ako dahil
mahal mo ako?
-Claudine Baretto bilang
Jenny, Milan (2004)
She loved me at my worst. You
had me at my best, but
binalewala mo lang lahat, and
you chose to break my heart.
-John Lloyd Cruz bilang
Popoy, One More Chance
(2007)

You might also like