You are on page 1of 40

Pakikipanaya

m
o pangagaglugad ng isang impormasyon
ay isang paraaan ng pagkuha ng
impormasyon o kabatiran nang harap-
harapan. Kung nais nating makuha ang
kinakailangan nating kabatiran ay pumili
ng mga dalubhasa sa kanilang larangan
na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa
nais nating mabatid.
Pakikipanaya
m
Sa aktuwal na pakikipanayam, ang
tagapanayam ay naghahanda ng mga
tanong para sa taong kakapanayamin.
Maaaring tawaging sarado, bukas,
primary o secondary ang mga tanong.
Pakikipanaya
m
Saradong tanong ay sumasagot lamang ng Oo
o Hindi o may pamimilian o tiyak na kasagutan.
Sa ganitong uri ng tanong, ang tagapanayam
ay makakakuha ng maraming impormasyon sa
maikling panhon. Gayunpaman, hindi ito
nagbibigay ng pagkakataon sa taong
kinakapanayam upang makapagbigay ng mga
karagdagan o boluntaryong impormasyon.
Pakikipanaya
m
Hal. "Ano naman po ang natapos ninyong
kurso?"
"Kaya mo bang magtrabaho kahit sa
gabi?"
Pakikipanaya
m
Bukas na tanong ay walang restriksiyon.
Ang taong kinakapanyama
nabibigayan ng higit na kalayaang
ay

sumagot sa mga tanong. Sa ganitong uri


ng tanong, natutuklasan ng tagapanayam
ang pananaw, pagpapahalaga at layunin
ng kaniyang kinakapanayam.
Pakikipanaya
m Hal. "Ano po ang masasabi ninyong
pagpapahalaga ng pamahalaan sa ating
wikang pambansa?"
"Gaano po kayo kahanda bilang Punong
Komisyoner ng Komison sa Wikang
Filipino?"
Pakikipanaya
m
Ang Primary questions ay ang mga tanong na
inihanda bago pa man isagawa ang aktuwal na
pakikipanayam. Ang mga tanong na ito ay
nagsisilbing pangunahing puntos sa balangkas
ng pakipanayam. Ang primary questions ay
maaaring sarado gaya ng "Mahal mo ba ang
wika mo?" o bukas gaya ng "Ano naman ang
masasabi mo tungkol sa pagkalito ng mga
kabataan sa paggamit ng wikang pambansa?"
Pakikipanaya
m
Ang Secondary questions ay mga tanong
na ibinatay sa mga sagot ng
kinakapanayam. Ang mga tanong na ito
ay binubuo ng kumakapanayam habang
nagpapatuloy siya sa pakikipanayam.
Pakikipanaya
m
May ilang secondary questions na humihikayat
sa kinakapanayam na magpatuloy sa kaniyang
pagsasalita tulad ng "Pagkatapos noong 1935,
ano ang nangyari sa wikang pambansa?" "Ano
pa po ang masasabi ninyo tungkol sa
Patakarang Bilingguwal?" Mayroon namang
secondary questions na sumusuri sa sinasabi
ng kinakapanayam, gaya ng "Ano po ang ibig
ninyong sabihin?" "Maari pobang pakiulit ang
sinabi ninyo?
Mga iba’t ibang uri ng
Pakikipanayam
1. Isahan o indibidwal na pakikipanayam - ito'y
pagharap ng dalawang tao, ang isa'y
nagtatanong na siyang kumakapanayam
(interviewer) at ang isa'y kinakapanayam
(interviewee). Ang halimbawa nito ay ang
pakikipanayam ng isang Guidance Counselor
sa isang mag-aaral upang malaman ang
personal na datos tungkol sa kanya.
Mga iba’t ibang uri ng
Pakikipanayam
2. Pangkatang pakikipanayam - higit sa isa ang
kumakapanayam o kinakapanayam sa uring ito. Ang
halimbawa nito ay ang isang mananaliksik na
nagnanais makapanayam ang mga tao sa isang
nayon tungkol sa kanilang hanapbuhay. Maari niyang
pakiusapan ang kapitan ng baranggay na tipunin ang
mga tao sa pook na iyon upang kanyang
makapanayam sapagkat kung isa-isa niyang
pupuntahan ang mga iyon sa bahay-bahay ay
malaking panahon ang kanyang aaksiyahin. Isa
lamang ang kumakapanayam at marami ang kanyang
kinakapanayam.
Mga iba’t ibang uri ng
Pakikipanayam
Isa lamang ang kumakapanayam at
marami ang kanyang kinakapanayam.
Maaari namang isa lamang ang
kinakapanayam at marami ang
kumakapanayam katulad ng isang
artistang nagbigay ng isang press
conference, maraming mamamahayag
ang kumakapanayam sa kanya.
Mga iba’t ibang uri ng
Pakikipanayam
3. Tiyakan at Di Tiyakang pakikipanayam
(Directive or Non-directive) - Sa tiyakang
pakikipanayam ang mga tanong ang
sasagutin nang tiyakan ng
kinakapanayam. Kapag nagbibigay
lamang ng ilang patnubay na katanungan
ang kumakapanayam sa kinakapanayam
at nagsasalita nang mahaba ang
kinakapanayam, ito'y di-tiyakang
pakikipanayam.
Mga iba’t ibang uri ng
Pakikipanayam
4. Masakalaw na pakikipanayam (depth
interview) - sa uring ito, ang
kumakapanayam ay nagbibigay ng mga
tanong na ang mga kasagutan ay mga
opinyon, paniniwala, saloobin at
pilosopiya sa buhay.
Mga Dapat Tandaan sa
Pakikipanayam
1. Tawagan nang maayos ang taong
kakapanayamin upang matakda ang
pakikipanayam.
2. Magsaliksik tungkol sa paksang pag-
uusapan bago isagawa ang pakikipanayam.
3. Ihanda nang maaga ang balangkas ng mga
tanong.
4. Hangga't maari, irekord ang pakikinayam.
Mga Dapat Tandaan sa
Pakikipanayam
5. Maging magalang sa pakikipanayam.
6. Tapusin ang pakikipanayam sa loob ng
itinakdang oras.
7. Iwasan ang pagtatanong nang hindi
maglalagay sa kausap sa kahihiyan.
8. Huwag kalimutang magpasalamat sa
kapanayam.
Kakayahang
Komunikatibo
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi
sapat na alam ang tuntuning pang-gramatika.

Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng


wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop
na sitwasyon, maipahatid ang tamang
mensahe at magkaunawaan ng lubos ang
dalawang taong nag-uusap.
Kakayang
Linggwistiko
Ang kakayahang linggwistiko ay
tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng
isa na makapagsalita iba't ibang mga
lenggwahe, wika, at dayalekto.
Nakakatulong ito upang mas mapadali
ang pakikipagtalastasan gayundin ang
komunikasyon sa iba.
Kakayang
Linggwistiko
Ang kakayahang lingwistiko ay isang
kakayahan o katalinuhan sa larangan ng
isang lingwahi.

Ang lingwistikong kakayahan ay nag binubuo


ng kakayahan nito sa isang wika sa tamang
pag bigkas, pag sulat. May malalim na
kaalam sa isang wika sa pag sulat at sa pag
bigkas, na may taglay ng tamang gramatika.
Kasama rito ang...
PANDIWA - Ang pandiwa ay isang salita
(bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos
o galaw (lakad, takbo, dala), isang
pangyayari (naging, nangyari), o isang
katayuan (tindig, upo, umiral)

PANG-URI - Ang pang-uri ay isang bahagi ng


pananalita na binabago ang isang
pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito
o ginagawang mas partikular ito.
Kasama rito ang...
PANG-ABAY - Ang pang-abay o adberbyo ay
mga salitang naglalarawan sa: pandiwa,
pang-uri, Kapwa pang-abay

PANGHALIP - Ang panghalip ay ang salitang


humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan
na nagamit na sa parehong pangungusap o
kasunod na pangungusap. Ang salitang
panghalip ay nangangahulugang "panghalili"
o "pamalit".
Kasama rito ang...
PANANDA - Isang bagay na ginagamit
upang palatandaan ( para matandaan )

PANG-UGNAY - Ang pang-ugnay ay ang


salita na nagpapakita ng relasyon o
kaugnayan ng dalawang yunit sa
pangungusap.
Tatlong uri ng
pang-ugnay:
1. PANGATNIG - Ang tawag sa mga
kataga o salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

- Halimbawa ng pangatnig: at, pati, nang,


bago, habang, upang, sakali, kaya, kung,
gayon
Tatlong uri ng
pang-ugnay:
2. PANG-ANGKOP - Katagang nag-
uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.

- May dalawang pang-angkop na


itinuturing sa Filipino ang na at ng
Tatlong uri ng
pang-ugnay:
3. PANG-UKOL - Ang mga tawag sa mga
kataga o salitang nag- uugnay sa isang
pangangalan at sa iba pang salita sa
pangungusap.

- Narito ang mga halimbawa: ng, ni/nina,


kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para
sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay at
tungkol sa/kay.
Kakayang Istruktural
Natutukoy ang mga angkop na salita,
pangungusap

Ayon sa konteksto ng paksang napakinggan


sa mga balita sa radyo at telebisyon. Sa
madaling salita, nakukuha ang mga
pananalita sa pamamagitan ng mga
instrumenta kagaya ng readyo, kapag
nakikinig tayo at telebisyon, kapag nanunood
tayo.
Kakayahang
Gramatikal
Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-
unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, sematika,
gayundin ang mga tuntuning pang-
ortograpiya.
Ponema
Pag-aaral ng mga tunog ng mga salita.
Ang ponema ay isa sa mga yunit ng
tunog na nagpapakita ng kaibahan ng
isang salita mula sa isa pang salita ng
partikular na wika. Ang pagkakaiba ng
kahulugan ng mga salitang Filipino na
"baha" at "bahay" ay bunga ng
pagkakaroon ng dagdag na ponemang sa
salitang "bahay".
Ponema
Kung gayon, ang ponema ay ang
pundamental at teoretikong yunit ng
tunog na nagbubuklod ng salita.
Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag
pinapalitan ang isang ponema nito.

Halimbawa: patinig, katinig, salita,


diphthong
Morpema
Ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika
at nagpagsama-sama ng mga ito upang
makabuo ng salita.

Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng


isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga
pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat
ng pinagsama-samang mga pantig ay
makakabuo ng isang salita.
Morpema
May tatlong uri ng morpema: ang morpemang
di-malaya (kilala rin bilang panlapi),
angmorpemang malaya (kilala rin
bilangsalitang ugat), at ang morpemang di-
malaya na may kasamang salitang ugat.

Halimbawa: pangalan, panghalip, pandiwa,


pangatnig, pang-ukol
Morpema
MORPEMANG DI MALAYA
Halimbawa ng morpemang di-malaya o panlapi
ang mga unlaping ma-, mag-, gitlaping -um, at
hulaping -an at iba pa.

MORPEMANG MALAYA
Ang uring ito ng morpema ay binubuo ng
pangngalan, pang-uri, pandiwa o panghalip at
ang pang-abay kasama ang pangatnig na may
sariling diwa at katuturing ipinahahayag.
Morpema
Halimbawa ng morpemang malaya o salitang ugat ay
ang galing, sipag, linis, linaw, dilim, at dasal at iba pa.

MORPEMANG DI- MALAYA AT SALITANG UGAT

Halimbawa ng tambalang ito ang mga sumusunod

Unlaping nag- + salitang ugat na dasal = nagdasal

Gitlaping –um- + salitang ugat na bili = bumili

Hulaping -in + salitang ugat na linis = linisin


Sintaks
Ang kombinasyon ng mga salita upang makabuo ng
mga phrase at ang pagsasama-sama ng mga phrase
upang ito ay makabuo ng pangungusap. Ang
Sintaksis ay ang estruktura ng mga pangungusap na
nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan
ng pangungusap.

Halimbawa: Bahagi ng Pangungusap = simuno,


paksa

Uri ng Pangungusap ayon sa gamit = pasalaysay,


pataong, pautos, padamdam
Estruktura ng
pangungusap
SIMUNO O PAKSA - ang bahaging pinag-
uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap. ang paksa o simuno ay
maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan
ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan
ng kilos ng pandiwa.

PANAGURI - bahagi ng pangungusap na


nagbibigay ng kaalaman o impormasyon
tungkol sa paksa. ito ay naglalahad ng mga
bagay hinggil sa simuno.
Uri ng pangungusap
ayon sa gamit
Pasalaysay o Paturol - ito ay nagsasalaysay
ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong
nagtatapos sa tuldok.

Halimbawa: Ang mundo ay umiikot sa sarili


nitong axis.
Uri ng pangungusap
ayon sa gamit
Patanong - Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang
katotohanan o pangyayari. Tandang pananong
(?) ang bantas sa hulihan nito.

Halimbawa: Saan makukuha ang libreng


inumin?
Uri ng pangungusap
ayon sa gamit
Padamdam - Ito ay nagsasabi ng matinding
damdamin gaya ng tuwa, lingkot, pagkagulat,
paghanga, panghihinayang at iba pa.
Karaniwang nagtatapos io sa tandang
padamdam (!).

Halimbawa: Ay! Tama pala ang sagot ko.


Uri ng pangungusap
ayon sa gamit
Pautos o Pakiusap - ang pautos ay
nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin,
samantalang ang pakiusap aynagpapahayag
ng pag-utos sa magalang na pamamaraan.
Nagtatapos sa tuldok.

You might also like