You are on page 1of 12

PANANDANG KOHESYONG

GRAMATIKAL
PRESENTATION OF GROUP 5
BALIK ARAL

• TUNGKOL SAAN ANG TINALAKAY


NATIN KAHAPON?
• ANO ANG APAT NA KULTURA NG
FRANCE?
• ANO ANG MGA URI NG PANGHALIP?
Ano ang panandang kohesyong
Gramatikal?
Ang mga panandang kohesyong
gramatikal ay ginagamit upang
maiwasan ang paulit-ulit na Paggamit ng
pangngalan o salitang ginagamit sa
pagpapahayag.
LAYUNIN

• Nakikilala ang kahulugan ng kohesyong


gramatikal, ang anaphora at katapora.
• Nagagamit ng cohesive device sa pagsulat
ng sariling halimbawang teksto.
Narito ang apat na uri ng panandang
kohesyong gramatikal
• PAGPAPATUNGKOL
• ELIPSIS
• PAGPAPALIT
• PAG-UUGNAY
PAGPAPATUNGKOL
(reference) – ito ang paggamit ng
panghalip na tumutukoy sa mga
nauna o nahuling pangngalan.
May dalawang uri ng pagpapatungkol:
Anapora o sulyap na pabalik- tawag sa panghalip na
ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng pangungusap.

Halimbawa:
Ang kwentong katatawan ay isang uri ng
maikling kwento. Ito ay may layuning magbigay
aliw sa mga mambabasa
Katapora o sulyap na pasulong – ang tawag sa
panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda
sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng
pangungusap.

Halimbawa:
Ang uri ng maikling kwento na kwentong katatawanan ay
hangarin niyang magpatawa.
Ipinakikita niya na ang pagbibigay ng tuwa sa mambabasa
ang isa sa napapaganda ng isang kwento.
ELIPSIS – ito ay pagtitipid sa
pagpapahayag. May mga salitang hindi na
inilalagay o nawawala sa pangungusap.

Halimbawa: Bibihira ang nagbibigay ng


ganito sa kaniyang pamilya.
PAGPAPALIT – ito ay paggamit ng ibat’t-iba pang
reperensiya sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan.

Halimbawa :
Dahil sa pagsasalin ng mga wikang
nauunawaan natin ay namumulat tayo sa
kulturang banyaga. Nalalaman natin ang
kulturang Hapones at natututo tayo sa mga
Gawain nila.
PAG-UUGNAY – ito naman ay paggamit ng
iba’t – ibang pangatnig.

Halimbawa:
Ang lahat ng uri ng maikling kwento ay
Maganda ang nilalaman lalo na’t kapag
ito’y kapupulutan ng aral.
KATANUNGAN
Pano nakatutulong sa mga manunulat ang panandang
kohesyong gramatikal?

Ano ang kahalagahan ng panandang kohesyong


gramatikal?

Ano ang dalawang uri ng pagpapatungkol?

Ano ang apat na uri ng panandang kohesyang gramatikal?

You might also like