You are on page 1of 4

Ang haiku, tanka at tanaga ay mga halimbawa ng uri ng tula.

Ang haiku ay may


tatlong taludtod na may kabuuang sukat na 17. Ang tanka naman ay may limang
taludtod na may kabuuang sukat na 31. Panghuli, ang tanaga naman ay may apat
na taludtod na may pito, walo o di kaya'y siyam na sukat kada taludtod.

Halimbawa ng Uri ng Tula


Ang tatlong ito ay mga halimbawa ng mga uri ng tula:

 Haiku
 Tanka
 Tanaga
Narito ang paliwanag ukol sa mga ito.
Haiku
 Ang haiku ay isang uri ng maikling tula na mula sa bansang Japan.
 Ito ay may tatlong taludtod na may kabuuang sukat na 17.
 Ang karaniwang sukat ng mga taludtod nito ay 5-7-5.
 Ang karaniwang paksa ng mga haiku ay kalikasan.
Tanka
 Kagaya ng haiku, ang tanka ay isa ring uri ng maikling tula na mula sa
bansang Japan.
 Ito ay may limang taludtod na may kabuuang sukat na 31.
 Tatlo sa mga taludtod nito ay may sukat na 7 pantig, samantalang ang
dalawang taludtod ay may sukat na 5 pantig.
 Ang karaniwang paksa ng mga tanka ay damdamin, pag-ibig, at iba pang
emosyon.
Tanaga
 Ito ay may apat na taludtod.
 Ang Taliwas sa haiku at tanka, ang tanaga naman ay nagmula sa Pilipinas.
Ito'y waring haiku ng Pilipinas.
 bawat taludtod ay karaniwang sukat na pito, walo o di kaya'y siyam.
 Ang tanaga ay naglalaman ng mga matatalinghagang kahulugan.
PABULA
Ang pabula ay isang kathang isip na panitikan kung saan mga hayop at bagay ang
gumaganap na tauhan sa istorya.Mahalaga ito sapagkat bawat kuwentong pabula
ay nagbibigay aral sa bawat isa na nagbabasa nito.Ito ay madalas na binabasa ng
mga bata.
Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o
kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon
at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging
kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na
aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong
nagbibigay-aral.

MODAL
Ang mga modal ay ang mga salitang gumaganap bilang malapandiwa sa isang
pangungusap. Ang mga modal ay ginagamit upang maging pantulong sa pandiwang
may pawatas na anyo, o di kaya'y upang gumanap bilang malapandiwa. Upang mas
malinawan ka ukol sa kahulugan ng modal, narito ang ilang halimbawa ng mga modal:
hangad, ibig, kailangan, at iba pa.
Kahulugan ng Modal
Ang mga modal ay ginagamit upang maging pantulong sa pandiwang may pawatas na
anyo, o di kaya'y upang gumanap bilang malapandiwa.
Kailangang tandaan na ang mga modal ay iba sa mga pandiwa.
Gamit ng Modal
Ang mga modal ay may dalawang pangunahing gamit o silbi. Narito ang mga ito:
 Ang mga modal ay ginagamit bilang malapandiwa. Halimbawa: Hangad ko ang
iyong kaligayahan sa buhay.
 Ang mga modal ay ginagamit bilang pantulong o panuring sa pandiwang
pawatas. Halimbawa: Gusto niyang makakain ng masarap na tsokolate.
Uri ng Modal
Ang mga modal ay may iba't ibang uri rin. Narito ang mga ito:

 Mga modal na nagpapahiwatig ng paghahangad o pagkagusto: Halimbawa: Nais


kong makamit mo ang tagumpay sa iyong karera.
 Mga modal na nagsasaad ng obligasyon: Halimbawa: Kailangan sumunod sa mga
alituntunin sa paaralan.
 Mga modal na nagpapahiwatig ng posibilidad: Halimbawa: Puwede kang mamitas
ng bayabas sa aming hardin.
 Mga modal na hinihinging maganap: Halimbawa: Kailangan mong mag-aral nang
mabuti.
Kohesyong Gramatikal

 Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at


sugnay.
Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na
pagpapatungkol.

1. Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o
pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang
binanggit sa unahan.

2. Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng
panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o
pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.

PANURING
Ang panuring (modifier) ay maaaring pang-uri o pang-abay.
Pang-uri ang panuring sa pangngalan, at panghalip; pang-abay sa pandiwa, pang-uri o
kapwa pang-abay
Ang Pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan.

 Kaantasan ng Pang-uri:
 Lantay-mga pang-uring naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip.
 Paghahambing-naghahambing ng dalawang pangngalan o panghalip.
 Pasukdol-nagpapakita ng kasukdulan na paghahambing na higit pa sa dalawang
pangngalan o panghalip.
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-
abay.
Ang pang-abay ay may 17 uri:

1. Pamanahon - nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa tanong na


kailan
2. Panlunan - nagsasaad ng pook o na pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa
tanong na saan.
3. Pamaraan - nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng
pandiwa.
4. Panggaano - sumasaklaw sa bilang, dami o halaga.
5. Panulad - nagsasaad ng katangiang napapaloob sa pangungusap. Karaniwang
ginagamit na hambingan ng pang-uri.
6. Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan o pag-aalinlangan.
7. Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, bilang o halaga.
8. Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtangaap sa kausap.
9. Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat o pagbawal.
10. Panunuran - tumutukoy sa sunud-sunod na hanay o kalagayan.
11. Pamitagan - nagpapakilala ng paggalang at pagsasaalang-alang.
12. Panturing - nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob
13. Kawsatibo - nagsasaad ng dahilan, binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa
dahil sa, sapagkat atbp.
14. Kundisyunal - nagsasaad ng kondisyon para maganap ang pandiwa.
15. Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao, tagatanggap ng
kilos.
16. Pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.
17. Inklitik - binabago ang orihinal na diwa ng isang pangungusap.

KUWENTONG MAKABANGHAY
Binibigyang diin nito ang pagkakasuod sunod ng pangyayari sa isang istorya. Dapat itong
maging maayos at magkakaugnay upang maging kapanipaniwala ang kwento. Ito rin ay
masasabing, "maikling kwentong pinaikli pa"
Ang kwnetong makabanghay ay kwento na nakatuon sa pagkakasunod-sunod ng
pagngyayari .

You might also like