You are on page 1of 5

KATUTURAN NG KOHESYONG GRAMATIKAL O COHESIVE DEVICE

 Ang kohesyong gramatikal ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi pauli-ulit ang mga salita.

 Panghalip
Halimbawa:
Ito,dito,doon,iyon – bagay/lugar/hayop
Sila, Siya, Tayo, Kanila, Kaniya – tao/hayop

MGA PANANDANG KOHESYONG GRAMATIKAL


•Pagpapatungkol
•Elipsis
•Pagpapalit o Substitution
•Pang-ugnay

Pagpapatungkol- paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan.

Dalawang Uri
Anapora panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan
Halimbawa:
Matulungin si Anna sa mahihirap kaya’t siya ay painagpala ng ating Panginoon.

Katapora- mga panghalip na matatagpuan sa unahan ng pangungusap bilang pamalit sa pangngalang nasa
hulihan.
Halimbawa:
Siya ay hindi karapat-dapat sa aking apelvido. Si Juan ay kahiya- hiya.

Elipsis- pagtitipid sa pagpapahayag.


*Pumunta si Erick sa tindahan at bumili ng tinapay.

Pamalit o Substitution
Mga salitang ipinapalit sa iba pang bahaging pangungusap na nauna ng banggitin.
*Nominal-pinapalitan ay ang pangngalan
Halimbawa: Ang wikang Filipino ay ang daan upang tayo ay magkaunawaan, kailangan lang nating
pagvamanin ang ating wikang pambansa.
Halimbawa: Inaayos ni Tatay ang mesa at

Clausal- pinapalitan ay sugnay.


Halimbawa: Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw,
Pang-ugnay
Paggamit ng mga pangatnig upang makabuo o pag- ugnayin ang isang pangungusap.
Halimbawa: Hindi sila nagtagumpay sa kanilang binabalak sapagkat hindi lahat ay nakikiisa. Nagawa ba ng
mga pulis ang tungkulin nito?

Ano ang Tekstong Impormatibo?


•Ang tekstong impormatibo ay uri ng babasahing di piksiyon. Isinulat ito sa layuning makapaghatid ng
impormasyon sa mga mambabasa. Maaari itong Mabasa sa mga magasin, mga batayang aklat, mga sanggunian
at iba pa. iba-iba ang paraan ng pagkaksulat nito depende sa uri ng impormasyong nilalaman nito.
•Sa tekstong impormatibo, sinasagot nito ang mga tanong ano, kailan, saan, sino at paano. Sa ibang
terminolohiya, tinatawag din itong “ekspositori”.
•Maaari itong nasa wikang madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa o wikang
Teknikal para sa mga dalubhasa o iskolar. Ang iba ay may kasamang biswal na representasyon tulad ng mga
talahanayan o grap upang maging mas madali ang pag- unawa sa mga datos na isinasaad ng ganitong uri ng
teksto. Madalas gumamit ng isa o ilan sa sumusunod na hulwaran ng organisasyon ang tekstong impormatibo:
•Kahulugan
•Pag-iisa-isa
•Pagsusuri
•Paghahambing
•Sanhi at bunga
•Suliranin at solusyon

May ilang mahahalagang konseptong dapat tandaan sa tekstong impomatibo.

1. Ang tekstong impomatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon, at mahalagang


detalye na may lohikal na paghahanay.
2. Isang tiyak na paksa na lamang ang tinatalakay nito. Kung magkaroon ng kauganay na paksa, dapat na
makita ito sa kasunod na talata.
3. Sa pagbasa ng Tekstong Impormatib, magkaroon ng focus sa mga impormasyong ipinapahayag. Isulat
kung kinakailangan.
4. Sa pagsulat ng tekstong impormatib, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing mabuti ang
mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

Upang mailahad ang layon ng tekstong impormatibo, makikita batay sa pagkakabuo ng bawat detalye ay
ginagamitan ng pormal na gamit ng salita. Nahahati ito sa dalawang uri:

Formal
- Itinuturing na pinakamataas na antas ng wika, karaniwan itong gamit sa pakikipagtalastasan ng mga
propesyunal o mga nakapag-aral. Gayundin ang mga nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng wika.
-
Pambansa- uri ng wikang sinasalita sa paaralan, tanggapan ng pamahalaan, sa pagsulat ng kontitusyon, sa
simbahan, sa mga pagpupulong sa kongreso at senado at maging sa Palasyo ng Malacañang.
Halimbawa:
• Anak,
• Tahanan,
• Pangulo

Pampanitikan- wikang ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang maging masining, malikhain,
matalinghaga ang paglalahad o pagpapahayag.
Halimbawa:
•Bunga ng Pag-ibig
• Palasyo ng Pag-ibig
• Ama ng Bansa

Informal
- Wikang sinasalita sa ordinaryong pakikipag-komunikasyon.
Kolokyal- ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit
napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.
Halimbawa:
• /lika/ para sa ‘halika’,
/pre/ para sa’pare’

Lalawiganin- wikang gamit sa isang pook o lipon ng mga tao,tinatawag itong dayalekto sa kasalukuyan.
Halimbawa na rito ang:
• Batangeño,
• Chavacano,
• Tausug,
• Cebuano,
•Ilonggo,
•Visaya at iba pa.

Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon
ng kultura ng isang lalawigan.
Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Mag-urong (maghugas!)

Balbal- tinuturing na pinakamababang uri ng wika, karaniwang gamit ng mga taong walang pormal na
edukasyon.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Osip (piso) Pinoy (Pilipino)
Formal ang gamit ng wika kapag ang mga salita at pahayag na ginamit ay pinili at maayos na inihanay upang
mailahad ang ideya. Di-formal kapag ang mga salita o pahayag ay karaniwang ginagamit sa pangaraw-araw na
pamumuhay ito ang anyo ng salita sa pinakagamitin ng bawat indibidwal.

Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na maging kapani-paniwala at may
kredibilidad ang paglalahad.
Ilang halimbawa:
Mga patalastas
Talumpati

Ang tono ng isang tekstong nanghihikayat ay maaaring:


Nasisiyahan
Nalulungkot
Nangangaral
Nagagalit
Nag-uuyam
Nambabatikos
Naghahamon
Natatakot
Nagpaparinig

Paraan ng manunulat upang makahikayat ayon kay Aristotle.

1.Ethos. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Ang kaniyang sariling paniniwala, saloobin,
damdamin, pag-uugali, at ideolohiya sa kaniyang paksang isinulat ay impluwensiya ng kaniyang karakter. Ito ay
ginagamit upang makapagganyak o makahikayat ng mga kaisipan at kaugalian.

2.Logos. Pagiging rasyonal ng isang manunulat ang paraan na ito. Nangangailangan ito ng tiyak at rasyonal na
katibayan upang makahikayat.
Ayon kay Aristotle, nauugnay ang logos sa mismong ginagamit na salita ng manunulat na tila may nais
patunayan. Gumagamit ang may-akda ng mga piling- piling salita na nagtataglay ng kapangyarihang
mapaniwala ang bawat mambabasa

3.Pathos. Ang emosyon o damdamin tungkol sa isang paksa ay ang paraan na ginagamit ng may- akda upang
mahikayat ang mga mambabasa. Nagagawa ng may-akda na mahikayat ang kaniyang mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalapat ng kaniyang saloobin, maging ito man ay galit, masaya, nangungutya at iba pa sa
tekstong isinulat.

Sa pangkalahatang panuntunan sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat, ang may-akda ay kailangang:


•magkaroon ng isang matatag na opinyon na madaling matanggap ng mga mambabasa
• simulan ang pagsulat ng teksto sa mapanghikayat na panimula upang bigyang-pansin ng mga mambabasa
• maglahad ng mga ebidensiya na susuporta sa isinawalat na opinyon
•Pagtibayin ang pahayag sa kung ano ang nais na paniwalaan ng mga mambabasa.

You might also like