Professional Documents
Culture Documents
DESKRIPTIBO
Pagbabasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
ulat nina:
Nicole Adri
Nyah Fonacier
Mikaela Queqquegan
mula sa:
11 – STEM
I. INTRODUKSIYON
Ang tekstong deskriptibo ay isang tekstong may layuning ilarawan ang isang
bagay, tao, hayop, o lugar sa pamamagitan ng paggamit ng matatalinghagang salita, pang-
abay, pang-uri, tayutay, at iba pang mga kagamitang gramatikal upang madama ng
mambabasa kung ano ang paksang inilalarawan sa kanilang limang pandamdam sa pagbuo
ng larawan sa kanilang isipan. Ang pinakaginagamit na kagamitang gramatikal ay ang pang-
uri at pang-abay, kung saan ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at iba
pang-abay, habang ang pang-uri naman ay naglalarawan sa mga pangngalan at panghalip.
May dalawang uri ng paglalarawan: subhetibo at obhetibo.
1. Subhetibo
Ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at
hindi nakabatay sa totoong buhay.
Karaniwan itong nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo ;
Halimbawa nito ay ang mga tauhan sa maikling kwento ; likhang-isip lamang ng
manunulat ang mga tauhan kaya lahat ng ito ay mula sa kanyang imahinasyon.
Halimbawa: “Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit na ngiti, at mga
matang may taglay na halina sa sinumang makakakita. Ang maaliwalas na mukhang
agad sinisilayan ng taos-pusong pagbati sa bawat sa bawat makasalubong ay dagling
nakukuha ng atensiyon at tiwala ng iba.”
(Makikita rito na wala siyang pinagbabatayang totoong pinagbabatayang totoong
tao ngunit ginagamit niya ang gantong paglalarawan upang maikintal ito sa isipan
ng mga mambabasa.)
2. Obhetibo
Ito’y may pinagbabatayang katotohanan.
Gagamit ang manunulat ng isang magandang lugar sa bansa na kilala ng lahat
ngunit gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar
subalit hindi siya maaaring maglagay ng detalyeng hindi taglay ng kanyang
paksa.
Halimbawa: “Ang malilinaw na ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng hagdan –
hagdang palayan ay pinagmumulan din ng patubig sa mga nakatanim na palay.”
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong
Deskriptibo
• Sa isang tekstong deskriptibo, may mga iba’t ibang mga kohesyong gramatikal hindi
lamang para maging malinaw ang mga pahayag, pero upang maging maayos ang
daloy ng mga ideya na pinapahayag dito.
• Ang kohesyong gramatikal, kung minsan’y ginagamit sa pag-uugnay ng mga
pandiwa, ay ginagamit din sa pamamaraan ng pagpapakita ng pagkakatulad,
pagbibigay diin, pagkukumpara, at pagbibigay ng introduksyon sa isang bagay
para sa isang hanay.
• May limang pangunahing kohesyong gramatikal: reperensiya o talasanggunian,
substitusyon, ellipsis, pang-ugnay, at leksikal.
Ilan sa mga Uri
• Pang-Ugnay
o Ginagamit ito para sa pag-ugnay ng mga sugnay sa sugnay, parirala sa
parirala, at pangungusap sa pangungusap.
o Ito’y para maintindihan ang relasyon ng mga pahayag ng maayos.
o Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak
at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga
magulang.
• Kohesyong Leksikal
o Ginagamit kapag ang mga pangngalan, pandiwa, pang-uri, at mga pang-abay
sa isang deskriptibong teksto ay may kaugnayan sa isa’t isa.
o May dalawang uri ito:
1. Reiterasyon
Ø Kapag ang isang leksikal na salita at ay inuulit upang mas bigyang
diin.
Ø Ito’y may tatlong pamamaraan:
i. Pag-uulit o Repetisyon – inuulit ang salita upang mas bigyang
diin ito.
Hal. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang
mga batang ito ay nagtratrabaho na sa murang gulang pa lang.
ii. Pag-iisa-isa – para maiwasan ang paguulit-ulit ng eksaktong
salita, maglilista ito ng mga salitang may kaugnayan o
parehong diwa sa salitang planong ulitin
Hal. Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay
na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
iii. Pagbibigay-kahulugan – upang mas linawin ang ibig-sabihin
ng isang salita, uulitin ito upang mas bigyang diin ang laman ng
naunang salita.
Hal. Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa
hapag-kainan. (Sinabi ang salitang “mahirap” at binigyang
kahulugan ito upang mas maitintindihan ang ibig-sabihin ng
paggamit ng salitang “dukha” sa pangungusap.)
2. Kolokasyon
Ø Nakikita ang “expectancy relation” o ang posibilidad na
makita ang mga salitang nasa parehong leksikal na grupo
o mga salitang malapit ang ugnayan sa isa’t-isa lalong-
lalo na kung ang mga salitang ito ay nahahanay sa
parehong paksa
Ø Kapang may isang salitang karaniwang ginagamit, naiisip
din ang isang salita na may kaugnayan dito
Ø Halimbawa: Sa isang pamilya, naroroon ang tatay, ang
haligi ng tahanan, ang nanay, ang ilaw at tahanan, at mga
anak na minamahal ng kanilang mga magulang.