You are on page 1of 3

ARALIN 17:

HAKBANG SA PANANALIKSIK: PAGBUO NG BIBLIYOGRAPIYA

ANO ANG BIBLIYOGRAPIYA?


● Ito ay tinatawag na ugnayan o listahan ng isang hanay ng mga libro o sulatin na ginamit
bilang sanggunian material o suportang dokumentaryo para sa pagsasaliksik at
pagpapalawak ng isang nakasulat na akda o isang monograp.

● Tulad ng naturan, ang salita ay binubuo ng mga salitang biblio- at –graphia, na nagmula sa
Greek Roots na biblion na nangngahulugang ‘libro’, at graphia na nangangahulugang
‘magsulat ng’.

PAGBUO NG BIBLIYOGRAPIYA

● Sa pagsasagawa ng pananaliksik, pangunahing kailangan ang paghahanap ng mga datos at


impormasyon tungkol sa paksa.

● Ang karaniwang nagagamit ng mga sanggunian ay mga aklat, pahayagan, magasin, at mga
computer database.

● Maaari din na ang mga bibliyograpiya o talasanggunian ng mga aklat na nasaliksik ay


makatulong sa pagbibigay ng karagdagang magiging mga sanggunian.

PAANO NATIN TITIYAKIN ANG MGA DATOS AT IMPORMASYONG NAKUHA?

● Isa sa mahalagang dapat bigyang-pansin ay ang pagiging kapani-paniwala ng mga ito. Ang
pagkakaroon ng maraming naisulat kaugnay sa isang paksa ay nagpapakita ng pagiging
awtoridad sa larangang ito.

● Ang kaniyang mga nagawa ay magiging mahalagang ambag sa disiplinang kaniyang pinag-
aralan

● Maahalaga rin ang pagiging bago at napapanahong mga impormasyon kaugnay ng


sinasaliksik.

● Sa huli, iwasan ang mga mapagkukunan ng impormasyon na hindi gaanong


mapagkakatiwalaan o hindi mapanghahawakan.
Sa pangangalap ng mga datos, huwag kalimutan ang talaan ng mga sanggunian. Magkaroon
ng magkakabukod na talaan para sa iba’t ibang sanggunian para sa aklat, pahayagan, journal,
magasin, at iba pa.

● Noon, footnoting o talababa ang pangunahing ginagamit sa pagkilala sa pinagkunan ng


datos. Sa kasalukuyan, higit nang gamitin ang paraang iminungkahi ng American
Psychological Association (APA) o Modern Language Association (MLA). Tinawag itong
talang parentetikal (parenthetical citation) na mas simple at madaling isagawa.
Kapag MLA ang paraang ginamit, babanggitin ang apelyido ng may-akda at ang bilang ng
pahina ng akda kung saan makikita ang datos o impormasyong hiniram at ipapaloob sa
panaklong.

HALIMBAWA:

● Ayon kay Langan (1992) ang esensiya ng mahusay na pagsulat ng pangangatuwiran ay (1)
gagawing punto at (2) nasa sumusuportang punto. Bilang mambabasa ng pangangatuwiran
ay mahalagang (1) makilala ang punto at (2) makilala ang sumusuportang punto.
Ayon sa Teoryang Iskema, ang lahat ng ating nararanasan at natutuhan ay nakalagak sa
isipan at maayos na nakalahad sa kategorya. Ang mga iskemang ito ay nadaragdagan,
nalilinang, nababago, at napauunlad (Pearson at Sapiro, 1982).
Sa paraang APA naman, tinukoy rin ang apelyido ng may akda at pagkatapos ay sinusundan
ng mga taon ng publikasyon.
Pormat sa Paggamit ng mga Sanggunian sa Paraang APA (American Psychological
Association)

A. AKLAT
-Aganan F.P., 1999. Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino. Quezon City: UP
Press.

-Alcaraz, Cid V. et.al, 2005. Komunikasyon sa Larangang Akademiko. Quezon City:


Lorimar Publishing, Inc.

- Barrios, Joy at Tolentino, Rolando B., 2002. Ang Likhaan ng Tula at Maikling
Kwento 2000. Quezon City: UP Press.

B. ARTIKULO SA JOURNAL
-Jose, V.R., 2009. Ang Wika ng Pagpapalaya at ang Papel ng Akademya, 15-20.
-Pineda, P.B.P. (2000). Institusyonalisasyon ng Wikang Filipino, 9-12.

TUNGKULIN NG LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Nagbigay sina Bernales et al. (2009) ng mga sumusunod na gampanin ng idea, ng sanggunian:
A. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng idea, ilustrasyon, at mga pahayag
na hiram o mga materyales na hinalaw.
B. Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman.

C. Nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon para sa mambabasa na nagnanais na palawakin pa


ang isang pananaliksik

D. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may katotohanan ang mga
nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik.
E. Nagbibigay ng kredibilidad sa pananaliksik na isinasagawa.

Ang mga entris sa sanggunian ay kailangang maging kumpleto sa kapakanan ng iba pang
mananaliksik na maaaring magbalak sumangguni sa sangguniang nakatala. Kung gayon mahalaga
ang sumusunod na impormasyon:

a. Awtor o mga awtor


b. Pamagat
c. Lugar ng publikasyon
d. Tagalimbag
e. Petsa/ taon ng publikasyon
f. Editor, tagasalin, consultant, compiler (kung mayroon)
Sa aklat pa rin ni Bernales et al. (2009) ay inisa-isa ang paggawa ng listahan ng sanggunian
ni Burgess (1995) sa akda niyang “A Guide for Research Paper, APA Style”

1. Aklat na may isang awtor


Aquino, B. 1990. The taming of the millionaire. New York. Random House. Bernales, Rolando
A. 1995. Bukal 3: Pagbasa. San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House, Inc.

2. Aklat na may dalawa o higit pang awtor


Tumangan, Alcomtiser P., Bernales, Rolando A., Lim, Dante C. & Mangonon, Isabela A. 2000.
Sining ng Pakikipagtalastasan: Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

3. Inedit na bolyum ng isang aklat


Almario, Virgilio S. (Ed.) 1996. Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng
pagtulang Tagalog. Lungsod ng Quezon: UP Diliman.

4. Mga hanguang walang awtor o editor


Webster’s New Collegiate Dictionary. 1961. Springfield, MA: G and C Merriam.
5. Multi-bolyum, inedit na akda
Nadeau, B.M. 1994. Studies in the history of cutlery. (Vol 4) Lincoln: University of Nebraska

Press.
6. Di-nalathalang diserrasyon, tesis, pamanahong papel
Grospe. Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa
pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di nalathalang tesis, UP Diliman.

7. Mga artikulo mula sa journal, magasin, dyaryo, newsletter

Nolasco, Ma. Ricardo. 1998. Ang linggwistika sapagsasalin sa wikang Pambansa. Lagda, 12-20

8. Pelikula, Kasset, CD, VCD


Redford, R. 1980. Ordinary People [pelikula] Paramount.

9. Mga dokumento mula sa tanggapan ng gobyerno

National Institute of Mental Health. 1982. Television and Behavior: Ten years of Scientific
Progress (DHHS Publication No. A82-1195) Washington DC: US Government Printing Office.

10. Mga hanguang elektroniko


https://latinamericanliterature.edu.ph

You might also like