You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Plaridel Campus
53 General Kalentong Street, Pag – asa
Mandaluyong City, Philippines, 1552

Junior High School Department


School Year 2022 – 2023

DYNAMIC LEARNING PLAN


Ikalawang Markahan
FILIPINO 9
PAMAGAT: Aralin 1: Mga Haiku at Tanka mula sa Hapon
Haiku at Tanka
Tayutay
Suprasegmental
KAGAMITAN: Bukal ng Lahi, Power Point Presentation, at LMS

LAYUNIN
Sa Pagtatapos na Aralin, matutuhan ng mga mag-aaral ang;
a. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku
b. Nabibigkas ang tanka at haiku nang wastong antala/hinto at damdamin
c. Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng Silangang Asya.

KONSEPTO: Pakikinig at Pagsulat


Haiku at Tanka ay dalawang uri ng tula na nagmula sa bansang Japan.
Haiku – ay isang maikling estilo ng tula na binubuo ng tatlong linyang may sukat na 5-7-5 pantig, o
kabuuang 17 pantig. May mga haikung pagtutugma, at mayroon ding wala. Karaniwang ito ay
tumutukoy sa paksang nauukol sa kalikasan
Tanka – isa sa mga popular na anyo ng kalikasang panulaang Hapon. Ang Tanka ay salitang Nihonggo na
ang ibig sabihin ay”Maikling Awit.”
- Natataglay ang tanka ng limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7 bilang ng pantig. Ang unang
bahagi na may 5-7-5 pantig ay tinatawag na kami-mo-ku na ang kahulugan ay “nakatataas na
parirala” Ang ikalawang bahagi 7-7 pantig ay tinatawag na shino-mo-ku na ang ibig sabihin ay
“nakabababang parirala.”
- Kadalasang ang paksa ng tanka ay kalikasan, pag-ibig, at matinding damdamin. Gaya ng haiku,
madalas na ginagamit ang mga tayutay na personipikasyon, simili, at metapora na siyang
nagpapalalim sa kahulugan ng tula.
Tayutay – ito sadyang nilayo sa karaniwang pagkakagamit ng salita, ganoon din pagbibigay ng
malalim ng kahulugan. Matuturing na di-tuwira o tuwirang ng pagbibigay kahulugan ng makata.
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagwawangki – Tinatawag din pagwawangis o simili, paghahambing ito ng dalawang
tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang pahayag na ito ay ginagamitan ng mga pariralang
katulad ng, kapara, kawangis, animo’y at gaya ng.
Halimbawa: Ang larong dama ay tulad ng buhay – may mga urong at sulong.

2. Pagtutulad – ito ay tahasan o tuwirang paghahambing. Hindi ito gumagamit ng mga


pariralng katulad ng kapara, kawangis.
Halimbawa: Ang Panginoon ay pastol ng aking buhay.
3. Pagsasatao – Ang pagsasatao ay pagpapakilos ng mga bagay o hayop na katulad ng mga
tao.
Halimbawa: Lumuluha ang langit dahil sa pagkasawi ng kanyang iniibig.
4. Pagmamalabis – Layon nitong gawing eksaherado ang mga pahayag.
Halimbawa: Bumaha ng dugo sa lugar na ito dahil sa sagupaan ng dalawang fraternity.
5. Pagpapalit-wika – Ito ay pagbibigay sa mga bagay o hayop ng mga pang-uri na ginagamit
lamang sa mga tao.
Halimbawa:Hinaharap ni Miko ang kaniyang matapat na alagang aso.

Suprasegmental –pagkakagamit ng ponema ng salita


1. Tono – Pagbaba at Pagtaas ng tinig
2. Haba/diin o stress – Pagpapahaba ng pantig sa loob ng salita
- Malumay
- Malumi
- Mabilis
- Maragsa
3. Antala/Hinto/Pagtigil – Tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita na maaaring
panandalian, na matatagpuan sa gitna o sa hulihan ng isang pangungusap.

PAGTATAYA
PANUTO: Tukuyin ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salita
1. dala –
dalἁ
2. paso
pasὀ
EBALWASYON
PANUTO:
Sagutin ang mga sumusunod na titik ayon sa paksang kinapapalooban sa isang malinis na papel.

A. Haiku at Tanka (Muling balikan ang paksang Haiku at Tanka upang maging batayan sa
pagsagot ng gawain)
Sumulat ng isang Haiku at Tanka. 10 PTS.

B. Tayutay - Magbigay ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga uri ng tayutay na


sumusunod, 5 PTS.
1. Pagwawangki (Simile)
2. Pagtutulad (Metaphor)
3. Pagsasatao (Personification)
4. Pagmamalabis (Hyperbole)
5. Pagpapalit-wika (Transferred - ephithet)

C. Suprasegmental - Tukuyin kung anong uri ng suprasegmental na ponema ang mga


sumusunod na salita. 5 PTS.
1. Puno at Puno
- ilang ang mga pantig sa mga salita?
- Anong uri ng suprasegmental ang mayroon sa puno at puno?

2. Mabango
- Ilang pantig ang nasa salita?
- Anong uri ng haba/diin ang nasa salita?

3. "Kasama kita kahapon, di ba?"


- anong uri ng suprasegmental ang nasa pangungusap?

Inihanda ni:

Bb. Ilaygri D. Villero


Guro sa Filipino 9

You might also like