You are on page 1of 24

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN
NG TANKA AT HAIKU
PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Gng. Marashane Medina- Mojica


Guro sa Filipino 9
Layunin
 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo
ng pagbuo ng tanka at haiku. F19PB-lIa-b-45
 Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang
mahahalagang salitang ginamit sa tanka at haiku.
F19PT-lIa-b-45
 Nasusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang
anyo at sukat. F19PU-lIa-b-47
 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto,
diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.
F19WG-lIa-b-47
Tanka
Panahon:
Ikawalong siglo
Tanka
Kasaysayan:
Manyoshu o
Collection of Ten
Thousand Leaves
Tanka
Paksa:
Puno ng damdamin
Pagbabago
Pag-ibig
Pag-iisa
Tanka
Sukat:
31 pantig
7-7-7-5-5
5-7-5-7-7
(maaaring magkapalit-palit)
Katapusan ng Aking Paglalakbay
ni Oshikochi Mitsune
Isinalin ni M.O. Jocson

Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag- init noon
Gulo ang isip.
Haiku
Panahon:
Ika-15 na siglo
Haiku
Paksa:
Kalikasan at pag-ibig
Haiku
Sukat:
17 pantig
5-7-5
(maaaring magkapalit)
Haiku
Karagdagan:
Pagbigkas ng taludtod na
may wastong antala o
paghinto
“Kiru” sa ingles ay Cutting
Haiku
Karagdagan:
Ang Kiru ay may
hawig sa Sesura
Haiku
Karagdagan:
Kireji –salitang
paghihintuan o
cutting word
Haiku
Sagisag ng Kaisipan:
Kawazu o palaka –
tagsibol
Shigure – unang ulan sa
pagsisimula ng taglamig
Haiku

ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Ambong kaylamig
Maging matsing ay nais
ng kapang damo
PAGKAKATULAD
Mahalaga sa panahon ng mga Hapon
Pagsasama ng mga ideya sa
pamamagitan ng mga kakaunting
salita
Mahalagang maunawaan ang kultura
ng mga Hapon upang lubos na
mahalaw ang mensaheng nakapaloob
sa tula
TANAGA

 Ito ay isang uri ng SINAUNANG

TULA ng mga Pilipino na may layong


linangin ang lalim ng pagpapahayag ng
kaisipan at masining na paggamit ng
antas ng wika.
 Binubuo ito ng tigpipitong pantig sa
bawat taludtod ng bawat saknong. (7-7-
7-7)
Tag- init

ni Ildefonso Santos

Alipatong lumapag
Sa lupa, nagkabitak
Sa kahoy, nalugayak
Sa puso, naglagablab
PONEMANG SUPRASEGMENTAL

PONEMA- makahulugang tunog

 Malinaw na naipahahayag ang damdamin,


saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng
nagsasalita;
 Pakikipagtalastasan- matutukoy ang
kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng
nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o
intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at
pagsasalita.
DIIN

- lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa


pagbigkas ng isang pantig sa salita;
- Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na
may diin ang malaking titik.
Halimbawa:
- BU:hay- kapalaran ng tao
- bu:HAY- humihinga pa
TONO/ INTONASYON

- ang pagtaas at pagbaba ng tinig


- makapagpaghayag ng iba’t ibang damdamin
- maging mabisa ang pakikipag-usap
- 1- mababa; 2- katamtaman; 3- mataas
Halimbawa:
- kahapon= 213, pag- aalinlangan
- kahapon= 231, pagpapatibay,
pagpapahayag
ANTALA/ HINTO

-bahagyang pagtigil sa pagsasalita


-maaaring gumamit ng kuwit (,); dalawang
guhit na pahilis (//); gitling (-)
Halimbawa:
- Hindi// ako si Joshua.
- Hindi ako, si Joshua.
- Hindi ako si Joshua.
PANGKATANG GAWAIN

Panuto:
1. Pumili ng isang paksa na akma sa inyong
pangkat. Bawat miyembro ng pangkat ay
bubuo ng isang Tanka at isang Haiku.
2. Itatanghal ng bawat pangkat ang kabuuan
ng kanilang ginawang Tanka at Haiku.
3. Maging MALIKHAIN sa inyong pagtatanghal.
4. Isumite ang mga pinagsama-samang Tanka
at Haiku.
PANGKATANG GAWAIN

PAMANTAYAN
Nilalaman ng Tanka at Haiku – 25 puntos
Malikhaing Pagtatanghal – 20 puntos
Pagtutulungan – 5 puntos

Kabuuan – 50 puntos

You might also like