You are on page 1of 8

Filipino Kuwarter 2: Reviewer

MODYUL 1: MGA KASANAYAN (PAKIKINIG, PAGBASA, PAGLINANG NG TALASALITAAN,


PAGSULAT, WIKA AT GRAMATIKA)
Kaligirang Pangksaysayan ng Tanka ng - Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Tanka at Haiku
Tanka at Haiku - isang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon
- mga tulang layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita
lamang
- mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon
upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula
Tanka ika-8 siglo
- Maiikling awitin ang ibig sabihin ng tanka na puno ng damdamin.
- Bawat tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan
- Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig
- Tatlumpu’t isa (31) ang tiyak na bilang ng pantig na may limang (5) taludtod ang tradisyunal na
tanka.
- Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang
dalawang taludtod
- Nagiging daan ang tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki
at babae).
- Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at
dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang tanka.
Haiku ika-15 siglo
- Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang haiku.
- Binubuo ng labimpitong (17) pantig na nahahati sa tatlong taludturan.
- Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto
Pinakaunang Tanka kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o “Collection of Ten Thousand Leaves”
Manyoshu o “Ten Thousand Leaves” - Antolohiyang naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng
nakararami
Kana ponemikong karakter na na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”
Kiru - tawag sa Ingles ay cutting
- Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan
Kireji - salitang paghihintuan o “cutting word”
- kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso
Kawazu - “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol
Shigure - “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku - Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon.
- Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang (31) pantig na may limang taludtod.
Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din
na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.
- Ang Haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong (17) bilang ang pantig na may tatlong
taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na
ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin
Karaniwang Paksa ng Tanka at Haiku - Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa
- Ang paksang ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig
- Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at haiku
Ponemang Suprasegmental - Ito ay makahulugang tunog
- Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang
nais ipahayag ng nagsasalita.
- Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng
nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbigkas at pagsasalita
a. Diin – Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.
Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa:
a) BU:hay = kapalaran ng tao b) LA:mang = natatangi
bu:HAY = humihinga pa la:MANG = nakahihigit; nangunguna
b. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan,
at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.
Mga halimbawa:
a) Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
b) talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
c. Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng
simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//) o gitling ( - )
Mga halimbawa:
a) Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y
napagkamalan lamang na si Arvyl,)
b) Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi
niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua)
c) Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)
MODYUL 2: MGA KASANAYAN: (PAKIKINIG, PAGBASA, PAGLINANG NG TALASALITAAN,
PAGSULAT, WIKA AT GRAMATIKA)
Pabula - isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig
- isang maikling kuwentong kathang-isip lamang
- karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral
- ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa
mga katangian o pag-uugali ng tao
- itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa
- ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito
Kasyapa - Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si Kristo, may itinuring ng pabula ang mga taga- India. Ang
karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga
sinaunang Hindu, si Kasyapa
Aesop - tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa - Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito
Korea ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang
ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan. Ayon sa kanilang
paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang
bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre
at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng
100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa.
Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba
ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba.
- Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamat siya sa diyos at
muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak
na si Hwanung (anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at
pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang
pagkakaroon ng simb-olong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ang Hatol ng Kuneho - Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mga Tauhan:
Tigre
Lalaki
Kuneho
Puno ng Pino
Baka
Ang Pagkiklino (Clinning) ay pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig
Halimbawa: ngiti, hagikgik, tawa, halakhak

halakhak
tawa
hagikgik
ngiti

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o 1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o
Damdamin emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa:
• Naku po, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
• Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!

2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Halimbawa:
• Aray! Nasugatan ako ng patalim.
• Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.

3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao – Ito’y mga
pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng
tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa
mundo. Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang
magulang ang isang walang kamalay-malay na sanggol.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ang nagharap sa isang pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan – Ito ay mga


pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan.
Halimbawa:
Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak.
(Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit.)
MODYUL 3: PANITIKAN: ANG KABABAIHAN NG TAIWAN, NGAYON, AT NOONG NAKARAANG
50 TAON
Sanaysay - isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa
- isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring
tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari,
bagay, at guni -guni
Iba’t-ibang paraan ng pagbuo ng 1. PAGLALAHAD - ito ay naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman o
Sanaysay tumugon sa pangangailangang pangkarunungan na may layuning pumukaw ng
isipan. Ito ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan upang ang pagpapahayag ay
lalong maging mabisa.
2. PAGSASALAYSAY – nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning
magkuwento at sumasagot sa mga katanungang Ano, Sino, Kailan, at Paano. Isa
sa mahalagang paksa sa pagsasalaysay ng isang baguhang manunulat ay ang
tungkol sa kanyang karanasan. Pinakapayak na pagsasalaysay ang isang
pangyayari sa kanyang buhay. Maaari ring tumukoy sa ilang pangyayaring
magkakaugnay. Bukod sa mga karanasan ng isang tao, maaaring mapagkunan
ding paksa ang mga nakita, nabasa, narinig at sariling naisip.
3. PAGLALARAWAN – ang layon ay ipamalas sa nakikinig o nagbabasa ang
hugis anyo ng kabuuan ng isang tao, bagay, o pangyayari sa pamamagitan ng
tama at angkop na mga salita. Nararapat na ang naglalarawan ay may sapat na
kaalaman sa bagay na kanyang inilalarawan. Sa paglalarawan, malimit gumamit
ng pagtutulad at halimbawa sa isang bagay na kilalang-kilala na ng naglalarawan.
4. PANGANGATUWIRAN – nagbibigay ng mga sapat na katibayan o patunay
upang ang isang proposisyon ay maging kapanipaniwala sa iba. Upang maibigay
ang sapat na katuwiran maaaring pagsama-samahing gamitin ang iba’t ibang
paraan ng paglalahad gaya nga ng paglalarawan, pagsasalaysay at iba pa upang
maging mabisa at madali ang panghihikayat ng tinatalakay na paksa.
Ang Kababaihan ng Taiwan,
Ngayon, at Noong Nakaraang 50 Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Taon

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon


Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng
ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa
buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng
kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng
gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang
tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae
ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila
pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang
nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na
nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan
ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang
babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae
pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa
kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.
Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang
maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na
karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang
kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay
tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang
pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa
tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang
aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
MODYUL 4: WIKA AT GRAMATIKA: ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG
OPINYON, MATIBAY NA PANINIDIGAN AT MUNGKAHI
Opinyon - isang saloobin o damdamin lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari at hindi maaaring mapatunayan kung
tama o mali
- ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring nagaganap o namamamalas sa ating paligid ay maituturing na
bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay
- sa pagbibigay ng opinyon, makabubuting tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusupan upang masusing
mapagtimbang -timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap ang ating mga opinyon
Mga pahayag sa pagbibigay ng iyong opinyon o pananaw:
• Sa aking palagay ….
• Sa tingin ko ay ….
• Para sa akin ….
• Ang paniniwala ko ay ….
• Ayon sa nabasa kong datos ….
• Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil ….
Halimbawa:
Para sa akin ang mga kababaihan ay unti-unti na ring napahahalagahan.
Ayon sa nabasa kong datos ang sexual harassment ang madalas na daing ng mga kababaihan.
Ang paniniwala ko ay ang mga kababaihan ay hindi katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”

Mga pahayag sa pagbibigay ng matibay na paninindigan


• Buong giting kong sinusuportahan ang...
• Kumbinsido akong...
• Labis akong naninindigan na...
• Lubos kong pinaniniwalaan...
Halimbawa:
Lubos kong pinaniniwalaan na marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay -proteksiyon sa mga kababaihan.
Kumbinsido akong patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.

Mga pahayag sa pagbibigay ng mungkahi


• Maaari
• Puwede
Maaari kang bumaling sa isang pinagtitiwalaang kaibigan o sa isang makaranasang tagapayo
Talumapti - Isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga
pangkat ng mga tao.
- Layuning humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala.
- Isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
- Maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay
paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang
talumpati. Maaaring pagpasyahan ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng
pagdiriwang o okasyon.
Tatlong Bahagi ng Talumpati
• Panimula – ito ang ginagamit na pangganyak upang mapukaw ang isipan ng mga nakikinig. Dito’y maaaring gumamit
ng mga pagkukuwentong pampatawang may kaugnayan sa paksang tatalakayin
• Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati
• Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na
katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati
Gabay sa Paggawa ng Talumpati
• Paghahanda sa Pagsulat- Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at mga ideya
para sa sulatin.
• Aktuwal na pagsulat- Sa hakbang na ito isinasalin ng mga manunulat ang kanyang mga ideya sa mga pangungusap at
talata.
• Pagrerebisa at Pag-eedit- Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin,
muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng
manunulat.
Mga Patnubay sa Pagbigkas ng Talumpati 1. Layunin
Mahalagang maunawaan ng bibigkas ang tunay na layunin ng talumpati. Hindi ka ilanman mabibigyang buhay ang pyesa kung hindi
malinaw sa bibigkas ang layunin nito.
2. Pagkakaugnay ng Mambibigkas at Madla
Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag niya ang manonood. May malakas siyang hikayat sa madla kung nagagawa
niya itong patawanin o paiyakin sang-ayon na rin sa diwang isinasaad ng talumpati.
3. Tikas o Tindig
Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay nasa nauunang paa. Kadalasang kanan ang nauunang pa a. Ngunit kung patag ang
tayo, ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.
4. Tinig
Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang isinasaalang-alang ay ang diwa ng tula. Kaya’t ang tinig ay maaaring magbagu -bago
ayon na rin sa diwang isinasaad nito. Maaari rin namang pabulong o paanas. Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kaila niya
hihinaan o lalakasan ang tinig ayon sa diwang ipinaaabot ng tula.
5. Panuunan ng Paningin
Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga mata. Dapat itong maiwasan. Nagiging mabisa ang
bumibigkas ku ng alam niya ang pagtutuunan ng kanyang paningin. Karaniwang ang paningin ay nagsisimula sa gitna sa
gawing likuran. Maaari itong igawi sa kanan o kaliwa, ngunit hindi dapat laktawan ang gitna.
6. Himig
Ang isang dapat maiwasan sa pagbigkas ay ang himig na parang ibong umaawit o parang pusang naglalampong. Kung minsan
naman, ang tono o himig ng bumibigkas ay naroong lumakas-humina; humina-lumakas. Ito ang tinatawag na monotone. Hindi ito
kahali-halina sa nakikinig. Ang mahalaga ay ang pagsasaalang-alang sa diwa ng tula o talumpati.
7. Pagbigkas
Dapat maging malinaw ang pagbigkas o pagbitaw ng mga salita ayon sa wastong diin at pagkakapantig nito. Ang mga pantig ay
dapat na ipukol nang malinaw lalo na ang mga salitang may impit na tunog.
8. Pagkumpas
Higit na maganda kung sa pagkumpas ay isinusunod natin ang ating mata. Para bang hinahagod natin ng tingin ang direksyong
itinuturo. Dapat iwasan ang pabigla-bigla o pasulpotsulpot na kumpas. Tandaan na ang bawat pagkumpas ay may layunin.
Damhin kung ano ang nais ipahayag ng tula o talumpati.
MODYUL 5: MGA KASANAYAN: PAKIKINIG, PAGBASA, PAGSULAT, PAGSASALITA, WIKA
AT GRAMATIKA
Maikling Kuwento - isang akdang likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay
- ito ay nababasa sa isang upuan lamang, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan
- ang maikling kuwento ay isang halimbawa ng pagsasalaysay
Pagsasalaysay - isang uri ng pagpapahayag na may layuning ikuwento ang mga kawing-kawing na pangyayari na
maaaring pasalita o pasulat
- isa sa mga pinakagamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa
- maaaring ibatay sa sariling karanasan, nasaksihan o napanood, napakinggan o nabalitaan, nabasa at
maaari ding likhang-isip lamang
- sa paglikha ng isang salaysay, ang may-akda ay dapat na maging malikhain, at magtaglay ng
malawak na imahinasyon sa paglikha ng bisa ng simula at wakas
Edgar Allan Poe “Ama ng Maikling Kuwento”
Mga katangiang dapat taglayin ng isang 1. May Maganda o Mabuting Pamagat – Ito ay dapat na maging maikli lamang, hindi katawa-
talatang nagsasalaysay na isasaalang- tawa at lumilikha ng pananabik.
alang mo sa iyong pagsusulat: 2. May Mahalagang Paksa o Diwa – Kinakailangang ito ay kapupulutan ng aral at maging
kapaki-pakinabang sa babasa. Ito rin ay dapat na nagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga
babasa o makikinig o kaya naman ay naiuugnay sa kanilang karanasan o kalagayan na
makatutulong sa pag-unlad ng kanilang pagkatao.
3. May Wasto o Maayos na Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari. Ang karaniwang
pagsasalaysay ay nag-uumpisa sa simula ng mga pangyayari na sinusundan ng mga gitnang
pangyayari at pagkatapos ay wakas ng pangyayari.
4. May Kaakit-akit na Simula. Ang unang pangungusap ng salaysay ay dapat na malikha ng
pananabik sa babasa o makikinig upang makuha ang atensiyon at interes nito hanggang sa
matapos niya ang pagbabasa o pakikinig.
5. May Kasiya-siyang Wakas. Kinakailangang ang wakas ay nagkikintal ng isang impresyon sa
isip ng babasa upang magkaroon ng bisa.

Sa kabuoan, ang isang talatang nagsasalaysay ay dapat magtaglay ng sumusunod na katangian upang
ito’y maging mabisa:
• Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng kaisahan.
• Kinakailangang ito ay nagbigay-diin sa mahalagang pangyayaring isinasalaysay.
• May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at buhay ang mga pangyayari.
• May kasukdulan na siyang lumilikha ng pananabik sa bumabasa o nakikinig
Mga angkop na gagamitin sa simula, gitna at Simula - noong unang panahon, sa simula pa lamang, at iba pang pananda sa pagsisimula
wakas Gitna - kasunod, sumunod ay, pagkatapos, walang ano-ano, at iba pang pananda na
naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Wakas - sa huli, sa wakas, sa dulo, sa pagtatapos, at iba pang pananda na naghuhudyat ng
makahulugang pagtatapos

Madalas, ang maikling kuwento ay may tatlong bahagi – ang simula, gitna at wakas
1. Simula – Sa bahaging ito isa-isang ipinakikilala ng manunulat ang mga tauhang kanyang
pagaganapin ng mahahalagang papel sa kuwento. Dito rin inilalahad o inilalarawan ang tagpuan ng
kuwento. Maaari itong simulan sa mga panandang inilahad sa itaas. Pagkatapos ay maaaring isunod
ang:
a. Pang-uri gaya ng:
- Napakaganda ng sikat ng araw at napakaaliwas ng paligid…
b. Pandiwa gaya ng:
- Ipinagbunyi ng buong nayon ang kanyang pagdating…
c. Pang-abay gaya ng:
- Matagumpay na naisakatuparan ni Huiquan ang lahat ng kanyang balakin….
2. Gitna – Dito magsisimulang isasalaysay ng manunulat ang mga kawing-kawing na pangyayari.
Ang manunulat ay patuloy na gagamit ng mga naglalarawang salita upang mapanatili ang
kawilihan o interes ng mambabasa sa larawan at aksiyong isinasalaysay. Kinakailangan na ito ay
may kasukdulan o climax. Magiging maayos ang daloy ng mga pangyayari kung ang manunulat ay
gagamit ng mga panandang naghuhudyat ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
gaya ng mga naibigay na halimbawa sa itaas
3. Wakas – Napakahalaga ng bahaging ito sapagkat dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o
magpapabago sa kalooban at isipan ng lahat
“Niyebeng Itim” ni Liu Hueng Isinalin sa Filipino ni Galilio S. Zafra
Mga Tauhan sa “Niyebeng Itim” • Li Huiquan – dating bilanggo na sinikap magbagong-buhay
• Tiya Lou – tumulong kay Huiquan sa paghahanap ng trabaho o mapagkakakitaan
• Tiyo Li – tumulong kina Huiquan at Tiya Lou
• Luo Xiaofen – kababata ni Huiquan
Tapuan sa “Niyebeng Itim” • Lugar – Tsina
• Panahon – Bisperas ng Bagong Taon
MODYUL 6: KASANAYAN (PAKIKINIG, PAGBASA, PANONOOD, PAGSULAT, WIKA AT
GRAMATIKA)
Drama - nahango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin at ikilos at ito rin ay isang
pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan
Dula - ayon kay Aristotle, ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay. Ito’y
kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay – sa wika, sa kilos, at sa damdamin.
Bilang sining, may layunin itong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe o makaantig
ng damdamin at makapukaw ng isip.
- May mga dahilang nagbabago ang paniniwala ng tao dahil sa galaw at pagbabago rin ng mundo.
Dumarating ang isang pambihirang pagkakataon o isang bagay na hindi man inaasahan ay
magpapabago sa ating pananaw, pilosopiya at paniniwala sa buhay.
Elemento ng Dula • Aktor
• Diyalogo
• Direktor
• Iskrip
• Manonood
• Tanghalan
• Tema
Aktor - ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip na isinulat ng mga “Screen writer”. Nasa loob ng
isang iskrip ang mga diyalogo na sinasabi ng mga tauhan
Diyalogo - ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga
emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at
nakakatagos na mga linyang binibitawan ng mga aktor
Direktor - ang siyang nagpapakahulugan sa iskrip at nagsasabi kung ano ang lagay ng entablado, puwesto ng
mga tauhan at iba pang bagay sa entablado o tanghalan
Iskrip - ang pinakaluluwa ng isang dula
Manonood - ang mga taong nagbibigay halaga sa dula
- kung wala ang mga manonood, walang makakakita ng dula na pinaghirapan ng lahat ng tao sa likod
nito
Tanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula; tanghalan ang tawag sa
kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa
kanilang klase
Tema - ang pinakapaksa ng isang dula
- ang nagbibigay ng diin sa mga manonood sa kung ano ang ipinahihiwatig ng dula, ang emosyon ng
mga tauhan, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari at iba pa
Katangian ng Dula • Sulyap sa Suliranin – pagpapakilala sa problema ng kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan, o
kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa.
• Saglit na Kasiglahan – ito ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
• Tunggalian – maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban
sa kanyang sarili, maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian.
• Kasukdulan – sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito pinakamatindi at
pinakamabugso ang damdamin o ang pinakakasukdulan ng tunggalian.
• Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
Kalutasan – dito mawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula.
Bahagi ng Dula • Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilaladlad ang pangmukhang tabing upang
magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood.
• Tanghal – ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng
tanghalan.
• Tagpo – ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.
Pang-ugnay - Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng
dalawang sugnay.
3 Uri ng Pang-ugnay
1. Pang-angkop (ligature) – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganap lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan. May dalawang uri ng pangangkop.
a. Ang pang-angkop na – ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat ng nakadikit sa unang salita.
Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salitang panuring.
Mga Halimbawa:
masarap na kainan
aklat na makapal
bahay na bato
b. Ang pang-angkop ng – ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Mga Halimbawa:
maruming damit
lupang hinirang
babaeng salawahan

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng.
Mga Halimbawa:
balong malalim
bayang malaya
2. Pang-ukol (preposition) – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/kina
Ayon sa anunsyo kahapon sa radyo, magkakaroon ng malawakang rally sa Gitnang Luzon.
Alinsunod sa itinadhana ng batas, ang mga mapatutunayang may kinalaman sa krimen ay papatawan ng karampatang kaparusahan.

3. Pangatnig (conjunction) – ito ay bahagi ng salitang nag-uugnay ng isang salita o kaisipan sa isa pang salita o kaisipan sa isang pangungusap.
a. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.
Mga Halimbawa:
Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nag-isip ng gayon.
b. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat
Mga Halimbawa
subalit, datapwat, bagama’t, kahit, habang
Sasali raw siya kahit masama ang kanyang loob.
Siya ay umaawit habang kami ay kumakain.
c. Panubali o Panlinaw – Kung may pag-aalinlangan o pagbabasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali, kung gayon.
Mga Halimbawa:
Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan baka magsisi ka pagdating ng araw.
Gusto mong sumama kung gayon magbihis ka.
d.Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad ng kadahilanan.
Mga Halimbawa:
sapagkat, dahil sa, palibhasa, kasi
Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa kinain niyang hilaw na mangga.
Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmalupitan.
“Munting Pagsinta” mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan
ni Sergei Bordrov, Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
Mga Tauhan ng “Munting Pagsinta • Temüjin - anak ni Yesügei na mula sa Tribong Borjigin
• Yesügei- ama ni Temüjin
• Borte - isang dalaginding na taga ibang tribo
Tagpuan ng “Munting Pagsinta - Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang
naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng makipot at
karima-rimarim na piitan.
MODYUL 7: MGA KASANAYAN: PAKIKINIG, PAGBASA, PAGLINANG NG TALASALITAAN,
PAGSULAT NG SARILING AKDA NA NAGPAPAKITA NG PAGPAPAHALAGA SA PAGIGING
ISANG ASYANO
Akdang Panitka na may Tatlong Bisa: (1). Bisang Pangkaisipan na nagbubunsod sa mga mambabasa na mag-isip upang umunlad
ang diwa at kaisipan.
(2). Bisang Pangkaasalan na tumutulong sa paghubog ng katauhan ng mambabasa.
(3). Bisang Pandamdamin na tumutukoy sa mga nabuong damdamin o emosyon batay sa
akdang nabasa.
Ang isang manunulat ay hindi lamang dapat Magtanong – Ano ang aking isusulat? Ano ang magiging paksa at tema ng aking sulatin? Para
na marunong magsatitik ng mga kanino ang aking susulatin?
nararamdaman iniisip, nakikita, naririnig, Magplano – Paano ko sisimulan? Anong estilo ang gagamitin ko? Saan ako maghahagilap
napanonood at nasaliksik. Dapat ay ng mga datos? Sino ang mga nararapat kong kapanayamin?
marunong din siyang: Magbalangkas – Ano ang mga dapat na nilalaman ng aking panimula? Ng gitna? Paano ko ito
wawakasan?
Magrebisa – Ano kayang bahagi ng akda ang dapat kong alisin dahil walang kaugnayan sa
paksa? Paano ko pa mas mapupukaw ang interes ng mga mambabasa sa umpisa? Paano ko mapananatili ang
kanilang kawilihan? Angkop ba ang mga salitang ginamit ko? Wasto rin ba ang mga bantas na ginamit ko?
Bilyon ang Naitala, Barya ang Nakukuha Halaw sa Pinoy Week, Agosto 12, 2020
Bilyon ang Naitatala, Barya ang Nakukuha
Halaw sa Pinoy Week Agosto 12, 2020

Bumubulusok ang ekonomiya ng bansa. Nakita na itong paparating ilang buwan bago pa naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) itong
pinakamatinding paglubog ng ekonomiya simula noong dekada otsenta. Ang magiging tugon kaya ng gobyerno’y katulad ng sa pandemya: Mabagal, magulo,
at maliit kung ikukumpara sa gahiganteng kahingian? Dala ng usaping ekonomiya ang mga numero at termino na sa totoo’y ibang pangalan lang para sa
kalunus-lunos na danas ng karaniwang Pilipino. Iba-iba ang mukha ng 16.5 porsiyento na naging pagliit ng gross domestic product (GDP) ng bansa ngayong
ikalawang kapat ng 2020.

Nariyan ang mga pamilyang umaasa sa remitans ng kamag-anak na Overseas Filipino Worker, pero ngayo’y mas maliit ang natatanggap, kung mayroon
pa. Makikita itong tinatawag na recession sa danas ng mga pamilyang sabay-sabay nawalan ng bread winner, o kaya nama’y gahiganteng tapyas sa suweldo
ang hinarap. Sa tala ng PSA nitong Abril, halimbawa, may 7.3 milyong katao sa Pilipinas ang nawalan ng trabaho. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito kung
hindi makokontrol ang coronavirus disease-2019 (Covid-19) at patuloy na magtitipid ang mga negosyante at employer.

Paghingi ng ayuda sa kung sino-sino sa Facebook. Panlilimos ng mga tsuper. Pakikipagbarter ng kagamitan may maipangraos lang sa araw-araw o sa
darating na pasukan ng mga estudyante. Ito ang danas na dapat kasabay na sinisilip ng gobyerno habang gumagawa ito ng komprehensibong tugon
pangekonomiya.

Pero sa ginagamit na pananalita ng administrasyon at ng ibang ekonomista, hindi ito ang nakikita natin. Natural ang recession. Makakabangon ang
ekonomiya. Ang pagbulusok ng ekonomiya’y dahil sa pandemya. Ilan lang iyan sa mga katagang maya’t maya lumalabas sa bibig ng mga opisyal. Halimbawa,
noong unang linggo ng Mayo, sabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gob. Benjamin Diokno na “makakabangon naman ang ekonomiya bago matapos ang taon”.
Ang idinugtong niya ang mahalagang pagtuunan. Sabi niya, makakabangon naman “kung makokontrol ang pandemya sa ikalawang kapat ng taon.”

Ikalawang kapat na ng taon at kaliwa’t kanan ang paghingi ng saklolo ng healthcare workers. Ang kinailangan sana’y pagkontrol sa pandemya, hindi
pagdepende sa bakunang hindi pa nalilikha, hindi milagrosong biglaang pagkawala ng sakit.

Posible ba sana ito? Kung titignan ang kaso ng Vietnam, na ngayo’y nakakakita na ng maliit na pagangat ng ekonomiya, oo.

Ayon na nga sa executive director ng Ibon Foundation na si Sonny Africa, “pinagdurusahan natin ang pinakamalalang krisis pangkalusugan at pang-
ekonomiya sa Timog Silangang Asya, at maging sa naitala nating kasaysayan.”

Ngayon, kailangang bantayan ng bawat Pilipino ang binubuong tugon ng administrasyon. Sa datos ng naging paggastos ng mga gobyerno sa Timog
Silangang Asya ngayong panahon ng pandemya, isa na ang administrasyong Duterte sa pinakakuripot. Dinaig pa ito ng mga gobyerno ng Brunei at Timor
Leste, dalawang bansa na mas maliit ang ekonomiya kaysa sa Pilipinas.

Nakikita nating nagpapatuloy ang barya-baryang pagtugon na ito sa isinusulong na Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2, na maglalaan ng hindi
lalagpas sa P180- Bilyon, o wala pa sa isang porsiyento ng GDP ng bansa. Itong paggastos sana ng gobyerno ang makatutulong sa milyong pamilya na
ngayo’y walang maipangtustos, at maliliit na negosyong hindi nakayanan.

Mga hakbang sa pagsulat a. Tukuyin ang paksa at/o tema ng akdang isusulat.
b. Tukuyin ang layunin sa pagsulat (Magpaliwanag, Mangatwiran, Maglarawan o Magsalaysay)
c. Tukuyin kung saan at paano makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng paksa (Mag-iinterbyu?
Magsasaliksik? Magsasagawa ng sarbey?)
Mga dapat gawin bago sumulat (Pre-writing a. Pagtatanong – Dito nagsisimula ang pagkakaroon ng mas maraming kaalaman
Activities) b. Pagbabasa at Pananaliksik – Napalalalim ang mga nakalap na impormasyon o kaalaman
c. Pag-iinterbyu – Nakakukuha ng mga karagdagang datos at kaalaman
d. Pagsasagawa ng sarbey – Nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan ang mga nakalap na
datos
Aktuwal na pagsulat - Dito nagaganap ang pagsasatitik ng mga nakalap, nabasa, narinig at nasaliksik na kaalaman sa isang
lohikal at organisadong pamamaraan
Pagkatapos ng pagsulat - Dito nagaganap ang pag-e-edit at pagrerebisa ng sulatin. Binabasa muli ang nabuong sulatin upang
maiwasto ang mga maling baybay, mapalitan ang mga salitang mali ang pagkakagamit, at
matanggal ang mga pangungusap at/o talata na nakaaapekto sa kaayusan at kaisahan ng mga
kaisipan o ideya.

You might also like