You are on page 1of 3

Notre Dame of Talisay City

Baitang: 9 Bilang ng Linggo: 9


Asignatura: Filipino 9 Aralin: 1
Paksa: Tanka at Haiku

Layunin:
 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku
 Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat
 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin, at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku

BASAHIN

Ang Panulaan Ng Bansang Hapon


Ang panitikan ng imperyong Hapon ay yumabong sa panahon ng Heian. Sinasabing ang saklaw ng panahong ito ay sa
pagitan ng 794 hanggang 1185 CE. Kilala ang panahong ito sa lubos na patangkilik ng panulaang Hapon at Tsino. Isa
sa mga dahilan nito ay pagtingin sa panulaan bilang isa sa pinakamataas na uri ng sining. Labis na tinitingala ng
lipunan ang mga indibidwal na may pagpapahalaga sa mga tula. Anyong Tanka, dito nagsimulang umusbong ang
paglikha ng tulang maiikli ang anyo dahil nagmula ito sa anyong maikling awitin. Tinatawag itong tanka na
nangangahulugang “maikling awitin” at nagtataglay ng 5-7-5-7-7 na sukat na may 31.
Ang ilang tanyag na makata sa paglikha ng tulang tanka ay mga babae gaya ni Lady Murasaki Shikibu, ang sumulat ng
The Tale of Genji, isang klasikong prosa na naglalaman ng mahigit na 400 na tanka. Tunghayan natin ang kanilang
nilikhang tankan a isinalin.

Though we have promised Sumumpa pa man 5


To be in love forever Na umibig nang wagas 7
There is still sadness… may lungkot pa rin 5
Since even in these lives of ours Pagkat sa buhay natin 7
Mere tomorrow is unknown Bukas ay di mawari 7
Anyong Haiku -Lady Murasaki Shikibu
Ang haiku ay nilikha noong ika-15 siglo. Ito ang itinuturing na pinakatanyag, sapagkat sa maikling anyo nito ay
nararapat na naipahayag na ng manunula ang kanyang ideya kung kaya lumutang ang husay nila na hahangaan ng
marami. Ang katangian nito ay ang pagiging payak subalit mayaman sa mensaheng ipinarating sa mambabasa. May
labimpitong pantig ito na nahahati sa tatlong linya o taludtud o nasa ayos na 5-7-5 ang anyo. Mula sa kalikasan ang
karaniwang paksa nito. Pinakatanyag sa pagsulat ng haiku ang pinakasikat na manunulang si Matsuo Basho, tunghayan
natin ang kanilang nilikhang tankan a isinalin.

From time to time Paminsan-minsan


The clouds give rest Ulap ay sumisilyap
Ayon kay Jose Villa Panganiban, isang kilalang manunulat na Pilipino, ang pagsulat ng Haiku ay isang uri ng
To the moon-beholders Sa b’wang kay ganda
pagpapabuti sa kasanayang pagpapatalas ng pagmamasid, pagbibigay ng interpretasyon sa pangyayari, pag-unawa sa
-Matsuo Basho
batas ng kalikasan, pagbuo ng wastong pananalita ayon sa kailangan ng isapan at pagbuo ng sariling katauhan.

Panuto: Sagutan ang mga tanong ( ½ cw)


1. Ano-ano ang mga bagay na kauganay ng panulaan ang magpapatunay ng pagiging malikhain ng mga
Hapones?
2. Bakit kinikilala bilang mataas na uri ng sining ang panulaan?
3. Ano-ano ang dahilan sa pagiging tanyag ng haiku bilang anyo ng tula?
4. Paano nagging tanyag pagsulat ng mga tulang tanka at haiku?
5. Bakit kaya mga babae ang unang napatanyag sa paglikha ng tanka?
Linangin Natin ang Kasanayan sa
Wika at Gramatika

Paggamit ng suprasegmental na antala/ hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.


Ang ponemang suprasegmental ay kumakatawan sa makahulugang tunog sa bahagi ng pananalita at sulatin sa
pamamagitan ng antala/hinto, diin at tono.
Ang Antala o hinto ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng nais iparating
sa kausap. Sa pagsulat, sinisimbolo ng Kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng pahayag.
Nilalagay di ng isang bar o guhit na pahilis (/) ang isang saglit na paghinto, at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng
pahayag. Ang mga simbolong ginagamit sa antala ay nagpapabago ng kahulugan ng pahayag.
Halimbawa: Hindi/ malakas ang pagbigkas niyas ng tula.//
(sinasabing malakas ang pagbigkas niya nga tula)
Hindi malakas/ ang pagbigkas niya ng tula
(pinatutunayang hindi malakas ang pagbigkas niya ng tula)
Ang diin ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. Ginagamit ang simbolong /./ upang matukoy ang pantig
ng salita na may diin. Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba-iba ng pantig na binibigyan-diin, karaniwang nagbabago
ang kahulugan ng salita.
Halimbawa: /buhay/ sa wikang ingles ay alive
/bu.hay/ sa wikang ingles ay life
Ang tono ay ang pataas o pababa ng pagbigkas ng mga pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang
pakikipag-usap sa kapwa at ito ay ang pagpapahayag ng tindi ng damdamin.

PAGSASANAY

PANUTO: Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pagbuo ng tanka at haiku sa pamamagitan ng pagpupuno sa
talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa isa’t kalahating papel (1/2cw)

TANKA HAIKU
Panahon kung kalian naisulat
Paksa o tema
sukat

PAGPAPAHALAG
A

“Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pagsulat ng haiku ay isang uri ng pagpapabuti sa mga kasanayan tulad ng
pagbubuo ng sariling katauhan.”
Isulat mo nang iyong natatanging katangian sa dayagram. Pagkatapos, bumuo ka ng tulang haiku pagbasihan ang iyong
nilagay na katangian. ( Ilagay sa Short bond Paper)

ANG MGA KATANGIAN KO


PAGTATAYA

Panuto : Gumamit ng isa’t kalahating papel (1/2cw) para sa sagot.


A. Ipaliwanag ang sumusunod na mga pahayag.(2 puntos ang bawat tamang sagot)
1.Hindi, si Minerva ang nanalo sa timpalak ng balgatasan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

2.Hindi si Minerva ang nanalo sa timpalak ng balagtasan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

3. Jacob, Dan, ang aking tatay

4. Jacob Dan, ang aking tatay

5. Hindi, si Cora ang maysala

TAKDANG
ARALIN

PANUTO: Sumulat nang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat. Isulat ito sa Short bond Paper. Lagyan ito ng
desinyo ayon sa nais na paksa. Sundan ang gabay sa ibaba.

TANKA
HAIKU
5-7-5-77
5-7-5

Sanggunian: Pintig ng Lahing Pilipino 9


Kagamitan: Aklat

You might also like