You are on page 1of 15

Aralin 1:

Tanka ni Ki no
Tomonori at Haiku ni
Basho Japan
(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat )
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga
mag-aaral ay inaasahan nang:

1. Natukoy ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng estilo ng pagbuo
ng tanka at haiku mula sa
binasang teksto;
2. Nabigyang kahulugan ang
mensaheng nakapaloob sa
ibinigay na mga halimbawa na
tanka at haiku;
3. Nakasulat ng sariling tanka at
haiku sa tamang anyo at sukat.
Panuto: Bigkasin ang mga sumusunod na pahayag
sa paraang pagalit, umiiyak, malungkot at masaya .
Mga gabay na tanong:

1.Ano ang pinapaksa ng bawat pahayag?


2.Ano sa tingin mo ang angkop na emosyon
dapat gamitin sa pagbigkas ng tatlong
pahayag? Bakit?
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at
Haiku
Ang tankaIsinalin
at haiku ay ilang
sa Filipino anyo
ni M.O. ng tula na
Jocson
pinahahalagahan ng panitikang Hapon.
Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at
ang haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang
ito layong pagsama-samahin ang mga ideya
at imahe sa pamamagitan ng kakaunting
salita lamang.
TANKA
-Kasama sa kalipunan ng mga tula
na tinawag na Manyoshu o
Collection of Ten Thousand Leaves.
-Ang mga unang makatang Hapon
ay sumusulat sa wikang Tsino
sapagkat eksklusibo lamang ang
wikang Hapon sa pagsasalita at
wala pang sistema ng pagsulat.
-Tinawag na Kana ang ponemikong
karakter na ito na ang ibig sabihin
ay “hiram na mga pangalan.”
-Maiikling awitin ang ibig sabihin ng
tanka na puno ng damdamin.
HAIKU
-Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na haiku.
-Pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng
taludtod na may wastong antala o paghinto.
-Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru
ay kahawig ng sesura sa ating panulaan.
-Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o
cutting word.
Estilo ng Pagkakasulat ng
Tanka at Haiku
Naririto ang mga halimbawa ng tanka at haiku na
mula sa Wikang Nihongo ay isinalin naman sa Ingles
at Filipino. Basahin at suriin.
Mga gabay na tanong:
1. Anong damdamin ang nangibabaw sa ilang halimbawa
ng tanka at haiku na tinalakay? Ganito rin ba ang iyong
naramdaman? Bakit?
2. Ano ang karaniwang paksa ng tanka at haiku? Ano ang
nais ipahiwatig nito?
3. Paano nakatutulong ang tanka at haiku sa pagpapakilala
ng kultura ng bansang pinagmulan nito?
4. May pagkakaiba ba ang
pagbigkas ng tanka at
haiku? Sa paanong paraan?
5. Kung ikaw ang susulat ng
ganitong uri ng tula, ano
ang paksang nais mong
talakayin? Ipaliwanag.
Panuto: Sumulat ng tig-dalawang halimbawa
ng sariling haiku at tanka na may kaugnayan
sa pandemyang kinakaharap sa kasaluyang
panahon. Ito ay isusumite at ipapaskil sa
facebook page. (20 Puntos)
Tayahin Mo!
Panuto: Pindutin ang link na nakalagay sa ibaba para
sa pagsusulit at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.

https://quizizz.com/admin/quiz/60e184b2
6e08e3001b958fa2
Inihanda ni:
Armando B. Lagat
BSEd-3B Filipino

You might also like