You are on page 1of 20

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN SA NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

HULWARANG KONTEKSTUWALISADONG
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
(Prototype Contextualized Detailed Lesson Plan in Filipino 9)

Pamantayan sa Baitang 9: Pagkatapos ng Baitang 9, naipamamalas ng


mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-
unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang
pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayang
Pamantayan sa Pangnilalaman:
Pagganap: Ang Naipamamalas ng mag-aaralngang
mag-aaral ay nakasusulat pag-
sariling
unawa
akda na sa mga pilingng
nagpapakita akdang tradisyonalsa
pagpapahalaga ngpagiging
Silangang Asya
isang Asyano

Tema: Ikalawang Markahan: Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang


F9EP-IIa-b-15
Asya Nakapagsasaliksik ng kulturang nakapaloob sa tanka
Code atMga
haiku ng Silangang
Kasanayang Asya
Pampagkatuto sa Bawat Domain
F9PB-IIa-b-45 Nakapagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo
ng pagbuo ng tanka at haiku
F9PT-IIa-b-45 Nakapagbibigay kahulugan ng matatalinghagang salitang
ginamit sa tanka at haiku
F9PD-IIa-b-45 Nakapaghahambing ng sariling damdamin sa damdamin
ng bumibigkas batay sa napanood na paraan
ng pagbigkas ng tanka at haiku
F9WG-IIa-b-47 Nakagagamit ng suprasegmental na antala/hinto, diin
at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku
F9PN-IIa-b-45 Nakapagsusuri ng tono ng pagbigkas ng napakinggang
tanka at haiku
F9PU-IIa-b-47 Nakasusulat ng payak na tanka at haiku sa tamang anyo
at sukat
F9PS-IIa-b-47 Nakabibigkas ng isinulat na tanka at haiku
nang may wastong antala/hinto, at damdamin

UNANG SESYON

I. Layunin:
A. Nakapagsasaliksik ng kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng
Silangang Asya (F9EP-IIa-b-15)
B. Nakapagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo
ng tanka at haiku(F9PB-IIa-b-45)
1. Nakasusuri ng mensaheng nakapaloob sa binasang
tanka at haiku nang may 80% kaangkupan
2. Nakapaghahambing ng tanka at haiku batay sa
tiyak na sukat ng mga ito

II. Nilalaman:
A.Paksa : Tula: Tanka nina Oshikochi Mitsune at Prinsesa Nukada at
Haiku ni Gonzalo K. Flores
Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 91-92
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Mga Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 91-92
2. Mga iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. URL
b. CD

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
1. Gamit ang powerpoint presentation magpakita ng mga
larawan na may kaugnayan sa bansang Hapon. LINK

2. Magkaroon ng talakayan patungkol sa mga larawan. Hayaang


magbahaginan ng opinyon ang mga mag-aaral gamit ang mga
gabay
na tanong sa ibaba.
a.Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
b.Anong kultura ang mapapansin sa larawan?
c.Paano naipakita ang kultura ng bansang pinagmulan ng
tinalakay na akda? Ipaliwanag.
d. Pokus na Tanong:
1. Paano masasalamin sa tanka at haiku ang kultura ng
bansang Hapon?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


Pagpapanood ng video presentation tungkol sa pagbigkas ng tanka
at haiku (orihinal na bersyon) dlp pix\tanka.mp4, dlp pix\haiku.mp4
Itanong :
a. Mayroon bang pagkakaiba ang tanka at haiku base sa inyong
napanood ? Pangatwiranan.
b. Ano ang kahulugan ng simbolismong ginamit? Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #1:
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang Unang pangkat ay
bibigkasin ang mga halimbawa ng Tanka at ang Ikalawang pangkat
naman ay ang Haiku. Pagkatapos bigkasin, magkaroon ng maikling
talakayan.
Tanka Haiku

Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi


ni Oshikochi Mitsune Isinalin sa ni Gonzalo K. Flores
Filipino ni M.O. Jocson
Hila mo’y tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig
Wakas ng paglalakbay Sa paglapit mo.
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
Naghihintay Ako Anyaya
ni Prinsesa Nukada ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Ulilang damo
Naghintay ako, oo Sa tahimik na ilog
Nanabik ako sa ‘yo. Halika, sinta
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Mga gabay na tanong:


a. Ano ang katangian ng tanka at haiku?
b. Ano-anong simbolismo ang ginamit sa bawat tula?
c. Paano nagkakahawig at nagkakaiba ang tanka at haiku?
d. Anong estilo sa pagsulat ng tanka at haiku ang nagpapahayag ng
kultura ng Silangang Asya?

F. Paglinang sa Kabihasaan:
1. Suriin Mo!
Suriin ayon sa paksa ang mensaheng nais ipabatid ng binasang
tanka at haiku. Kopyahin ang pormat sa ibaba sa sagutang papel.
Pamagat Paksa Mensahe
Tanka
Naghihintay Ako Pag-ibig Ang paghihintay sa
taong minamahal mo ay
nangangahulugan ng
pag-ibig.
Katapusan ng Aking
Paglalakbay
Haiku
Tutubi

Anyaya
Hikayatin ang mag-aaral na ibahagi ang kanilang sagot sa klase.
Pagtalakayanan.

2. Mula sa binasang Tanka at Haiku, isa-isahin ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian. Kopyahin sa
sagutang papel ang graphic organizer.

Tanka at Haiku
Tanka Haiku
Pagkakaiba Pagkakaiba
___________ ___________
___________ ___________
___________
Pagkakatulad ___________
__________________________ ___________
___________
__________________________ ____
____
Sagutin ang gabay na tanong.
a. Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku.

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

IKALAWANG SESYON
I. Layunin:
A. Nakapagbibigay kahulugan ng matatalinghagang salitang ginamit
sa tanka at haiku(F9PT-IIa-b-45)
B. Nakapagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng
pagbuo ng tanka at haiku(F9PB-IIa-b-45)

II. Nilalaman:
A.Paksa : Tula: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Basho
Isinalin ni Vilma C. Ambat
Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
p. 95
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Mga Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 95-96
2. Mga iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. CD

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin:
1. Paano ipinakita ng tanka at haiku ang kultura ng bansang Hapon
batay sa mga halimbawang tinalakay ng nagdaang araw?
2. Paano nakatutulong ang Tanka at Haiku sa pagpapakilala ng
Kultura ng bansang pinagmulan nito?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


Pokus na Tanong:
Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang estilo ng pagbuo ng tanka
at haiku?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1:


1. Ang guro ay magpaparinig ng sariling likhang odyo ng kaligirang
pangkasaysayan ng tanka at haiku. dlppix\
kaligirangpangkasaysayan.m4a

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku


Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng
panitikang Hapon. Ginawa ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku
noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga
ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag
na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na
naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at
inaawit nang nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang
impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapon.
Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat
eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng
pagsulat.Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalong siglo, isang sistema ng
pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina
upang ilarawan ang tunog ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong
karakter na ito na ang ibig sabihin ay “ hiram na mga pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang
pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng
madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan,
ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan
nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat
Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman
ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng
pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga
taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang
dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng
damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa
paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at
dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang
isang Tanka.
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong
ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon.
Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap
nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong
taludturan.
Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may
wastong antala o paghinto .Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang
kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang
paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa
sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy
ng kaisipan upang makapagbigay daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng
naunang berso sa sinundang berso. Maaari rin namang makapagbigay - daan
ito sa marangal na pagwawakas.
Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan.
Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol.
Ang shigure naman ay “ unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”.
Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at
paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng
nakapaloob sa tula.

Mga gabay na tanong:


a. Bakit kinahiligan ng mga Hapon ang pagsulat ng maiikling tula?
b. Ano ang kaugnayan ng Tsina sa pagsulat ng tula ng mga
Hapon?
c. Paano pinahahalagahan ng mga Hapon ang kanilang kultura?
d. Ano-ano ang katangiang nabanggit patungkol sa tanka at
haiku?

Mula sa napakinggang odyo maaaring magkaroon ng dugtungang


pagsasalaysay ang mag-aaral sa gabay ng guro. (opsyunal)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


#2:

1. Gumamit ng powerpoint upang ilahad ang estilo ng pagkakasulat ng


tanka at haiku. dlp pix\tanka at haiku.ppt
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku
Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Hapon. Maiikling
awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang
taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o
maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang
pantig pa rin.
Samantala, ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong
bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa
mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng
pantig ay labimpito pa rin.
Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang
paksang ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.

Sabihin : Narito ang mga halimbawa ng Tanka at Haiku na mula sa


Wikang
Nihonggo at isinalin naman sa Ingles at Filipino.

2. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Ang unang pangkat ay babasahin


ang tanka at haiku sa wikang Hapon, ang ikalawang pangkat naman
ay ang wikang Ingles at ang wikang Filipino naman ang sa ikatlong
pangkat.

Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon Ingles Filipino
Hi-sa-ka-ta no This perfectly still Payapa at tahimik
Hi-ka-ri no-do-ke-ki Spring day bathed in soft light Ang araw ng tagsibol
Ha-ru no hi ri From the spread-out sky Maaliwalas
Shi-zu ko-ko-ro na-ku Why do the cherry blossoms Bakit ang Cherry Blossoms
Ha-na no chi-ru-ramu So restlessly scatter down? Naging mabuway

Haiku ni Bashō
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon Ingles Filipino
ha-tsu shi-gu-re An old silent pond... Matandang sapa
sa-ru mo ko-mi-no wo A frogs jumps into the pond Ang palaka’y tumalon
ho-shi-ge na-ri splash! Silence again. Lumalagaslas

Mga gabay na tanong:


a. Nanatili ba ang tiyak na bilang ng pantig ng tanka at haiku batay sa
pagkakasalin nito? Patunayan.
b. Ano ang mensahe ng tanka at haiku mula sa orihinal na bersyon
hanggang sa pagkakasalin?
c. Ano ang nais mong bigkasin sa tatlong uri ng pagkakasulat ng tula?
Ipaliwanag.

3. Paglinang ng Talasalitaan
Batay sa kultura ng mga Hapon, isulat sa loob ng kahon ang
mga salitang kaugnay ng kahulugan o ipinahihiwatig ng mga salitang
nasa biluhaba. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Cherry
palaka taglagas
Blossoms

kahulugan kahulugan kahulugan

kaugnay o kono- kaugnay o kono- kaugnay o kono-


tasyong kahulu- tasyong kahulu- tasyong kahulu-
gan gan gan

F. Paglinang sa Kabihasaan:
Hatiin sa dalawang (2) pangkat ang klase at magsagawa ng isang
larong PILIIN MO.

Mekanismo ng Laro: Ihanda ang mga flashcard na naglalaman ng


mga katangian ng tanka at haiku na nakalagay sa isang kahon. Ang
pangkat 1 ay kinakailangang mapili sa kahon ang mga katangian ng
tanka at sa pangkat 2 naman ang haiku. Ang unang pangkat na
makapagdikit sa pisara ng kumpletong katangian ng napiling tula ang
itatanghal na panalo.

31 Pantig 17 Pantig Pag-ibig Kalikasan

7-5-5-7-7 7-5-5 7-7-7-5-5 5-7-5

Pagbabago Pag-iisa Ika-15 siglo Ikawalong Siglo

IKATLONG SESYON

I. Layunin:
A. Nakapaghahambing ng sariling damdamin sa damdamin ng
bumibigkas batay sa napanood na paraan ng pagbigkas ng tanka at
haiku(F9PD-IIa-b-45)
1. Nakapagpapaliwanag ng konotasyon at denotasyong
kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa tanka, haiku at
tanaga
2. Nakapaghahambing ng sariling damdamin sa damdamin ng
bumibigkas sa napanood na paraan ng pagbigkas ng tanka,
haiku at tanaga
II. Nilalaman:
A.Paksa : Tula: Tanka nina Ki Tsurayuki at Oshikochi Mitsune at Haiku
nina Natsume Soseki at Matzu Basho
Isinalin nina Vilma C. Ambat at M.O. Jocson
Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-98
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Mga Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 97-98
2. Mga iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. URL
b. CD

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
1. Gamitin ang estratehiyang fish bowl. Bumunot ng salita mula sa bowl
at ibigay ang kahulugan.

Puso
Apoy

Bola

2. Pokus na tanong:
Bakit kailangang paghambingin ang sariling damdamin sa
damdamin ng bumasa?
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:
Bigkasin ang tula.
Halimaw Taripa
Isinulat ni April R. Macaslam Isinulat ni April R. Macaslam
Dambuhalang makina Madla’y sadyang nabigla
Hatid mo ay pangamba Dibdib wari’y napiga
Bagong Teknolohiya Batas na tila sigwa
Pag-unlad siyang nasa. Si Juan ang kawawa.
Itanong:
a. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa tula.
b. Anong partikular na sektor ng lipunan ang inilalarawan ng
tula? Ipaliwanag.
c.Nailahad ba ng tula ang kultura ng ating lalawigan?

Kung may Tanka at Haiku ang Hapon, tayo naman sa Pilipinas


ay may Tanaga. Ang halimbawa nito ay ang tulang binigkas ninyo.
Ang Tanaga ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may
layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masining na
paggamit ng antas ng wika. Binubuo ito ng tigpipitong pantig sa bawat
taludtod ng bawat saknong ( 7-7-7-7 ).

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong aralin #1:


Kolaboratibong Gawain: Ang klase ay papangkatin sa tatlo (3). Bawat
pangkat ay bibigkasin ang mga halimbawa sa ibaba sa iba’t ibang paraan
ng pagbigkas ayon sa damdaming nakapaloob sa tula. ( Halimbawa: takot,
galit at saya)

Haiku Tanaga
ni Natsume Soseki Tag-init
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat ni Ildefonso Santos

Sa kagubatan Alipatong lumapag


Hangi’y umaalulong Sa lupa, nagkabitak
Walang matangay Sa kahoy, nalugayak
Sa puso, naglagablab
Haiku Kabibe
ni Bashō ni Ildefonso Santos
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Kabibe ano ka ba
Ambong kaylamig May perlas maganda ka
Maging matsing ay nais Kung idiit sa tainga
Ng kapang damo Nagbubuntong hininga

Tanka
Hindi Ko Masabi Katapusan ng Aking Paglalakbay
ni Ki Tsurayuki ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Isinalin ni M.O. Jocson

Hindi ko masasabi Napakalayo pa nga


Iniisip mo Wakas ng paglalakbay
O aking kaibigan Sa ilalim ng puno
Sa dating lugar Tag-init noon
Bakas pa ang ligaya Gulo ang isip.
Gabay na tanong:
a. Ipaliwanag ang konotasyon at denotasyon ng salitang nasa
talahanayan. Gawin ito Pisara o Manila paper na inihanda ng
guro.

Denotasyon Konotasyon
umaalulong
damo
alipato
kabibe
bakas
nagkabitak

Inaasahang sagot
Denotasyon Konotasyon
umaalulong mahabang panaghoy nakatatakot na
pangyayari
damo pagkain ng hayop marijuana
alipato bahagi ng baga na damdaming pagkagalit
lumilipad
kabibe talukap, pinagmumulan Magandang dalaga
ng perlas
bakas marka, ebidensiya Alaala ng nakaraang
pangyayari
nagkabitak Nabasag, nagkalamat Nasira ang tiwala

Para sa letrang b at c gamitin ang estratehiyang Think-Pair-Share.


Sabihin: 1.Mag-isip ng mga konsepto at ideya tungkol sa paksa ng aralin.
2.Humanap ng kapareha at paghambingin ang kanilang kaisipang
nabuo.
3.Makipagbahaginan sa talakayan ng klase tungkol sa paksa.
b. Paghambingin ang ilang halimbawa ng Tanka, Haiku, at Tanaga
batay sa sukat, tugma at pagbigkas.
c. May pagkakatulad ba ang pagsulat ng mga Pilipino ng Tanaga
sa
pagsulat ng Tanka at Haiku ng mga Hapon? Patunayan.
F. Paglinang sa Kabihasaan:
Ang guro ay magpapanood ng video ng pagbigkas ng tanka at haiku.
(bersyong salin sa Filipino)
a. Batay sa napanood na video sa pagbigkas ng tanka at haiku,
ano ang pagkakaiba ng pagbigkas mo sa paraan ng pagbigkas
ng nasa video?
b. Anong damdamin ang nangibabaw sa ilang halimbawa ng
tanka, haiku at tanaga na tinalakay? Ganito rin ba ang iyong
naramdaman? Bakit?
IKAAPAT NA SESYON
I. Layunin:
A.Nakapagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
tanka at haiku F9PB-IIa-b-45
II. Nilalaman:
A.Paksa : Tula: Tanka nina Ki Tsurayuki at Oshikochi Mitsune at Haiku
nina Natsume Soseki at Matzu Basho
Isinalin nina Vilma C. Ambat at M.O. Jocson
Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-98
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Mga Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 97-98
2. Mga iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. URL
b. CD

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin
Pass the ball game: Sa gabay ng guro, magpapasahan ang mga mag-
aaral ng bola habang tumutugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang batang
may hawak ng bola ang sasagot kung ano ang natutunan niya sa
nagdaang aralin.
B. Paglalahat ng aralin
1. Kahon ng Kaalaman. Itala sa loob ng kasunod na kahon ang
mahahalagang impormasyon na nakalap patungkol sa tanka at haiku.
Hanguin ang pormat sa papel.

Tanka

Panahon kung Paksa at tema Sukat


kailan naisulat
__________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________

Haiku
Panahon kung kailan Paksa at tema Sukat
naisulat
__________________ __________________
_____________________
__________________ __________________
_____________________

2. Bunot ko, Sagot mo!


Maghanda ng palabunutan na ang nakasulat na tanong ay ang mga
nasa ibaba.
a. Ano ang karaniwang paksa ng Tanka, Haiku at Tanaga? Ano
ang nais ipahiwatig nito?
b. May pagkakaiba ba ang pagbigkas ng Tanka, Haiku at
Tanaga? Sa paanong paraan?
c. Paano naiiba ang Tanka at Haiku sa iba pang uri ng tula?
d. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula ano ang paksang
nais mong talakayin? Ipaliwanag.
e. Masasalamin ba sa halimbawa ng Haiku,Tanka at Tanaga ang
kultura ng bansang pinagmulan nito? Ipaliwanag.
C. Pagtataya ng aralin
Piliin ang tamang sagot.
1. Binubuo ng labimpitong pantig.
a. tanaga b. haiku c. tanka
2. May bilang ng pantig na 7-7-7-5-5 at 7-5-5-7-7.
a. haiku b.tanka c.tanaga
3. Sa panahon na ito lumaganap ang haiku sa pilipinas.
a. panahon ng Amerikano
b. panahon ng Espanyol
c. panahon ng Hapon
d. kasalukuyang panahon
4. Ang Kawazu ay salitang hapon na ibig sabihin ay palaka na
nangangahulugang?
a.taglagas b.taglamig c. tag-ulan d. tagsibol
5. Paksa na kapwa taglay ng tanka at haiku.
a. pag-asa b.pag-ibig c.pag-iisa d.kalikasan
6. Tulang may tatlumpo’t isang bilang ng pantig.
a. tanka b.haiku c.tanaga
7.Tulang binubuo ng tatlong (3) saknong na may bilang ng
pantig na 5-7-5.
a.tanaga b.tanka c.haiku
8. Ginawa ang tanka noong ika-ilang siglo?
a. ika-8 b.ika-15 c.ika-10 d.ika-12
9. Maiikling awitin na puno ng damdamin.
a. haiku b. tanka c. tanaga
10. Tawag sa wastong antala at hinto na may katumbas na
sesura panulaang Pilipino.
a. Kireji b.Shigure c.Kana d.Kiru
IKALIMANG SESYON
I. Layunin:
A. Nakagagamit ng suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku F9WG-IIa-b-47

1. Nakapagsusuri ng wastong gamit ng suprasegmental na


antala / hinto, diin at tono sa mga sumusunod na salita

II. Nilalaman:
A. Paksa:Panitikan: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Bashō - Hapon
( Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat )
B. Mga Kagamitang Panturo
a. Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro p.44
2. Modyul ng Mag-aaral pp. 98-101

III. Pamaraan
A.Paghahabi sa layunin ng aralin
Magpanood ng video na may kaugnayan sa pagbigkas. dlp pix\
pagbigkas.webm

Pokus na tanong:
1.Paano nababago ang kahulugan ng salita kung naiiba ng diin, tono o
ang bilis ng pagbigkas dito? Ipaliwanag.

B.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Bigkasin ang sumusunod na pangungusap.
1. Don, Luis Marco ang aking pangalan.
2. Don Luis, Marco ang aking pangalan.
3. Don Luis Marco, ang aking pangalan.

Mga gabay na tanong:


a. Ano ang napansin mo sa mga pangungusap?
b. May nabago ba sa kahulugan ng mga ito? Ipaliwanag.

C.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Gumamit ng powerpoint presentation upang ilahad ang aralin.

Ponemang Suprasegmental

Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw


na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng
nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o
intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o
intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.

a. Diin – Ang diin, ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa


pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa
mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakapagpapabago ng kahulugan nito.
Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Mga halimbawa:
b. Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla,makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Nagpalilinaw ito ng
mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa
pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. Maaaring
gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa
mataas.

Mga halimbawa:
a) Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahyag
b) talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

C. Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.Maaaring gumamit
ng simbolo kuwit( , ),dalawang guhit na pahilis (//) o gitling ( - )

Mga halimbawa:
a) Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng
kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na
maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.)
b) Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang
kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa.
Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua)
c) Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang
nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)
D. Paglinang sa Kabihasaan
Sabihin: Ngayong nalaman mo na ang mga kahalagahan ng mga
ponemang suprasegmental sagutin ang mga pagsasanay upang lalong
maging bihasa sa paggamit ng mga ito.

a) Pagsasanay 1. Bigkasin Mo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho
ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.
1. / SA:ka/ - _________________ /sa:KA/- _________________
2. /BU:hay/- _________________ /bu:HAY/-________________
3./ki:ta/ - ___________________ /ki:tah/- __________________
4. /ta:la/ - ___________________ /ta:la?/ - _________________
5. /ba.lah/ -__________________ /ba.la?/- _________________

b) Pagsasanay 2. Tono
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at
bilang 3 sa mataas.Isulat sa sagutang papel.
1. kanina = _______, pag-aalinlangan
kanina = _______, pagpapatibay, pagpapahyag
2. mayaman = _______, pagtatanong
mayaman = _______, pagpapahayag
3. magaling = _______, pagpupuri
magaling = _______, pag-aalinlangan
4. kumusta = _______, pagtatanong na masaya
kumusta = _______, pag-aalala
5. Ayaw mo = _______, paghamon
Ayaw mo = _______, pagtatanong

c) Pagsasanay 3. Diin
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita. Ipakita ang
pagbabago ng kahulugan batay sa diin.
Halimbawa: /SA:ka/ - bukid, /saKA/ - at saka (also)
1. /BA:ba/ - ________________ /ba:BA/ - ________________
2. /BA: ta/ - ________________ /ba:TA/ - ________________
3. /BA: ga/ - ________________ /ba:GA/ - ________________
4. /LA:bi/ - ________________ /la:BI/ - ________________
5. /BA:sa/ - ________________ /ba:SA/ - ________________

d) Pagsasanay 4. Hinto/ Antala


Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga
pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at
intonasyon.

1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.


2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3. Hindi siya ang kaibigan ko.

IKAANIM NA SESYON
I. LAYUNIN
A. Nakapagsusuri ng tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at
haiku F9PN-IIa-b-45
B. Nakagagamit ng suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku F9WG-IIa-b-47
II. NILALAMAN
A. Paksa:Panitikan: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Bashō - Hapon
( Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat )
B. Mga Kagamitang Panturo
a. Sanggunian
1.Mga Haiku pahina sa
Gabay ni Natsume Soseki ng Guro p. 44
2.Modyul Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat ng Mag-aaral
pp 97; 102
b. Iba Sa kagubatan pang
Kagamitang Hangi’y umaalulong Panturo
CD Walang matangay
III. Haiku PAMARAAN
A. Paghahabi ni Bashō sa layunin ng
aralin Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Pakinggan ang odyo ng
pagbigkas ng Ambong kaylamig tanka at Haiku.
dlppix\ Maging matsing ay nais
ng kapang damo
tankaathaiku.m4a

Mga gabay na tanong:


a. Wasto ba ang tono ng pagkakabigkas ng tula? Itama ang maling
pagbigkas.
b. Pokus na tanong
Suriin ang tono ng binigkas na tanka at haiku. Alin ang binigkas ng
mababa, katamtaman at mataas.
B. Paglinang sa Kabihasaan
Muling bigkasin ang mga halimbawa ng tanka, haiku. Suriin kung saan
dapat mababa, katamtaman at mataas ang gagawing pagbigkas.

Tanka
Hindi Ko Masabi Katapusan ng Aking Paglalakbay
ni Ki Tsurayuki ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Isinalin ni M.O. Jocson

Hindi ko masasabi Napakalayo pa nga


Iniisip mo Wakas ng paglalakbay
O aking kaibigan Sa lilim ng puno Tag-init noon
Sa dating lugar Gulo ang isip.
Bakas pa ang ligaya

D. Pagtataya ng aralin
Sabihin : Ngayong natutuhan mo ang pagkakaiba ng Tanka at Haiku sa
iba pang uri ng tula tulad ng Tanaga at kung paano nakatutulong ang
ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula, ilipat mo sa isang
mahalagang gawain.

Pangkatin ang klase sa 8 pangkat na binubuo ng 6 na mag-aaral bawat


pangkat.Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon. Makiisa sa
pangkatang
gawain sapagkat nakasalalay rito ang inyong tagumpay.

Masining na Pagbigkas
Magkakaroon kayo ng Grand Family Reunion bilang pagdiriwang sa
ika- 80 kaarawan ng inyong lolo. Napagkasunduan ng angkan na magsagawa
ng paligsahan sa pagtatanghal. Upang maging kakaiba sa lahat, naisip ninyo
na sariwain ang mga Tanka at Haiku na nasulat ng inyong lolo noong panahon
ng mga Hapones. Sa iyong pagtatanghal, tiyaking masusunod mo ang mga
pamantayan:
A. Wastong bigkas ................................................ 40%
B. Malinaw na pagbasa at interpretasyon ............. 40%
C. May damdamin ................................................. 20%
Kabuuan ........................................................... 100%

IKAPITONG SESYON
I. LAYUNIN
A. Nakasusulat ng payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat
F9PU-IIa-b-47

1. Nakasusulat ng orihinal na tanka at haiku batay sa tiyak


na anyo at sukat nito
2. Nakabubuo ng isang malikhaing video mula sa sariling
likhang tanka at haiku

II. NILALAMAN
A. Paksa: Panitikan: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Bashō - Hapon
( Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat )

B. MGA KAGAMITANG PANTURO


a. Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro pp. 46-47
2. Modyul ng Mag-aaral p. 23
b. Iba pang kagamitang panturo

III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin
Sa pamamagitan ng dugtungang pagsasalaysay magbalik-aral sa
tanka at haiku.

B.Paghahabi sa layunin ng aralin


a. Pokus na Tanong:
1. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang sukat at anyo sa pagsulat
ng tanka at haiku ?
C. Pagtataya ng Aralin
Pangkatin ang klase sa apat na may tigsasampu bawat pangkat.
Sumulat ng tigdadalawang tanka at haiku na nakabatay sa paksang
pag-ibig,ang bawat isa ay batay sa tiyak na anyo at sukat nito.
Pagkatapos makabuo ng sari-sariling tula ay lilikumin ng bawat lider
ng pangkat upang iayos sa isang malikhaing video bilang kalipunan
ng mga halimbawa ng tanka at haiku.
Pamantayan sa pagsulat ng tanka at haiku

Nilalaman…………………………………….30%
Kayarian ng tula……………………………..30%
Kaisahan……………………………………..20%
Kalinisan……………………………………..20%
Kabuuan…………………………………….100%

IKAWALONG SESYON
I. LAYUNIN
A. Nakabibigkas ng isinulat na tanka at haiku nang may wastong
antala/hinto, at damdamin F9PS-IIa-b-47
1. Nakasusulat ng orihinal na tanka at haiku na ang
paksa ay nakapaloob sa kultura ng Novo Ecijano
partikular sa usaping pag-ibig
2. Nakabibigkas ng orihinal na likhang tanka at haiku nang
may wastong antala, hinto at damdamin

II. NILALAMAN
a. Paksa: Panitikan: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Bashō - Hapon
( Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat )

b. MGA KAGAMITANG PANTURO


a. Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro pp. 44
2. Kagamitang Pang-Mag-aaral p. 98-99

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng isang pampasiglang
gawain. Bawat isa ay bubunot sa inihandang palabunutan ng guro.
Ang mga mag-aaral na makakabunot ng mga papel na may nakasulat
na pangunahing uri ng hanapbuhay (sa Nueva Ecija ay iaarte ito sa
harap ng klase (guessing game/ charade).

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


a. Pokus na Tanong:
Paano mo ipapahayag ang iyong pag-ibig sa sariling bayan sa
pamamagitan ng pagbigkas ng tanka at haiku ?

D. Pagtataya ng Aralin
Pagbuo at pagbigkas ng orihinal na tanka at haiku bilang output.
Panuto para sa pangkatang gawain.

1. Pangkatin ang klase sa 16 na pangkat na may tigtatatlong


miyembro.
2. Bawat pangkat ay bubunot ng paksa Tanka o Haiku na may
nakasaad na paksa patungkol kultura ng mga Novo Ecijano
partikular sa pag-ibig para sa;
a. minamahal (kasintahan)
b. hanapbuhay
c. pamilya
d. Diyos

3. Pagkatapos makabuo ng orihinal na tanka at haiku, bibigkasin ito


ng
bawat pangkat sa harap ng klase nang may pagsaalang-alang sa
wastong paggamit ng antala/hinto at angkop na damdamin.

Pamantayan sa Pagbigkas
A. Orihinalidad .......................................... 40%
B. Bigkas (wastong gamit ng antala/
hinto at damdamin) ............. 40%
C. Kabuuang Pagtatanghal....................... 20%
Kabuuan ............................................ 100%

Marka:
Napakahusay - 100-91
Mahusay - 90-81

You might also like