You are on page 1of 21

LAYUNIN:

1. Nagagamit ng wasto ang ponemang


suprasegmental sa pagbuo ng anumang
sulatin
2. Naisasaliksik ang kulturang
nakapaloob sa tanka at haiku ng
Silangang Asya
Ponemang Suprasegmental

Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng


suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng
nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin
ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng
nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o
intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at
pagsasalita.
a. Diin – Ang diin, ang lakas, bigat, o
bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng
isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema
sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o
baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakapagpapabago ng kahulugan nito.
Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na
may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa ng salitang binibigyang-diin:
a) BU:hay = kapalaran ng tao b) LA:mang = natatangi
bu:HAY = humihinga pa la:MANG =
nakahihigit; nangunguna

b.Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig


na maaaring makapagpasigla,makapagpahayag ng
iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong
nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
Sa pagsasalita ay may mababa,
katamtaman at mataas na
tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman at
bilang 3 sa mataas.
Mga halimbawa:

a) Kahapon = 213, pag-aalinlangan


Kahapon = 231, pagpapatibay,
pagpapahyag b) talaga = 213, pag-
aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay,
pagpapahayag
• Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita
upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap.Maaaring gumamit ng simbolo
kuwit( , ),dalawang guhit na pahilis (//) o gitling ( - )

• Mga halimbawa:
a) Hindi/ ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto
ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan
na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na
maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.)
b) Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig
ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang
bagay na hindi ginawa.
Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si
Joshua)DRAFT

c) Hindi ako si Joshua.


(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto.
Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi
siya.
Ngayong nalaman mo na ang mga kahalagahan ng mga ponemang
suprasegmental sagutin ang mga pagsasanay upang lalong maging
bihasa sa paggamit ng mga ito.
Pagsasanay 1. Bigkasin Mo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na
pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.
1. / SA:ka/ - ________________ /sa:KA/- __________________
2. /BU:hay/- ________________ /bu:HAY/ -_________________
3./ki:ta/ - __________________ /ki:tah/- ___________________
4. /ta:la/ - __________________ /ta:la?/ - ___________________
5. /ba.lah/ -_________________ /ba.la?/- ___________________
Pagsasanay 2. Tono
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang
3 sa mataas . Isulat sa sagutang papel.
1.kanina = _______, pag-aalinlangan
kanina = _______, pagpapatibay, pagpapahyag
2.mayaman = _______, pagtatanong mayaman = _______, pagpapahayag
3. magaling = _______, pagpupuri magaling = _______, pag-aalinlangan
4. kumusta = _______, pagtatanong na masaya kumusta = _______,
pag-aalala
5. Ayaw mo = _______, paghamon Ayaw mo = _______, pagtatanong
Pagsasanay 4. Hinto/ Antala
Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin
kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang
maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.

1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.


2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3. Hindi siya ang kaibigan ko.
Naisasaliksik ang kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng
Silangang Asya
Pangkat 1 At 2: Basahin At Suriin Ang Tanka Pagkatapos Nito, Iulat Ito
Sa Harap Ng Klase.
Tanka: Katapusan ng Aking Paglalakbay
Ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
PANGKAT 3 AT 4: Basahin At Suriin Ang Hal. Ng Haiku. Pagkatapos Nito, Iulat Ito
Sa Harap Ng Klase
Haiku: Tutubi
Ni Gonzalo K. Flores
Hila mo’y tabak
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.
Suriin ang nilalaman ng tanka at haiku. Gamitin ang tsart sa ibaba para sa pagsusuri.
PAMAGAT PAKSA MENSAHE
(Tanka)
Katapusan ng Aking
Paglalakbay
(Haiku)
Tutubi
Ibigay ang kahulugan ng salita sa konotasyon at
denotasyong kahulugan nito.
Salita Konotasyon Denotasyon
1. paglalakbay
2. puno
3. tabak
4. bulaklak
Sagutin ang mga tanong:
a. Anong damdamin ang nangibabaw sa tanka
at haiku?
b. Ano ang karaniwang paksa ng tanka at haiku?
Ano ang nais ipahiwatig nito?
c. Nasasalamin ba sa tanka at haiku a ng
bansang pinagmulan nito? Paano nakikilala sa
panitikang ito ang kultura ng bansang
pinagmulan nito?
Gamit ang mga hal. tanka at haiku, saliksikin sa
computer lab. ang kulturang nangingibabaw sa
halimbawang tanka at haiku. Pagkatapos, iulat ito sa
harap ng klase.
Pwede ninyong pagpilian ang sumusunod na uri ng
paglalarawan sa kultura ng tanka at haiku:
Pag-uulat (Talk Show/ Broadcasting)
Pagsasadula (Role Playing)
Paint me a picture
Interpretative dance/song
PAMANTAYAN SA PAG-UULAT NG KULTURA NG TANKA AT HAIKU
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG KULANG ANG MAG-ENSAYO
(5) (4) MAHUSAY (3) INFOS (2) PA (1)
Pagtalakay sa Ang pagtatalakay
paksa ay nagtataglay ng
pagiging lohikal,
malinaw at
organisado
Kaangkupan ng Ang mga
ideyang ginamit nakikinig ay
nakasunod sa
paksa
(Walang tanong
ang mag-aaral)
Sapat, wasto,
konkreto at
makabuluhan
ang
impormasyon
KARAGDAGANG
KAALAMAN TUNGKOL SA
KULTURA NG TANKA AT
HAIKU
Ano ang nakapaloob na kultura sa tanka at haiku?
Makikita ang kultura ng mga Hapon na mapagmahal sa kanilang
sining at kultura, may pagmamalaki sa kanilang mga sistema at
pagkakaroon ng romantikong pamamaraan sa panliligaw ng
gustong makapareha't maging mga pinuno ng
bansa.Nakatutulong ang mga tula na ito sa pagpapakila ng
kultura ng Japan dahil sa kanila ito nagmula. Kalat ang tanka lalo
na ang haiku sa buong mundo. at marami ang sumusulat nito. At
bilang mga intelektwal na mga nilalang, inaalam natin ang mga
kasaysayan ng ating mga ginagalawan at ikinikilos kaya't
natututunan natin ang kultura ng Japan sa pamamagitan ng
kanilang mga tula. Reference: (tingnan ang buong detalye
sa brainly.ph/question/211593)
Ang tanka at haiku ay anyo ng mga tula na pinahahalagahan
ng panitikan ng Japan.Ginawa ng mga Hapon ang tanka
noong ika-8 siglo at ang haiku noong ika-15 siglo.Ang mga
tulang tanka at haiku ay may layuning mapagsama-sama ang
mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita
lamang.Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa
Pilipinas lumaganap nang lubos ang haiku. Binubuo ng 17 na
pantig na nahahati sa 3 taludturan.

Reference: (tingnan ang buong detalyeRead more on


Brainly.ph - https://brainly.ph/question/211593#readmore
Nakatutulong ang mga tula na ito sa pagpapakila ng kultura
ng Japan dahil sa kanila ito nagmula. Kalat ang tanka lalo na
ang haiku sa buong mundo. at marami ang sumusulat
nito. At bilang mga intelektwal na mga nilalang, inaalam
natin ang mga kasaysayan ng ating mga ginagalawan at
ikinikilos kaya't natututunan natin ang kultura ng Japan sa
pamamagitan ng kanilang mga tula.

Reference: Read more on Brainly.ph -


https://brainly.ph/question/211593#readmore

You might also like