You are on page 1of 5

PAGSUSURI NG ILANG KWENTO SA NOBELANG ISANG

LIBO’T ISANG GABI NG BANSANG SAUDI ARABIA

I. PAMAGAT:Ang Babae at ang kanyang Limang Mangingibig


(The Young Woman and Her Five Lovers)
AWTOR: Mula Sa Isang Libo’t Isang Gabi (A thousand and One Nights) ng Saudi Arabia
PANAUHAN:
Pangatlong Panahuan
Malayang nagsasalaysay sa kwento; maaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga
tauhan at sabihin ito sa mambabasa; nakapagpapahayag din ang nagsasalaysay ng puna o
pakahulugan sa kilos ng mga tauhan.
TAUHAN CHARACTERIZATION URI NG PATUNAY
TAUHAN
BABAE May dating asawa ngunit sa TAUHANG “Saka isa pa, hindi naman
katagalan ng pag-uwi ay umibig BILOG ako masamang babae,
siya sa sa isang lalaking mas bata subalit kailangan ko lang
sa kanya. itong gawin.”

Ayon sa akda ang babae sa


kwento ay hindi matapat
sa kanyang unang asawa
ngunit sa pangalawang
asawa niya ay naging
matapat ito kahit na inakit
niya ang mga lalaking
hiningan niya ng tulong sa
hangaring makalaya ang
kanyang iniibig mula sa
pagkakakulong.
PULIS Isang hepe ng pulisya na unang TAUHANG “Pumunta ka sa aking
naghingan ng tulong ng babae LAPAD tahanan hanggang sa
upang makalaya ang kanyang mailabas ko ang iyong
iniibig sa pagkakakulong. kapatid, tutulungan ko
siya at pagkatapos ay
ilayo mon na siya.”

Ayon sa akda ang lalaki


ay ang tanging nais
lamang ay ang
makipagtalik lamang sa
babae ginamit niya ito
bilang kapalit sa
pagpapalaya sa iniibig ng
babae.

CADI Pangalawang lalaki na TAUHANG “Pumunta ka sa aking


pinaghingan ng tulong ng babae; LAPAD tahanan para makasama ko
may kapangyarihan na gumawa at sasabihin ko sa pulis na
ng kautusan na makapagpapalaya palayain ang iyong
sa iniibig ng babae. kapatid.”
Ayon sa akda, ang nais
lamang ng Cadi ay ang
mapaligaya lamang siya
ng babae kapalit ng
pagpapalaya sa kanyang
minamahal.
VIZIER Pangatlong lalaki na pinaghingan TAUHANG “Payagan mo akong
ng tulong ng babae; isang taong LAPAD gawin ang gusto kong
kanang kamay ng hari na may gawin sayo at palalayain
ko ang iyong kapatid.”
kapangyarihang magpalaya sa
iniibig ng babae. Ayon sa akda, ang nais
lamang ng vizier ay ang
paligayahin siya ng babae
kapalit ng pagkalaya ng
iniibig ng babae.

HARI Pang-apat na lalaki na TAUHANG “Sino ang nagpakulong sa


pinaghingan ng tulong ng LAPAD kanya?”
babae;isang taong mayaman at Ayon sa akda, ang hari ay
may mataas na katungkulan, may nais matulungan ang
kapangyarihan na at namumuno babae sa pagtatanong
sa kanyang nasasakupan. kung sino ang
nagpakulong sa kanyang
kapatid ngunit ang totoo
ay ito ang kanyang iniibig
ngunit ang kapalit nito ay
ang pakikipagtalik nito sa
kanya.
KARPINTERO Isang mangagawa na gumagawa TAUHANG “Apat na dinaryo ang
ng cabinet; huling pinaghingan LAPAD halaga nito, subalit hindi
ng tulong ng babae. ko ito pababayaran kung
papayagan mo ako sa
aking kahilingan.”
Ayon sa akda, ang
karpintero ay may gusto sa
babae kaya ang kabayaran
ngcabinet na pinagawa ng
babae ay hindi na niya
pababayaran kapalit ng
pagpapaligaya nito sa
kanya.

TAGPUAN:Sa pulisya at Sa bahay ng babae


ORAS/ PANAHON: Isang araw
II. BANGHAY:Gumamit ang awtor ng Linear/ kumbensyunal o maikling kwentong
makabanghay na may sinusundan na pormat na Simula-Gitna-Wakas.
Ang babae sa simula ay may dati itong asawa ngunit sa matagal na pag-uwi ay umibig siya
sa isang mas batang lalaki.Kayat ng minsan nakulong ito ay humingi siya ng tulong sa hepe ng
pulisya ngunit kapalit nito ang pagpapaligaya nito sa kanya. Pumayag ang babae sinabi nito ang
takdang oras at bahay ng babae. Ngunit ang babae ay humingi ulit ng tulong sa Cadi at ganoon din
ang nais niya ang mapaligaya siya ng babae kapalit ng paglaya ng kanyang minamahal. Lumapit
uli ang babae sa Vizier at sa Hari at iisa ang kanilang nais ang mapaligaya ito nga babae kapalit
ng pagkalaya ng kanyang minamahal.Sinabi din niya ang takdang oras at bahay ng babae.
Pagkatapos ay pumunta ang babae sa isang karpintero at nagpagawa ito ng cabinet na may apat na
compartment. Nabighani ang karpintero sa babae at sinabing libre na ang cabinet na pinagawa niya
kung paliligayahin niya ito kaya pindagdagan ng babae ng isang compartment ang cabinet.
Pumayag nga ang babae gaya ng sinabi niya sa mga unang lalaki ang takdang oras at tirahan nito.
Sa tirahan ng babae unang dumating ang Cadi at pinasuot ng babae ito ng roba at agad na
nagpagawa ang babae ng kautusan na magpapalaya sa kanyang asawa na sinabi niyang kanyang
kapatid sa mga lalaki na naghingan niya ng tulong. Nang sisimulan na ang kanyang pakay ng Cadi
ay may kumatok sa pintuan ng babae binilisan niyang pinapasok ang Cadi ito sa cabinet sa
pinakamababang compartment. Ngunit ang dumating ay ang hepe ng pulisya, pinasuot muna ito
ng babae at ng sisimulan na niya ang kanyang pakay ay may kumatok ulit sa pintuan ng babae at
sinabing asawa niya ang dumating agad niya itong pinapasok sa cabinet sa pangalawang palapag.
ang dumating sa oras na iyon ay ang Vizier at pinasuot niya ito ng roba at ng sisimulan na ng
Vizier ang kanyang pakay ay may kumatok muli sa pintuan ng babae at sinabi niyang asawa niya
ang dumating agad niya ulit itong pinapasok sa pangatlong palapag upang magtago. Sa oras na
iyon ang hari ang dumating at pinasuot uli ng babae ang Hari ng roba. Nang sisimulan n asana
niya ang kanyang pakay ay may kumatok ulit sa pintuan ng babae at sinaing asawa niya ang
dumating. Ngunit ang dumating ay ang karpintero sinabi ng babae na napakaliit ng ginawa niyang
cabinet kaya pinapasok ng babae ang karpintero sa cabinet upang masukat ngunit ito ay kanyang
isinara.
Pagkatapos ay ibinigay na ng babae ang kautusan ng magpapalaya sa kanyang iniibig sa
opisina ng pulisya at ng kanyang mailabas ito ay nagpakalayo-layo na sla at di na sila muling
bumalik sa lugar na iyon. Ang mga limang lalaki naman ay tatlong araw silang nakalabas sa cabinet
dahil akala ng mga tao ay mga multo o mga genie sila sa bahay kaya noong sila ay lumabas ay
hiyang-hiya sila sa kanilang hitsura dahil sila ay mga taong bnasa may mataas ng katungkulan ay
nasahan sila ng babaeng may mababa ang estado sa buhay.

III. TUNGGALIAN AT SULIRANIN

SULIRANIN: Paano mapapalaya ang lalaki mula sa pagkakakulong na iniibig ng babae.


TUNGGALIAN: Tao laban sa Lipunan na kung saan ang babae sa akda ay lumalaban sa lipunan
mula pag-aakusa na dahilan ng pagkakakulong ng kanyang minamahal.

IV. KAPANAPANABIK AT KASUKDULAN


Ayon sa akda, nang minsan ay sunod-sunod na nagsidatingan ang mga lalaking
pinangakuan niya na paliligayahin niya kapalit ng pagpapalaya sa kanyang iniibig. Sa bawat
pagdating ng mga lalaki ay agad niya itong pinasusuot ng mga roba upang mapahaba ang oras at
ang paghahanda ng makakain. Habang sinisimulan niya ang pagpapaligaya sa bawat lalaki ay may
kumakatok sa pintuan at sinasabi niya na asawa niya ang padating ngunit ito ang mga lalaking
pinangakuan niya..

V. RESOLUSYON AT KAKALASAN

Ayon sa akda, upang maresolba ang problema ng babae kung paano mapapalaya ang
kanyang iniibig mula sa pagkakakulong ay humingi siya ng tulong sa mga may kapangyarihan
ngunit kapalit nito ang pagpapaligaya sa mga ito. Ngunit sa bawat pang-aakit niya ay nakaya
niyang manipulahin ang mga taong may mataas na kapangyarihan na makapagpalaya sa kanyang
iniibig. Sa bawat pagdating ng mga lalaki ay pinagawa na niya ng kautusan si Cadi na
makapagpapalaya sa kanyang iniibig at agad niya itong pinapapasok sa cabinet na may
limang compartment ang mga lalaki, upang ang mga ito ay hindi na makahabol sa kanyang
pagtakas.

VI.WAKAS
Nang maipasok na niya lahat ng lalaki sa cabinet ay agad na niyang ibinigay ang kautusan
na ginawa ng Cadi sa pulisya at nagpakalayo-layo na ang babae at ang kanyang kasintahan at hindi
na nagpakita pa sa lugar na iyon.Ang mga limang lalaki naman ay tatlong araw silang nakalabas
sa cabinet dahil akala ng mga tao ay mga multo o mga genie sila sa bahay kaya noong sila ay
lumabas ay hiyang-hiya sila sa kanilang hitsura dahil sila ay mga taong bnasa may mataas ng
katungkulan ay nasahan sila ng babaeng may mababa ang estado sa buhay.

VII. PAGDULOG O TEORYA


TEORYANG HUMANISMO:
Ang binibigyan ng pansin sa teoryang ito ay ang kahalagahan ng tao. Ipinalalagay na ang
manipestasyon ng taoay ang pagkakhulma ng kanyang kabuuan upang Malaya siyang makapag-
isip,makapagpahayag at makakilos. Bilang panginoon ng kanyang kapalaran , maipapalagay
ringmaiiwasan ng tao na siya ay hinahawan ng landas upang marating ang daigdig na nais niyang
malakbay at humanap ng sariling kapalaran.

SIMBOLO/PAHIWATIG

Ang babae sa akda ay sumisimbolo sa mga babae na naninirahan sa Saudi Arabia o mga
Muslim na ang babae sa kanila ay mahina at walang karapatang mamuno at makapag-aral dahil
sila ay nasa mababang antas na estadosa buhay. Kaya’t ang kuwento ay nagpapahalaga sa mga
babae na mayroon silang talino at lakas na kayang labanan ang mga lalaking may mataas na
katungkulan o kapangyarihansa batas.

PAKSA: Pagiging matapat ng babae sa kanyang iniibig.

TEMA/ MAHALAGANG KAISIPAN:


Ayon sa akda, sa simula ang babae ay hindi matapat sa kanyang asawa dahil sa katagalan
ng pag-uwi nito ay umibig siya sa lalaking mas bata sa kanya. Kahit na mali ang pang-aakit niya
sa limang lalaking may kapangyarihan makapagpalaya sa kanyang iniibig ay nagawa niyang
pangakuan ang mga ito na paliligayahin niya na kung saan ay nakagawa siya ng mali upang
mapalaya lamang ang kanyang minamahal. Dito ay pinatunayan na ang babae ay hindi mahina at
may lakas itong manipulahin o isahan ang mga lalaki na kahit na may mataas na itong katungkulan.
Sinasabing ang tao ay kaya niyang gawin ang lahat para lamangsakanyang minamahal.

I. PAMAGAT: ANG MANGINGISDA AT ANG GENIE


AWTOR: Mula Sa Isang Libo’t Isang Gabi (A thousand and One Nights) ng Saudi Arabia
PANAUHAN:
Pangatlong Panahuan- Malayang nagsasalaysay sa kwento; maaring pumasok sa isipan at
damdamin ng mga tauhan at sabihin ito sa mambabasa; nakapagpapahayag din ang nagsasalaysay
ng puna o pakahulugan sa kilos ng mga tauhan.
TAUHAN CHARACTERIZATION URI NG PATUNAY
TAUHAN
, 'I wish to know if you
Isang mangingisda na ang tanging were actually in this
Tauhang
Mangingisada ikinabubuhay ng kanyang pamilya vessel. Dare you swear it
Bilog
ay ang pangingisda. by the Great Name?'

Isang higanteng nilalang na 'No, thy death is resolved


tumutupad sa kahilingan ng tao na Tauhang on,' said the genie, 'only
Genie choose how you will die.'
magiging amo ngunit ng kalaunan ay Bilog
naging malupit ito.
'Tell me whither this
perfidious magician
Isang namumuno sa isang tiyak na Tauhang retires, and where may be
Sultan the unworthy wretch who
nayon; isang taong matulungin. Lapad
is buried before his
death.'

. Thou hast abused my


Isang mabait na hari; isang haring Tauhang goodness too long."
Prinsipe
isinumpa ng asawa Lapad

“By virtue of my
enchantments, I
Isang malupit na nilalang; pinsan ng Tauhang command thee
Reyna
hari na kanyang asawa Lapad immediately to become
half marble and half
man."
TAGPUAN:
 Sa dagat
 Sa palasyo
 Sa Sapa
 Palasyo ng luha

II. BANGHAY
May isang mahirap na mangingisda na ang tanging ikinabubuhay sa kanyang pamilya ay
ang pangingisda. Palagi siyang nanghuhuli ng isda at masasabing isang kahig isang tuka ang estado
ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Nang minsan ay naglagay siya ng lambat sa dagat ngunit
purong buhangin ang kanyang nakuha. Sa sa pangalawang paglagay nito ay purong mga bato ang
kanyang nakuha at sa kanyang pangatlong lagay ng lamba ay manalambat siyang isang banga na
mat matibay na selyado binuksan agad ito ng mangingisda na nagbabakasakaling may makuha
siya doong kayamanan.Ngunit isang genie ang lumabas isang malupit na genie. Agad tinanong ng
genie sa mangingisda kung anong uring kamatayan ang nais niya ngunit nag-isip ang mangingisda
kaya hinamon niya ang genie kung totoong nagkasya nga siya sa banga at ipinaita nga ito ng genie
sa mangingisda kaya agad na isinara ng mangigisda ang garapon upang hindi na ito patayin.
Kinuwento ng genie kung bakit naging malupit na ito sa kanyang mga amoo dahil nung una ay
tinutupad niya lahat ng hiling ng magiging amo niya ngunit naibigay na niya ang lahat ay di pa rin
siya pinpalaya.

III. TUNGGALIAN AT SULIRANIN


SULIRANIN: Paano maisasakatuparan ang hiling ng mangingisda na magkaroon ng matiwasay
na pamumuhay.
TUNGGALIAN: karakter laban sa karakter
Ayon sa akda ang sultan ay nag-isip ng paraan upang maalis niya ang sumpa sa bayan ng hari
kaya’t inisahan niya ang Reyna at kasabay ng pangyayaring iyon ay ang pagkakaalis ng sumpa at
pinatay niya ang Reyna.
VII. PAGDULOG O TEORYA
TEORYANG ISTRUKTURAL
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang wika ay hindi hinuhubog ng kamalayang panlipunan
kundi sa kalayaang panlipunan. Binibigyan nito ng pagpapahalaga ang diskurso sa paghubog ng
kamalayang panlipunan.

You might also like