You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
LIBERTAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Libertad, Misamis Oriental

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO (BAITANG 9)


ARAW: Nobyembre 7, 2022

Pamantayang pangnilalaman Pamantayang sa pagganap


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at Masining na naitatanghal ng mag-aaral ang
pagpapahlaga sa pagbuo ng movie trailer ng mga kulturang Asyano na masasalamin sa alinmang
akdang pampanitikan ng Asya akda.

I. Kasanayang Pampagkatuto
Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku. (F9PB-IIa-b-
45)
b. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku (F9PN-IIa-b-45)
c. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU-IIa-b-47)
II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU
B. Sangguniang Aklat: Panitikang Asyano
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9 (p. 91)

C. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo


 Laptop
 Projector
 Paper strips
III. Pamamaraan
A. Balik Aral at/o Panimula

 PANALANGIN
 Paghawan ng mga balakid ( pagpulot ng mga basura sa ilalim ng upuan at pag-ayos ng sarili sa
pagkakaupo)
 Magandang umaga sa lahat! Bago tayo magsimula sa ating aralin ay may ipakikita akong
larawan ng mga watawat at susubukan niyong hulaan kung anong bansa ito.
(PAGPAPAKITA NG MGA WATAWAT NG MGA BANSANG NASA SILANGANG ASYA)
 Balikan natin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Silangang Asya. Maaari niyo
bang basahin ang mga nasa screen?
 Ang Silangang Asya ay binubuo ng tatlong matatandang bansang Tsina, Korea (Hilaga
at Timog), at Hapon
 Espesyal na administratibong rehiyon: Hongkong, Taiwan at Macau.
 Kilala ang rehiyong ito dahil sa nagpapatuloy nitong kasaysayan na libo-libo na ang
tanda, malakas na pwersang military, maunlad na ekonomiya, at matinding
impluwensyang kultural.
 Nasakop ng Dinastiyang Tang ang buong rehiyon.
 Hindi nasakop ng anumang dayuhan ang bansang Hapon
 Sa Korea, ang natatanging tao na may sariling kulturang mula sa isang lahing
nagkahalo-halo na Manchus, mga Malay at Tsino.
B. Pagganyak
SAGOT MO, ITIPA MO! (21st Century Educational Game)
At para naman sa pagsisimula ng ating aralin ngayong araw, mayroon kayong larawan na susuriin.
Papayagan ko kayong gumamit ng inyong mga cellphone at buksan ang inyong Messenger app at
hanapin ang aking pangalan. Doon niyo ititipa ang inyong pagsusuri sa larawan. Ang unang tatlong
mag-aaral na makakasend sa akin ng kanilang pagsusuri ay makakatanggap ng karampatang
gantimpala. Mayroon kayong dalawang minuto para itipa ang inyong kasagutan.

ANO ANG INYONG


NAPAPANSIN SA
MGA LARAWAN?

C. Paglalahad ng Aralin
Maraming salamat sa inyong mga kasagutan! Kung ang inyong pagsusuri ay may kaugnayan sa
bansang Hapon, tiyak tama ang iyong sagot dahil ang una nating lalakbayin na bansa mula sa
Silangang Asya ay ang bansang Hapon, ang unang bansang panggagalingan ng panitikang tatalakayin
natin ngayong araw.

D. Pagtalakay ng Aralin
PANIMULA:

 Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng mga taludtod. Ito ay nagppahayag ng damdamin
ng isang tao. Binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. Ang
tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng maririkit na salita at nagbibigay-diin sa
ritmo.

 Ang unang anyo ng tula ating tatalakayin galing sa bansang Hapon ay ang tinatawag na tanka
at haiku. Pag-uusapan natin ang kaligirang pangkasaysayan ng mga tulang ito.

 Pero bago iyon, atin munang kikilalanin ang bansang pinanggalingan ng panitikang ating
tatalakayin ngayon araw, ang bansang Hapon.

 Tinaguriang “Land of the Rising Sun.”


 Ito ay bansa sa Silangang Asya na nasa Pacific Ring of Fire.
 Binubuo ito ng apat na pangunahing isla/pulo: ang Honshu, Kyushu, Shikoku at Hokkaido
(pinagdurugtong ng Shikanzen o bullet train ang mga isla)
 Ito ay kilala sa mundo dahil sa mga produktong pantransportasyon at elektroniks.
 Naimpluwensyahan ang buhay ng mga Hapones ng Shintoismo at Kodigo ng Bushido.
 Kabisera: Tokyo
 Wika: Nihonggo
 Relihiyon: Shintoismo
 Pamahalaan: Monarkiyang Konstitusyunal
 Emperador: Akihito
 Punong Ministro: Yoshihide Suga
 Pananalapi: Yen

 PAGTATALAKAY NG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU


(Slide Presentation)
 PAGTATALAKAY NG ESTILO NG PAGKAKASULAT NG TANKA AT HAIKU
 PAGBIBIGAY-HALIMBAWA NG TANKA AT HAIKU

E. Paglalahat
SIPATIN, SURIIN GAMIT ANG SENSE OF HEARING

Panuorin at pakinggang mabuti ang video presentation na ipapalabas sa screen.


 Ano ang paksa ng haiku na iyong napakinggan?
 Base sa pagkakabigkas ng tula, ano kaya ang tono o nararamdaman ng may-akda habang
sinusulat ang haiku?
 Kung ikaw ang may akda, paano mo maiipararamdam ang iyong damdamin sa tula?

F. Pagtataya
Panuto: Lumikha ng isang tanka at isang haiku na nakasentro sa mga sumusunod na mga
paksa. Pumili lamang ng inyong nais na paksa sa mga sumusunod:

 FACEMASK
 ALCOHOL
 TEMPERATURE SCANNER
 SOCIAL DISTANCING
 QUARANTINE
 VACCINE
 PANDEMYA
 COVID

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Malikhain at masining na paraan ng pagkakabuo.
Pagiging akma ng ginamit na paksa sa Tanka at Haiku.
Pagsulat sa tamang anyo(porma) at sukat ng Tanka at
Haiku.
Paggamit ng simbolo o imahe sa Tanka at Haiku

PANANDA:
5- NAPAKAHUSAY 3- KATAMTAMAN
4- MAHUSAY 2- KAILANGANG PANG PAGBUTIHIN
1- WALANG NAGAWA

G. Takdang Aralin
Panuto: Mula sa iyong nabasa, napanood, o narinig kaugnay sa prangkisa ng ABS CBN gumawa ng
dalawang Tanka at Haiku. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ibidyu mo ito at suriin ang pagkakabigkas ng
nabuong tanka/haiku.

Rubriks sa Pagmamarka

5 puntos - Ang binuong Tanka at Haiku ay malinaw, organisado at lohikal, kitangkita ang kumpyansa sa sarili
sa mga nabuong sagot.
4 na puntos - Ang pagbuo ng Tanka at haiku ay di masyadong organisado at nagdudulot ng kalituhan sa
nagbabasa.
3 puntos – Ang binuong tanka at haiku ay hindi masyadong malinaw at di masyadong organisado.
2 puntos – Ang binuong tanka at haiku ay hindi malinaw
1 puntos - walang nabuong Tanka at Haiku ang mag-aaral

Prepared by: Checked and Reviewed by:

AFRIELLE ROSE D. GUALIZA GENEFE B. CABUTAJE


Teacher I Teacher II/Head DEsignate

Noted by:

LUZVIMINDA Z. LABIS, CE, PhD


Secondary School Principal II

You might also like