You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
LIBERTAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Libertad, Misamis Oriental

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO (BAITANG 9)


ARAW: Nobyembre 25, 2022

Pamantayang pangnilalaman Pamantayang sa pagganap


Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na
sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano

I. Kasanayang Pampagkatuto
Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipadarama ang pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong
napakinggan;
b. Nauunawaan ang pabula ng Silangang Asya.
c. Nabibigyang-halaga ang pagsunod sa magulang at pagiging mabuti sa lahat ng oras.

II. A. Paksang-Aralin:
Paksa
Panitikan : Ang Hatol ng Kuneho
Pabula - Korea
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Gramatika/ Retorika : Modal: Gamit bilang Malapandiwa, bilang Panuring,
Mga Uri nito:
nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at
pagkagusto, sapilitang pagpapatupad, hinihinging mangyari, at
nagsasaad ng posibilidad)
Uri ng Teksto : Nagsasalaysay
Sangguniang Aklat : Panitikang Asyano 9, pp. 108-113
Kagamitan : Video clip, LCD projector, laptop, speaker
Kasanayan : Nalilinang ang kasanayan sa pag-unawa sa napakinggan at nabasang dayalogo.
Konsepto : Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang.Karaniwang
isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay
pangaral.Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian
at pag-uugali ng tao.
Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ito na pantulong sa
pandiwang nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na
may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi
nagbabago, limitado kapag binanghay o walang aspekto.
I. LAYUNIN/KASANAYANG PAGKATUTO
a. Naiisa-isa ang iba’t ibang damdamin at emosyon sa pagpapahayag
b. Naiaantas ang mga salita (clining ) batay sa tindi ng emosyon o damdamin (F9PT-IIc-46)
c. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin (F9WG-IIc-48)

II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa:
Panitikan: Aralin 2.2: Pabula
Gramatika: Modal at Pagpapahayag ng Damdamin at Emosyon
b. Bilang ng Araw: Linggo 1-2 (Filipino Curriculum Guide p. 168)
c. Sanggunian: Pinagyamang Pluma pp. 158-171
Baybayin pp. 89-101
d. Kagamitan: Mga Larawan, PowerPoint Presentation, Video Clip, DLP, Larawan, Graphic
Organizer, Venn Diagram

III. PAMAMARAAN:
a. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagkuha Ng Liban
3. Balik-aral: Linangin natin!

Katangian ng PABULA

b. Paghahabi sa layunin ng Aralin


Bubunot ang mga mag-aaral ng iba’t ibang sitwasyon at kailangan nila ito ipakita sa harap ng klase:
SITWASYON#1: Nagbakasyon ka sa Bohol at namangha ka sa ganda ng Chocolate Hills. Ano ang
iyong reaksyon?
SITWASYON#2: Umuwi ka sa inyong tahanan na kumakalam ang sikmura at nalaman mong wala
nang ulam. Ipakita mo ang reaksyon.
SITWASYON#3: Nanalo sa isang paligsahan ang kaibigan mo at gusto mo makatikim ng katas ng
kanyang pagkapanalo. Paano mo sasabihin sa kanya sa pamamagitan ng pahiwatig?
c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Paano nababago ng matinding emosyon ang isang


pahayag o pangungusap?

d. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Pagsuri sa Video ng mga sumusunod na eskena mula sa pinalakang tabi:
1. Eksena mula sa ANAK
2. Eksena mula sa MADRASTA
3. Eksena mula sa FOUR SISTERS AND A WEDDING

e. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Tukuyin ang emosyon o damdaming ipinahayag:

1. Naku! Nasusunog ang bahay nila


Paghanga Galit 2. Wow! Ang ganda ng dagat
3. Sana nga magkatotoo ang sinabi mon iyan
Pagkagulat Pagtataka
4. Talaga, sasama ka na sa amin?
Kasiyahan Pag-asa 5. Salamat naman at nakarating ka

f. Paglinang Ng Kabihasaan
Gabay na tanong:
Pangkatang Gawain: Maalaala mo kaya!
Ipakita sa isang maikling eksena ang mga sumusunod na emosyon at damdamin
- GALIT
- KASIYAHAN
- PAG-ASA
- PAGTATAKA
Pamantayan:
1. Nilalaman 10pts
2. Arte 5pts
3. Orihinalidad 5pts
KABUUAN 20 PUNTOS

g. Paglalapat ng aralin
LOCALIZATION: Magbigay ng halimbawa na nalilinang ang pagpapahayag ng damdamin at emosyon
sa loob ng tahanan?

h. Paglalahat
Ipaliwanag ito:
“Mas matalas pa sa isang patalim ang ating mga salita”
i. Pagtataya ng Aralin:
1. Hindi ka tinulungan ng iyong kaibigan sa panahon na ikaw ay nasa kagipitan
PAHAYAG:
2. Nakatanggap ka ng regalo sa iyong kaarawan na matagal mon ang gusting makuha
PAHAYAG:
3. Nahuli ng pagdating ang iyong kamag-aral sa oras ng inyong napag-usapan
PAHAYAG:
4. Hindi pumunta ang mga kaibigan mo sa iyong espesyal na raw
PAHAYAG:
5. Nagulat ka sa pagbisita ng isang kapamilya na matagal mon ang hindi nakikita
PAHAYAGl

j. Takdang Aralin
1. Ano ang mga elemento ng sanaysay?

Prepared by: Checked and reviewed by:

AFRIELLE ROSE D. GUALIZA GENEFE B. CABUTAJE


Teacher I Teacher II/Head Designate

Noted by:

LUZVIMINDA Z. LABIS, CE, PhD


School Principal II

You might also like