You are on page 1of 6

GABAY SA PAGTUTURO NG IKASIYAM NA BAITANG

IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN BILANG 1
A. Panitikan
TULA: JAPAN
B. Gramatika/ Retorika
Ponemang Suprasegmental
AGOSTO 13-17, 2018
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
1. Nakapagsusuri ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku.
2. Nakakagamit ng ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tanka at haiku.
3. Nakasusulat at nakapagtatanghal nang maayos na tanka at haiku.
MGA POKUS NA TANONG:
1. Bakit kinagiliwan ng mga Hapon ang pagsusulat ng tanka at haiku?
2. Bakit mahalaga ang ponemang suprasegmental?
MAHALAGANG PANG-UNAWA:
1. Makatutulong ang mga tulang maiiksi tulad ng tanka at haiku upang mas maging minalismo at puristiko ang
paggawa ng isang tula na naghahangad na maglaman nang maiksi ngunit malamang paksa.
2. Magiging mabisa ang mga pahayag, pasulat man o pasalita kung ito’y gagamitan ng wastong suprasegmental.
INAASAHANG PAGGANAP:
Nakasusulat ng isang halimbawa ng tanka at haiku na kakikitaan ng wastong gamit ng mga suprasegmental.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN:
Estratehiya sa Pag-aaral:
Panonood: Nasusuri ang mga kultura, pag-uugali at aral na makikita sa mapapanood na video clip.
Paglinang ng Talasalitaan: Naibibigay ang kaugnay na kahulugan ng ilang salita batay sa babasahing tula na makikita sa
batayang aklat.
Pag-unawa sa Binasa: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng tulang tanka at haiku at mga suprasegmental para sa mas
malalim na pag-aaral nito.
Pagnilayan at Unawain: Naiuugnay ang matutunan sa tula na mababasa para sa sarili, pamilya, lipunan at bansa.
Gramatika/Retorika
1. Nagagamit ng wasto ang mga uri ng suprasegmental pasulat man o pasalita.
2. Nauuri ang mga pinagkaiba ng bawat uri ng suprasegmental.
Pag-unawa sa Napakinggan:
Nahihinuha ang kahalagahan ng isang tulang tanka at haiku sa kultura ng isang bansa batay sa napakinggan.
Pagpapahalaga:
Napahahalagahan ang matalinong pagpapasiya sa buhay sa pamamagitan ng pagsasagawa nito sa pang-araw-araw na
buhay.
Pagsulat: Nakasusulat ng isang halimbawa ng tulang tanka at haiku gamit ang wastong paggamit ng mga
suprasegmental.
Pagsasalita: Nababasa sa harapan ng klase ang nagawang tula.

1
Agosto 13, 2018 (Lunes)
 PAGWAWASTO NG UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT AT PAGSASAGAWA NG ITEM ANALISIS.

Agosto 14, 2018 (Martes)


TUKLASIN
I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
A. Nakapagtatala ng mga kasanayang dapat na matutunan sa kulturang Hapon na matutunan sa akda.
II. PROSESO NG PAGKATUTO:
A. Panimulang Gawain:
Panuto: Basahin ang bawat tanka at haiku. Suriin ayon sa paksa, mensahe, bilang ng taludtod at bilang ng pantig o sukat
sa bawat taludtod.

Tanka Haiku
Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi
ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson Hila mo’y tabak
Ang bulaklak nanginig
Napakalayo pa nga Sa paglapit mo.
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
B. Pangkatang Gawain:
Ang buong klase ay hahatiin sa limang pangkat upang magsagawa ng isang sabayang pagbigkas ng tulang haiku at tanka.
Ang tula ay gagawin ng bawat pangkat at isusulat sa manila paper upang ipasuri naman sa ibang pangkat.
C. Sintesis:
Gamit ang malayang talakayan, bibigyan ng pagkakataon ang limang pangkat na suriin ang mga napakinggang
sabayang pagbigkas ng tulang haiku at tanka.
Mga Batayang tanong.
a. Ano ang paksa ng tula?
b. Ano ang mensahe ng tula?
c. Bilang ng pantig bawat taludtod?
d. Ilan ang kabuoan ng buong tula na tanka at haiku?
III. KASUNDUAN:
1. Saliksikin ang mga talasalitaan at ibigay ang kahulugan nito, isulat ang sagot sa kwaderno.
a. Manyoshu d. Kiru
b. Kana e. Kawazu
c. Kireji
2. Basahin ang akdang “Kaligirang Pangkasaysayann ng Tanka at Haiku”.
D. TALA:

E. PAGNINILAY:

2
Agosto 15, 2018 (Miyerkules)
LINANGIN (UNANG SESYON)

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


A. Naiuugnay ang talasalitaan na makikita sa Kaligirang kasaysay ng tulang Tanka at Haiku.
II. PROSESO NG PAGKATUTO:
A. Panimulang Gawain:
Panuto: Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng salita sa Hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Manyoshu a. Salitang paghihintuan
2. Kana b. Palaka
3. Kireji c. Kalipunan ng mga tula
4. Kiru d. Unang ulan sa pagsisimula ng malamig
5. Kawazu e. Hiram ng mga pangalan
f. Wastong antala at hinto.
B. Indibidwal na Gawain:
Gamit ang Flow Chart ay isasaayos ng bawat isa ang kasaysayan ng tulang Tanka at Haiku.

C. Sintesis:
Gamit ang mga Venn Diagram ay pasasagutan sa mga mag-aaral ang grapiko.

TANKA HAIKU
Kabuoang bilang ng pantig Kabuoang bilang ng
ng Tanka pantig ng Haiku
Paksa ng Tanka Paksa ng Haiku
Bilang ng Taludtod ng Tanka Bilang ng Taludtod
ng Haiku

III. KASUNDUAN:

3
1. Ano suprasegmental?
2. Ano-ano ang mga uri nito?
3. Ano-ano ang mga uri ng Diin?
D. TALA:

E. PAGNINILAY:

LINANGIN (IKALAWANG SESYON)


Agosto 16, 2018 (Huwebes)
I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
A. Nauuri at gamit ng wasto ang mga uri ng suprasegmental.
II. PROSESO NGPAGKATUTO:
A. Panimulang Gawain:
Gamit ang Video Audio, ay pakikinggan ng buong klase ang isang maiksing audio record at gamit ito ay pupunan
ng buong klase ang grapiko.

SUPRASEGMENTAL KASAGUTAN
Anong salita ang kakikitaan ng diin sa audio?
Anong pahayag, pangungusap ang kakikitaan ng Tono o
Intonasyon?
Anong pahayag, pangungusap ang kakikitaan ng Tono
antala o hinto?

B. Pangkatang Gawain:
Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat, bawat pangkat ay bubuo ng isang maiksing skit na nagpapakita ng 3
elemento ng suprasegmental, ang mga element o uri nito ay dapat na magamit sa dayalogo ng skit.

C. Sintesis:
Mula sa ginawang skit ng 4 pangkat ay magsusuri ang bawat pangkat ng mga suprasegmental na makikita/rinig sa
dayalogo. Pupunan ng pangkat ang grapiko sa ibaba.
Pangkat 1 – Pangkat 4
Pangkat 2 –Pangkat 3
SUPRASEGMENTAL KASAGUTAN
Anong salita ang kakikitaan ng diin sa skit?
Anong pahayag, pangungusap ang kakikitaan ng Tono o
Intonasyon sa skit?
Anong pahayag, pangungusap ang kakikitaan ng Tono
antala o hinto sa skit?

KASUNDUAN:
a. Magdala ng ¼ na manila paper o cartolina
4
b. Magdala ng permanent marker
D. TALA:

E. PAGNINIILAY:

PAGNILAYAN, UNAWAIN AT ILIPAT

Agosto 17, 2018 (Biyernes)


I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
A. Nakabubuo ng sariling Tanka at Haiku na kakikitaan ng wastong gamit ng mga suprasegmental.
II. PROSESO NG PAGKATUTO:
A. Panimulang Gawain:
Gawain 1
Buoin ang tula. Hanapin sa kahon ang nawawalang salita.
Tanka Haiku
Maghihintay ako do’n Mariposang kay ganda
Sa iyong pagbabalik Sinasamba ka
Ko’y iyo lamang Dulot ,mo’y
Di magsasawa sinta.

Tanaga
Kahanga-hanga ka
Perpektong hugis
Manatiling kalmado
Ay dadayo

Saya puso turista

Pangako sinasamba apa

B. Indibidwal na Gawain:
Gamit ang mga salitang kakikitaan ng suprasegmental ay bubuo ang bawat mag-aaral ng tig-iisang halimbawa ng
tanka, tanaga at haiku na isusulat at bibigkasin nila sa harapan ng klase.

Rubriks sa paggawa at bigkas ng Tula


a. Wastong Bigkas ……………………………………………………………………….. 2
b. Malinaw na pagbasa at interpretasyon ………………………………………………………………………… 2
c. May Damdamin ………………………………………………………………………… 2
d. Pagsunod sa paraan ng pagbuo ng tula ………………………………………………………………………… 2
5
e. Paggamit ng mga suprasegmental ………………………………………………………………………… 2
KABUOAN 10

TAKDANG ARALIN:
1. Ano ang pabula?
2. Basahin ang akdang “Ang Hatol ng Kuneho”
3. Ano/sino ang dapat na maging karakter sa isang kwentong pabula?

C. TALA:

D. PAGNINILAY:

Inihanda ni: Angelica C. Tapit

Sinuri ni: Gng. Angelita M. Calma


Dalubguro II

Binigyang pansin nina:

Bb. Marissa Marissa R. Veluz


Puno, Kagawaran ng Filipino

Gng. Anita S. Bohol, LLB., Ed. D


Punungguro IV

You might also like