You are on page 1of 2

Nakalimot Sept.

27, 2017
Pagdalaw niya’y parang bagay
Hindi mo inasahan pero biglang naabo.
Mga ligayang inimpok niyo
Dinala niya sa taas ng dalamhati.

Pagsayad niya’y di napansin


Nabangga niya’y nag-iwan ng pasanin.
Iniwan niya ng parang di nakalansing
Ang luwag ng ngiti na naging panambitan.

Pagtunghay niya’y inaasahan,


Nagitla sa lakas ng karambulan,
Ng mga sigawan at ilang iyakan
Na sa dulo’y nakakabinging katahimikan.

Pagtunghay niya’y inaasahan,


Nagitla sa lakas ng karambulan,
Ng mga sigawa at ilang iyakana
Na sa dulo’y nakakabinging katahimikan,

Pagdalaw, pagsayad, pagtunghay.


Umalis kang walang malay
Na pagsilip sa bintanay
Di ibinigay.

Tumilamsik, lumuwa,
Mga luhang ayaw kumawala.
Ngayo’y naghahanap ng kasagutan.
Ano, paano, saan sisimulan?

Natulala, humahagilap
Ng sagot kahit ‘di mahagap,
Tumingala sa taas doon naghanap,
Pumikit, umusal ng ilang pihit.

Bumulong, yumuko, yumakap,


Sa himig ng hangin kahit mahirap.
Umurong, kinulong ang paglingap
Sumilong, umahon sa saklap.

Umasa, umusal kinausap ka.


Naghuhumiyaw nab aka madinig mo na.
Kahit alam kong nakalimot na.
Patawad, sana’y muling mahagkan ka.

You might also like