You are on page 1of 1

Malabong larawan.

–ACT 8/20/17

Para tayong magulong larawan,


Hindi maanguluhan, mahirap kuhaan.
'Di maganda, 'di perpekto ang kuha
Gayon pa man, minamahal kita sa kabila ng kaguluhan.

Malabong larawan, malabong usapan.


Ilang beses na tayo'y may napagtatalunan,
Nababanggit na rin salitang lagi na lang
Nakakasawa,panay away na lang.

Ngunit malabo man ang larawan


Marami mang iringan, pagtatalunan
Minamahal kita sa kabila ng mga iyan.
At mamahalin kita hanggang magliwanag...

Ang larawang nagkalabuan,


Ang minsang tampuhan, iyakan
Minsang katahimikan, malamig na turingan
Hanggang umayos ang anggulo ng pagmamahalan.

Aayusin natin, dahil di pwedeng magalaw


Sa pagkuha ng panibagong kasaysayan.
Ibabalik natin, tamis ng ngiti,
Pagkatapos ng ilang panggiwi.

Dahil mahal, magulo man ang larawan,


'Di ang aking nararamdaman
Na ikaw lamang ang aking gustong makuhaan...
Ng ligaya, pagsinta, at makasama sa masayang larawan na muli nating iimprinta.

You might also like