You are on page 1of 3

Minsan, gusto kong malasing ka— hindi dahil may balak akong mangyari, kung hindi nagbabaka sakali

akong marinig mula sa'yo ang mga kasagutan sa mga tanong na:

1. Minahal mo ba talaga ako? Kung oo, aling bahagi ang tunay na masaya ka?

2. Kung minahal mo talaga ako, bakit ang dali sa'yong bumitiw? Bakit ang dali sa iyong itapon ang lahat?

3. Nasaktan ka ba nang piliin mong umalis? Umiyak ka rin ba? Nagsisi? Nag-isip na bumalik?

4. May mga pagkakataon ba na pinagsisisihan mong ito ang ating dulo?

5. Bakit tayo natapos? Saan banda ako nagkamali— saan ako naging labis o saan ako naging kulang?

6. May magagawa ba ako para bumalik sa dati ang lahat?

7. Pwede pa ba? Baka naman pwede pa?

—Markx

Larawan | siyelo

Kapag nagkita tayong dalawa ikukuwento ko sayo kung paano niya ako inalagaan—

kung paano niya ako niyakap sa lamig ng gabi habang wala ka

sinuyo habang nagtatampo ang aking dibdib dahil sa pananabik sa 'yo

kinumutan at sinamahan sa pag-iisa

dinamayan sa dilim at pagluha.

Kapag nagkita tayong dalawa ikukuwento ko sayo kung paano niya ako pinaligaya—

habang wala ka

siya ang nagsilbi kong matamis na ligaya

Tahanan.

panandaliang saya habang magkalayo tayong dalawa

Kapag nagkita tayong dalawa ikukuwento ko sayo kung paano ako pinasaya ng kalungkutan.

Habang hindi pa tapos ang pandemiya

Orihinal na katha ni Jamie Permosil //venus

Larawan kuha ni Bb.

Venus Pagtakhan Religioso

Katulad ng
malinaw

na tubig sa dagat,

D a l i s a y,

ang kanyang pagliyag

labis na pag-ibig

sukdulang pag-irog

ito'y pagsinta

Ng munting buhangin sa tubig.

Nang umibig ang buhangin sa tubig—

batid niya

kung gaano kalalim

kung gaano nakalulunod

kung gaano nakamamatay

Ang tubig ng yaong dagat.

Nang umibig ang buhangin sa tubig—

alam niyang

magiging madalang ang pagdalaw

Na hindi palagian ang kanilang pagkikita't

pagtatagpo.

alam niyang

magiging mahirap.

Nang minsang umibig ang buhangin sa tubig—

batid niya ang kaakibat nito.

Nang minsan kitang inibig—

alam ko

kung gaano nakalulunod

kung gaano nakamamatay

kung gaano kasakit

kung ano ang kapalit


kung gaano kadalang ang magiging pagdalaw

kung gaano kadalas ang malulungkot na araw.

Ngunit hindi mo masisi ang munting buhangin.

D A L I S A Y ang tubig.

kalmado

payapa

nangeengganyo.

Hindi siya tanga upang palagpasin ang pagkakataon

na makaranas ng pag-ibig.

Nang minsang umibig ang buhangin sa tubig—

alam niya na yaon na ang

HULING

pagkakataong magpapakalunod siya sa pag-ibig.

Nang ang tubig at buhangin

Mga salita at larawan ni Jamie Permosil //venus

You might also like