You are on page 1of 1

IIYAK SA CR SAGLIT

TAPOS NGITI ULIT


BY: Ma. Zandra V. Nuada

Ako’y isang masayahing tao, tipong kapag ako’y iyong kasama hindi kayo makakaramdam na
ako’y may problema dahil marunong ako magpanggap na masaya kahit hindi, marunong akong
magpanggap na tumatawa kahit ako’y durog na durog na sa loob. Yan ang hindi alam ng
karamihan. Hindi rin ako sanay na magbukas ng problema sa kaibigan o sa pamilya dahil sanay
akong sila ang tumatakbo at ako ang kanilang sinasandalan sa tuwing sila’y nadadapa. Ayokong
makita nila na ako’y mahina sapagkat sanay silang makita akong malakas.
Tuwing lilipas ang gabi sarili ko’y hindi ko alam kung anong nangyayari tila ba ako’y binabalot
ng sakit sa hindi malaman laman na rason. Sa paglitaw ng buwan ang pangalang zandra ay
binabalot na ng kalungkutan, sabay sa paglubog ng araw ang ngiti sa aking mga labi ay tuluyan
ng napapawi at mapapalitan nanaman ng patak na luhang tutulo galing sa aking mga mata.
Makikita ang sarili sa loob ng CR na umiiyak para ilabas ang bigat na nararamdaman dulot ng
maraming problemang aking pinapasan . CR ang aking madalas na takbuhan kapag alam kong
hindi ko na kaya, dito ko madalas ilabas ang aking mga hinanakit sa buhay dahil ayokong may
makakita at makarinig sa bawat hikbing aking inilalabas. CR ang nagsisilbing kwarto ko sa
madilim na mundong aking ginagalawan at pinagdadaanan.IIYAK SA CR SAGLIT TAPOS
NGITI ULIT GANITO ANG IKOT NG AKING BUHAY.
Sa pagsapit ng kinaumagahan sa pagtirik ng araw masayahing mukha ang sasalubong sainyo na
para bang walang nangyari pero lingid sa kaalaman ng lahat may problema din akong
pinagdadaanan pero hindi ko sinasabi. Kaya katulad ng araw ako’y masaya pero sa tuwing
sasapit ang kadiliman kinakain ako ng kalungkutan kaya IIYAK SA CR SAGLIT TAPOS
LABAN ULIT.

You might also like