You are on page 1of 14

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan

(Balagtasan)
- Jose Corazon de Jesus

LAKAN-DIWA:
Yamang akoy siyang Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makatay inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasaliy batikang makata


At ang bibigkasiy magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas


Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Itoy dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing itoy sa harap ng bayan


Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong ditoy pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,


Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayot ditoy pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.

PARU-PARO:
Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Akoy paru-parong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,


Ang uod na dating ngayoy nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko


Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Ngunit aywan bagat sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akin


Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung akoy tawagin,
mata koy luhaan, ang pakpak koy itim.
Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,
Yaring kasawiay pagpayuhan, ninyo,
At si Laka-ILaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.

LAKAN-DIWA
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
Ikinagagalak na kayoy tanggapin,
Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.

PARU-PARO:
Sa aking paglanghap ay laon nang patay
Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Ngunit ang puso koy may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog


Ubod na ng gandat puti ang talulot,
Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangalay kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansala


Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Matapos na siyay diligan ng luha
Nang siyay umunlad, nagtagonawala!

Isang dapit-hapong palubog ang Araw


Sa loob ng hardin, kamiy nagtaguan,
- Paruparo, anya kitay tatalian,
Akoy hanapin mot kung makitay hagkan.

Isang panyong puting myay dagta ng lason


Ang sa aking matay itinakip noon,
At ang Bulaklak koy bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabul-habol ko ang bango at samyo


Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biroy naging totohanan


Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong akoy iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig


Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man akoy napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
Sa apat na sulok ng mundong payapa
Ang aking aninoy tulang nabandila,
Paruparo akong sa matay may luha,
Ang mga pakpak koy may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,


Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayw po naman,
Ay ang puso niya sa akiy ibigay.

BUBUYOG:
Hindi mangyayari at ang puso niyay
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin moy dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibig


Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Dagat mat hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.

Ang dalawang ibon na magkasintahan,


Papaglayuin mot kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Paruparong sawing may pakpak na itim


Waring ang mata moy nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
Di man Kampupot moy iyong inaangkin.

Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo


At sa kasawiay magkauri tayo,
Ako may mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.

Buhat pa kanginang ikawy nangungusap


Bawat salita moy matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,


Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawiy makapagsalita.

PARUPARO:
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay
Lalot magniningning ang isang katwiran,
Ngunit tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawat maganday pinag-aagawan.
LAKAN-DIWA:
Magsalita kayo at ipaliwanang
Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinhanap?

BUBUYOG:
Sa isang malungkot at ulilang hardin
Ang binhi ng isang halamay sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan naming
Ay kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halamay lumaki, umunlad,


Lumaki akot tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko akoy makalipad
Ang unang hinagkay katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla


Ang tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot


Sa araw at gabi akoy nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho koy aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayoy nagtaguan


Habang akoy kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikawy maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
Ang inyong taguan, akala koy biro,
Kaya ang tawa koy abot sa malayo,
Nganit nang ang sayay tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim


Giliw kong bulaklak dir in dumarating,
Nang kinabukasat muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit


At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung dimakitay din a magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipad


Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
Di ko papayagang mapaibang palad.
Luksang Paruparo, kampupot na iyan,
Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.

PARUPARO:
Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at akoy kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang


Nang makalabas kay saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?

Una muna akong nag-uod sa sanga


Na ballot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulot dahon naming ay magkasama na.

Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw


Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyot malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy


Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng Araw sa buong maghapon.

Paano ngang siya ay pagkakamalan


Sa kamiy lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung akoy sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

BUBUYOG:
Huwag kang matuwa sapagkat kaniig
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagkat tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo mat ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot


Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikawy isang uod, may bulo kang taglay;


Sa isang bulaklak lasot kamatayan,
At akong bubuyog ang dala koy buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
PARUPARO:
Akong malapit nay napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kayay pano?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

Bubuyog na laging may ungol at bulong


Ay nakayayamot saanman pumaroon,
At ang katawan moy mayrong karayom
Pano kang lalapit, di naduro tuloy?

Di ka humahalik sa mga bulaklak,


Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintanay iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, akoy paruparo,


Iyong mgabulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
BUBUYOG:
Kundi iniibig ang nakikiusap
Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalitay di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payaot ditto


Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pagligaw-matandang sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikawy paruparo, ako ay bubuyog


Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Ngunit saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamang


Sa mulat mula pay di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

PARUPARO:
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,
Pagkat napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala lasot dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyoy kanyang idinilig.

BUBUYOG:
Dadayain ka ngat taksil kang talaga
At sa mga dahoy nagtatago ka pa.

PARUPARO:
Kung akoy dinayat ikaw ang tatawa
Sa taglay kong bulo nilason na kita.

BUBUYOG:
Pagkat ikawy taksil, akin si Kampupot.

BUBUYOG:
Siyay bulaklak ko sa tabi ng bakod.

PARUPARO:
Bulaklak nga siyt akoy kanyang uod.

LAKAN-DIWA:
Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,
Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malan ang may-ari nito,
Kampupot na iyay paghatian ninyo.

BUBUYOG:
Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Sa kay Paruparoy ibigay nang lahat;
Ibig ko pang akoy magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.

PARUPARO:
Kung hahatiin poy ayoko rin naman
Pagkat pati akoy kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala ngunit akin lamang.

LAKAN-DIWA:
Maging si Solomong kilabot sa dunong
Ditoy masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Ngunit kung hatiiy kapwa tumututol.

Ipahintulot pong sa mutyang narito


Na siyang kampupot sabihin kung sino,
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

KAMPUPOT:
Ang kasintahan koy ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog pot paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

PARUPARO:
Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga sa akiy mayroong
Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala koy dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.

BUBUYOG:
At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Ang mga bulong kot daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyoy di mo ba narinig?

KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga akoy may napansing
Daing at panaghoy na kung saan galing,
Ngunit akala koy paspas lang ng hangin
At di inakala na sinumat alin.

BUBUYOG:
Sa minsang ligayay tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
PARUPARO:
Dito natunayan yaong kawikaan
Na ang paglililoy nasa kagandahan.

SABAY: BUBYOG AT PARUPARO:


Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.

LAKAN-DIWA:
Ang hatol koy ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kayat nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,


Ang iyong tulain ay Pagbabalik mo,
At ang Pasalubong sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos makatula ni Paruparo)

LAKAN-DIWA:
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang Pasalubong
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)

Minamahal namit sinisintang bayan,


Sa ngayoy tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,

maatim
matanggap sa kalooban ang anumang masakit na damdamin

Manuel Quezon
"Ama ng Wikang Pambansa"

Manuel Quezon
"Ama ng Republika ng Pilipinas"

batikan
pagiging sanay sa alinmang bagay, mahusay

pinipithaya
hinahangad, ibig

laon
tagal

sansala
pagpigil o pagsaway

kampupot
halamang kaangkan ng sampaguita, bilugan ang dahon at ang
bulaklak na mabango at maputi ay nakakatulad ng sampaguita
bagama't makapal ang talutot

kampupot
jasmine

takipsilim
oras ng paglubong ng araw

sumupling
tumubo, sumupang, sumilang

talutot
bawat isa o hati ng bulaklak

isinangla
ari-ariang ipinanagot sa pagkakautang

panibugho
pagkainggit sa tagumpay ng iba

bukong
mahiwagang panawagan: orasyon; engkanto; mahika

kanita
kumakatawan sa taong nagsasalita at sa kaniyang kasama o
kausap

urang
tulos, matulis na kahoy o bastong ginagamit na pambakod

balabal
pambalot sa katawan mula sa balikat hanggang baywang

kaniig
pag-uusap na masinsinan at pangkapalagayang-loob

tantuin
alamin, unawain

bulo
pinong balahibo

ino
pansin; puna

bao
sa bunga ng niyog, ito ang matigas na bahagi sa pagitan ng bunot
at laman

nakakayamot
nakakainis

naduro
natusok, nasundot

panambitan
kahilingan o dasal
kilabot
kinatatakutan

tumututol
hindi sumasang-ayon

tila
sa paraang di-tiyak; wari, marahil

hibik
pagtatapat ng isinasama ng loob upang humingi ng pagdamay

paspas
malakas na hihip o bugso ng hangin

hatol
pagbigay ng pasya

balagtasan
poetical debate

duplo
peotical game (similar to Balagtasan)

karagatan
literary form presented in the form of a play to amuse a bereaved
family

balagtasan
isang masining na pagtatalong patula tungkol sa isang isyo o paksa

balagtasan
isang uri ng laro na nagpapakita ng pagiging magalang sa bawat
mambabalagtas na nagpapalitan ng katwiran

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan


paksang pinagtatalunan

Paruparo
Jose Corazon de Jesus

Jose Corazon de Jesus


"Hari ng Balagtasan"
Bubuyog
Florentino T. Collantes

Kampupot
Sofia Enriquez

Lakandiwa
Lope K. Santos

may gata sa dila


mahusay bumigkas

nagtampo ang bango


nawalan ang bango

diligan ng luha
alagaan

sugatang dibdib
nasaktan

tawa ko'y abot sa malayo


malakas ang tawa

namugad sa dibdib
namayani o nanatili

kilabot sa dunong
matalino

luha ng langit
mula sa langit

samo at mga paghibik


kahilingan

paspas lang ng hangin


hihip ng hangin

Karagatan
binubuo ng mga saknong na apatang taludtod at may sukat na
lalabindalawa
Karagatan
higit na makinis kaysa sa duplo at nag-aangkin ng malulundong
talinghaga at malalim na palaisipan

Karagatan
tungkol sa alamat ng singsing ng isang dalaga, na umano'y nahulog
sa gitna ng karagatan at sa binatang makakakuha nito ay
nakalaang ipagkaloob ng dalagang may-ari ng singsing ang
kaniyang pag-ibig bilang gantimpala.

Duplo
ito'y pagtatalo sa tula at pahusayan sa pagbigkas

Duplo
ang mga matuwid na ginagamit dito'y karaniwang hango sa mga
salawikain, kawikaan at kasabihan, at sa iba't ibang tadhana ng
batas ng bayan

Ama Namin;
Aba Ginoong Maria;
Requiem Me Ternam
pasisimulan ng duplo ang paligsahan sa pagdarasal ng _________.

Duplo
tutula ang hari tungkol sa pagkawala umano ng kaniyang alagamg
ibon at ang paghuli at pagpatay sa naturan ng isang bilyako at ng
isang bilyaka na nagsupungang pagbintangan

Bilyako
Duplero

Bilyaka
Duplera

Jose N. Sevilla
sinabi niya na tawagin ito ng "Balagtasan"

Balagtasan
Isang tula ng pagtatalo tungkol sa isang napapanahong isyu o
mahalagang paksa.

Batutian
bilang pagpaparangal sa yumaong Jose Corazon de Jesus
sumilang ang isang bagong anyo ng tulang patnigan noong taong
1933.

Batutian
pangunahing layunin nito ang makapanlibang sa mga nakikinig o
bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong
mga kayabangan, panunudyo, at palaisipan

unang tindigan;
pagpapakilala at pagpapayabangan;
ikalawang tindigan;
pagtatalo; ikatlong tindigan; palaisipan at tudyuhan; at ang
taludturang patnigang pangwakas ay pawang uruyan
Banghay ng Batutian ay gaya ng:

Batutian
ang sukat ay lagi nang lalabindalawahin, bagaman ang bilang ng
mga taludtod ay maaaring magkaiba-iba ayon sa hinihinga ng
paksa

Batutian; Balagtasan
nagbibigay-diin sa matulaing kaanyuan at nagpapahayag din ng
mga ara

You might also like