Professional Documents
Culture Documents
Kapag tinanong mo ang mga kabataan ngayon kung anu ang ideya nila ng musical,
malamang nakahulma ito sa mga programa tulad ng Glee o kayay yung mga
broadway na dumadayo sa Pilipinas. Bibihira na siguro ang may alam
sazarzuela bilang isang porma ng teatro.
Kayat napapanahon ang pagtatanghal ng Walang Sugat ni Severino Reyes, sa
direksyon ni Carlitos Siguon-Reyna. Pagkakataon itong ipakilala sa kasalukyang
henerasyon ang zarzuela na dati nang bumighani sa mga manonood sa panahon ng
kolonyalismong Kastila at Amerikano. Ang zarzeula ay isang dula na may mga awit
at sayaw, malimit na tumatalakay sa pag-ibig bagamat naka-konteksto sa mga
panlipunang usapin at isyu. Halimbawa, ang mga kundiman tungkol sa magsingirog, ay pumapatungkol din sa marubdog na pag-ibig sa bayan laban sa mga
dayuhang mananakop.
Pamilyar ang mga tema ng Walang Sugat, pagmamahalan sa gitna ng digmaan,
sakripisyo, pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Ito ang
magdudulot ng magkahalong kilig at ligalig sa manonood. Sa payak na
paghahambing, parang Glee na subersibo; Romeo and Juliet na rebolusyonaryo.
Simple lang ang kwento ng Walang Sugat. Si Tenyong at Julia ay magkasintahan (at
parang magpinsan din). Kumaharap ng matinding pagsubok ang kanilang pagiibigan nang maaresto ang tatay ni Tenyong dahil sa mga pagkilos nito laban sa
mga prayleng Kastila. Ang tatay ni Tenyong ay tinortyur nang matindi at nasa bingit
na nang kamatayan nang abutan ni Tenyong at kanyang ina. Sa pagkamatay ng
kanyang ama, si Tenyong ay nagpasyang sumama sa armadong pakikibakang
inilulunsad ng Katipunan. Dito sila nagkahiwalay ni Julia.
Sa kanilang matagal na pagkawalay ay pinuwersa si Julia na ikasal sa ilustradong si
Don Miguel. Bago ang nakatakdang kasal, pinahanap ni Julia si Tenyong sa dating
alalay nito na si Lucas. Nahanap ni Lucas si Tenyong sa kampo ng mga rebelde at
naipaabot ang masamang balita ng pwersahang pagpapakasal ni Julia kay Don
Miguel. Pero bago pa man makatugon si Tenyong sa liham ni Julia, sinalakay ng mga
Kastila ang kampo ng mga Katipunero. Nagkahiwalay si Lucas at Tenyong sa gitna
ng labanan. Nakatanggap ng liham si Julia mula sa isang henral na malubhang
nasugatan at nawawala ang batang Kapitan Tenyong.
Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag,
sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang
ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero
bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si
Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa katre. Dinala si Tenyong sa
pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi,
hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na
sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si
Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel
sa kakaibang dying wish na Tenyong.
Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal,
biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; Walang sugat!
Walang sugat!.
Ang pagsigaw na rin ang naiging senyales ng pag-aaklas ng taongbayan at
pagkubkob ng mga rebolusyonaryo sa kabayanan. Inaresto ang mga prayle ang
mga taga-suporta ng mga Kastila. Tagumpay na sana ang mga rebolusyonaryo nang
sa kalayuaan ay biglang lumitaw ang imahe ng mga Amerikano, lulan ng kanilang
kalimutan na lamang ang nakaraan pagkat tapos na, ngunit walang pinipiling
panahon ang aral na naidulot ng sarswela. Siguro may mga bagay tayong maaaring
maihambing sa mga pangyayari ng nakaraan. Tulad na lamang ng pagtupad sa
ating mga pangarap, walang ibang pinangarap ang mga Pilipino noong unang
panahon kundi ang makamit ang kalayaan. Maihahambing natin ang ating mga
sarili sa ganitong sitwasyon sa kasalukuyang panahon. Marami tayong mga
pangarap na nais abutin, nararapat lamang na masikap tayo at matiyaga sa
pagtupad nito, samahan na rin ng paglakip ng katakut-takot na pag-asa at
determinasyon. Lagi lang nating tandaan na ang mga aral sa ating buhay ay walang
pinipiling panahon, mapasangayon man ito o noong unang pang panahon.