isang uri ng anyong panliteratura na nasusulat subalit isinasabuhay at ipinalalabas sa ibabaw ng tanghalan. Tulad din ng ibang uri ng literature tumuturol ito sa karansan ng tao o lipunan at naglalayong muling isagawa sa pamamagitan ng masining na pagtatanghal. Taglay din nito ang mga katangian ng literaturang fiksyon tulad ng banghay, tauhan, tema o paksa at wika. Mga Dula at Mandudula
Bago pa man dumating ang mga Amerikano’y
kapiling na natin ang sining ng dulaan. Marami nang Pilipino noon ang umaakyat ng entablado upang magtanghal na bagamat salat sa mga pangangailangan ng makabagong dula ay kinagigiliwan naman ng mga manunuod. Sa katunayan ay may mga treatro nang sadyang itinayo para dito. Tinawag na moro-moro ang ating mga unang dula na nang lumaon ay napalitan ng zarzuela. Zarzuela ang kinatawang dula ng mga Tagalog. Ang kasabikan ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kasarinlan ang paksain pa rin nga zarzuela. Matapat na inilirawan dito ang kalagayang api ng sambayanan. Ang binhi ng nasyonalismong itinanim ng ating mga bayani’y nanatiling buhay sa dibdib ng mga makabayan kayat naging maluwag ang pagtanggap sa mga zarzuela. Kahit na nga mahigpit na ipinatupad ang batas sa sedisyon at ang paglalahad ng bandila ng Pilipinas, hindi natakot ang ating mga dramaturgo na ipakita nang lantaran ang damdaming mapaghimagsik, ang tuwirang pagtutol sa paniniil ng mga Amerikano at ang paggamit ng ating watawat. Sa larangang ito ng panitikan ay nangibabaw ang mga pangalan nina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan. Itinatag nila ang ang samahan ng mga mandudula na tinawag na Gran Compania de Zarzuela Tagla para kay Severino Reyes at Compania Ilagan kay Hermogenes Ilagan. Marami rin ang sumulat ng dula noon at ang itinuring na ama ng dulaang Tagalog ay si Severino Reyes. Karaniwang may tataluhing yugto ang kanilang mga katha. Si Severino Reyes ay nakilala sa bansag na Lola Basyang dahilan na rin sa kanyang mga akdang “Mga kwento ni Lola Basyang” na lumabas sa lingguhang magasing Liwayway. Kilala rin siya sa ngalang “Don Binoy”. Sinulat niya ang ang mga dulang “Walang Sugat” na unang ipinalabas noong 1902. Inilarawan sa dulang ito ang kapaitang dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng malulupit sa Espanyol. Ang iba pa niyang akda na naitanghal din ay ang “Ang Kalupi”, “R.I.P”, Cable “Grama Fatal”, “Los Martires de la Patria”, “Filipinas para los Filipinos”, “Puso ng isang Filipina”, “Bagong Fausto”, “Alma Filipina”, “Tatlong Bituin”, “Mga Pusong Dakila”, “Filotea o Ang Pag-aasawa ni San Pedro”, “Opera Italiana”, “A San Lazaro”, at “Minda Dora”. Si Hermogens Ilagan naman ang sumulat ng “Despues de Dios el Dinero”, “Dalawang Hangal’, “Biyaya ng Pag- ibig”, “Dalagang Bukid”, at “Lucha Electoral”. Ang Kapampangang si Aurelio Tolentino ay Malaki ang naitulong sa pag-unlad ng dulaang Tagalog. Marami ang humanga sa kanyang pagsulat at pagka-makabayan at sa kabila ng kanyang pagkakabilanggo ng kung ilang beses dahilan sa kanyang mga katha ay nagpatuloy pa rin siya sa pagsulat. Ang ilan sa kanyang akda’y ang mga sumusunod; “Kahapon, Ngayon at Bukas”, “Bgong Kristo”, “Luhang Tagalog”, “La Rosa”, “Manood Kayo”, “Ang Makata”, “Sinukuan”, “Rizal Y Los Dioses”, “Sumpaan”, “Filipinas y Espanya”, “Lagrimas Malayas” at “Neneng”. Si Patricio Mariano ang sumulat ng mga dulang “Lakambini”, “Ako’y Iyo Rin”, “Si Mayumo”, “Ang Pakakak”, “Silanginan D”, “Deni”, “Ang unang Binhi”, “Luha’t Dugo”, “Ang Anak ng Dagat”, “Ang Tulisan”, “Buhay Dapo”, at marami pang iba. Hindi rin nagpahuli sa pagpapayaman ng dulang Talagalog si Julian Cruz Balmaceda. Iniambag niya ang dramang “Suga ng Puso”, “Ang Puso ni Anita”, “Budhi ng Manggagawa”, “Kaaway na Lihim”, “Dugo ng aking Ama”, “Sa Bunganga ng Pating”, “Ang Tala sa Kabundukan”, “Kayamanang Lumilipad”, “Hampas ng Lupa”, “General Gredgorio H. del Pilar”, “Higanti ng Patay”, “Dahil sa Anak”, “Sangkuwaltang Abaka”, na pinalitan ng iba makaraan ang digma ng “Sino Ba Kayo?”. Ang dramang Tagalog o Zarzuela ay hindi rin nagging pangmatagalan at sinapit din ang kapalaran ng moro-moro. Dahan-dahan itong Nawala sa pagpasok ng bodabil at ng pelikula. Dala ng mga Amerikano ang bodabil sa ating bansa. Dati rati ang mga gumaganap ay pawing mga Pilipino. Dahil sa kakaibang kasiyahan sa panunuod ng bondabil, itinanghal na rin ito para sa mga Pilipino. Ang bodabil ay tumutukoy sa anumang palabas sa anumang palabas na may awitan, sayawan, komedi o pagpapatawa, akrobatik at madjik na pinagsamasama sa iisang pagtatanghal. Sinasabing ang unang nagpalaganap ng ganitong uri ng pagtatanghal ay ang pamilya Vera-Perez. Kung tutuusin, magagaling din ang mga artistang Pilipinong gumaganap sa mga bodabil sapagkat nagagawa nilang gayahin ng walang kahirap-hirap ang mga awitin at sayaw ng mga sikat na mang-await sa Amerikano noong araw. Ilan sa mga artistang Pilipinong gumanap sa bodabil sina Kathy de la Cruz, ang tinaguriang Reyna ng bodabil sa Pilipinas, si Aling Chuchi, Metring David, Bayani Casimiro, at iba pa.