You are on page 1of 2

Sarsuwela

isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog

Ang sarsuwela o zarzuela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na


mayroong isa hanggang limang kabanata. Ito’y nagpakita ng mga sitwasyon ng
Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong
isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin
ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya
lamang ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at patula ang
dialogo nito. Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang
pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuwela
ay pahaplis at pahapyaw lamang. Ito ay ipinangalan sa la Zarzuela ng Espanya.

LUBOS NA PAGPAPALINAW: Ang sarsuwela at isang komedya o melodramang


may kasamang awit at tugtog na nanghihingil sa mga punong damdamin ng tao
tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at iba pa o kayâ
naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika. Ayon sa
kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya
sapagkat magkahalo ang mga diyalogong ginagamit dito — "patula" at "pasalita".
Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan,
bukod ito sa nilagyan ng komposition na maaaring awitin. Samantala, ang
tuluyang diyalogo ay yaong ginamit naman ng mga katulong na tauhan. Ang
sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong
seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya'y
tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay
nasosobrahan sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kayâ nagiging "soap operatic".
Bagama't ipinakilala ito noong panahon ng mga Espanyol, ay lubos na
namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa
pangunguna nina Severino Reyes na kilala sa taguring "Lola Basyang" sa
kanyang dulang Walang Sugat; Aurelio Tolentino sa kanyang kahapon, Ngayon
at bukas, Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisosmo Soto sa
kanyang Anak ng katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria
Amanda; At iba pa. Isa naman sa dahilan ng panghina o kawalan ng sikat o
pagkilala ng sarsuwela ay ang bodabil o stage show. Ang pagtatanghal na ito ay
halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyari kung
kayâ sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang
teatro.

Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring ginagawa


sa ating bansa bilang pag-alala sa mahalagang pagdiriwang na may kinalaman
sa pananampalatayang katolisismo (catholicism) at upang talakayin ang mga
suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa


Wikipedia sa pagpapalawig (https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Sarsuw
ela&action=edit) nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Sarsuwela&oldid=1908434"

Huling pagbabago: 00:14, 17 Nobyembre 2021. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like