You are on page 1of 9

“ANG SARSUWELA”

 Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may


kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin
ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman,
kalupitan, o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning
panlipunan o pampolitika.
 Ayon sa kasaysayan, sinasabing hinango ng mga Espanyol sa
opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginamit
dito (patula at pasalita).
 Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga
pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng
komposisyon na maaaring awitin.
 Ang tulang diyalogo ay yaong gamit naman ng
mga katulong na tauhan. Ang sarsuwela ay
binubuo ng walong yugto.
 Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa.
Melodrama kung ito ay tawagin o kaya’y tragikomedya. Hango
sa tunay na buhay ang paksa nito ay kung minsan ay
nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya
nagiging soap operatic.
 Ang sarsuwela, bagama’t ipinakilala noong
panahon ng mga espanyol ay lubos na
namulaklak noong panahon ng himagsikan
Pilipino at Amerikano.
 Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bansa ang
bodabil o stage show. Ang pagtatanghal na ito ay halos wala
nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyari
kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan
na lamang ang teatro.
 Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa
ring ginagawa sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang
pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang
Katolisismo at upang talakayin ang mga suliraning panlipunang
nangyari sa bansa.

You might also like