You are on page 1of 4

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa

Pagpapahayag ng Opinyon
*Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-ayon.
Bawat isa ay may kani-kanyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay
pabor sa atin o hindi. Kailangan maging magalang at malumanay sa pagbibigay ng ating
mga opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin.
1. Pahayag sa Pagsang-ayon – ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag,
pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya.
 Bilib ako sa iyong sinasabing Sang-ayon ako
 Ganoon nga Sige
 Kaisa mo ako sa bahaging iyan Lubos akong nananalig
 Maaasahan mo ako riyan Oo
 Iyan din ang palagay ko Talagang kailangan
 Iyan ay nararapat Tama ang sinabi mo
 Totoong Tunay na
2. Pahayag na pasalungat – ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas,
pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa
pagpapahayag na ito.
 Ayaw ko ang pahayag na……
 Hindi ako naniniwala riyan…..
 Hindi ako sang-ayon dahil…..
 Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi…..
 Hindi tayo magkasundo…..
 Hindi totoong…..
 Huwag kang…..
 Ikinalulungkot ko…..
 Maling-mali talaga ang iyong…..
 Sumasalungat ako sa…..

You might also like