Professional Documents
Culture Documents
Grade 8 Handouts
Grade 8 Handouts
OPINYON
1.Pangnagdaan / Naganap / Perpektibo
Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o - ang salitang kilos ay nangyari na
pagsang-ayon. Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat irespeto.
Kailangan maging magalang upang maiwasan ang makapanakit ng Mga salitang palatandaan sa aspektong pangnagdaan:
damdamin. kanina
kahapon
Pahayag na Pagsang-ayon- Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, noon
pagpayag, pakiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. kagabi
Pahayag sa Pagsalungat-Ito ay pahayag na nangangahulugan ng PERPEKTIBONG KATATAPOS – Sa paksang ito, ating pag-aaralan
pagtanggi, pagtaliwas,pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. kung ano nga ba ang perpektibong katatapos at ang mga halimbawa
nito.
Mga Hudyat sa Pahayag na Pagsalungat
Kapag ginamit natin ang perpektibong katatapos, ating pinag-uusapan
Ayaw ko ang pahayag na… ang pandiwa na may kilos na naganap na o mga kilos na
Hindi ako naniniwala riyan… pangnagdaan.
Hindi ako sang-ayon dahil…
Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi… Kaliligo pa lamang ni Peter kaya mga 5 minuto pa siya bago
maka alis.
Hindi tayo magkasundo…
Hindi totoong…
Kakakain ko pa lamang kaya hindi na muna ako hihiga, baka ma-
antok agad ako.
Huwag kang…
Sabi ni mama, kakaalis lang daw ni papa papunta sa palengke.
Ikinalulungkot ko…
Huwag kang mag-alala mama, kasusulat ko na ang aking
Halimbawa: proyekto.
Wala pa akong masuot kasi kalalaba ko pa lang ng aking mga
1. Ikinalulungot ko, pero sa panahon natin ngayon, hindi na ako damit.
naniniwala na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Maling-mali
ang iyong sinabi, hindi toto ...
Pangnagdaa Pangkasalukuya Panghinaharap/
Salitang n/ n/ Magaganap/
Kilos Naganap/ Nagaganap/
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
awit umawit umaawit aawitin
basa binasa binabasa babasahin Kaantasan ng Pang-uri
bigay ibinigay ibinibigay ibibigay 1. Lantay na Pang-uri
bilang binilang binibilang bibilangin Ito ay naglalarawan ng isa o payak na
pangngalan (tao, hayop, bagay, lugar) o
dagdag dinagdagan dinadagdagan dadagdagan panghalip na walang pinaghahambingan.
Mga Halimbawa ng Lantay na Pang-uri sa Pangungusap
Si Kat ay matangkad.
Masarap ang adobo ni nanay.
Uminom ako ng mainit na kape.
2. Pahambing na Pang-uri
Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangngalan (tao, hayop, bagay, lugar) o panghalip.
Mayroong dalawang uri ng pahambing na pang-uri: ang pahambing na magkatulad at pahambing na hindi magkatulad.
A. Pahambing na Magkatulad
Ipinakikilala sa pahambing na magkatulad ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.
Mga Halimbawa:
Si Kat ay singtangkad ni Catriona.
Magkasingsarap ang adobo ni nanay at ate.
Kasing-init ng kape ang ulo mo.
B. Pahambing na Di-Magkatulad
Ipinakikilala nito ang di-magkapantay o di-patas na paghahambing. Maaari itong nagbibigay ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi o pagsalungat.
Pahambing na Palamang – Ito ay may katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga
salitang higit, mas, di-hamak, at lalo. Tinutulungan din ito ng mga salitang kaysa o kaysa kay.
Pahambing na Pasahol – Ito ay may katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan. Tinutulungan ito ng mga
salitang di-gaano, di-tulad ni o di-tulad ng, di-gasino, di-masyado, at marami pang iba.
Mga Halimbawa:
Si Kat ay di-hamak na matangkad kaysa kay Catriona.
Higit na masarap ang adobo ni nanay kaysa kay ate.
Mas mainit pa ang ulo mo kaysa kape.
3. Pasukdol na Pang-uri
Ang pasukdol na pang-uri ay may katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Maaari itong
negatibo o positibo. Masidhi ang paglalarawan dito kaya maaaring gumagamit ng mga salitang
sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga, saksakan, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Mga Halimbawa:
Si Kat ang pinakamatangkad sa klase.
Saksakan ng sarap ang adobo ni nanay.
Ininom ko ang ubod ng init na kape.