You are on page 1of 9

Detalyadong Banghay Aralin ng Filipino V

Learning Competency: Nagagamit ang Pang-abay sa paglalarawan ng kilos.

I. Mga Layunin: Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang ;


a. Matutukoy ang mga salitang naglalarawan ng kilos at;
b. Makilala ang mga uri ng pang-abay.
c. Nakagagamit ng mga pang-abay sa pagbuo ng mga pangungusap na naglalarawan ng kilos.

II. Nilalaman:
Paksa: Paggamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos
Sanggunian: Filipino V MELCs – Hiyas sa Wika5.1999.pp.132-138, 159-163
Kagamitan: Laptop,PPT

III. Pamamaraan

Gawaing guro Gawaing mag-aaral


a. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Okay mga bata magsitayo lahat para Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espritu Santo
sa panalangin. amen.

2. Pagbati
Magandang umaga mga bata. Magandang umaga din po titser
Bago umupo ayusin ang upuan at
pulutin ang mga basura at itapon sa Okay po titser
basurahan.

3. Pagtala ng Liban

Wala bang lumiban sa inyo? Wala po titser


Magaling! Palakpakan ang iyong sarili (nagpalakpakan ng sabay)
dahil kumpleto kayo.

4. Balik-aral
Sino ang nakaalala sa tinalakay nating Maam
paksa kahapon?

Okay Lucas Pandiwa po

Magaling!
Ano naman ang pandiwa?

Okay Dean Nagsasaad ng kilos, aksyon, galaw ng isang tao,


bagay o hayop.

Magaling!

A. Paglinang ng Gawain

1. Pagganyak

Okay mga bata meron ako ditong mga rambol na


salita, at ayusin ninyo kung anu-ano ang mga
salitang ito.

MATIMTIM
TUNI-TUNI
ANAKIN
SIMBALI
BAGLING

2. Paglalahad ng paksa

Sa mga rambol na salita anu-ano ang mga salitang TAIMTIM, UNTI-UNTI, KANINA, MABILIS at
inyong nabuo? BIGLANG

Magaling!

Sa iyong palagay ano ag tawag ng mga salitang Pang-abay po


iyon?

Tama! Pang-abay

Kung saan kayo ay inaasahang;


a. Matutukoy ninyo ang mga salitang
naglalarawan ng kilos at
b. Makilala ang mga uri ng pang-abay.
c. Nakagagamit ng mga pang-abay sa pagbuo
ng mga pangungusap na naglalarawan ng
kilos.

3. Pagtatalakay

1. Taimtim na nagdarasal ang aking ina sa


loob ng simbahan.
2. Lumakad ng mabilis si Tatay upang hindi
mahuli sa trabaho.
Mga bata, anong masasabi ninyo sa mga salitang Ay salitang naglalarawan ng isang pandiwa
may salungguhit sa bawat pangungusap?

Tama, ang mga salitang may salunguhit ay nag


lalarawan ng pandiwa.

Ang mga salitang nag lalarawan ng pandiwa ay


tinatawag na pang-abay.

Ano nga ba ang pang-bay? Ang pang-abay po ay salitang naglalarawan ng


isang pandiwa, pang-uri, at sa kapwa nitong pang-
abay.
Tama! Ang pang-abay ay salitang naglalarawan ng
isang pandiwa, pang-uri, o sa kapwa nitong pang-
abay. At ang mga salitang inyong nabuo ay mga
halimbawa ng pang-abay.

Ang pang-abay ay may tatlong uri; pang-abay na


pamaraan, pang-abay na pamanahon at pang-
abay na panlunan.

Mga halimbawa:

1. Lumakad ng marahan c Lucas papuntang


silid.

Paano lumakad si Lucas papuntang silid? Marahan po

Tama! Marahan

Ano salitang kilos ang inilarawan sa pangungusap? Lumakad po

Tama! ang salitang marahan ay naglalarawan kung


paano lumakad si Lucas papuntang silid.

2. Sumigaw ako nang malakas sa bundok.

Paano ako sumigaw? Malakas po.

Tama! malakas

Anong salitang kilos ang inilarawan sa Sumigaw po.


pangungusap?

Tama! Ang marahan at malakas ang naglalarawan


ng kilos kung paano naganap ang pangyayari.

Basi sa nabigay na mga halimbawa, anong uri ng Pang-abay na pamaraan po


pang-abay ang nilalarawan?

Tama, ito ay tinatawag na pang-abay na


pamaraan, dahil ito ay nagbibigay ng detalye o
paglalarawan sa kung paano naganap ang isang
pangyayari.

Ngayon kayo naman ang magbigay ng halimbawa Magalang po


ng pang-bay na pamaraan.

Okay magalang

Gamitin ito sa pangungusap. Magalang na sinagot niya ang tanong ng guro.

Magaling!

Ano ang unang uri ng pang-abay? Pang-abay na pamaraan po

Tama! Pang-bay na pamaraan

Ano ang pang-abay na pamaraan? Ito ay naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap ang pangyayari
Magaling!

Halimbawa:
a. Ngayon ko natapos ang aking takdang-
aralin.

Kalian ko natapos ang aking takdang aralin? Ngayon po

Ano ang natapos ko ngayon? Takdang aralin po

Tama! Ang salitang ngayon ang naghahayag kung


kalian natapos ang takdang aralin.

b. Sa tuwing umuulan, kailangan kong


magdala ng payong.

Kalian kailangang magdala ng payong? Tuwing umuulan

Magaling! Tuwing umuulan.

Sa tuwing umuulan ano ang kailangang dalhin? Payong po

Tama! Ang salitang tuwing umuulan ay


naghahayag kung kalian kailangngang magdala ng
payong.
Ang salitang ngayon at tuwing umuulan ay
naghahayag kung kalian naganap ang pangyayari.

Basi sa nabigay na mga halimbawa, anong uri ng Pang-abay na pamanahon po


pang-abay ang nilalarawan?

Tama! Ito ay tinatawag na pang-abay na


pamanahon.

Ngayon kayo naman ang magbigay ng halimbawa Kahapon po!


ng pang-abay na pamanahon at gamitin ito sa Kumain kami sa labas kahapon ng gabi.
pangungusap.

Magaling!

Ano ang pang-abay na pamanahon? Ito ay nagsasaad kung kalian magaganap ang kilos
o pangyayari.
Tama! Ang pang-abay na pamanahon ay
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa takdang
panahon kung kailan naganap o mangyayari ang
isang kilos o pangyayari.

Halimbawa:
1. Nakatira kami sa itaas ng ikalawang
palapag.

Saan kami nakatira? Sa itaas po nang ikalawang palapag.

Magaling! sa itaas nang ikalawang palapag.

Anong pang-abay ang ginagamit sa pangungusap? Sa itaas po

Tama! Sa itaas

Ang salitang sa itaas ay naghahayag kung saan


kami nakatira.

2. Doon sa kabilang kanto matatagpuan ang


tindahan.

Saan matatagpuan ang tindahan? Doon sa kabilang kanto po.

Tama! Doon sa kabilang kanto matagpuan ang


tindahan?

Anong salita ang ginamit upang matukoy saan Doon po


matagpuan tindahan?
Tama! Doon

Ang salitang doon at sa itaas ay naglalarawan o


naghahayag ng deriksyon o lokasyon ng kilos o
pangyayari.

Basi sa nabigay na mga halimbawa, anong uri ng Pang-abay na panlunan po.


pang-abay ang nilalarawan?

Tama! ito ay tinatawag na pang-abay na panlunan.

Ngayon magbigay kayo ng halimbawa ng pang- Dito po


abay na panlunan at gamitin ito sa pangungusap. Bumili ako ng pagkain dito sa palengke.

Ano ang pang-abay na panlunan? Ito ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan o


pangyayarihan ng kilos o pangyayari.
Tama ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa
pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos o
pangyayari.

3. Paglalahat

Balikan natin ang ating paksang tinalakay ngayon.

Ano ang pang-abay? Salitang naglalarawan ng isang pandiwa, pang-uri o


kapwa nitong pang-abay.
Magaling! Ang pang-abay ay salitang naglalarawan
ng isang pandiwa, pang-uri, at sa kapwa nitong
pang-abay.

Anu- ano ang tatlong uri ng pang-abay? Pang-abay na pamaraan


Pang-abay na pamanahon
Pang-abay na panlunan
Magaling! Pang-abay na pamaraan, pang-abay na
pamanahon, at pang-abay na panlunan.

Anong uri ng pang-abay ang naghahayag kung Pang-abay na pamaraan po


paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos
o pangyayari?

Tama!

Anu-anu ang mga salitang pananda ang ginagamit Marahan, malakas, mabilis, mahigpit, at tahimik
ng pang-abay na pamaraan?

Magaling! Ang mga salitang marahan, malakas,


mabilis, mahigpit, at tahimik ang mga pananda ng
pang-bay na pamaraan kung saan ito ay
nagpapahayag ng paraan o pamamaraan ng
pagganap ng kilos o pangyayari.

Anong uri ng pang-abay ang nagsasaad kung kalian Pang-abay na pamanahon po


magaganap ang kilos o pangyayari?

Magaling!

Anu-ano ang mga salitang pananda ng pang-abay Ngayon, bukas, kahapon, at sa tuwing,
na pamanahon?

Tama! Ang salitang ngayon, bukas, kahapon, at sa


tuwing ang mga pananda ng pang-abay na
pamanahon kung saan ito ay nagpapahayag ng
oras o panahon ng kilos o pangyayari.

Ngayon anung uri naman ng pang-abay ang Pang-abay na panlunan po


tumutukoy sa pook na pinangyarihan o
pangyayarihan ng kilos o pangyayari?

Anu-ano ang mga halimbawang salita ng pang- Dito, doon, sa itaas, sa ibaba
abay na panlunan?

Magaling! Dito, doon, sa itaas, at sa ibaba ay ang


mga pananda ng pang-abay na panlunan kung saan
ito ay, nagpapahayag ng lokasyon o direksyon ng
kilos o pangyayari.

Bakit mahalagang makilala natin ang pang-abay, Dahil nagbibigay ito ng kaliwanagan sa tao upang
pang-abay na pamaraan at pang-abay na mas mauunawaan ang bawat pangyayari at
panlunan? kaisipan.

Ano pa? Upang maipahayag ng tama ang kaisipang nais na


mabigyan ng pansin.
Magaling! Ang pagkilala sa mga pang-abay, pang-
abay na pamaraan, at pang-abay na panlunan ay
nagbibigay sa atin ng mga kagamitan upang
maging mas malikhain, malinaw, at epektibo sa
ating pagsasalita at pagsusulat.

Ito ay mahalaga para sa mas malalim na pag-


unawa sa wika, pagpapahayag ng mga ideya, at
pagsasabuhay ng mga salita sa iba't ibang
konteksto ng komunikasyon.

4. Paglalapat

Ngayon subukin natin ang inyong kaisipan kung


naintindihan ninyo ang paksang tinalakay natin
ngayon.

Salungguhitan salitang pang-abay.

1. Mabilis kumalat ang balita.


2. Pumila ng matyaga ang mga senior citizen
para sa kanilang ayuda.
3. Kusang-loob na tumulong ang binata.
4. Laging maghugas ng kamay.
5. Maayos na sinalubong ang mga bisita.
6. Maganda ang pagkakagawa ng kanilang
bahay.
7. Ang garden namin ay nasa likod ng bahay.
8. Sa kasalukuyan, si mang Berting ang
pinuno ng aming tribo.
9. Malinis na nilinis niya ang kanyang
paligid.
10. Naglagay ng pagkain sa gitna ng mesa.

IV. PAGTATAYA

a. Tukuyin kung ang pang-abay na ginamit ay pamaraan, pamanahon, o panlunan.

1. Padabog na inabot ang tulong.


2. Magbibigay ako ng tulong sa mga nasalanta sa bagyo.
3. Sa palengke ako bumibili ng bigas.
4. Lumabas kanina ang resulta ng lotto.
5. Linggo-linggo nagsasagawa ng pay-out.

b. Gumawa ng limang (5) pangungusap gamit ang pang-abay na pamaraan, pamanahon at panlunan.

V. TAKDANG ARALIN

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na mga salitang pang-abay.

1. Kanina
2. Marahan
3. Talagang
4. Biglang
5. Sa linggo

You might also like