You are on page 1of 8

Department of Education

Region III, Division of Bulacan


Centro Escolar Integrated School
City of Malolos, Bulacan

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 6

I. Layunin

Ang mga mag-aaral ay:


 natutukoy ang mga mahahalagang katangian ng alamat,
 naihahalintulad ang mga pangyayari sa kwento sa totong buhay at
 nakukumpara ang katangian ng dalawang alamat.

II. Paksang –Aralin

 Paksa: Pandiwa
 Antas ng mga mag-aaral: Grade 6
 Batayang Aklat: Binhi: Wika at Pagbasa para sa Elementarya
 Kagamitan: Laptop, Batayang aklat, MS Teams, at MS Forms

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Panalangin
a. Magadang araw Grade 6! Bago tayo Iyuko natin ang ating mga ulo at ipikit ang ating mga
magsimula ay umpisahan natin ang lahat sa mata at damhin ang presensya ng Panginoon.
isang panalangin.

b. Pagbati
Magandang Umaga 6-________! Magandang Umaga rin po G. Mateo!

c. Pagmamasid sa kapaligiran
Bago tayo magsimula sa talakayan ay ihanda
muna ang papel at panulat na kakailanganin
natin mamaya sa ating talakayan. Itago muna
rin ang anumang mga bagay na maaaring
makaabala sa inyong pakikinig at paglahok sa
ating talakayan. Handa na ba? Opo, Ginoo!

d. Pagtatala ng liban
May liban ba sa ating klase? Nandito po.
(Sisimulan ng guro na tawagin ang pangalan
ng bawat mag-aaral.)

Nagagalak naman ako at walang lumiban sa


araw na ito.
B. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating paksang ating
tatalakayin ay magkaroon muna tayo maikling
pagbabalik-aral tungkol sa paksang tinalakay
sainyo noong nakaraan.

Natatandaan pa ba ang iba’t ibang Bahagi ng Opo, Ginoo. Natatandaan po namin!


Pananalita na tinalakay sainyo noong
nakaraan?
(Tatawag ang guro)

Magaling! Kung gayon, magbigay nga ng ilan Isa po sa mga tinalakay noong nakaraan ang
sa mga bahagi ng pananalitang natatandaan at Pangngalan, ito po ay bahagi ng pananalita na
ipaliwanag ang mga ito. tumutukoy sa mga salitang pantawag sa tao, bagay,
(Tatawag ang guro) pook, kalalagayan, at pangyayari. Nahahati rin po ito
sa dalawang uri: ang pangngalang pantangi at
pangngalang pambalana kung saan kapag ito po ay
pantangi tiyak ang pangalan. Samantalang, sa ang
pangalang pambalana naman po ay tumutukoy sa
pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, pook,
kalalagayan, at pangyayari.

Mahusay! Ang pangngalan nga ay isang


bahagi ng pananalita na tumutukoy sa mga
salitang pantawag sa tao, bagay, pook,
kalalagayan, at pangyayari. Ito rin ay nahahati
sa dalawang uri: ang pangngalang pantangi at
pangngalang pambalana. Kung saan ang
pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak
(specific) na ngalan ng tao, bagay, pook,
kalalagayan, at pangyayari gaya ng Juan Dela
Cruz, Manny Paquiao at iba pa. Samantalang
ang pangalang pambalana naman po ay
tumutukoy sa pangkalahatang (general) ngalan
ng tao, bagay, pook, kalalagayan, at
pangyayari. Halimbawa nito ay mag-aaral,
guro at iba pa.

Isa rin po sa bahagi ng pananalita na tinalakay noong


Mayroon pa bang ibang kasagutan? nakaraan ay ang Pang-uri. Ito po ay mga salitang
naglalarawan sa tao, bagay, pook, kalalagayan, at
pangyayari.

Magaling! Ang pang-uri nga ay isa rin sa mga


bahagi ng pananalita kung saan ito ay
tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa
tao, bagay, pook, kalalagayan, at pangyayari.
Halibawa nito ay ang maganda, malaki,
mabagal, at iba pa.
C. Motibasyon Opo, naunawaan po namin Ginoo.
Bago natin buksan ang bagong talakayan
ngayong araw, may inihanda akong isang
maikling video clip na may may malaking
kaugnayan sa ating paksang pag-aaralan. Ang
dapat niyo lamang gawin ay makinig at
unawin ang video clip. Dahil mamaya ay
magtatanong ako sa inyo. Naunawan ba?

Matapos ninyong mapanood ang video clip,


ano ang inyong napansin o naobserbahan ukol Ipinakita po sa video clip na pinanuod namin ang iba’t
dito? ibang tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya.
(Tatawag ang guro)

Magaling! Tunay nga na naunawaan ang video


clip na ipinanood ko sa inyo. At ngayong alam MIYEMBRO NG
TUNGKULIN
niyo na ang gampanin ng bawat miyembro ng PAMILYA
NAGLULUTO, NALILINIS,
pamilya, maaari niyo bang sabihin sa akin ang NANAY NAGLALABA, NAG-AALAGA
mga gampanin ng bawat miyembro ng NAGTATRABAHO,
pamilya? TATAY NAGKUKUMPUNI, NAG-
AALAGA
(Tatawag ang Guro) NAGLILINIS, NAGLALABA,
ATE NAGLULUTO, NAG-AALAGA
KUYA NAGLILINIS, NAGLULUTO

BUNSO TUMUTULONG, NAGPAPASAYA

Mahusay! Ang mga salitang inyong ibinigay


ay tumutukoy nga sa mga tungkulin ng bawat
miyembro ng pamilya. Ngayon naman maaari
niyo bang basahin ang mga salitang ibinigay
ng bawat isa?

Magaling! Ngayon ano sa tingin niyo ang Lahat po ng mga salitang ibinigay namin ay pawang
pagkakatulad ng mga salitang inyong mga salitang nagsasaad ng kilos.
ibinigay?

Tama! Ang mga salitang ibinigay niyo nga ay


mga halimbawa ng salitang kilos.

At ngayong araw ang paksa na ating


tatalakayin ay “PANDIWA”.
Pandiwa po, Ginoo.
Ano nga ba ulit ang ating tatalakayin?
MAHUSAY!
Wala pa po.
May ideya na ba kayo kung ano nga ba ang
tinatawag nating Pandiwa?

Kung gayon alamin natin ang kung ano nga ba


mga ito.

D. Talakayan

Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalitang


nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay buhay sa
lipon ng mga salita.

Halimbawa: tumakbo, tumalon, nagluluto,


sumusulat, kumakain

Opo.
Naunawaan ba ang pandiwa at ang mga
halimbawa nito?
Puwede rin pong halimbawa ng pandiwa ang
Kung ganun magbigay nga kayo ng iba pang naglalakad, umaawit, at nagbabasa.
halimbawa.
(Tatawag ng mag-aaral)

Magaling! Mukhang naunawaan niyo na nga kung


ano ang pandiwa. Ngayon naman ay dumako
naman tayo sa pagtalakay sa dalawang uri ng
pandiwa.

Ang Pandiwa ang may dalawang uri:

1. Palipat - kung ang pandiwa ay may tuwirang


layon na tumatanggap.

Halimbawa: Nagsabit ng patalastas sa harap


ng kaniyang bahay si G. Lirio.

2. Katawanin - Ang pandiwa ay ganap o buo na


ang diwang ipinahahayag sa ganang sarili. Hindi
nangangailangan ng tuwirang layong
tatanggap ng kilos at nakatatayo na itong mag-
isa.

Halimbawa: Nagpunta ang kabataan sa bahay


ni Ginoong Lirio.
Naunawaan ba ang pandiwa at ang mga Opo.
halimbawa nito?

Kung ganun magbigay nga kayo ng iba pang Ito po ang aking halimbawa sa pandiwang palipat po
halimbawa sa bawat uri ng pandiwa. Ginoo.
(Tatawag ng mag-aaral)
Bumili ng instrumentong pangmusika ang mga
kabataan.

Magaling! Tunay ngang naunawaan na ang uri ng


Ginoo ito po ang aking halimbawa sa pandiwang
pandiwang palipat. Ngayon naman, magbigay nga
katawanin.
ng halimbawa ng pandiwang katawanin.
Ang mga magulang ay natuwa sa magandang alok ng
guro.

Mahusay! Tunay ngang naunawaan na ang


Opo.
dalalawang uri ng pandiwa. Ngayon naman ay
dumako naman tayo sa pagtalakay sa aspekto ng
pandiwa. Handa na ba?

Ang aspekto ay katangian ng pandiwang


nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari,
mangyayari o isasagawa pa lamang ang kilos.

Ang Pandiwa ay mayroong tatlong aspekto. Ito ay


mga sumusunod:

1. Aspektong Perpektibo - ito ay ang mga


salitang kilos na tapos na o nangyari na.

Halimbawa: tumakbo, tumalon, nagluto

2. Aspektong Imperpektibo - ito ay ang mga


salitang kilos na kasalukuyan pa lamang
nangyayari

Halimbawa: tumatakbo, tumatalon, nagluluto

3. Aspektong Kontemplatibo - ito ay ang mga


salitang kilos na mangyayari pa lamang.

Halimbawa: tatakbo, tatalon, magluluto

Malinaw ba ang tatlong aspekto ng pandiwa at ang Opo, malinaw po Ginoo.


mga halimbawa nito?

Kung ganun muli ay magbibigay kayo ng iba pang Sa aspektong perpektibo po, ito ang aking halimbawa -
halimbawa sa bawat aspekto ng pandiwa mula sa Si Marcus ay sumulat ng isang tula para sa buwan ng
salitang ugat na “SULAT” at gagamitin ito sa wika.
isang makabuluhang pangungusap.
(Tatawag ng mag-aaral)
Tama! Nagamit ng tama ang aspektong
perpektibo ng salitang ugat na sulat. Paano Narito po ang aking halimbawa para sa aspektong
naman kaya sa Imperpektibo? imperpektibo -

Sumusulat ng isang liham si Juan para sa kaniyang


kasintahan.

Magaling! Nagamit rin ng tama ang aspektong


imperpektibo ng salitang ugat na sulat. Paano Ito po ang aking halimbawa para sa aspektong
naman kaya sa Kontemplatibo? Kontemplatibo -

Si Maria ay susulat ng isang sanaysay para sa


patimpalak na kaniyang sinalihan.

Mahusay! Nagamit rin ng tama ang aspektong


kontemplatibo ng salitang ugat na sulat.
Mukhang naunawaan niyo na nga ang ating
paksang pandiwa.

Maliwanag ba ang ating naging talakayan?


Opo.
Mayroon ba kayong katanungan sa Ponemang
Suprasegmental na ating tinalakay? Wala po. Malinaw po ang naging pagtalakay.

Mahusay! kung gayon ay lubos niyo na ngang


naunawaan ang ating paksa! Ngayon ay handa na
kayo para sa pangkatang gawain na aking
inihanda.

E. Paglalapat

Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat,


magbibigay ang guro ng mga gawain na
kailangang masagutan ng tama ng bawat pangkat
at iuulat sa buong klase. Ang grupo na may
pinakamaraming puntos ang mananalo at
magkakaroon ng dagdag sa puntos sa maikling
pagsusulit.

F. Sintesis
Ang video clip po na pinanuod namin kanina ay
 Sa inyong palagay, ano ang kinalaman ng tungkol sa mga tungkulin ng bawat miyembro ng
video clip na aking ipananood kanina sa ating pamilya. Mula rin po sa video clip ay natuklasan namin
paksang tinalakay? ang mga salitang kilos na ginamit upang tukuyin ang
tungkulin ng bawat isa. Sa huli po ay nalaman naming
pandiwa ang tawag sa mga salitang ginamit.
Tama!
(Malayang talakayan sa pagitan ng guro at mag-
aaral)

G. Pagpapalalim

 Bilang isang kabataang Filipino, bakit Mahalaga po ito sapagkat bilang kabataan gaya po
mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang bahagi namin ang wastong paggamit ng iba’t ibang bahagi ng
ng pananalita gaya ng pandiwa? pananalita ay malaki po ang maitutulong upang
maging wasto ang pagbuo namin ng mga pangungusap
o maging ng talata.

Mahusay!
(Malayang talakayan sa pagitan ng guro at mag-
aaral)

H. Pagpapalawig

 Sa kasalukuyang panahon, may magiging


Opo, dahil bilang isang kabataan nararapat lamang na
epekto pa rin kaya ang kakulangan sa wastong
kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa iba’t matutunan namin ang wastong gamit sa iba’t ibang
ibang bahagi ng pananalita? bahagi ng pananalita. Kung sakali po kasing kulang
ang aming kaalaman maaaring mali ang maging
pagbuo namin sa isang pangungusap at magdudulot din
po ito ng maling pagpapakahulugan.

Tama!
(Malayang talakayan sa pagitan ng guro at
mag-aaral)

Mayroon bang katanungan o nais linawin? Wala po.

Kung ganoon ay natitiyak kong handa na kayo


para sa isang maikling pagsusulit.

IV. Ebalwasyon

Kumuha ng isang buong papel. Gamitin ang tatlong


aspekto ng pandiwa sa mga salitang ugat na makikita
sa kahon.
SALITANG PERPEKTIB IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO
UGAT O
1. LARO
2. KAIN
3. IKOT
4. AWIT
5. SAYAW
V. Takdang Aralin

Basahin ang kwentong “Ang Bata at ang mga


Palaka” sa pahina 91-93 ng aklat na Binhi 6.
Itala sa kwaderno ang mga pandiwang ginamit
sa akda, pagkatapos ay tukuyin kung nasa
anong aspekto ng pandiwa ang mga ito.

Inihanda ni:

ACE T. MATEO
Guro sa Filipino

You might also like